Kabanata 8
“Alliyah, what are you doing here?”
IYAN kaagad ang bungad ni Derrick sa babaeng dumating sa cafeteria. Hinatid siya ni Maia sa opisina kung nasaan ang boss niya dahil kadarating lang nito galing sa isang meeting sa isa sa mga investors ng kumpanya.
‘They seemed close’
Iyan ang mga salitang lumabas sa isip ni Maia nang makita silang dalawa. Dahil nga hinatid niya ang babae sa opisina na nagngangalang Alliyah ay hindi niya maiwasan na hindi mag-obserba sa kanilang dalawa. Kaano-ano niya kaya ang babaeng ‘yon? Mukhang close silang dalawa ng asawa niya. At wala man lang ikinuwento si Derrick tungkol sa babaeng ‘yon.
‘She’s also pretty but Elise is prettier than her.’ Kumento ni Maia sa kanyang isip dahil kung mukhang maldita si Elise, mas halatang maldita ang ‘Alliyah’ na ‘yon at may pangit na ugali. Ayaw niya mag-judge base sa panglabas na kaanyuan o sa suot nito dahil hindi naman siya mapanghusgang tao pero ayun kaagad ang naisip niya.
“You can leave now,” wika ni Alliyah sa kanya na siyang ikinagulat niya. Hindi siya kaagad nakakilos at tila nabigla sa sinabi nito. Medyo nakaramdam din siya ng takot dahil nga alam niyang may pagkamataray ang babae na siyang mahahalata naman base sa kilos at sa kung paano kumausap ng tao.
Tinaasan pa siya nito ng kilay kung kaya’t napatingin siya kay Derrick pero wala itong reaksyon. Abala ito sa pagpirma ng kung anu-anong mga papel sa lamesa niya habang nakikipag-usap sa babaeng kaharap niya kaya hindi nito nakita ang ginawa noong babae sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi na naman mainis sa kanya kahit kakaayos lang nilang dalawa dahil sa nangyari sa kanilang tatlo nila Erik.
Lumabas siya ng opisina na nakasimangot. Kaagad naman niyang nakita ang dalawa niyang kaibigan na tila kinakabahan dahil sa nangyari. “Ano? Kamusta?” tanong ni Helen sa kanya.
Umirap lang si Maia at umiling. “Tama nga kayo. Masama nga ang ugali niya. Pero kaano-ano ba siya ni Sir Derrick at parang close na close silang dalawa?”
Ayaw sana magtanong pero para siyang mamatay kapag hindi niya nalaman ang totoong relasyon ng babaeng ‘yon at ng asawa niya. Lalo na at nakita niya ito kung paano umakto sa harap ng lalaki. Kulang na lang ay sumampa siya sa harap nito at halikan.
Gusto niya sana komprontahin na naman ang asawa niya tungkol dito pero bigla siyang napatanong sa kanyang sarili na sa tuwing magdududa na lang ba siya sa mga babaeng kasama niya ay magtatanong siya? Baka mamaya hindi na babae ang pag-awayan nila kundi tiwala na dahil parang ang lumalabas sa ginagawa niya ay wala siyang tiwala sa lalaki.
Kaya naman imbes na magtanong siya sa asawa niya ay sa mga katrabaho na lang siya nagtanong. Hindi niya rin alam kung nabanggit na ito ni Derrick sa kanya noon pero may kutob siya na wala at hindi niya kilala ang babae kahit noong kinasal na sila o bago mangyari ang insidente.
‘Ilang babae pa kaya ang itinatago nitong si Derrick?’ wika ng kanyang isipan na nagpailing na lang sa kanya. Kada matatapos kasi ang problema nila ay may panibago na namang lilitaw na babae at manggugulo sa kanila na para bang nasa teleserye silang dalawa katulad na lang nito.
“Hindi ko alam kung totoo ang haka-haka pero siya ang sinasabing girlfriend ni Sir Derrick, Maia,” wika ni Bea sa kanya. Ang maamong mukha ni Maia ay biglang nawala at napalitan ng malamig na ekspresyon dahil sa kanyang narinig.
Hindi niya alam kung tatawanan ba niya ang sinabi ni Bea na ‘yon o magkukunwari siyang walang narinig at hindi papansinin ang sagot nito. Pero alinman sa dalawang ‘yon ang piliin niya ay sigurado siyang hindi siya basta-basta magagawang patahimikin ng kanyang isipan.
Girlfriend? Ang babaeng ‘yon ang kilalang girlfriend ni Derrick samantalang siya na asawa ay wala man lang nakakakilala sa kanya. Kapag nagkabukingan ay tiyak na mas papaniwalaan ang Alliyah na ‘yon kesa sa kanya na may hawak na marriage certificate at singsing. Parang gusto niya ngayon magwala sa inis na nararamdaman niya dahil sa sagot ni Bea. Hindi siya makapaniwala na may kinikilala palang girlfriend ni Derrick ang mga tao rito. Kung alam lang niya ‘yon ay hindi n asana siya nagtaka kung bakit ayaw ipaalam ni Derrick ang totoong relasyon nila.
At dahil iyon sa may ‘girlfriend’ kuno pala ang asawa niya. Akala niya kaya ayaw nito ipaalam ang totoo ay dahil kay Elise pero mukhang may iba pang dahilan at eto na nga iyon.
Labis-labis na inis at halu-halong emosyon ang kanyang naramdaman. Muli ay tumahimik siya sa isang sulok na parang may malalim na naman na iniisip na kaagad na napansin ni Helen.
“Bakit parang may malalim ka atang iniisip dyan?” tanong ni Helen sa kanya.
“Wala. May tanong lang ako.” Kumunot ang noo ni Helen sa kanya at saka nagsalita. “Ano naman ‘yon?”
“Kung girlfriend ni Sir Derrick si Ms. Alliyah, ilang buwan na sila?”
“Hindi sila buwan, taon na sila. Isang taon na mahigit ang alam ko,” sagot ni Helen na lalong nagpasama sa kanyang loob.
Kung isang taon na mahigit silang magkasintahan, ibig sabihin isang taon mahigit na rin nagsisinungaling si Derrick sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung ano na ang dapat niya maramdaman ngayon sa mga oras na ‘to dahil sa mga nalaman niya.
Ang sabi ng asawa niya ay gusto na rin naman nito sabihin ang totoo tungkol sa kanila pero paano niya pa papaniwalaan ang mga ‘yon kung ganitong haka-haka ang naririnig niya. Ni hindi niya nga makokonsidera na isang haka-haka ang mga ‘yon dahil mukha naman totoo ang mga sinasabi ng mga kaibigan niya. At isa pa, wala naman itong mga dahilan para hindi magsabi ng totoo at kung isa nga lang haka-haka nga iyon, dapat ay matagal ng nilinaw ‘yon ni Derrick na walang namamagitan sa kanila ni Alliyah pero wala. Hanggang ngayon ay magkasintahan pa rin ang mga alam ng mga tao niya na natural lang na ikinainis niya dahil alam niyang hindi iyon totoo at siya ang asawa.
Paano na lang kung hindi niya mapigilan ang sarili niya na sabihin ang totoo at kalimutan ang mga iniisip niya sa mga empleyado tungkol sa kanya? Siguradong pagtatawanan siya ng mga ito at sasabihi na isa siyang ilusyonada dahil ang babaeng ‘yon ang totoong girlfriend ni Derrick sa mga mata nila na hinahayaan lang ng asawa niya.
NOONG HAPON na rin iyon ay nagpatawag ng biglaang meeting si Derrick. At dahil nga siya ang bagong secretary nito ay kinakailangan niya sumama sa meeting nito kahit na ayaw niya na makita ang pagmumukha ng lalaki. Wala tuloy siyang ginawa kundi hindi pansinin ang olalaki at magkunwaring walang pakialam dito. Kaya lang kahit anong hindi niya pansin ay napapansin pa rin niya ang bawat galaw ng kanyang asawa at sa babaeng kasama nito na si Alliyah.
Mukhang isa nga sa mga major investors itong si Alliyah dahil kasama siya rito sa meeting. Siguro ay siya ang kinita ni Derrick noong nakaraan at hindi man lang nito sinabi ang tungkol doon na babae pala ang kinita niya. At hindi isang babae lang kundi girlfriend niya ayon sa mga nakakakilala sa kanya sa opisina.
Sinusubukan naman niya umaktong normal pero kahit anong gawin niya ay hindi niya iyon magawa lalo na at matindi ang inis na nararamdaman niya ngayon.
Wala siyang naintindihan sa pinagmitingan nila bukod sa mga sunod-sunod na meetings at out-of-town ni Derrick na may kinalaman sa trabaho. Sinulat niya ang mga ‘yon sa kanyang digital planner aty pagkatapos ay lalabas na sana sa meeting dahil tapos naman na kung hindi lang siya tinawag ni Derrick.
“Maia, can we talk?” tanong niya rito at animo’y hinawakan pa siya sa braso. Mabuti na lang at walang masyadong nakakita no’n dahil tiyak na lagot sila pareho sa oras na may makakita no’n. Medyo kinabahan pa nga siya pero sa huli ay nakontrol niya rin ang kabang naramdaman at bumalik sa pag-aktong normal. Si Alliyah ay lumabas saglit para magrest room pero siguradong babalik din siya rito.
Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Derrick sa kanyang braso at pagkatapos ay saka ito tinignan. “What is it?”
“Let’s have dinner outside. Doon natin pag-usapan.” Mabilis na umiling si Maia sa kanya at saka siya tinignan sa mata. She remained her poker face while looking at him. “I don’t think dinner is needed for some trivial matter, sir. Why don’t you invite your girlfriend and have a romantic dinner with her instead?” wika niya at saka lumayo kay Derrick nang mapansin niya ang pagdating ni Alliyah.
Bago siya tumalikod at umalis sa kwartong iyon ay nakita niya ang pag-igting ng panga ni Derrick sa sinabi niya. Alam niyang hindi dapat siya umakto na parang immature pero lahat na lang ba ng mga kailangan niya malaman na importante sa asawa niya ay malalaman niya sa iba? Bakit hindi nito magawang ikwento ang mga ‘yon sa kanya para hindi naman siya nagugulat sa mga ganitong usapin?
Ayaw niya naman sa umakto ng ganoon eh. Kung tutuusin nga ay dapat papayag siya dahil sabi nito ay mag-uusap sila. Pero naisip niya na hindi naman pwedeng maging sunod-sunuran na lang siya sa asawa niya lalo na at maraming babaeng umaaligid sa kanya.
Kung kaya’t iyon ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. At alam niya rin na hindi gusto ni Derrick ang mga salitang ‘yon. Pero masisisi niya bai to? Sa iba na naman niya nalaman ang tungkol sa kanilang dalawa ni Alliyah. He has the time to tell her about them pero ni ha ay wala siyang narinig dito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng inis doon diba?
Akala ni Maia ay makakaalis na siya nang tuluyan kay Derrick dahil nga umalis na siya roon sa meeting room nang habulin siya nito at muling hinawakan ang kanyang kamay na siyang ikinagulat niya.
Napatingin siya sa paligid at saktong nandoon lang sila Helen nang mangyari iyon. Kahit si Erik na ngayon lamang niya nakita at nais sana kausapin tungkol sa nangyari kahapon ay nandoon din. Ang mas malala pa ay nandoon din si Alliyah dahil sinundan niya ang lalaki nang lumabas ito para sundan siya at pigilan.
“Derrick…” mahinang wika niya sa lalaki pero hindi ito nagpatinag. “It’s not what you think, Maia.”
Halos mabingi siya sa pagkabog ng kanyang puso. Pilit niyang inaagaw ang braso niya sa asawa pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa paraang hindi siya masasaktan at hindi magmamarka ang pagkakahawak nito sa kanya.
“Derrick, what’s happening here?” tanong ni Alliyah. Nagpapalipat-lipat na ang tingin ng dalaga sa kanilang dalawa at bakas doon ang labis na hindi pagkagusto sa nakita.
“Can you let go of my arm, Sir Derrick?” mahinahong wika ni Maia sa kanya pero mabilis na umiling ang lalaki na nagpasinghap sa mga taong nakapaligid at nakakakita sa kanila.
“Derrick? Bakit hawak-hawak mo ang kamay ng sekretarya mo?” inis na tanong ni Alliyah sa lalaki. Mukhang naiinis na rin ang babae dahil wala itong nakukuhang matinong sagot mula sa kanyang asawa.
“And you? What’s your relationship with your boss?” tanong ni Alliyah sa kanya. Lumingon si Maia sa babae at pagkatapos ay inilipat ang tingin sa lalaki.
“Bakit hindi ka makasagot? Anong relasyon mo— “Can you zip your mouth for a minute, Alliyah? I am talking with my wife.”