Kabanata 2
Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kuwarto rito sa hotel at umaasang hindi pa gising si Derrick nang bumalik ako pero sa pagharap ko ay nakita ko lang naman siyang nakatayo sa harap ko habang nakakrus ang magkabilang braso at nakakunot ang noo niya sa akin.
“Saan ka galing?” tanong niya sa akin.
“D-Dyan lang sa labas,” nakayuko kong wuika sa kanya.
“I told you not to go out alone, Maia. Ilang beses ko ba sasabihin iyon sa’yo?” galit na sabi sa akin ni Derrick. Para akong bata na pinapagalitan ngayon ng sarili kong tatay dahil sa kanya.
“Pasensya na, Derrick. Tulog ka kasi kaya hindi na kita inistorbo,” nakayuko kong sabi sa kanya. Ayaw na ayaw ni Derrick na lumalabas ako mag-isa dahil baka raw may masamang mangyari sa akin. Ang kaso lang nainip kasi ako kanina kaya lumabas ako ng walang paalam. Ayoko naman siyang istorbohin nang dahil lang sa bagay na ‘yon. Alam kong pagod pa siya dahil puro trabaho ang iniintindi niya.
Huminga siya ng malalim. “It’s fine. Just don’t do it again. Hindi mo alam kung ano ang pasikot-sikot dito,” sagot naman niya sa akin at saka hinawakan ang aking ulo at ginulo ang buhok. Imbes na mapasimangot ay natuwa pa ako dahil doon sa gesture niyang ‘yon.
“Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin?” tanong niya naman sa akin. Ang kanyang teeshirt na v-neck na may stripes na design ay wala na sa ayos. I guess masyadong malaki ang teeshirt na ‘yon na binili ko para sa kanya. Pero sabi niya kasi ay okay lang ‘yon sa kanya dahil sanay naman siya magsuot ng malalaking damit dahil doon siya mas kumportable.
“Wala akong ideya kung anong mga pagkain dito eh,” wika ko sa kanya. Nanatili kami ni Derrick sa ibang bansa ng dalawang taon matapos ako magising mula sa pagkakacoma. Kailangan ko kasi magrecover at ang pagbyahe pauwi dito sa Metropolis ay malaking risk para sa akin. Kaya naman naghintay pa kami ng isa pang dalawang taon bago makabalik dito.
Kakauwi lang namin ni Derrick galing ibang bansa at dito kami sa Saubea nagtigil dahil may mga kailangan siyang kitain na kliyente rito. I’ve never been here before but it’s familiar. Siguro ay dala na rin ito ng pagkawala ng memorya ko noon.
Derrick told me that I got into an accident where I lost my memories. Sabi pa niya, I’ve been in comatose for two years after I got married to him. Nakakalungkot dahil hindi ko maalala ang mga nangyari noon pero tinulungan niya ako makapagsimulang muli. Bukod pa roon ay sinabi niya sa akin na isang taon na kaming kasal at walang anak sa ngayon dahil focus siya sa trabaho niya.
Hindi ako makapaniwala noong una but when he showed me the ring, photos of our wedding and our marriage certificate, doon ako naniwala.
At first, I was afraid of him. Nakakaintimidate kasi siya noong una at kahit sinabi niya na sa akin na asawa ko nga siya ay ilag pa rin ako sa kanya. Pero nawala ang lahat nang ‘yon nang tyagain niya ako. Kinuha niya ang tiwala ko katulad noong unang araw naming pagkakakilala at ngayon ay buo na ang tiwalang ibinibigay ko sa kanya. I know that he could protect me from any harm. Hindi pa sinasabi sa akin ni Derrick hanggang ngayon kung bakit ako naaksidente. Makakasama daw iyon sa akin kaya hindi na ako nagtanong kahit na gustong-gusto ko siya tanungin.
Nawala na rin ang takot ko sa kanya dahil napatunayan kong siya ang pinaka-gentle na taong nakilala ko sa buong buhay ko. And I am thankful that he’s my husband.
“Sabi sa akin ng mga taga-rito ay may kumausap daw sayong lalaki?” seryosong tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo niya at nakaarko pa ang isang kilay habang nakakrus ang magkabilang kamay. Napailing ako sa aking isipan.
Kahit nawalan ako ng alaala, hindi mahirap sa akin na hindi mabasa si Derrick. He’s easily jealous and possessive of me. Ayaw na ayaw niyang nakikipag-usap ako sa ibang tao lalo na at hindi naman niya ito kilala. Hindi ko alam kung sadyang pinoprotektahan niya lang ako dahil ayaw niya maulit ang nangyari noon o sadyang ganoon lang talaga siya.
“Ahh, oo. Napagkamalan niya kasi ako na girlfriend niya. Nagulat nga rin ako eh,” sagot ko sa kanya.
“I see.” Akala ko ay may mahaba pa siyang sasabihin pero isang I see na may kasamang pagtango lamang ang natanggap kong sagot mula sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ‘yon o hindi. Para naman siyang napaisip sa sinagot ko sa kanya.
“How does he look like?” tanong niya naman sa akin. Naningkit ang mga mata ko sa kanya at saka umiling. “Well. I guess he looked cute.”
“Is there any problem?” tanong ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin at saka tumayo. “Next time, tell me if someone approached you again. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang umaksidente sa’yo, Maia. I hope you remember that,” paalala niya sa akin,” wika niya naman sa akin. Muli akong napatango dahil doon. Ilang beses na niya sinabi sa akin iyon pero eto ako at pasaway pa rin samantalang kapakanan ko lang naman ang kanyang iniisip.
Sa totoo lang ay wala akong ideya kung sino ang gusto pumatay sa akin o kung ano ba talagang pakay nila sa akin. Nag-aalala tuloy ako na may ginawa akong masama sa nakaraan na dahilan ng pagtugis nila sa akin. Sana ngayong matagal na akong nawala sa paningin nila ay wala ng masama na mangyari pa sa akin. Ayokong mag-alala pa ulit si Derrick dahil lang sa akin. Lalo na at baka mapahamak pa siya. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa asawa ko.
“Tara na,” sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at saka tumingala. Mas matangkad kasi siya sa akin kung kaya’t kapag nakaupo ako sa kama ay para siyang higanteng tinitignan ako.
“Saan naman?” Ngumiti siya sa akin at saka inilahad ang kanyang kanang kamay.
“Gusto mong maglibot hindi ba?” nakangiting yaya niya sa akin. Halos magningning naman ang mga mata ko nang dahil sa labis na pagkatuwa. Hindi kami masyadong nagkakasama nitong si Derrick dahil puro siya trabaho. Minsan nga ay sinasaway na siya ni Tita Nerissa dahil sa pagiging workaholic niya.
“Pwede?” nakangiting tanong ko sa kanya.
“Of course,” nakangiting wika naman niya sa akin.
Masaya kong tinanggap ang kamay niya at tumayo na.
Lumabas kami ng hotel ni Derrick. Kumain din kami sa labas at naglibot-libot sa mga souvenirs shop. Naligo rin kami sa dagat pero kaagad na natapos iyon nang tumawag na sa kanya ang secretary niya.
Derrick is the CEO of Guillermo’s Corporation. Kung tutuusin nga ay nagulat din ako na malaman iyon na asawa ko pala ang may-ari ng Guillermo’s Corporation na kilala sa bansa. Lalo tuloy akong naging proud sa kanya.
Kahit na hindi ko siya masyadong kilala dahil nga nawala iyong memorya ko ay hindi naman ako naging manhid para hindi malaman na mabuting tao si Derrick. At iyon ang isang bagay na ipinagmamalaki ko.
Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa isang seafood restaurant at kumakain ng dinner nang tumunog ang cellphone at lumabas ang screen name ng secretary niya na si Anne. Akala ko nga noong una ay babae niya iyon eh kaya nang malaman ko na secretary niya iyon ay halos magtago ako sa sobrang hiya. Nagselos kasi ako noon at isang linggo akong inasar ni Derrick sa pag-aakalang babae niya si Anne. Mabuti na lang at ipinaliwanag sa akin iyon ni Derrick.
Hindi niya naman kasi ako sinasama sa mga trabaho niya noong nasa ibang bansa kami. Ang sabi niya kais sa akin ay hindi pa raw ako pupwede magtrabaho. Nang gumaling na ako ay nagpumilit ako sa kanya na pagtrabahahuhin ako sa kumpanya para hindi ako nababagot sa bahay. He doesn’t have any choice but to say yes dahil kahit si Tita Nerissa ay pumayag din sa gusto ko. Sumakto din naman na kakailanganin niya ng bagong secretary dahil sa lunes ay simula na ng maternity leave ni Anne. Buntis kasi ito ngayon at malapit na rin manganak.
“Sorry, I have to answer this call,” wika niya sa akin. Tumango naman ako. Sinagot niya ang tawag. Bagama’t wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila ay alam kong tungkol na naman ‘yon sa trabaho. I wish he could stop from being workaholic sometimes. But I can’t ask for more because I know that he’s making efforts to make me happy.
“Okay, sige, babalik kami dyan ngayon din,” matuwid niyang wika sa akin.
Binaba niya ang telepono at saka ako tinignan. Parang hindi alam kung paano sisimulan ang dapat sasabihin. Inabot ko ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa at hinawakan iyon bago siya tinignan sa kanyang mga mata. “May problema ba?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.
“I am sorry but we have to go back tonight. Mr. Renato wants to see me first in the morning tomorrow or else I will lose him as an important client,” wika niya sa akin. Gusto ko manghinayang dahil pagkatataon na naming ‘to na magkaroon ng oras para sa isa’t isa pero mukhang mapupunarda pa ata ang bagay na ‘yon dahil sa trabaho niya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mainggit sa trabaho niya dahil mas malaki pa ang oras na nilalaan nito kesa sa akin. But of course, I can’t say that to him. Parang ang selfish lang sa pandinig ko kapag ganoon.
“Sure. Bumalik na tayo,” sagot ko sa kanya at saka ngumiti.
“Are you sure?” nag-aalalang tanong niya sa akin. “We can finish the dinner.” Umiling naman ako sa kanya. “Mas lalo lang tayong gagabihin kapag nanatili pa tayo rito. Tatanghaliin ka rin ng gising,” sabi ko sa kanya.
“I am sorry. I made a promise to you that you will enjoy this vacation.” Umiling ako. Marami na nagawa si Derrick para sa akin at sa tingin ko ay okay na iyon. Sobra-sobra pa nga ang natanggap ko na pambawi niya kapalit ng wala palagi sa bahay.
“It’s fine.”