Kabanata 1

809 Words
  Kabanata 1   Isang malakas na putukan ang aking narinig sa loob ng malaking gusali kung saan kami nanatili pansamantala. Nagsimula maalarma ang mga tao dahil sa malakas na putok na iyon. “Train. Anong nangyari?” tanong ko sa kanya. Nagmamadali siyang tumakbo papunta rito. Nahalata ko iyon nang makita ko ang pagbilis ng kanyang paghinga at pawis sa kanyang noo. “Napasok tayo ng mga kalaban!” mabilis niyang wika sa akin. Paano kami napasok ng mga kalaban? Sa pagkakaalam ko ay walang nakakaalam ng hideout namin na 'to. Pero hindi iyon ang importante ngayon. Kailangan namin makatakas. Hindi kami pwede mahuli ng mga kalaban namin dahil tiyak na katapusan na namin kapag nangyari ang mga 'yon.  Kaagad akong kumilos sa sinabi niyang iyon at kinuha ang mga baril na nasa drawer. Kumuha rin ako ng bag at inilagay ang gamit ko roon. Kailangan ko makatakas. Kailangan namin makatakas. “Sila Mama?” tanong ko sa kanya. “Kanina pa sila nakaalis gamit ang helicopter. Anong gagawin natin?” “Lumikas na tayo. Kailangan natin mabuhay. Dalhin niyo iyong mga kaya niyong dalhin na armas at pagkatapos ay lumipat sa bagong hideout. Tawagan niyo si Papa tungkol sa nangyari," utos ko sa kanya. Sa pagkakataon na 'to ay ako ang lider nila ngayon dahil kakaalis lang nila papa. Kailangan ko ma-assure ang bawat kaligtasan ng aking mga tao. They are not just my people but family as well. Kasama ko na sila simula nang lumaki ako.  “Bilisan niyo! Wala na tayong oras!” sigaw ko sa kanila. Tumango sa akin si Train at saka ginawa ang gusto ko. Kaagad naman silang nagkanya-kanyang kuha ng mga gamit at isa-isang isinukbit iyon sa bag. "Doon kayo sa exit dumaan. Mas safe 'yon. Hindi nila alam na may sikretong daan dito sa hideout," wika ko sa kanila.  “Astrid, paano ka?” tanong niya sa akin. Kailangan ko kunin ang atensyon nila subalit alam kong tutulan ako ni Train kapag nalaman niya ang gusto kong gawin. Siguradong pipigilan niya ako dahil ayaw niyang may mangyaring masama sa akin.  “Huwag kang mag-alala sa akin, Train. Kaya ko ang sarili ko.”  “They are coming after you!” giit niya sa akin. Palaging sinasabi sa akin ni Train na nabuhay siya para protektahan ako at dapat na iyon matigil ngayon. He has to live because he needs to. “I know! Pero hindi naman pwedeng ako palagi ang iligtas mo. May mga tao rin sa organisasyon na kailangan mo iligtas, Train. Hindi lang ako," paliwanag ko sa kanya. "Pangako, makakarating ako sa hideout ng buhay. Mas kailangan ka nila ngayon kesa sa akin," dagdag ko pa. Yinakap niya ako at hinalikan sa noo. Mabilis siyang tumakbo palayo sa akin. Nang hindi ko na siya makita sa aking paningin ay umalis na rin ako.  Dala ang aking bag at mga sari-saring armas ay dahan-dahan na lumabas ng gusali. Kailangan ko magtago. Hindi nila ako pupwede mahuli dahil kapag nangyari iyon ay katapusan na ng lahat. I have to save myself. Kaagad akong sumakay sa sasakyang nakita ko at pinaandar iyon. Akala ko ay walang makakasunod sa akin dahil panay ang putok ng baril ang aking naririnig pero nagkamali ako.  Nagawa pa rin nila akong sundan. Pinapaputukan nila ako ng baril sa may sasakyan. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan para hindi nila ako magawang maabutan. Binuksan ko ang bintana sa harap at pinaulanan din sila ng bala ng baril habang nagdadrive. “Sht!” sigaw ko nang tumama ang bala sa may gilid ng sasakyan. Pinipilit kong pumreno pero ayaw! Tuloy pa rin ang mabilis na pagtakbo ng sasakyan. Marami na rin akong sasakyan na nababangga dahil sa bilis ko magpatakbo at ngayon ay tuluyan na siyang nawalan ng preno. Anong gagawin ko? Hindi ako pwede mamatay! Hindi pwedeng hanggang dito na lang ako.  Nakaalis na kami sa Metropolis at kasalukuyang patungo sa Saubea. Nasa malapit na kami sa bangin habang tuloy pa rin ang pagpapaputok nilang ginagawa sa akin. Wala na akong bala kaya tinapon ko ang baril na 'yon sa kanila. Sinabugan ko sila ng granada subalit mabilis iyong naiwasan. Tsk.  Inalis ko ang seatbelt ko. Mahuhulog ako sa bangin kaya kinakailangan ko makaalis bago bumulusok ang sasakyan doon. Mabilis kong inabot ang gamit ko at isinukbit iyon sa balikat ko. Kailangan ko tumalon. Bahala na. Ang importante ay kailangan ko mabuhay. Ako na lang ang inaasahan ni daddy na magtaguyod sa organisasyong pinatayo niya mismo.  Binuksan ko ang sasakyan at handa na sanang tumalon kung hindi lang dumeretso ang sasakyan sa may bangin kasama ako. Unti-unti akong lumabas sa sasakyan at gumapang kung saan ako abutin. Nanlalabo na rin ang aking paningin. Nakita ko ang cellphone kong umilaw at lumabas doon ang pangalan ni Train. Hindi ko na iyon nagawang sagutin dahil tuluyan nang nanilim ang aking paningin. Train…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD