Kabanata 9
“Asawa?” tanong ni Alliyah kay Derrick habang ito ay nanatiling nakatingin kay Maia at hawak-hawak pa rin ang braso.
TUMINGIN si Maia kay Alliyah at kita roon ang pagkagulat sa sinabi ng lalaki. Sino ba namang hindi magugulat matapos mong malaman na may asawa na pala ang lalaking kinikilala mong boyfriend? Kahit siguro siya ang nasa posisyon niya ay iyon din ang magiging reaction niya. Magugulat at magtataka kug paano nangyari ‘yon?
“Are you kidding me, Derrick? Kasi ku—“Muling hindi pinatapos ni Derrick ang sasabihin ni Alliyah at nagsalita. Sinulyapan niya pa ito na ginamitan ng seryosong ekspresyon para lang malaman na seryoso nga siya at hindi nagbibiro sa sinasabi nito ngayon sa dalaga. “I am serious. I can show you my marriage certificate and my wedding ring later if that’s what you want, Alliyah. So let me talk to my wife first.”
Hindi na nakaangal si Alliyah sa sinabi ni Derrick. Ganoon din si Maia nang hilahin siya nito pabalik sa kanyang office. Tumingin naman siya sa paligid at nakita niya ang bulung-bulongan ng mga tao tungkol sa kanilang narinig. Heto na nga ba ang sinasabi niya. Tiyak na kukwestyunin nila kung paano sila naging mag-asawa ni Derrick at kung tutuusin ay wala namang masama kung iyon ang itatanong ng mga ito sa kanya. Iyon nga lang ay wala siyang maisasagot dahil kahit ni pagkikita nilang dalawa ay hindi niya pa rin maalala hanggang ngayon.
Anon a lang ang isasagot niya sa mga kaibigan niyang magtatanong sa kanya tungkol sa kanilang dalawa ni Derrick? Hindi na pupwedeng mag-imbento na lang siya ng isasagot niya sa mga tao para palabasin na naaalala niya lahat.
“Bakit mo ginawa ang bagay na ‘yon ha?” tanong ni Maia kay Derrick nang makapasok na sila sa loob ng opisina. “You didn’t want to talk to me so I used my last resort. And besides, we already talked about this yesterday, right? That we are going to tell them about our relationship Maia.
“Pero ang sabi mo ay sasabihin mo lang ‘yon kapag nagdemanda sayo si Erik! Hindi naman nagdemanda iyong tao.”
“Hindi moa ko kinakausap kaya iyong huling alas ko ang ginamit ko. At kahit wala iyong kaso ay may balak pa rin akong sabihin ang tungkol sa ating dalawa, Maia.”
Hindi nakapagsalita si Maia dahil doon. May punto naman ang lalaki at naiintindihan niya ang sinasabi nito. Iyon nga lang, hindi niya akalain na sa ganoong paraan niya sasabihin ang tungkol sa kanilang dalawa. Kung alam lang niya na iyon ang gagawin ng asawa niya ay sana kinausap niya na lang ito at hindi nag-inarte. Eh di sana hindi sana mangyayari ang ganoon kanina sa hallway!
“Now, tell me what’s our problem?” tanong ni Derrick sa kanya. Tinignan niya lang ang lalaki at pagkuwa’y umiwas ng tingin. “Maia…” he said in a warning tone. Napasimangot siya rito at saka tinignan muli ang lalaki.
“Alliyah is your girlfriend. Hindi ko alam na may kabit pala ang asawa ko,” iritado niyang wika sa lalaki. Hindi na niya naitago ang tuluyang pagkairita sa simabi ni Bea at Helen sa kanya kanina. Kung hindi pa sinabi noong dalawang ‘yon ang tungkol sa kanila ay hindi niya ‘yon malalaman.
“That rumor isn’t true.”
“Kung hindi iyon totoo, bakit iyon ang alam ng mga tao kung ganoon?” tanong niya rito habang nakataas ang isang kilay. “It’s a baseless rumor, Maia. Kaya kami pinagkakamalan na magkarelasyon ay magkasama na kami simula noong mga bata pa lang. And she’s with me all the time so…”
“At hindi mo man lang itinama ‘yon?”
“I was about to tell them when you suddenly caught in an accident.”
Bigla naman siyang napatahimik nang marinig niya ang sagot ng kanyang asawa. Ngayon ay mas naiintindihan na niya ang nangyari kung bakit hindi alam ng mga tao ang tungkol sa kanilang dalawa. Sasabihin pa lang pala dapat nito nang siya naman ang masangkot sa isang aksidente na naging sanhi sa pagkakacoma niya ng ilang buwan. He must be really devastated when she caught in that accident. “Kaya ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na itama ‘yon.”
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa inyo?”
“You didn’t ask.”
“Paano ko itatanong kung wala nga akong alam? You should’ve told me that you have a friend like that.”
“I’m sorry.” Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at saka siya tinignan ng mataimtim sa mga mata. “Are we okay now?” Tumango si Maia sa tanong nito. Sino ba namang hindi makakatango matapos itong tignan sa mata na may kasamang pang-aamo sa mukha? Parang siya pa ata ang magsisisi kung patuloy niyang titiisin ang lalaki.
Yinakap siya ni Derrick na siyang ikinagulat niya dahil bihira iyon gawin ng lalaki. Kumbaga, once in a blue moon lang mangyari ang bagay na ‘yon kung kaya’t kahit gusto niya ipagpatuloy ang pag-iinarte ay balewala na iyon dahil yinakap na siya nito. Inaamin naman niya na marupok nga siya. Hindi naman niya itatanggi ang bagay na ‘yon. Siguro ay dahil na rin asawa niya ang lalaking kasa-kasama niya ngayon. She became more attached to him to the point that she didn’t want to lose him.
Hindi niya maamin din ang bagay na ‘yon sa kanya. Nahihiya siya dahil hindi niya alam ang irereak ng lalaki sa sasabihin niya. Marami siyang gusto sabihin pero hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin na hindi kinakain ng hiya. She never said once those three words dahil bukod sa wala siyang maalala ay napagdesisyunan niya rin na mas kilalanin pa ang lalaki.
And she can’t deny that those months were the happiest moments in her life. Masaya siya sa piling ng lalaki pero sa kabila no’n ay nagdududa pa rin siya sa kanyang sarili. Kaya ganoon na lang din ang takot niya sa tuwing may mga nalalaman siyang hindi alam o maalala sa lalaki. Afterall, she still can’t remember him.
But she realizes that she has to live in the present and not on the past. Past won’t matter to her from now on. Kung kaya’t napagdesisyunan niya rin na kapalan ng mukha ang sarili at gawin ang bagay na matagal na niyang ninanais.
“Derrick?”
“Yes wife?” She blushed when he called her blushed. Nakita iyon ni Derrick kung kaya’t maging siya ay napangiti. Magkalapit pa rin ang distansya nila sa isa’t isa lalo na ang kanilang mukha at tila hindi iyon napapansin ng dalawa dahil sanay na sila sa ganoong ayos.
“C-Can I… kiss you?” tanong ni Maia habang nakatingin sa mata ng asawa at pinapakinggan ang malakas na kabog ng kanyang dibdib.
Derrick didn’t say anything so she thought that the answer is ‘no’. Lalayo na sana siya dahil parang unti-unti niyang pinapahiya ang sarili sa paghiling na halikan ang asawa nang hilahin siya nito at tuluyang idampi ang malambot nitong labi sa kanya.
Gulat na gulat si Maia doon. It was just a peck but her heart almost explodes because of too much emotions. “Of course, wife. You can kiss me anytime you w— “Hindi na pinatapos ni Maia ang sinasabi ni Derrick at muli itong hinalikan sa labi.