Kabanata 4
HINDI KINAKAUSAP ni Maia si Derrick. Nakauwi na sila galing opisina pagkatapos ng working hours pero hindi niya ito kinakausap. Madalas ay nagkukwento si Maia kay Derrick ng kung anu-ano. It was like she was trying to reach him out by talking some random things. Pero ngayon ay hindi niya iyon ginawa. She didn’t want to talk to him.
Hindi niya alam kung paano patutunguhan si Derrick. Naguguluhan siya sa mga nalalaman niya ngayon. It would be better if he will answer all her questions but she knew better. Alam niyang limitado pa rin ang sagot nito kaya hindi na siya magtatanong. Aalamin na lang niya ang sagot sa sarili niyang paraan dahil doon lang siya maliliwanagan.
“Maia?” tawag sa kanya ni Derrick. She just stared at him with no expression at all. She was trying to hide her feelings dahil napagtanto niya na kahit mag-asawa sila ay walang pakialam ito sa nararamdaman niya. Siguro nga ay tama ang kanina pa niyang iniisip. Na mahal pa ni Derrick ang babaeng ‘yon. Kung ganoon ay bakit siya pinakasalan nito? May nangyari pa ba pagkatapos no’n kung kaya’t nauwi sila sa kasalan?
Pero ano pa bang masasabi niya? Wala. Kung totoo man ‘yon ay wala naman siyang magagawa. Siguro nga ay totoo dahil kung hindi ay hindi naman niya siguro ito kakamustahin sa kaibigan niya o papayag na makita ang dati niyang asawa. Siguro kahit pinakasalan siya nito ay may nararamdaman pa rin ang lalaki sa nauna nitong asawa dahil pinakasalan niya rin naman iyon. Naghiwalay lang sila dahil mas pinili ng babae ang taong mas mahal niya kesa rito. Pero iisa ang ang alam niya at iyon ay hindi siya papayag na maghiwalay silang dalawa ni Derrick. Pinakasalan siya nito kung kaya’t hanggang kamatayan niya ay dadalhin niya ang kasal na ‘yon. She won’t let go of him.
“How’s your day?” tanong ni Derrick sa kanya. Nakahanda na ang hapunan sa hapag kaya gustuhin man niya na umakyat na sa kanyang kuwarto ay hindi pa pupwede dahil kailangan pa nila magsabay kumain ng hapunan. “It’s fine. I meet new people.”
“How about work?”
“Okay lang din,” sagot niya at saka kumain ng pagkain na nasa hapag. Tinignan lang siya ni Derrick ng kung anong ekspresyon at saka bumuntong-hininga. “What’s wrong with you, Maia?”
Umangat ang isang kilay ni Maia at kinunotan siya ng noo. “Anong sinasabi mo?” maang-maangan na tanong niya sa lalaki. Alam niya kung bakit napatanong ang lalaki dahil hindi naman sila ganito. Palagi siyang nagkukwento pero pagod na siya magkwento. Parang siya lang naman ang nag-eeffort na makilala ang lalaki. Gustong-gusto na niya makaalala pero paano niya gagawin ang bagay na ‘yon kung kahit mismo ang asawa niya ay hindi siya tulungan? Ginagawa naman niya lahat ng makakaya niya para maalala niya ang mga tungkol sa kanila subalit wala talaga siyang maalala na kahit na ano sa lalaki.
“Something is bothering you. What is it?” seryosong tanong ng lalaki sa kanya. Tinitigan na siya nito ng seryoso ngayon at ibinaba ang kutsara’t tinidor para mas matitigan siya ng maayos.
“Wala.”
She won’t tell him that she already knew about his past. She won’t tell him how disappointed she was for not telling her the truth. Baka siguro ay alam niya noon ang tungkol doon bago siya mawalan ng alaala kaya hindi nito sinabi ang tungkol doon pero karapatan niya ulit malaman ‘yon dahil siya ang asawa nito. Pero syempre hindi niya sasabihin ang mga ‘yon. Pride na lang ang natitira sa kanya matapos ng mga nalaman niya ngayong araw. Hindi niya hahayaan na mawala ang bagay na ‘yon sa kanya.
“Wala? But you’re already acting this way.” Mariin na umiling si Maia sa lalaki at saka tinitigan pabalik ang lalaki. “Wala nga. Hindi ko alam na overthinker ka pala.”
“I am an overthinker when it comes to my wife, Maia,” mariing wika sa kanya ng lalaki. Hindi naman nakasagot si Maia at umiwas na lang ng tingin bago yumuko at bumalik sa pagkain ng kanilang hapunan. Hindi siya makatingin kay Derrick dahil pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kung paano siya nito tignan ngayon.
Pagkatapos nila kumain ng hapunan ay dumeretso na si Maia sa kanyang kuwarto. Alam niyang magtataka ang mga tao kapag nanatili siya sa isang kuwarto samantalang kasal nga sila ni Derrick. Pero wala siyang pakialam na roon. She didn’t want to see his face right now. Kaya lang naman ito kumain ng hapunan kasama ang lalaki ay dahil ayaw niyang ipakita na affected siya sa mga nalaman niya.
She has too many questions in her mind at kagaya nga ng palagi niyang sinasabi ay kahit magtanong ito sa lalaki ay alam niyang hindi siya sasagutin nito ng diretsong sagot. Magpapaligoy-ligoy ito hanggang sa hindi pa rin niya makuha ang sagot na hinahanap niya sa mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan.
Palaging ginagawa ‘yon ni Derrick kaya alam na niya na wala siyang mapapala sa pagkausap dito. Pero alam niyang hindi magiging madali ang hindi niya pagkausap sa lalaki lalo na kung ganito ka-persistent ang lalaki.
“What are you doing here, Derrick?” tanong niya sa lalaki na ngayon ay walang pahintulot na pumasok sa kanyang kuwarto. Sa pagkakatanda niya ay ni-lock niya ang pinto kaya paano nito nabuksan ang kuwarto niya? Tila naman nabasa ng lalaki ang nasa isip niya at ipinakita ang susi na hawak niya. Doon siya napatikom ang bibig at umiwas ng tingin.
Humiga siya at tinalikuran ang lalaki. She didn’t want to talk to him.
“I already know why you’re being like this.” Sinulyapan niya ang lalaki pero hindi niya ito inimikan hanggang sa lumapit ito at tumabi sa kanya sa kama. Hindi ito ang unang beses na tumabi ito sa kanya o umupo sa gilid ng kama na hinihigaan niya kaya hindi niya maintindihan ang sarili bakit ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya? When in fact, naranasan na niya ito?
What’s happening to her anyway?
“Bea told me everything. I don’t have any idea what happened to you while we’re in office so I need to asked her.”
Gusto niya paningkitan ang lalaki ngunit pinigilan niya ang sarili. How the hell he knew Bea’s number? Whatever. She didn’t care anymore dahil siguradong hindi naman nito sasagutin ang mga tanong niya. “You found out about my ex-wife?”
Hindi siya nagsalita. Hindi siya nagkunwaring nagtutulug-tulugan dahil may parte sa sarili niya na gusto pa rin niya pakinggan ang mga paliwanag ng asawa. And she hates herself for that. Kailan ba niya ito matitiis?
“What do you want to ask? I will answer them, Maia.”
“I don’t want to,” seryoso niyang sagot dito. She’s not interested with his ex-wife. Ang ikinasasama ng loob niya ay hindi nito sinabi ang tungkol sa kanilang dalawa. Hindi naman babae ang dahilan kung bakit siya nag-iinarte. At katulad nga ng sinabi niya ay kahit ano pang mangyari ay hindi niya papakawalan si Derrick.
Even if he’s still in love with that woman, she won’t let go of him. Never.
“Maia.”
“I am not interested on your ex-wife, Derrick. Kung wala ka ng sasabihin ay maaari ka ng lumabas,” inis niyang sagot dito at saka ipinikit ang mga mata. Matutulog na talaga sana siya ng totoo nang pwersahin siya nitong iharap ang sarili sa kanya ng nakahiga habang ito naman ay nakaibabaw sa kanya.
He was pinning her both arms on her bed while looking at her eyes with full of emotions. Gusto niyang manlaban pero hindi siya makakilos. Para siyang yelo na nanigas na lang sa kama dahil sa pwesto nila na hindi ata alintana ng lalaki. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi maninigas na parang yelo kung bigla kang paibabawan ng asawa mo hindi ba? Lalo na kung ito ang unang beses na gawin niya ‘yon.
“I am sorry if I didn’t tell you anything about her. I am sorry if you need to hear it from your friends,” seryosong wika ni Derrick sa kanya. Gusto niyang umiwas ng tingin pero hindi niya magawa kaya pinilit niya ang sarili niya na huwag salubungin ang mga tingin nito. Pinilit niyang huwag pakinggan ang mga sinasabi nito dahil kahit isang beses ay parang gusto niya magmatigas dito at ito ang pagkakataon na ‘yon ngayon.
“Maia, look at me.” Hindi sumagot si Maia. Tumingin siya sa ibang direksyon kaya sinundan iyon ni Derrick kaya sa huli ay nagtama pa rin ang tingin nila. Pilit nitong hinuhuli ang kanyang tingin na naging dahilan ng halos pagdidikit na ng mga labi nila.
“P-Pwede bang umalis ka sa ibabaw ko?” wika ni Maia. His presence was bothering her lalo na sa ganitong distansya. She can’t make her heart stay in one place at ayaw niyang ipaalam ang bagay na ‘yon kay Derrick dahil siguradong mahihiya lang siya. Para naman nabalik sa reyalidad si Derrick at dahan-dahan na binitawan ang magkabilang kamay ni Maia bago umalis sa ibabaw nito at umupo sa may gilid ng kama.
Umupo si Maia at inayos ang kanyang damit. “I am not affected with your ex, Derrick,” paglilinaw niya rito. Iyon naman talaga ang totoo. She’s not affected or bothered. Ang totoong bagay na nagpaabala sa kanya ay ang pagtatago nito ng sikreto sa kanya.
“I am just bothered because you always keep secrets from me…” mahina niyang wika sa lalaki.
“I am not keeping anything from you, Maia,” sagot naman ng lalaki sa kanya. Hahawakan nan ga sana siya nito pero mabilis niyang inilayo ang kanyang kamay sa kanya at saka tumingin ng diretso sa asawa. She wants to understand him but she wants him to understand her too. Gusto niyang mas maging malapit pa sila ni Derrick sa isa’t isa dahil iyon naman talaga ang dapat hindi ba? Pakiramdam niya ay isang kalokohan lang ang kasal nila.
“No… I’ve always felt like this, Derrick,” naiiling na wika niya sa akin. “Kahit na ilang beses mo sabihin sa akin ngayon na wala kang itinatago sa akin, hindi ko magawang paniwalaan ang mga ‘yon.”
“Maia…”
“Tignan mo nga? Kahit iyong tungkol sa ex-wife mo, hindi mo sinabi sa akin at kailangan ko pa marinig mula sa ibang tao.”
“I didn’t tell you not because I don’t want too. Hindi ko lang alam kung paano ‘yon sasabihin sa’yo, Maia.”
“Gano’n na rin ‘yon. Palagi ka na lang may tinatago at kinakabahan ako sa mga bagay na hindi ko alam pero alam mo naman pala.”
“Are you jealous?” tanong ni Derrick sa kanya. Napakurap siya sa tanong nito at napatitig sa lalaki bago umiling. “No. Like I’ve said, your ex-wife doesn’t bother me anymore, Derrick,” marrin niyang wika rito pero hindi niya tinignan ang lalaki. Nararamdaman niya tuloy ang mga mata nitong pinapanood ang bawat reaksyon niya.
“Keeping secrets… I don’t want that kind of relationship, Derrick.”
“What do you want me to do then?” tanong ni Derrick ng diretso sa kanya. Saglit siyang hindi nakasagot dito. “I will do what you want, Maia. Kung iyon lang ang paraan para mabawasan ang agam-agam sa dibdib mo.”
“Will you really do it for me?” Tumango si Derrick sa kanya. Tinitigan siya muli nito sa mata at inabot ang kanyang mga kamay. Hinayaan niya ito na hawakan ang kanyang mga kamay, hindi katulad kanina.
“Then tell me everything that I wanted to know, Derrick. Huwag na tayo magtago ng sikreto sa isa’t isa simula ngayon. Let’s be honest with each other. Can we do that?” tanong niya rito. Ilang segundong nanahimik si Derrick kaya kinabahan siya dahil akala niya ay hindi ito papayag sa gusto niya pero sa huli ay tumango rin ito na may kasamang maliit na ngiti sa labi.
“Sure.”