Kabanata 5
MAGANDA ang umaga ni Maia. Hindi niya maitatanggi na pagkatapos ng pag-uusap nil ani Derrick kagabi ay gumaan-gaan ang kalooban niya. She was expecting that their relationship will change from now on dahil sa sinabi niya rito pero alam niya na hindi iyon magiging madali lalo na sa asawa niya na ‘man of a few words’.
His Auntie Nerissa explained to her his personality. He was naturally distant and cold. Kaya naman ganoon na lang ang pag-iisip niya kung ganito rin ba siya sa dati niyang asawa noon. Probably not. She knew that after his failed relationship with his ex-wife, something changed. Hindi naman siya bobo para itanong pa ang bagay na ‘yon dahil kusa niya iyon naramdaman. Isa sa mga gusto niyang malaman ay ang dahilan kung bakit sila naghiwalay but she’s too shy to asked. She was just curious. Kahit paano ay gusto niya malaman kung ano ang dahilan at puno’t dulo ng paghihiwalay nila noon.
Sa oras na malaman niya ‘yon ay matatahimik na siguro ang utak niya sa kakatanong. Ayaw niya kasi magtanong kay Derrick dahil unang-una sa lahat, past na ‘yon. Siya mismo nagsabi na wala siyang pakialam sa ex-wife nito o sa kung paano ang naging takbo ng relasyon nila noon. Ano na lang ang iisipin ni Derrick kapag nagtanong siya ng ganoong bagay sa kanya? Baka ang isipin nito ay totoo ngang nagsiselos nga siya.
Nagsiselos? Hindi naman eh… o baka iyon lang ang gusto niya isipin sa ngayon? Maybe, she was really jealous and she was just denying it because she didn’t want to see her husband’s reaction about her jealousy. O kaya naman ay ayaw niya lang mapahiya kung kaya’t pinapairal niya ang kanyang pride at sinabing hindi siya nagsiselos.
Ano man sa dalawang ‘yon ay wala na siyang pakialam. She shouldn’t entertain those invalid feelings. Matagal na silang wala ni Derrick kaya hindi na siya dapat magpaapekto sa nakaraan.
Madaling sabihin pero mahirap gawin. Iyan ang mga nagpa-realize kay Maia kani-kanina lang matapos niya mabalitaan na nasa opisina ang dating asawa ng kanyang asawa ngayon. Lumabas lang naman siya saglit para kumain ng tanghalian kasama ang mga katrabaho niya. Alam niyang naiwan si Derrick doon sa opisina dahil bibihira lang naman ito kumain sa labas.
Kaya ganoon na lang ang laking-gulat niya nang mabalitaan na nandoon ang babae sa opisina nito ngayon. Hindi naman siya selosa. Alam niya ‘yon sa sarili niya dahil kahit sa ilang buwan na nagsama sila ni Derrick ay hindi naman siya nito binigyan ng pagkakataon para magselos.
Kaya nang maramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib ay labis niya iyon hindi nagustuhan dahil hindi naman siya ganoon.
“Anong ginagawa mo riyan sa labas?” tanong ni Bea sa kanya. Nakita ni Bea ang hawak niyang papeles na ipapapirma sana kay Derrick sa oras na makabalik siya galing sa pagkain ng tanghalian. Pero dahil kay Bea niya rin mismo nalaman na kasama ni Derrick ang dati niyang asawa ay ganoon na lang ang pagpipigil niya sa sarili na hindi pumasok upang hindi sila maistorbo sa pag-uusap.
“May kausap kasi si Sir Derrick kaya hindi ako makapasok.”
“Nandyan pa rin ba si Ma’am Elise?” tanong niya. Tumango na lang siya habang si Bea naman ay bahagyang tumingin sa bintana kung saan tanaw ang dalawang tao sa loob ng opisina. “Ay oo… nandyan pa nga.”
“Mamaya mo na lang iyan ibigay sa kanya, Maia,” wika ni Bea sa kanya na ikinatango niya lang kung kaya’t bumalik na siya sa desk niya at ipinagpatuloy ang naudlot na trabaho. Gusto lang naman niya magtrabaho ng maayos pero patuloy siya ginagambala ng mga naiisip niya habang nandoon ang dalawang tao sa loob ng opisina.
Maya-maya ay lumabas ang babaeng kanina pa kasama ng kanyang asawa. Ayon kay Bea ay Elise ang pangalan niya. Hindi niya matandaan pero alam niyang nakita na niya minsan ang pangalan na ‘yon o di kaya’y minsan ng narinig.
At dahil nga lumabas na si Elise sa opisina ni Derrick ay nakita niya ito. Doon niya napagtanto na maganda nga ang babae. Hindi niya maitatanggi na kahit sinong lalaki ay mahuhumaling nga sa angking ganda nito. Bukod doon, ay mukha rin itong mabait at matalino.
Derrick wouldn’t like her if she’s not like that. Napaisip tuloy siya bigla kung anong nagustuhan sa kanya nito at humantong sila sa kasalan. Gusto na lang niya mapailing. Habang patagal ng patagal ay palala ng palala ang mga katanungan na bumabagabag sa isip niya. Parang hindi na ata iyon matatapos kung kaya’t lalo siyang nakaramdam ng inis sa sarili.
Mabuti na lang at inaya siya ng mga katrabaho niya na uminom sa pinakamalapit na bar dito sa opisina. Hindi sana siya papayag dahil baka hindi siya payagan ni Derrick pero kinalimutan niya muna ang bagay na ‘yon. Ang gusto niya lang ay makalimutan ang mga kalokohang naiisip niya.
“Hey? Are you okay?” tanong sa kanya ni Erik. Si Erik ay isa sa mga katrabaho niya at nasa HR Department siya. Palagi silang magkakasamang kumain nila Bea at masasabi niya na napalagay na ang loob niya sa lalaki. In fact, she’s already comfortable with him in just a short period of time which is actually great for her dahil may nakakausap na siya bukod kela Bea.
Nagkita sila sa hallway dahil napagdesisyunan niya na maglakad-lakad. Wala naman na siyang gagawin at patapos na rin ang trabaho nila kung kaya’t hindi naman siguro masama kung iiwan niya ang desk niya kahit sa loob lang ng tatlumpung minuto.
“A-Ayos lang ako…” sagot niya sa binata. “Namumutla ka. Siguradong ayos ka lang ba talaga, Maia?” tanong nito nap uno ng pag-aalala. Hinawakan pa siya nito sa kamay.
Tumango si Maia sa kanya na may kasamang pagngiti. “Oo nga. Napagod lang siguro ako pero okay lang ako. Sa katunayan nga ay sasama ako sa inyo sa Venus mamaya.”
Sasagot pa sana si Erik sa kanya nang marinig nila ang baritonong boses na pare-parehong pamilyar sa kanila lalo na sa kanya. “Mr. Velasquez?”
Sobrang kaba ang naramdaman ni Maia nang marinig niya ang boses na ‘yon. Parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig at nahimasmasan dahil sa boses na ‘yon lalo nan ang magtama ang tingin nilang dalawa ni Derrick sa isa’t isa. Hindi lang iyon ang nagpakaba sa kanya kundi pati na ang pagbaba ng mga maiinit nitong tingin sa magkahawak nilang kamay ni Erik.
Kitang-kita niya rin ang pagtalim ng tingin nito at ang pag-igting ng panga na parang hindi nagustuhan ang nakita. Galit ba ito? Teka nga. Ano bang ginagawa nito dito? Bakit bigla siyang lumabas ng opisina eh kadalasan naman hanggang sa matapos ang trabaho ay nandoon siya sa loob at hindi lumalabas?
“Yes sir?”
“Can you send this to your department?” tanong ni Derrick sa kanya na kaagad naman na ikinatango nito. “And you…” wika muli ng lalaki habang nakatingin ng diretso sa kanya. “Come with me. I have something to ask you.”
Umawang ang labi ni Maia sa sinabi nito na para bang hindi niya inaasahan ‘yon. Bakit ba bigla siya nitong ipapatawag samantalang sa huling pagkakatanda niya ay tapos na lahat ng trabaho niya ngayong araw? Pero ano pa ba ang magagawa niya? He’s the CEO of this company. Wala namang nakakaalam ang totoong ugnayan nila sa isa’t isa kaya wala siyang karapatan na maging pasaway na empleyado.
“Ano ba ‘yon, Derrick?” tanong niya pagkapasok sa opisina. “Let’s have dinner outside tonight.” Hindi maiwasan ni Maia na kunotan siya ng noo. Pinatawag lang ba siya nito para sabihin ang bagay na ‘yon? At saka dinner? Bakit parang biglaan naman ata ang pagyayaya nito? Saka anong okasyon at kakain sila sa labas?
“May okasyon ba?” tanong ni Maia sa kanya. Tinignan siya ng lalaki matapos nito ayusin ang mga nagkalat na papel sa kanyang desk. “Kailangan ba may okasyon para kumain ng dinner sa labas?”
“Hindi naman pero biglaan ata ang pag-aaya mo,” paliwanag niya rito. Bukod doon ay parang mainit nga ang ulo ng lalaking kaharap niya ngayon. Hindi niya tuloy ito matantsa lalo na at hindi niya naman alam kung ano ang ikinaiinit ng ulo nito ngayon.
“Anyway, I can’t go and have dinner with you right now, Derrick,” mariin niyang wika rito. Naiisip niya na magsinungaling sa lalaki pero alam niyang mapapasama lang siya rito sa oras na gawin niya iyon kaya mas mabuting sabihin niya na lamang ang totoo. Kung hindi man siya payagan ay pipilitin niya ang lalaki na pumayag o kung hindi man ay tatakas siya. Pero huwag sana umabot pa sa ganoong punto dahil baka tuluyan na talaga siya nitong ikulong sa bahay nila.
Hindi pa naman niya nakikita si Derrick na sobrang galit at hindi na niya paaabutin sa ganoon dahil alam niyang masama ito magalit lalo na at alam din niyang mabilis lang din maubos ang pasensya nito.
Siya naman ang kinunotan ng lalaki at literal na napatigil sa ginagawa nito dahil sa kanyang sagot. Bigla naman siyang kinabahan dahil doon. “Why?”
“Because of Friday’s get together. Erik invited me to join them and I already said yes,” paliwanag nito sa kanya.
“I will join you then,” sagot nito at saka ipinagpatuloy ang ginagawa. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil hindi siya makapaniwala na sasama talaga ito. Ito ata ang unang beses na gagawin niya ang bagay na ‘yon. Alam niyang noon pa man ay hindi na mahilig makihalubilo si Derrick sa mga tao.
Noong nakaraan nga lang ay mag-isa siyang nakihalubilo sa mga bisita ng Auntie Nerissa noong sumapit ang kaarawan nito. Nagkaroon kasi ng munting salu-salo kasama ang mga iilang kaibigan nito sa mansion at wala itong kinausap sa mga bisita ng kanilang Auntie noon kaya ganoon na lang ang gulat niya ngayon sa gusto nito.
At isa pa, paano siya sasama samantalang hindi naman siya inimbita ni Erik. Parang outsider ang labas or gate crash dahil nakuha niyang pumunta sa isang selebrasyon na hindi naman siya imbitado.
“What? No!” pigil niya sa lalaki. Tumaas naman ang kilay nito at saka siya pinaningkitan ng mata. “I mean… hindi nila alam na pupunta ka.”
“I will tell them,” mariin nitong wika sa kanya na ikinanlaki muli ng mga mata niya. Talaga bang seryoso ito sa pagpunta? Hindi ba ay marami na siyang nagawa ngayong araw kaya bakit pa niya iistorbohin ang sarili sa isang bagay na hindi naman siya imbitado o wala namang kinalaman sa kanya?
“Pero hindi ka pa ba pagod? Hindi ba ay tambak ka ng trabaho kanina?”
“Ayaw mo ba ako papuntahin?” Umawang ang labi ni Maia sa tanong nito at mabilis na napailing. “H-Hindi naman sa gano’n. Syempre gusto kong nandoon ka sana kaya lang iniisip ko na pagod ka na kaya hindi ko inisip na pupunta ka pa lalo na at hindi ka naman imbitado…”
Huminga ng malalim si Derrick at saka siya muling tinignan sa mata. Pero sa pagkakataon na ito ay lumapit na ito sa kanya kung kaya’t sobra-sobra na naman ang kaba na naramdaman niya.
“Maia?” mahinang tawag nito sa kanya. Napasandal na naman siya sa pader dahil kanina pa ito umaatras simula nang lapitan siya nito. Again, she was cornered by him.
Eto ang problema niya kay Derrick. Palagi siya nitong kinokorner. Gusto niya tuloy bigla itanong dito kung bakit parati siya nitong kinokorner sa may pader? Samantalang wala naman siyang sapat na lakas para takasan ito. Idagdag pa ang katotohanang nagwawala ang puso niya sa tuwing malapit ito sa kanya.
Ang isa rin sa mga dahilan kung bakit gusto niya na pumunta roon kasama sila Erik ay para mawala sa isip niya si Derrick, Pero paano naman niya magagawa ang bagay na ‘yon kung sasama naman pala ito roon?
“Yes?” kinakabahan niyang sagot dito. She could almost feel his minty breath on her skin. And his lips? His lips were inviting her to kiss him. Kung wala lang siguro sila sa opisina ay maglalakas talaga siya ng loob na halikan ang asawa.
“You’re not going out without me. If you want to have some fun with your friends, then I should always be with you. Understand?”