Kabanata 10

2050 Words
Kabanata 10 “Pasensya na sa mga nangyari kanina. Pero tama kayo ng narinig kanina sa hallway. Maia Guillermo is my wife and not just a relative,” paliwanag ni Derrick sa kanyang mga empleyado nang ipatawag niya ang mga ito kasama ni Maia. HINDI MAIWASAN na hindi makaramdam ng kaba si Maia matapos sabihin ni Derrick ang mga ‘yon sa kanya. Afterall, ang alam ng mga tao ay si Ms. Alliyah ang totoong girlfriend ni Derrick. At hindi rin nila alam na nagpakasal ito. Kaya alam niyang nabigla ang mga ito sa hatid na anunsyo ni Derrick matapos ang agaw-eksena nilang tatlo sa may hallway. “Bakit niyo itinago?” tanong ni Erik. “I want her to be a low profile. Aside from that, my wife wants to be acknowledged by her skills and not just because she is my wife.” Hinawakan niya ang kamay ni Maia at saka muling nagsalita. “I was planning to tell the truth in the right time but there are some situations where it can’t be helped to reveal the truth earlier than the original plan.” “Is that mean that Mrs. Guillermo will be the new COO of the company, sir?” tanong naman ni Helen. Mabilis na umiling si Sir Derrick. “Maia will remain as my secretary and our company’s partner will be the COO of Guillermo’s Group of Corporation,” seryosong wika ni Derrick sa kanila. Medyo nakahinga naman ng maluwag si Maia dahil wala siyang alam sa pagpapatakbo ng kumpanya kahit na noong unang beses niya magtrabaho rito ay pakiramdam niya ay matagal na siya sa opisina. Gusto niya sana itanong ang bagay na ‘yon kay Derrick kung minsan na ba siyang nagtrabaho rito pero palagi niya na lang nakakalimutan ang bagay na ‘yon. Napapansin din niya sa kanyang sarili masyado siyang focus sa trabaho kapag nasa opisina na sila pareho. Kung tutuusin ay normal nga lang naman iyon na magfocus pero hindi niya mapigilan na mawirduhan sa sarili niya. It was like she was doing it already for a long time. Pero kung tutuusin nga rin ay dapat siyang matuwa dahil nagagawa niya ng mabilis ang trabaho niya. Ibig sabihin ay kahit paano ay may naitutulong siya sa asawa niya pagdating sa trabaho. Minsan nga kapag wala siyang masyadong ginagawa sa bahay ay nagbabasa siya ng mga librong nakikita niya sa bahay. She really enjoys reading books. Mabilis niya rin natatandaan ang mga nasa libro lalo na kung educational books ang mga nababasa niya at hindi kwento sa isang nobela. “Ngayong alam na ng lahat na si Maia ang asawa ko, please treat her normally as you do from the start. But don’t forget that she is legally married with me,” nakangiting wika ni Derrick sa kanilang lahat at saka sinulyapan saglit ng tingin si Erik. Napailing na lang si Maia nang makita niya ang pasimpleng ginawa nito. Pagkatapos ng anunsyo ni Derrick ay nagsibalikan na sila sa kanya-kanya nilang trabaho at ganoon din si Maia. Habang tahimik na nagtatrabaho ang lahat ay pumunta si Alliyah kay Maia. Hindi ineexpect ni Maia na pupuntahan siya ng babae lalo na nang matapos ang kaguluhan sa may labas ng office ni Derrick kanina. Sa totoo lang ay hindi rin napansin ni Maia ang babae. Kung umalis bai to ng walang paalam o kung saan ito nagpunta hanggang sa may nakita na lang siyang babaeng nakatayo sa harapan niya ngayon. “A-Ano pong kailangan niyo? Si Sir Derrick po ba?” pormal na tanong niya rito. Nakatingala siya sa babae dahil nakaupo siya sa kanyang swivel chair habang ito naman ay nakatayo. “Ikaw ang pakay ko at hindi si Derrick.” Hindi nakapagsalita si Maia sa sinabi ng babae dahil kahit siya ay nabigla sa kanyang narinig na siya pala ang pakay nito. Nakataas ang kilay nito at nakakrus ang magkabilang braso habang mataman na nakatingin sa kanya. “W-We can go upstairs kun— “No. Sandali lang ito.” “I don’t like you for Derrick.” Muli na namang napatahimik si Maia sa sinabi ng babae. Alam niyang sa oras na malaman ng iba ang totoo nilang relasyon ay hindi maiiwasan na may mga pagkakataon na kukwestyunin nila ang desisyon ng lalaki kung bakit nakuha siya nitong pakasalan. Kahit siya ay napapatanong minsan sa kanyang sarili kung ano ang nakita nito sa kanya para humantong sila sa kasalanan noon. Pero kinalimutan na niya ang bagay na ‘yon dahil hindi tamang pagdudahan niya ang desisyon ng kanyang asawa. Parang kinukwestyon niya na rin pati ang pagmamahal nito para sa kanya kaya kinalimutan na niya ang bagay na ‘yon pero eto na naman. Para sa kanya, ang mga binitawan ni Alliyah na salita ay meron pang isang ibig sabihin at walang iba ‘yon kundi ‘Hindi ako makapaniwala na nakuha niyang pakasalan ang isang kagaya mo.’ngunit mas pinili nito na itago ang mga salitang ‘yon sa mga salitang binitawan niya. Ang maamong ekspresyon ni Maia ay tuluyang nawala at napalitan ng kung anong nanlalamig na ekspresyon bago tignan ulit ang babae. Huminga siya ng malalim at saka nagsalita. “What exactly do you want from me, Ms. Del Valle?” “You’re not good for him.” “How about you? Do you think that you are good for him?” tanong naman niya rito. Hindi niya alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para itanong ang mga ganoong katanungan sa babae. Pero hindi naman niya pwede hayaan na kaya-kayanin lang siya nito. Kagaya ng inaasahan niya ay hindi rin ito nagpatinag. “Yes. I am. Hindi ako naghirap para lang mapunta lang sa wala ang mga gusto ko.” Tinignan siya ng babae. Nakadiretso ang tingin nito sa kanyang mga mata habang may seryoso pa rin ang ekspresyon na para bang dapat siyang maintimidate sa presensya niya. “Akin si Derrick, Maia. Hinding-hindi ko hahayaan na mawala siya sa akin. Maaaring sayo siya ngayon pero darating ang araw na babawiin ko siya sa’yo kaya magsaya ka na habang nasa tabi ka pa niya.” Nanginginig si Maia matapos niya marinig ang mga salitang binitawan nito sa kanya. Gusto niya magwala. Parang biglang napuno ng kung anong emosyon ang puso niya dahil sa mga sinabi ng babae. Aagawin? Gusto niya matawa roon dahil kahit siya ay alam niya sa kanyang sarili na hindi niya hahayaan na mawala sa kanya ang asawa niya. Nawalan man siya ng alaala, ipapaglaban niya ang asawa niya hanggang sa huli. Sa totoo nga lang ay gusto saihin ni Maia ang mga sinabi sa kanya ni Alliyah para mapagsabihan ito ni Derrick pero lalabas siyang sumbungera at naghahanap ng kakampi. Baka ang isipin pa ng babaeng ‘yon ay natatakot siyang maagaw talaga niya si Derrick kapag sinabi niya ang totoo rito. Naisip din niya na hindi tamang isali si Derrick kung anuman away ang namamagitan sa kanila dahil away iyon ng babae. And besides,m she’s confident that Derrick will never treat Alliyah more than friends. Kahit paano ay may tiwala siya kay Derrick dahil alam niyang may isang salita ito. Derrick never broke his promises with her kaya ganoon na lang ang tiwala niya rito. Pero sa kabila ng mga ‘yon ay hindi niya maiwasan pa rin na kabahan lalo na sa mga salitang binitawan ng babae. Paanong hindi siya kakabahan, eh sa lahat ng aspeto ay mas magaling sa kanya ang babaeng ‘yon. At isa pa, galing din ito sa magandang pamilya. Del Valle is one of the famous partners of Guillermo Group of Corporation despite of the issues that happened two years ago. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nasangkot sa isyu ang ama nito sa sari-saring isyu tulad ng pagkakaroon ng kabit nito na naging sanhi kung bakit ito nabawian ng buhay noon. Mr. Del Valle were indeed popular because of his connection kaya ganoon na lang din kalaki ang banta sa kanyang buhay. Bukod pa roon ay sangkot pa ito sa drug issues at human trafficking na naging malaking kontrobersyal sa buong bansa dahil hindi lang naman basta-bastang businessman si Mr. Del Valle. Ayon sa mga nabasa ni Maia sa internet ay may balak itong tumakbo sa pagkanditura subalit hindi ito natuloy dahil tuluyan na itong namatay. Nabasa niya rin na isa sa mga partner ng pamilya Del Valle ang Trinidad Group of Corporation. Giovanni Trinidad is the new husband of Elise De Guzman-Trinidad. The ex-wife of her husband. Nakalagay din doon sa kanyang binasa ang pagka-involve ni Elise sa yumaong lalaki. Bagama’t marami na namang tanong na tumatakbo sa isipan ni Maia ay mas pinili niya na isintabi muna ang mga ‘yon. Dahil bigla niyang naisip kung sadya bang maliit lang talaga ang ginagalawang mundo nila sa industriya ng pagnenegosyo? Alam niya na kahit sabihan niya si Derrick ngayon na huwag kausapin si Elise o huwag siyang makikipagkita rito ay tiyak na pagtatawanan lang siya nito. Unang-una ay wala naman siyang dahilan para pagbawalan pa ang lalaki dahil tulad ng sabi nito noon ay matagal na nilang tinuldukan ang relasyon ng isa’t isa kaya balewala kung makakaramdam pa siya ng takot para roon. Pangalawa, wala rin siyang karapatan na pagbawalan ito makipagkita dahil kahit balik-baliktarin man ang mundo ay naging parte pa rin si Elise ng buhay ng kanyang asawa. Ang hindi mawala-wala sa isipan ni Maia ngayon ay bakit nasangkot si Elise sa tatay ni Alliyah noon? At saka kung alam naman pala ni Derrick na marami ng kaso o isyu ang pamilya na ‘yon ay bakit mas pinili nito na makipagnegosyo pa rin sa kanila? Dahil ba sa anak na si Alliyah ang humahawak nito ngayon? O may mas malalim pang dahilan ang lalaki para magawa nitong makipagnegosyo sa kabila ng mga salitang ibinabato ng mga tao rito? Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Hindi na dapat siya mag-isip ng kahit na ano dahil baka tanungin siya ni Derrick tungkol sa mga pinag-iisip niya. She doesn’t know how to lie lalo na sa harap niya. Pakiramdam niya ay sa oras na tignan siya nito sa mata ay para siyang nahihpnotismo ng lalaki dahil sa kung paano siya nito tignan. Nawala siya sa kanyang malalim na iniisip nang biglang magring ang kanyang telepono sa kanyang desk. Sigurado siyang galing ang tawag na ‘yon kay Derrick dahil nakakonekta ang linya nito roon. Ang isa namang telepono ay sa iba’t ibang department ng opisina nakakonekta. Sa madaling salita, may telepono sa kanyang desk na nakalaan lang para sa kanyang boss. Sinagot niya iyon at kagaya ng inaasahan niya ay pinapapunta na naman siya nito sa office. Ano naman kayang sasabihin nito ngayon? Huminga siya ng malalim at saka tumayo papunta sa pinto patungo sa office ni Derrick. Kumatok muna siya at saka pumasok ng tuluyan. Pagkapasok niya ay bumungad si Derrick na bahagyang nakaupo sa kanyang mesa at tila naghihintay sa kanya. “Do you need something, sir?” pormal niyang tanong rito. Tumaas naman ang kilay ng lalaki na siyang ikinagulat niya. Bigla niyang naalala ang bilin nito sa kanya na huwag niya na itong tatawagin na sir kapag silang dalawa lang kaso nakasanayan na niya ito tawagin kaya minsan ay natatawag pa rin niya ito ng hindi sinasadya. “I told you not to be formal when we’re alone,” nakasimangot na wika nito. “A-Ano ba kasi ‘yon, hubby?” namumula niyang wika rito na siyang nagpangiti sa lalaki. Sandali lang iyon pero kitang-kita niya iyon na siyang nagpatuwa sa kanyang puso. Medyo mababaw lang din pala ang kaligayahan niya. Tawagin ko lang siyang ‘Hubby’ ay ayos na. I should get used to it. “Let’s have a day off tomorrow,” wika ni Derrick sa kanya. Siya naman ngayon ang napakunot ang noo dahil sa huling pagkakatanda niya ay marami siyang meeting na nakalaan bukas. “Bakit naman? Anong okasyon? S-Saka ilang araw na lang, weekend na.” Umiling si Derrick sa kanya at saka siya tinigan sa mata. Eton a nga ang sinasabi niya. Natutulala siya kapag tinititigan na siya nito. Para tuloy alam na alam nito kung paano siya pababaliwin. Pero hindi nga ba? “Date.” “W-What?” “Let’s have a date tomorrow, wife.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD