Kabanata 7
UMALIS SILANG DALAWA roon sa Venus matapos ang nangyaring kaguluhan doon.
“Bitiwan mo nga ako, Derrick!” sigaw ni Maia sa asawa pero hindi nakinig ang lalaki hanggang sa makarating sila sa sasakyan. Marahas niyang ipinasok si Maia sa loob nito at pinaharurot ang sasakyan.
Tahimik sila pareho hanggang sa makarating sa bahay kung kaya’t sa paglabas na ng sasakyan nakaimik ang babae. Nag-aalala siya kay Erik dahil hindi niya alam ang lagay nito matapos masuntok. Ang malala pa ay nakita ni Helen ang pangyayaring ‘yon. Baka kung ano na ang iniisip niya ngayon dahil sa gianwa ng asawa niya.
“Bakit mo sinuntok si Erik? Nababaliw ka na ba ha?” tanong ni Maia sa kanya. This is the first time that he punched someone else. At hindi lang basta kung sino lang kundi empleyado sa kumpanya niya. Paano na lang ang iisipin ng mga makakakita sa kanila sa oras na ‘yon? Paano na lang kung palakihin ni Erik ang isyung ‘yon at kasuhan siya? Nawala ba sa isip niya ‘yon? Matagal na niyang inaalagaan ang kumpanya at masisira ‘yon sa ginawa niya. Ang malala pa ay baka nga kasuhan siya nito.
Hindi siya pinansin ng lalaki. Dire-diretso lang silang dalawa sa pagpasok sa bahay hanggang sa makarating sa salas. Mukhang nahalata rin ng mga katulong na may gulong nangyari kung kaya’t nagkakagulo silang dalawa ngayon.
“Derrick!” inis niyang tawag sa lalaki nang hindi siya pansinin nito at nagbabalak na umakyat sa itaas. Lumingon sa kanya ang lalaki at tinignan siya pabalik sa mata na malamig pa rin ang ekspresyon.
“I don’t care about him, Maia. That guy deserves my punched,” mariing wika niya rito. “Bakit mo nga siya sinuntok?”
“He’s touching you and I don’t like that, Maia.” Napatitig si Maia sa asawa na ngayon ay masama pa rin ang ekspresyon. Bahagyang natawa si Maia at napailing. She knew that her husband is possessive but it doesn’t mean that he could do whatever he wants to other people. Hindi rin katanggap-tanggap ang rason niya para suntukin ang lalaki. Pwede naman siyang humarang at pigilan si Erik pero imbes na gawin ‘yon ay dinaan niya ito sa dahas.
“Nang dahil lang doon nagawa mong suntukin si Erik?” tanong niya sa lalaki. Umangat naman ang kilay ni Derrick na parang hindi nagustuhan ang tanong nito sa kanya. “It’s not that simple, Maia.”
Huminga ng malalim si Maia at napailing. Paanong hindi simple iyon? Eh kaya niya nga nagawa ‘yon ay dahil pinairal na naman niya ang pagsiselos niya ng wala sa lugar. Ilang beses na ito nangyari noon. He was over protective of her. Naiintindihan naman niya ‘yon noong una dahil nga kagagaling lang niya sa coma noong panahon na ‘yon pero ngayon? She’s fine and she’s having fun with her ‘friends.’
Madadaan naman sa maayos na usapan ang nangyari kanina kung hindi lang nangusap ang kamao ng asawa niya. Natatakot siya sa magiging resulta ng ginawa nitong padalos-dalos na desisyon.
“Hindi porket hinawakan niya ako, pwede mo na siya suntukin, Derrick!” sigaw niya sa lalaki. “He’s your employee and you are his damn employer! Alam mo ba na pwede ka niya kasuhan sa ginawa mong pagsuntok sa kanya ha?” sunod-sunod niyang wika sa lalaki.
“He’s touching you. What do you want me to do? Ang hayaan na manood sa isang sulok habang nakikita ko na nilalandi ng lalaking ‘yon ang asawa ko? He almost kissed you, Maia!” giit ng lalaki.
“Iiwas naman ako. Bakit kailangan mo daanin sa dahas? Paano kung sa ginawa mo ay mabuko tayo ha?”
“Pero hindi ka umiwas diba?” sagot naman ng lalaki na tuluyang nagpatahimik sa kanya. “He caught you offguard at kung wala ako roon, malamang nagkadikit na ang labi ninyong dalawa!” nanggagalaiting wika ng lalaki sa kanya. Naiintindihan naman ni Maia ‘yon. She admits that she was really caught off-guard. At kung tutuusin ay itutulak naman na niya sana ang lalaki kung hindi lang nauna si Derrick sa kanya.
“And why are you still thinking of that? Wala na akong pakialam kung mabuko tayong dalawa dahil balak ko na rin naman sabihin ang totoo sa kanila, Maia,” seryosong wika ng kanyang asawa. Kusang napaawang ang labi ni Maia sa sinabi ng asawa. Hindi niya alam na may plano itong sabihin ang totoo dahil ang akala niya ay habang-buhay na ng asawa niya itatago ang relasyon nilang dalawa.
Buong akala niya ay mas gusto nitong itago ang totoong ugnayan nilang dalawa… o kaya naman kaya niya ginustong itago ay para sa kapakanan nilang dalawa at sa kumpanya. Okay lang naman ang mga ‘yon sa kanya kung iyon man ang rason bakit napagdesisyunan ni Derrick na itago. Alam naman niya kung anu-ano ang mga isyung nasasangkot sa mga CEO na kagaya niya kung kaya’t ganoon na lang ang pagpayag niya ng sabihin nito na itago ang relasyon nila kahit na nadismaya siya kahit papano.
She’s happy, okay? Pero kinakabahan siya sa magiging reaksyon ng mga sasabihin sa kanya ng mga empleyado lalo na at hindi naman siya kagaya ng dati niyang asawa na maganda at sopistikada ang dating. Bukod doon, okay lang ba talaga sabihin ang totoo? She’s not liked his ex-wife who is already beautiful from the start. Hindi rin ito nawalan ng alaala at nasangkot sa isang aksidente noon. At higit sa lahat, paniguradong alam nito ang mga ayaw at gusto ng lalaki. Hindi katulad niya na nangangapa pa rin hanggang ngayon.
“It was a wrong move to keep our relationship as a secret to begin with. Tignan mo nga at pinopormahan ka na ng mga lalaki samantalang akin ka lang.”
“S-Sasabihin mo ang totoo?” gulat na wika ni Maia sa kanya. Tumango naman si Derrick pero tila hindi nawala ang agam-agam na nararamdaman nito sa kanyang dibdib. “Okay lang ba talaga na sabihin ang totoo sa kanila?” tanong niya rito na nagpakunot ng noo muli sa lalaki. “Of course. You are my wife, Maia.”
“I am not like your ex-wife, Derrick,” wika niya sa lalaki. Ayaw na niya magsinungaling at sabihin sa sarili na hindi siya naaapektuhan sa mga nakikita o naririnig niya tungkol sa dating asawa lalo na at nakita niya na ito sa opisina.
“I lost my memory and until now, I still can’t remember you. Ano na lang ang sasabihin ng mga makakaalam no’n?”
“I don’t care about that, Maia. Ikaw ang pinakasalanan ko. I can wait forever until your memories came back,” wika niya na nagpakabog sa dibdib ni Maia.
Nakatitig lang si Maia sa mukha ni Derrick habang iniisip kung paano niya nagagawang sabihin iyon na puno ng kaswal. Na para bang normal lang ‘yon sa kanya dahil siya? Hindi masanay-sanay sa tuwing naririnig niya ang mga ganoong salita.
She knew that Derrick is not a sweet guy. Paano ba naman niya matatawag na sweet guy ang asawa niya kung iilang beses pa lang niya ito nakitang ngumiti simula nang magising siya mula sa mahabang pagkakacoma? Hindi din siya expressive sa mga salita kung kaya’t nahihirapan siya na i-interpret ang mga sinasabi nito sa kanya kaya kapag nagsasabi ito ng mga ganitong salitaan ay hindi niya maiwasan na hindi kiligin.
Umiwas siya ng tingin dahil bigla niyang naramdaman ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Bakit tila ata nabaliktad na naman ang sitwasyon? Hindi ba dapat ay mainis siya rito dahil sa sinuntok niya si Erik? Paano kapag nagkaso iyon? Mas malaking problema nila kapag nangyari iyon dahil baka lumabas ang isyung nanuntok siya. Pero parang nakalimutan na niya ang bagay na ‘yon dahil sa mga sinabi nito.
Bakit ba ang bilis niya maging marupok sa lalaking ito? Hindi porket asawa niya ang gwapong lalaking kaharap niya ay magiging mahina na siya. Pero kasalanan ba niya kung hindi niya magawang tiisin ang asawa niya? Sino ba naman kasi ang makakatiis sa lalaking ganito? Hindi man siya direktang suyuin nito ay kusang natutunaw ang inis na nararamdaman niya dahil sa kung paano siya nito tignan.
“What? Are you still worried about Elise?” tanong ni Derrick na nagpalingon sa kanya. Nakita niya ang maliit na ngisi sa labi ng lalaki na para bang nang-aasar kung kaya’t napasimangot siya rito at napairap. Tama bang sabihin iyon?
“I am not worried about her, Derrick,” mariin niyang wika sa asawa at saka ito inirapan.
“If you are jealous, feel free to say it in front of me, Maia. You don’t have to hide your jealousy just because you’re being considerate with me.”
Nanlaki ang mata ni Maia sa sinabi nito at mabilis na umiling. Ganoon ba talaga siya kahalata? Ang sabi niya ay hindi naman talaga siya nagsiselos at wala siyang pakialam sa babaeng ‘yon dahil nakaraan na iyon. Totoo naman ‘yon kaya lang nang makita niya ang babae sa opisina ng asawa niya ay doon siya nakaramdam ng inggit.
Buong akala niya ay hindi iyon napapansin ni Derrick dahil wala rin naman itong reaksyon pero mukhang nahalata niya iyon at ngayon lang sinabi. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng matinding hiya.
“I am not jealous…”
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito bago ito umiling at yakapin siya. Muli na naman nagwala ang puso niya dahil sa ginawa ng lalaki. He’s not a sweet guy but he could show his affection sometimes. At iyon ang pinakagusto niya sa lalaki.
“What should we do about what you did to Erik?” tanong niya muli sa lalaki.
“Iyon pa rin ang pinoproblema mo?” tanong niya rito. Tumango si Maia sa sinabi niya at napailing na may kasama pang buntong-hininga. “Paano kung magkaso siya dahil sa ginawa mo o di kaya’y mag-quit siya sa pagtatrabaho? Anong gagawin mo?”
“I will tell them the truth about us. So, he could understand why I did that to him.”
KINABUKASAN ay katulad nga ng inaasahan ni Maia ay naging usap-usapan ang nangyari sa bar pero ni isa sa mga pinag-usapan nila ay wala iyong tungkol sa kanilang dalawa ni Derrick. Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil wala pa naman palang naghihinala sa kanilang dalawa.
Siguro ay dahil na rin sa sinabi nilang magkamalayong mag-anak nga sila kung kaya’t hindi nagduda ang mga ito.
“Nakita kita kagabi na dinadarag ni Sir Derrick sa sasakyan. Iisa lang ba kayo ng inuuwian?” tanong ni Helen. Medyo kinabahan siya sa tanong nito at kung paano siya bigyan ng makadudang tingin pero kailangan niya umaktong normal dahil nagkasundo sila ni Derrick na kung walang mangyaring kakaiba bukas ay hindi sasabihin nito ang totoo sa kanila.
Syempre hindi nagawang pumayag kaagad ni Derrick sa kasunduan na ‘yon dahil wala siyang nakikitang dahilan para pumayag at hindi sabihin ang totoo. Mabuti na lang at iginiit niya na mas gusto niya na normal ang trato ng mga tao sa kanya roon at hindi ‘special treatment’ dahil sa mag-asawa nga sila. Akala niya nga ay hindi siya mananalo sa diskusyon nila kahapon, mabuti na lang at hinayaan siya nito at nagpatalo.
Mukhang wala namang kakaiba at natauhan si Erik sa ginawa niya kagabi kung kaya’t walang kasuhan o nakakabang nangyari.
“Yup,” natatawang wika niya. “Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit parang tila galit na galit si sir kahapon? Parang sobra naman ata siya makareak samantalang hindi naman siya ang boyfriend mo, Maia,” dudang wika ni Helen. Napatingin tuloy si Bea sa kanya at naghihintay na rin ng sagot.
Nasa canteen kasi sila ngayon para kumain ng tanghalian at doon lang sila nagkaroon ng chance nap ag-usapan ang mga nangyari dahil tinambakan sila ng trabaho.
“Ganoon lang talaga si sir. Sobra talaga ang pagka-protective niya dahil nga kalayo niya akong mag-anak. Bukod pa roon ay kaibigan niya ang boyfriend ko. Ayaw niya lang siguro na mag-away kami ng kaibigan niya kaya ganoon…” palusot niya.
“Kung sabagay. Nakainom din kasi si Erik kagabi at mal inga naman na halikan ka niya dahil alam niyang may karelasyon ka na. Kahit siguro ako ay magagalit din sa kanya kung nasa posisyon ako ni sir,” wika naman ni Bea.
Bigla naman silang napatigil sa pagkain ng marinig nila ang yabag na nanggagaling sa labas ng canteen. Tunog iyon ng taking na papalapit dito.
“Oh my god, she’s here,” wika ni Bea at napailing. Napakunot naman ang noo ni Maia sa sinabi ni Bea habang nakita niya rin si Helen na parang nanlulumo.
“Bakit kayo biglang ganyan ang mga reaksyon?”
Hindi sila nag-abalang sagutin ang tanong niya bagkus ay pare-pareho silang napatingin sa babaeng kakapasok lang sa cafeteria na nakasuot nga ng pulang damit at pulang high-heels habang hawak-hawak ang kanyang Hermes na pouch.
The woman walked gracefully towards them while smiling. Kitang-kita sa paglalakad niya ang pagsunod ng kanyang banat na banat at mahabang buhok dahil sa pagkakatuwid nito.
“Could you tell me where is your boss, please?”