Kabanata 3

2211 Words
Kabanata 3 BUMYAHE silang dalawa ni Derrick pabalik sa Metropolis. Hindi maiwasan ni Maia na malungkot dahil ilang oras lang ang itinagal para makasama si Derrick. Pero kahit ganoon ay pilit niya itong iniintindi dahil alam niyang hindi siya pwede magreklamo. Alam niyang maraming empleyado ang umaasa sa kanya. Gusto niya itong makilala ng mabuti kaya naman ganoon na lang kagustuhan niya makasama ang lalaki. Pero dahil sa trabaho ay kinakailangan na nilang bumalik sa syudad kung saan ito nagtatrabaho. Nawalan siya ng alaala kung kaya’t wala siyang maalala tungkol sa kanilang dalawa ni Derrick. Nagising na lamang siya sa isang ospital kung nasaan ito at kasalukuyan siyang binabantayan. Wala siyang maalala. Ni hindi niya nga maalala ang sarili niyang pangalan. Ang sabi ng doctor ay nagkaroon ng hemorrhage sa kanyang utak kung kaya’t nawala ang alaala niya. Pero babalik din iyon sa tamang panahon. Nagpakilala si Derrick na asawa niya. Noong una ay hindi siya makapaniwala na may asawa siya pero patunay ang singsing na kanyang suot pati na rin ang marriage certificate na ipinakita sa kanya ni Derrick. Pero sa kabila ng mga ipinakita sa kanya ng lalaki ay may kung ano siyang hindi maipaliwanag na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Para silang estranghero sa isa’t isa at hindi isang mag-asawa. Bukod doon ay kahit ilang buwan na silang magkasama simula ng magising siya sa ospital ay wala pa rin siyang maalala sa lalaki. Hindi niya mapigilan na hindi makaramdam ng labis na kalungkutan dahil kahit ang lalaking pinakasalan niya ay hindi niya maalala. “Are you okay?” tanong ni Derrick sa kanya. Nasa likod sila pareho ng driver seat. Tinawagan niya ang kanyang driver para sunduin sila pabalik sa Metropolis. Ayon kay Derrick ay titira silang dalawa sa mansion na ipinatayo niya. Hindi na siya nagulat tungkol doon dahil kahit noong nasa ibang bansa pa sila ay sa mansion na sila nakatira. Hindi nga lang alam ni Maia kung ilan bang mansion ang mayroon ang asawa niya. Nakatulog si Maia sa balikat ni Derrick. Kung hindi pa siya ginising ni Derrick ay hindi niya malalaman na nasa tapat na pala sila ng bago nilang titirhan. Lumabas silang dalawa sa sasakyan. Nang makita ni Maia ang itsura ng mansion na sinasabi ni Derrick na bago nilang titirhan ay hindi na siya nagulat sa laki at mamahaling itsura nito. She was looking at two storey-house with modern design. Kapansin-pansin din ang malaking fountain na nasa sentro ng kabahayan na lalong nagpaganda sa lugar. Bigla namang bumukas ang malaking gate sa kanilang harapan at sinalubong sila ng matandang babae na siyang mayordoma ng bahay. “Magandang gabi, Sir Derrick, Ma’am Maia,” seryosong bati nito sa kanilang dalawa. Tumango naman si Derrick at nauna na pumasok. Hindi kaagad nakagalaw si Maia dahil nagtagal ang titig sa kanya ng mayordoma ng bahay na para bang tinitignan siya nito at sinisigurado kung siya ba talaga ang asawa ni Derrick. “Maia?” tawag ni Derrick sa kanya nang lingunin siya nito. Tumango naman ito sa kanya at mabilis na naglakad papunta sa tabi ng asawa habang nakayuko dahil nararamdaman pa rin niya ang mga pagtingin ng mga tao sa paligid. Pumasok sila sa loob ng bahay at binati ng limang katulong. Isang tango lang ulit ang iginawad ni Derrick sa kanilang dalawa habang si Maia naman ay pasunod-sunod lang sa lalaki. Nahihiya siya sa mga tingin ng mga tao sa kanya sa mansion. Hindi siya sanay. Pakiramdam niya ay pasikreto siyang hinuhusgahan ng mga ito lalo na at naiiba ang itsura niya. She was living a simple life ever since she woke up. Kahit na binibilhan siya ng mga damit ni Derrick ay hindi siya masyadong naeenganyo sa mga ibinibigay nito. Mas gusto niya na makasama ang lalaki kesa sa mga bagay na ibinibigay nito sa kanya dahil pakiramdam niya ay kay Derrick lang niya mahahanap ang mga sagot sa mga tanong na ibinubulong sa kanya ng kanyang utak. Gusto niyang malaman kung ano ang mga ginagawa niya bago ang insidente. Kung sino siya bago mangyari ang masaklap na trahedya na ‘yon at higit sa lahat, gusto niya malaman kung paano sila nagkakilala ni Derrick. Sinubukan niyang tanungin si Derrick tungkol sa mga tanong niya pero hindi siya sinagot ng lalaki dahil hindi daw niya pwede madaliin ang kanyang utak sa pag-alala ng mga nawawalang memorya niya. Makakasama daw ‘yon sa kanya kaya hindi na siya nagtanong muli dahil kapakanan lang naman nito ang iniisip niya. But curiosity is killing her. She felt like that Derrick is keeping a secret from her. Kaya naman sinabihan niya si Derrick na kung pwede ay magtrabaho siya sa kanyang kumpanya para naman may magawa siya. Baka sakaling doon ay makakuha siya ng impormasyon tungkol sa kanyang sarili. At isa pa ay ayaw na niya manatili lang sa loob ng bahay lalo na sa ganitong kalaking bahay. She’s bored to death. And of course, she wants to meet new people. Sa ilang buwan nilang magkasama, hindi siya masyadong pinapayagan ni Derrick na lumabas-labas lalo na kapag mag-isa lang siya. Hindi niya na rin naman gagawin iyong katulad ng nangyari sa beach dahil natatakot siya sa sarili niyang asawa lalo na kapag galit ito. Dahil nga wala siyang alam na kahit na ano rito o maalala man lang, sinusunod niya ang kahit na anong gusto nito. Kaya ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang payagan siya nito na magtrabaho sa kanyang opisina. “Maia?” tawag sa kanya muli ni Derrick. Tumingin naman siya rito ng puno ng pagtataka. “About your job, you’re going to be my secretary from now on.” “Ako?” “Yup. My former secretary will teach you what a secretary normally does,” tuwid na wika nito. Tumango naman siya sa lalaki bilang sagot. “I just have a one request to you, Maia.” “Ano ‘yon?” “Please don’t tell anyone that we’re married,” seryosong wika nito. Bigla siyang napatahimik sa sinabi ng lalaki at sunod-sunod na katanungan na naman ang mga lumabas sa kanyang utak. Bakit ayaw nito ipaalam ang totoong ugnayan nila? Ano ba talagang tunay na relasyon nila? Hindi ba ay mag-asawa sila kung kaya’t karapatan na malaman ng lahat kung ano siya sa buhay nito? Pero bakit tila parang tinatago siya nito ngayon? Hindi gusto ni Maia ang nararamdaman niyang inis para sa lalaki kaya pilit niyang pinakalma ang sarili. She was trying to understand him. Baka para na naman ito sa kapakanan niya kaya itatago nila ang relasyon na mayroon sila? Pero hindi ba ay dapat ipapaliwanag iyon ni Derrick sa kanya ng maayos at sa maliwanag na paraan? Bakit parang tila siya lang ang may gusto no’n at hindi ang lalaki? Ganito ba talaga ang relasyon ng mag-asawa? Bagama’t maraming tanong sa kanyang isipan ay tumango na lang muli ang babae at saka aalis na sana sa kanyang harapan nang muli siya nitong tawagin na may kunot ng noo sa mukha. “Where are you going, Maia?” “A-Aakyat na sa kwarto ko?” hindi niya siguradong sagot kay Derrick. They are husband and wife but they are not sleeping in the same room. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang set-up nilang dalawa. Gusto niyang alamin ang dahilan bakit hindi sila natutulog sa iisang kuwarto kahit na mag-asawa sila pero wala siyang lakas ng loob na tanungin ang bagay na ‘yon. Nahihiya siya. “What room are you talking about? You’ll be sleeping in my room from now on, Maia.” Napakurap si Maia sa sinabi ni Derrick. Parang hindi siya makapaniwala sa oras na ‘yon na lumabas ang mga ganoong salita sa mismong bibig nito. “A-Ako?” paniniguradong tanong niya rito. Tumango naman sa kanya ang lalaki. Nanatili siyang nakatitig dito at sinusubukang basahin ang iniisip nito sa kanya. Bakit bigla siya nitong patatabihin sa kama? Hindi ba ay ilang buwan na rin naman silang hindi nagtatabi? “Why?” direktang tanong ni Maia sa kanya. May gustong marinig si Maia mula sa lalaki na alam niyang malabo na sabihin nito. Pero umaasa pa rin siya na maririnig ang mga sagot na ‘yon mula sa kanya. Kaya lang katulad ng inaasahan niya ay hindi ito nakasagot sa kanyang tanong at mas pinili siya nitong titigan. Wala sa sariling napailing si Maia at saka ngumiti kay Derrick. “I think I should sleep on the guest room instead.” KINABUKASAN ay maaga silang pumasok ni Derrick sa opisina. Sabay silang pumasok na siyang ikinagulat niya dahil ayaw nga ipaalam nito na mag-asawa sila. Ano kayang idadahilan nito ngayon sa makakakita sa kanila kung bakit ang isang secretary at ang boss niya ay magkasama sa iisang sasakyan? “She’s Maia Rodriguez. She will be working as my new secretary. She’s a relative so please be nice to her,” wika ni Derrick nang ipakilala siya nito sa mga empleyado. Gusto na lang mapairap ni Maia sa sinabi nito? Relative talaga? Wala na ba siyang maisip na idadahilan bukod doon? Pasimple niyang pinaningkitan ang lalaki at napailing habang pinapakinggan ang iba pa nitong sinasabi. Pagkatapos siya nito ipakilala ay doon na nagsimula ang kanyang trabaho. Sinabi sa kanya ni Jane ang mga gagawin bilang bagong secretary ni Derrick na kanyang tinandaan. Mabuti na lang at mabilis niyang natatandaan ang mga sinasabi nito. Pakiramdam niya ay matagal na niyang ginagawa ang mga katulad ng pag-aayos ng documents at kung anu-ano pang related sa office kaya naman ganoon na lang ang tuwang nararamdaman niya dahil naiisip niya nab aka eto na ang sagot upang bumalik ang kanyang alaala. Pagkatapos niya gawin ang mga trabaho niya ay inaya siya ng mga ibang empleyado sa canteen. Dahil nga sikreto ang relasyon nilang dalawa ni Derrick ay malaya itong sumama sa kanila. “Alam mob a na may asawa dati si Sir Derrick?” tanong ng isa sa mga kasama nil ana si Helen. “Of course, she knew it! She’s a close relative nga diba?” pagtataray naman ni Bea. Napamaang si Maia sa kanyang narinig at parang hindi nagustuhan ang mga salitang lumabas dito. “Ex-wife?” tanong ni Maia sa kanila na naguguluhan. “See? Hindi niya alam,” wika ni Helen. “Anyway, maiba tayo. Oo, may dating asawa si Sir Derrick. I have seen her twice. Pero hindi ko alam kung anong dahilan ng paghihiwalay nila,” pagtutuloy ni Helen. “Gaano ba kayo kaclose-relative ni Sir Derrick, Maia?” tanong naman ni Bea. Asawa? Kung ganoon ay may asawa na pala ang asawa niya ngayon at naghiwalay sila. Ibig ba sabihin no’n ay nagkakilala sila pagkatapos mangyari ang hiwalayan nila noong sinasabi nil ana asawa nito? Bakit hindi sinabi sa kanya ni Derrick ang ganoong kahalagang bagay? Hindi niya tuloy maiwasan isipin kung mag-asawa ba talaga sila dahil parang ang dami nitong tinatago sa kanya. “We’re cousins,” dahilan na lang niya sa dalawa dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Wala siyang gusto ngayon kundi komprontahin ang lalaki tungkol sa mga naririnig niya. “We’re not close so I don’t know what happened about his life. Pwede niyo ba ako kwentuhan ng mga alam niyo?” tanong niya sa kanila. Tumango naman ang dalawa. Natapos ang break nilang lahat na maraming nalaman si Maia tungkol sa asawa niya. Nakakatawa lang dahil siya ang asawa pero wala siyang alam ni isa sa lalaki dahil sa pagkawala ng kanyang alaala. At kahit na ilang beses niya ito alalahanin ay walang maalala ang kanyang utak. Bumalik siya sa opisina ni Derrick na may dalang files na kailangan niya papirmahan nang hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng lalaking kausap nito sa loob. “So you’re back?” “Yeah.” Sinong kausap ni Derrick? Kaibigan ba niya ang kausap nito? They seemed close. “How is she?” “You mean your ex-wife? She’s fine.” Napangiti ng mapait si Maia. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang kanyang nararamdaman nang marinig nito mula sa bibig ng asawa na kinakamusta nito ang babaeng dati nitong pinakasalan. Is she jealous? No. She’s not jealous at all. She’s just disappointed because he didn’t tell her about his past especially his ex-wife. Kinakailangan pa niya malaman sa iba ang tungkol sa nakaraan ng asawa niya. She can’t help but to feel sad and disappointed dahil ganoon ang takbo ng relasyon nilang dalawa. “Are you going to see her?” tanong ng lalaki rito. Hindi nakasagot si Derrick ng ilang segundo at pagkatapos ay sumagot din. “Maybe.” “Visit her. I know she missed you a lot. And besides, Gio is not mad at you anymore.” “Tss.” Bago pa magtuloy ang usapan nilang dalawa ay napagpasyahan n ani Maia na pumasok sa opisina. Tama na ang mga nalaman niya sa araw na ito dahil parang sasabog na ang dibdib niya sa mga pinaghalo-halong emosyon. Kumatok muna siya ng tatlong beses at nang marinig nito ang boses ni Derrick na nagpapasok ay saka niya marahan binuksan ang pinto. Nakayuko si Maia nang pumasok pero maya-maya ay tumingin din ito sa dalawang lalaki na walang emosyon at saka nagsalita. “Sir, may pinapapirmahan mo sa inyo ang Marketing Department.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD