Kabanata 6
NAGULAT ANG LAHAT nang makita nila si Derrick sa mismong Venus Bar kung nasaan sila kasama si Maia. Hindi tuloy makatingin ng diretso si Maia sa mga kasama niya dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanila kung bakit kasa-kasama niya ang boss niya ngayon dito sa bar.
“Can I join?” wika ni Derrick.
“Oo naman po,” natatarantang wika ni Bea sa kanya at saka ito binigyan ng pwesto. Samantalang uupo sana si Maia sa tabi ni Erik dahil doon bakante nang pasimple siyang hilahin nito papunta sa tabi niya kung kaya’t nanlaki ang mat anito. Hindi naman siya pinansin ng asawa kaya lalong naningkit ang mga mata niya at napasimangot. Mabuti na lang at walang masyadong nakapansin ng ginawa nito kung hindi ay siguradong uulanan sila ng mga tanong nito ngayon. At isa pa, kung papapiliin ay mas mabuti na walang makaalam na mag-asawa sila upang hindi magbago ang trato ng mga empleyado sa kanya. Naisip din niya na magiging malaking sagabal ang bagay na ‘yon kay
“Anong ginagawa ni sir dito, Maia?” tanong ni Bea sa kanya sa mahinang boses. “Hindi ko rin alam. Ang sabi niya ay gusto niyang sumama sa gathering kaya nandito siya ngayon.”
“Sinabi niya ‘yon?” gulat na tanong ni Bea sa kanya na siyang ikinatango naman niya. “Bago ‘yun ah?”
Hindi nagsalita si Maia dahil kahit siya ay nababaguhan sa lalaki. She knew how possessive he can be pero ito ang unang beses na lantaran niya itong pinakita at sa opisina pa talaga. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. Is he trying to reveal their true relationship?
“Erik, balita ko may pinopormahan ka raw sa opisina ah?” tanong ni Daniel. Isa sa mga katrabaho nila. Nagsitawanan naman ang mga ito pero ang nakakaagaw pansin ay nang tumingin si Erik kay Maia na kitang-kita ni Derrick.
“Bakit mo tinitignan si Maia ha?” kinikilig na wika ni Bea. Nanahimik lang naman si Maia sa isang tabi at patuloy lang sa pagkain, tila binabalewala ang iniisip ng mga kasama niya. She’s not affected at all because she knew her place at isa pa, magkaibigan lang naman talaga sila ni Erik. He’s a good friend so there’s no way she can’t treat him badly.
“Ikaw, Maia? May boyfriend ka na ba?” tanong ni Bea sa kanya. Hindi naman siya kaagad nakasagot at bahagyang natawa. “Ano bang tanong ‘yan?” tanong niya habang natatawa pero sa loob-loob ay kinakabahan na siya dahil sa lalaking nanonood sa kanya ngayon.
“Kung may boyfriend ka na nga?” ulit na tanong ni Bea. Napatingin naman silang lahat kay Derrick nang tumikhim ito. “Maia has a boyfriend.”
Umawang ang labi ni Maia sa sinabi ng lalaki. Hindi niya inaasahan na siya ang sasagot sa mga tanong nito sa kanya. Sasagot naman sana siya pero hindi niya nanaisin na sabihin ang mga sinagot nito sa kanila dahil sa takot na baka magtanong pa ang mga ito kung sino ang kasintahan niya. Kaya lang dahil ngayong sinabi na niya ay wala na siyang magagawa kundi ang sumakay dito ngayon.
“Totoo ba ‘yon, Maia?” gulat na tanong sa kanya ni Bea. Maging si Erik, Daniel at ang iba pa nilang kasama ay nakatingin din sa kanya at naghihintay ng sagot. Nahihiya siyang tumango rito.
“Bakit hindi mo sinabi, Maia?”
“It was a secret. My boyfriend doesn’t want to know our relationship because he’s living a low profile. Mahirap na kapag nasangkot siya sa mga isyus kaya pumayag ako at isa pa, mas convenient din siya sa akin,” paliwanag niya sa kanila.
Nakita niya ang pag-angat ng kilay ni Derrick sa sagot niya na para bang may mali roon. Pero wala naman siyang maling sagot. Totoo naman na convenient nga para sa kanya ang pagtago ng relasyon nilang dalawa dahil masasabi niyang totoo ang trato ng mga empleyado sa kanya at hindi kaplastikan lang.
At saka siya naman ang nagbring-up nito. Mano ba iyong sumakay na lang siya sa sinabi nito at magpatuloy na gumawa ng kwento para lang huwag silang mabuking. Mukhang okay lang din naman ‘yon para sa lalaki dahil kita naman niya na wala itong pagrireklamo.
“Huwag mo sana mamasamain ang sasabihin ko, Maia…” wika ni Helen. “Pero sa tingin ko ay hindi magtatagal ang ganyang relasyon. Hindi maganda na itinatago ka ng boyfriend mo kahit na pareho kayong nakakabenepisyo sa sitwasyon niyo. Baka mamaya niyan eh niloloko ka lang pala at hindi mo lang alam.”
“So far, he’s being faithful,” nakangiti niyang wika rito at saka sinulyapan ng tingin muli ang katabi. Kunwari ay kumuha siya ng pulutan sa tabi nito upang masulyapan saglit ang lalaki at makita ang reaksyon nito.
“I think he’s not being faithful, Maia. Kasi kung oo, hindi kinakailangan itago ang relasyon niyo kahit na may sapat siyang rason para itago ‘yon,” giit ni Erik.
“Hindi naman niya ako tinatago, Eri— “Do you like Maia, Santiago?” biglang tanong ni Derrick na nagpatigil sa kanilang lahat. Nakatingin ng diretso ang kanyang asawa sa lalaki na may malamig at madilim na ekspresyon na parang hindi nagugustuhan ang mga pinag-uusapan nila ngayon.
“For you to react like that, you must really like her, Santiago,” dagdag pa ni Derrick sa kanyang sinabi.
“Well… who wouldn’t like her? Maia is nice.”
“But she has a boyfriend so I think it’s better to stop hitting on her, Santiago,” mariing wika ni Derrick. “Sir Derrick, alam niyo po ba kung sino ang boyfriend ni Maia? Hindi ba ay magkamalayo kayong mag-anak?” magalang na tanong ni Helen.
“Yes. Sort of.”
“Then do you think that her boyfriend might be cheating on her?” Mabilis na umiling si Derrick bilang sagot nito na nagpakusang nagpatahimik sa kanila maging kay Maia.
Naguguluhan si Maia sa ikinikilos nito. Isa pa ay hindi niya rin ito nagugustuhan dahil umaaktong territorial si Derrick sa kanya na siyang mahahalata ng mga empleyado kung titignan ng mabuti. If he really cares about what will happen, he should stop talking now. Dahil baka mamaya niyan ay iyon pa ang maging cause kung bakit sila mabubuking.
Wala naman siyang masasabi pa sa sinagot nito kay Helen dahil totoo naman na hindi siya nagloko. Kung nangyari iyon ay wala siya ngayon dito sa harap nila. But maybe, seeing his ex-wife without her knowledge is already considered as cheating. Gusto niya tuloy bigla sabihin ‘yon para makita ang reaksyon ng lalaki pero pinili niya na lang na manahimik dahil baka kung ano pa ang isipin nito.
Ayaw niya mabaliktad ang sitwasyon at sa kanya mapunta ang mga tanong na dapat ay si Derrick naman ang sasagot imbes na siya.
Ang isa pang ikinagugulo ng isip niya ay ang ginagawa nito. Kung ipapaalam lang din naman pala niya ang totoo sa kanila, bakit nito hihilingin sa kanya na itago ang relasyon nilang dalawa? Eh di parang nabalewala lang ang pagtatago nila. Sayang effort. Kaya hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito ngayon o kung ano ang gusto niya palabasin sa pagkausap kay Erik na para bang kulang na lang ay sabihin nito ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa.
Mabuti na lang at napagpasyahan ng mga ito na dumeretso sa dance floor kung kaya’t sila lang ang naiwan sa table.
“Derrick,” tawag niya sa lalaki. Tumingin naman ito sa kanya. “Anong ginagawa mo?” tanong niya rito. Tinaasan lang siya ng lalaki ng kilay. Eton a naman siya sa pagtaas ng kilay at sa paniningkit ng mata. Alam niyang sobrang gwapo nito kapag ginagawa niya ‘yon pero hindi ito ang tamang oras para mahumaling sa kanya.
She needs to ask what he’s trying to do. Para naman hindi siya magulat sa gagawin nito.
“What do you think?”
“Akala ko ba gusto mong itago ang relasyon nating dalawa? Eh kulang na lang, sabihin mo kay Erik ang totoo,” wika niya rito na may halong inis. Hindi na niya napigilan ang inis dahil naguguluhan na siya sa ginagawa nito. Hindi niya alam kung ano ang gagawing pag-aadjust dahil parang palaging nababago ang sagot niya. Bukod doon ay hindi pa magka-match ang sinasabi niya sa aksyon niya.
“Why? Do you like Santiago?” tanong nito sa masungit na paraan na ikinaawang ng labi niya. Gusto na lamang matawa ni Maia sa sinasabi nito. Saan ba nanggagaling ang mga sinasabi nito ngayon? Hindi ba ay sila nga ang kinasal kaya bakit iisipin nito na may gusto siya sa lalaki? Nasisiraan na ba talaga ito ng bait?
Dahil sa sinabi nito ngayon ay lalong lumala ang inis na nararamdaman niya para rito. Babalewalain naman na niya sana at gusto lang sana malaman ang dahilan pero imbes na sagutin siya ng matinong sagot ay binalikan lang siya ng panibagong tanong. Sinong pontio-pilata ang matutuwa kung ganoon ang ire-reply sa’yo? Kaya nga siya nagtanong ay para malaman ang sagot pero tinanong siya nito pabalik. Tss.
“Ano bang sinasabi mo dyan, Derrick? Hindi ba ikaw naman ang may gusto na itago ang relasyon nating dalawa? Sumunod lang ako sa gusto mo dahil pabor din sa akin. At isa pa, kung gusto ko si Erik, tingin mo ba ay makikita moa ko ngayon dito sa harapan mo?” diretsa niyang tanong sa lalaki na hindi nagpaimik dito. Sa inis niya ay nilayasan niya ang lalaki at nagtungo sa dance floor. She heard him shouting her name pero hindi niya ito pinansin.
It should be the best night for her dahil nandito siya para makisaya ngayon pero hindi nangyari ‘yon dahil sa pagsama sa kanya ni Derrick na hindi naman dapat.
Ni hindi niya nga alam kung ano bang ikinapuputok ng butsi nito tapos mamanduhan siya ng ganoong salita? Sinong hindi maiirita roon? Tss.
Huminga ng malalim si Maia. Sa gitna ng malakas na tugtugan ay nahanap niya si Erik na sumasayaw kung kaya’t nakisali siya sa kanya at nakisayaw na rin. They are dancing gracefully until Erik hold and touch her waist. Medyo nabigla siya roon dahil hindi naman siya sanay na hinahawakan pero binalewala niya iyon dahil nasa dance floor siya. Ang nasa isip niya ay baka ganoon lang si Erik kapag nagsasayaw kung kaya’t hindi niya iyon alintana.
At imbes na tumigtil na sa pagsayaw ay nakuha pa niya gumiling sa lalaki na para bang nang-aakit. She was smiling from ear to ear because she was enjoying herself on the dance floor with Erik. Pakiramdam niya ay matagal na niyang ginagawa ang pagsasayaw. It suddenly gives her a comfort kung kaya’t lalo siyang nasiyahan sa nararamdaman niya.
Pero kaagad na natapos ang saya na naramdaman niya lalo na nang hawakan siya ni Erik sa mukha at tangkain na halikan matapos na magkalapit ang mga kanilang katawan ng hindi sinasadya dahil sa pagsasayaw. Alam din niyang nakainom na rin ito kung kaya’t alam niyang wala na ito sa wisyo. Pipigilan niya sana ito at kakausapin nang humandusay na ito sa sahig dahil sa pagkakasuntok ng lalaki na ngayon ay madilim ang ekspresyon at galit na galit. Napatili siya at nagkagulo ang mga tao. Parang biglang natigil ang kasiyahan dahil sa pagkakahandusay ni Erik.
Hinanap ni Maia ang sumuntok sa lalaki at tama nga siya ng hinala. Nakita niya lang naman si Derrick na mabilis ang paghinga. Taas-baba ang dibdib nito dahil sa ginawa niyang pagsuntok sa lalaki.
Gusto niyang tulungan si Erik na makatayo pero alam niyang lalong lalaki ang haharapin niyang galit mula sa asawa sa oras na tulungan niya itong makatayo. Derrick probably saw what he’s trying to do at kahit alam n ani Erik na may boyfriend siya ay talagang nakuha pa nitong tangkain siyang halikan na siyang ikinagalit naman noong isa.
Mabuti na lang at may tumulong kay Erik na makatayo. Lumapit din si Helen at saka sinulyapan si Maia at ang boss niyang si Derrick na bakas pa rin ang galit.
“What do you think you are doing to her huh, Santiago?” mariing wika nito sa lalaki. Hindi naman nakasagot ang lalaki na kakatayo lang at pinupunasan pa ang naputok na labi.
“Next time you’ll touch her, hindi lang iyan ang aabutin mo,” dagdag pa niya at saka hinila si Maia paalis sa bar na ‘yon.