Kabanata 15

2149 Words
Kabanata 15 “I-Ikaw?” IYON ANG SALITANG kaagad na lumabas sa bibig ni Maia nang makita niya ang lalaki sa kanyang harapan. Hindi pa ito nagpapakilala sa kanilang lahat nang ngitian siya nito. Hindi niya rin naman sinasadyang tawagin at duruin ang lalaki. Nabigla lang talaga siya dahil hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki dahil siya ay napagkamalan nitong asawa niya dahil magkamukhang-magkamukha raw sila. She felt bad for him pero kinorek naman niya ito at ipinaliwanag na hindi siya si Astrid, ang babaeng sinasabi nito na kamukha niya. “Hello. We met again, Astrid,” nakangising wika ng lalaki. Tumikhim naman si Derrick kung kaya’t nagpakilala na muli ang lalaki. Napatingin naman siya sa asawa at biglang kinabahan dahil nakasimangot na ito. Mabuti ng asana kung hindi ito nakasimangot habang nakatingin sa kanya pero hindi. He was looking at her with mad expression. At alam niya ang ganoong titig. “I’m Tremaine Svell “Train” Roque. The new COO of Guillermo Group of Corporation. Nice to meet you all.” Pagkatapos ng pagpapakilala ay umalis na lahat ng empleyado at bumalik na sa trabaho. Dapat si Maia ang sasama kay Train na maglibot sa buong kumpanya pero nagbago iyon dahil si Helen na ang inutusan ni Derrick na gawin ang bagay na iyon. Naiwan tuloy si Maia kay Derrick habang abala naman si Helen na maging tour guide ng bago nilang COO. Aalis na dapat si Maia at babalik na sa kanyang desk nang hawakan siya ni Derrick sa kamay. Dahan-dahan siyang napatingin sa kamay nilang magkahawak bago niya iangat ang tingin sa lalaki na ngayon ay nakasimangot pa rin. “Where do you think you are going?” “B-Babalik na sa desk?” natatawa niyang sagot sa lalaki pero hindi ito nagpatinag. Alam niyang si Derrick ang mahirap suyuin pagdating sa kanilang dalawa. Likas kasi ang pagiging marupok niya pagdating sa asawa at kabaliktaran iyon ni Derrick. Kung madali siyang suyuin ay sobrang hirap naman na suyuin ang lalaki lalo na kung may kinalaman sa pagsiselos. “Where did you meet Train?” nakakunot na wika ni Derrick sa kanya. Bumuntong-hininga si Maia at muling ipinaliwanag sa kanya ang nangyaring insidente noong bago sila umuwi ng Metropolis. “Sinasabi mo ba sa akin ngayon na si Train ang lalaking napagkamalan kang ‘Astrid’ at sinabing asawa ka niya?” Mabilis na tumango si Maia sa lalaki. Kitang-kita niya naman ang bahagyang pagkunot ng noo nito na may halong pagtatakang ekspresyon sa mukha. “Bakit?” “Train lied to you. He’s not married. And when he’s lying, it only means that he like or interested on the woman he lied to,” seryosong wika nito sa kanya at saka siya pinaningkitan ng mga mata. “I-I swear, I didn’t do anything for him to like me, Derrick.” “I know. Binibiro lang naman kita,” natatawang wika ng lalaki. “But you should avoid him, understand?” Tumango si Maia sa sinabi ng lalaki. Minsan ay namamangha na lang talaga siya sa bilis ng pagbabago ng reaksyon ni Derrick. Kanina ay nakangiti siya, ngayon ay seryoso na ulit ang ipinapakita nito sa kanya. Alam niyang hindi magiging madali ang pag-iwas sa lalaki lalo na at nasa iisang workplace na lamang sila. Pero wala rin naman siyang nakikitang dahilan para mag-usap sila ng bagong COO dahil hindi naman niya ito kilala. Ang tanging pagtatagpo lang naman na naging ganap sa kanilang dalawa ay iyong nasa isla pa sila. Naiintindihan niya rin si Derrick kung bakit niya iyon sinabi. Ayaw niya rin naman mag-away silang dalawa kung kaya’t mas mabuting sundin niya ito pero bakit parang ang pakiramdam niya ay lumalabas itong walang tiwala ang lalaki sa kanya? Bumalik silang dalawa sa trabaho. Abala si Maia sa pag-aayos ng files nang may tumayong pamilyar na lalaki sa kanyang harapan. Inangat niya ang tingin dito at nakita si Train na ngayon ay mariin siyang tinitignan. Nanlaki ang mata ni Maia at napaayos ng tayo. At dahil tumayo siya ay hindi sinasadyang magkalapit ang mga mukha nila sa isa’t isa. Kaagad naman na umatras si Maia dahil doon at napapikit ng mariin habang mahinang sinusuway ang sarili. “You don’t have to be confused when you face me, Mrs. Guillermo,” nakangiting wika nito. Pero sa kabila ng pagkakangiti nito ay hindi maiwasan ni Maia na kabahan lalo na nang magtama ang kulay abo nitong mga mata sa kanya. Bukod pa roon ay nakaramdam din siya ng kakaiba sa lalaki. She felt like she knew him for a long time. “In fact, you can treat me like a normal person like your co-workers here.” “P-Parang hindi naman tama ata ‘yon. I-Isa ka sa mga boss dito sa opisina, sir.” Tumawa ang lalaki na siyang ikinagulat niya at pagkatapos ay napailing. Nagulat naman siya nang hawakan siya nito sa kanyang braso. “You know what? I really like you, Mrs. Guillermo. You are really different from them.” Napatingin si Maia sa lalaki dahil doon. Hindi niya alam kung anong nagustuhan sa kanya ng lalaki kung iisa lang ba sila ng ‘like’ na iniisip. At kung ganoon nga ay ano ang rason nito at bakit siya nito nagustuhan? Samantalang iisang beses pa lang naman sila nagkita noon. “Do you like me because I looked like your ex-girlfriend?” Alam niyang sinabi sa kanya ni Derrick na wala naman talaga itong girlfriend pero naguguluhan siya dahil parang mas gusto niya paniwalaan itong isa kesa sa asawa niya. “Yes.” “Pero sabi ni Derrick, hindi daw totoo iyon.” Muling tumawa si Train na siyang ikinahiya ni Maia dahil bakit parang ang nangyayari ay nagkakaroon na sila ng casual talk ng lalaki? “Hindi lahat ng mga sinasabi ng tao sa paligid mo ay totoo, Maia.” Biglang nagdilim ang paningin ni Train kung kaya’t hindi napigilan ni Maia na makaramdam ng kaba dahil doon. Saglit din na nanahimik si Maia dahil sa sagot nito. Ano ang sinasabi nito ngayon sa kanya? Sinasabi b anito na kaya magsinungaling ng asawa niya sa kanya? Pero bakit at sa anong dahilan para makuha pa nitong magsinungaling sa kanya? At saka bakit ganoon na lang ito kasigurado na nagsisinungaling ito sa kanya? Derrick would never do that. He would never lie to her. “Sinasabi mo ba na nagsisinungaling ang asawa ko sa akin?” lakas-loob niyang tanong dito. “Hindi, Maia. Pero masasabi kong hindi totoo ang sinasabi niya dahil may girlfriend ako.” “K-Kung may girlfriend ka, bakit sinasabi mong gusto moa ko?” Mahinang napatawa si Train at saka napailing. “Sa palagay ko ay hindi tayo nagkakaintindihan. I like you but I never said that I like you that way, Maia.” Bigla namang nahiya si Maia sa sinabi nito dahil parang siya pa ang napahiya dahil sa pag-aassume na ginawa niya. Hindi na tuloy siya makatingin ng diretso sa lalaki dahil hiyang-hiya siya. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi niya dahil doon. Ano ba kasing pumasok sa kanyang utak para isipin na gusto siya nito katulad ng pagkakagusto ng isang lalaki sa babae? “P-Patawad kung ganoon.” “Pero wala naman sigurong masama kung magustuhan kita sa ganoomng paraan, Maia,” wika niya habang kitang-kita ang nakakalokong ngiti sa labi. Gulat na gulat naman si Maia habang nakatingin sa lalaki. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya at hindi makagalaw. Mabuti na lang at tinawag siya ni Helen kung kaya’t dali-dali siyang pumunta sa kaibigan at iniwan doon ang kausap. “Anong nangyari? Bakit naabutan ko kayo sa ganoong posisyon, Maia?” wika ni Helen. Magkausap sila sa hallway dahil hindi pa makabalik si Maia sa pwesto niya. Ang totoo ay natatakot siyang bumalik doon lalo na at mas malapit ang office ni Train sa desk niya kesa sa office ni Derrick dahil nasa dulo ito ng hallway. Sa madaling salita ay pinaggigitnaan siya ng dalawang office sa last floor ng Guillermo’s Group of Corporation. “W-Wala ‘yon. May tinatanong lang siya sa akin,” pagdedeny niya sa kaibigan na may kasama pang pagtawa. Hindi sa gusto niya magsinungaling. Wala lang siyang lakas ng loob na sabihin kung ano ang pinag-usapan nila ng lalaki at isa pa, ayaw niyang makaabot pa ‘yon sa asawa niya lalo na at nagpapasuyo na naman ito. Mas mahihirapan siyang suyuin ang lalaki kapag nadagdagan ang kasalanan niya sa hindi sinasadyang pagkakataon. “Sigurado ka?” tanong ni Helen. “Oo naman.” Pagkatapos no’n ay nakiusap siya kay Helen na kung pwede ay samahan siya nito sa mall pagkatapos ng trabaho. Gusto niyang bumili ng regalo para sa nalalapit na kaarawan ng anak-anakan ni Derrick na si Jeanne na siyang anak ni Elise. Ayaw niya na magpunta roon na wala siyang dala dahil nakakahiya naman dito. “Kung ako sa’yo ay hindi ako pupunta roon. Kahit na maraming nagsasabi na mabait si Ma’am Elise ay hindi ako naniniwala roon. Marami akong nabasang article tungkol sa kanya bago pa siya mapunta sa ibang bansa. Grabe ang mga ginawa niya sa kanyang unang anak.” “A-Ano bang ginawa niya?” “Pinaako lang naman niya ang bata sa una niyang lalaki na minahal at pinagpilitan na siya ang ama ng batang dinadala niya kahit si Sir Gio naman talaga iyon. Nang mamatay ang anak nila ay nagpunta iyang si Elise sa ibang bansa para doon magbagong buhay at doon niya nga nakilala si Sir Derrick.” “Pinaako? Ibig sabihin ay nagkaanak na sila ng asawa niya ngayon noon?” Tumango si Helen at saka muling nagsalita. “Sa sobrang pagmamahal niya doon sa lalaki, hindi niya matanggap na mahal n anito ang babaeng pinagkasundo roon kaya naging desperada siya. Sa sobrang pagkadesperada niya ay nabuntis siya ni Sir Gio at ipinaako ang bata sa lalaking ‘yon.” “Nagbagong buhay naman siya pagkatapos niya magsisi dahil nakulong si Ma’am pagkatapos ng mga ginawa niya noon sa pamilya ng lalaking una niyang minahal at sa anak niya. Pero syempre ay naniniwala ako na nasa loob lahat ng kulo kaya mag-iingat ka.” Siguro nga ay totoo ang mga alegasyon sa kanya. Wala naman siya sa posisyon na manghusga ng tao kaya hindi niya masasabi kung totoo man ‘yon o hindi lalo na at maraming hindi nagkalat na balita sa internet. At kung totoo naman ‘yon ay wala na siyang pakialam doon. Tapos na at nangyari na kasi. Ang mahalaga para sa kanya ay iyong pakikitungo sa kanya ngayon ng mga taong nakakasalamuha niya dahil doon siya nagbabase kung totoo ba talaga itong nagbago o hindi. “Hindi naman si Ma’am Elise ang ipupunta namin doon kundi ang anak niya.” “Kahit na ba.” Tinignan siya ni Helen at saka nagsalita.”Huwag ka sana maooffend pero sigurado ka bang talagang bata lang ang ipupunta niyo roon?” tanong sa kanya ni Helen. Bahagya siyang napatigil at napaisip. Alam naman niya kung ano ang sinusubukan nitong sabihin pero pilit niyang tinataboy ang haka-haka na ‘yon dahil nagkalinawan na sila ng asawa. “Oo naman. Imposible namang may nararamdaman pa ang asawa ko sa kanya at saka matagal na nangyari ang mga ‘yon.” “Oh siya, bahala ka. Pero kung magpapasama ka nga ay willing naman akong tulungan ka na maghanap ng ireregalo mo para sa bata.” Nagpaalam siya kaagad kay Derrick, isang oras bago matapos ang trabaho. Pumayag naman ito dahil si Helen ang kasama niya sa paghahanap ng regalo. Noong una pa nga ay nag-insist ito na siya na lang ang sasama pero iginiit naman ng babae na bonding time nila iyon ng kaibigan niya kung kaya’t wala na itong nagawa sa huli. Sa pagkakaalala niya ay magwawalong-taon na si Jeanne kung kaya’t binilhan niya ito ng bag na magagamit niya sa school. It was a branded bag that cost eight thousand pesos. Ayaw niya sana gumastos ng mahal pero nakakahiya naman kung hindi dahil isang beses lang naman sa isang taon ang kaarawan ng tao at isa pa, alam niya kung gaano kaespesyal ang bata sa asawa niya. Pagkatapos no’n ay iniwan na siya ni Helen dahil may emergency daw siya sa bahay kung kaya’t kinakailangan niya magcommute mag-isa. Okay lang naman dahil pamilyar na siya sa lugar kaya lang nagtungo pa siya sa grocery kanina bago umuwi kaya mahihirapan siyang isakay ang mga ito pauwi sa bahay. Minabuti na lang niya na tumawag na ng taxi dahil gabi na. Siguradong hindi na mapakali si Derrick na kasalukuyang naghihintay sa bahay sa kanya nang may pumarang sasakyan sa harap niya dahilan para maagaw nito ang kanyang atensyon. Ibinaba nito ang bintana ng sasakyan at bumwelta sa kanya ang mukha ng lalaki na gusto niyang iwasan para sa ikatatahimik ng isipan niya. “Get in.” Sir Train.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD