Kabanata 14
“Are you sure that you can’t remember anything, Maia?”
HALOS MAMUTLA si Maia dahil doon pero pinatili niyang kalmado ang sarili. Hindi siya pwede kabahan dahil tiyak na lalabas ang totoo. Ayaw niyang mag-away sila ni Derrick lalo na at malabo pa ang mga naaalala niya.
She nodded without even blinking. Muli siyang tinitigan ng kanyang asawa na nagtagal ng ilang minuto bago nito nagawang bumuntong-hininga. “If you say so. Just promise me that you’ll tell me if your memories came back.”
Umuwi sila pagkatapos no’n. Alalang-alala naman sa kanila si Manang dahil hating gabi na sila nakauwi noong gabing ‘yon. Umakyat na rin si Maia sa kanyang kuwarto para magpahinga at matutulog n asana nang marinig niya ang malakas na katok sa kanyang pintuan.
Binuksan niya ang pinto at iniluwa no’n si Derrick na ngayon ay nakasuot na ng robang pantulog. Hindi naman niya ginustong titigan ang lalaki. Talagang nadala lamang siya sa gulat dahil hindi niya akalain na kakatukin siya nito lalo na at magkasama naman sila kanina. Kaya lang, paano niya naman ito hindi titigan kung nakabalandra sa kanya ang maganda at matipunong dibdib na kinalolokohan ng mga babae.
Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman pero alam niyang maraming babae ang nababaliw kay Derrick. They are often falling in love with him because of his dark and mysterious charm. Bukod pa roon ay laman din naman talaga si Derrick ng mga magazine at kung minsan ay may kasama pang photoshoot doon sa mga magazine na ‘yon kung saan nagsusuot siya ng mga brand na damit dahil madalas siyang kinukuha ng mga ‘yon para magmodel.
He said he was only doing that for publicity and he didn’t want his Auntie Nerissa to get mad at him by rejecting those magazines photoshoot. Pero hindi iyon ang nakikita ni Maia. He seems enjoying doing a photoshoot pero hindi niya iyon masabi ng diretsahan sa asawa dahil natatakot siyang kunotan lang siya ng noo.
Sa totoo lang, marami siyang mga naririnig sa ibang tao na nai-intimidate nga raw sila kay Derrick. Hindi naman niya sasabihin na nagsisinungaling ang mga nagsasabi no’n dahil totoo naman iyon. He has this aura that can intimidate anyone. Nakadagdag pa sa aura niyang iyon ang pagiging manly niya kaya hindi na nakakapagtaka na marami talagang babae na nahuhumaling sa kanya.
Siguro nga ay totoo ang sinabi sa kanya ni Bea noon na niligtas niya ang kalawakan sa past life niya para magkaroon ng asawa na kagaya ni Derrick. Marami mang babae ang mahumaling dito ay alam niyang sa kanya pa rin uuwi ang lalaki.
“Done staring, wife?” nakangising tanong ni Derrick na nagpalaki sa mata ni Maia. Ramdam tuloy niya ang matinding pag-iinit ng kanyang pisngi dahil doon. Kaagad siyang umiwas ng tingin sa lalaki at yumuko pero sa huli ay ibinalik niya rin ang tingin dito dahil narinig niya ang mahina nitong pagtawa.
“A-Ano bang ginagawa mo rito? Gabi na ah?”
Pumasok si Derrick sa loob ng kanyang kuwarto nang tuluyan at isinarado ang pinto bago humiga sa kama na siyang ikinagulat din niya. “I will sleep here.”
“W-What? You have your own room, Derrick.”
“A true married couple should sleep in the same room.”
“But we’re sleeping in the separate room for years,” giit niya. Hindi naman sa ayaw niya makatabi ang asawa sa pagtulog. Ang totoo nga niyan ay gusto niya rin ito makatabi dahil nakakalungkot na matulog sa malaking kama sa loob ng malaking kuwarto mag-isa.
Hindi pumasok sa utak niya na may babae ito o kaya ay may ibang rason kung bakit hindi sila magkatabi sa kama. Ang nasa isip niya noong mga oras na ‘yon ay normal iyon sa mag-asawa kaya hindi siya nagtanong hanggang sa nalinawan siya. May mga oras na gusto niya itanong kung bakit hindi sila magkatabi dahil ang weird nga naman no’n na nagpakasal kayo tapos hindi nagtatabi sa kama pero wala siyang lakas ng loob na itanong ‘yon hanggang sa nakalimutan na lang niya ang tungkolsa bagay na ‘yon.
“Won’t you ask me why we’re sleeping in a separate room?”
“Pumasok sa isip ko ‘yan hanggang sa nakalimutan ko na itanong,” sagot niya sa lalaki.
“Do you want to know why?” tanong niya habang nakangiti. Tumango naman si Maia sa kanya. Tinapik ni Derrick ang tabi niya na para bang sinesenyasan si Maia na tumabi sa kanya. Nakuha naman ni Maia iyon kaya tumabi siya sa lalaki. Humiga siya ng patalikod sa lalaki. Kaagad naman siyang yinakap ng asawa. Naramdaman pa niya ang bahagyang paghalik nito sa may ulo niya bago ito nagsalita.
“I was being considerate of your situation.” Bahagyang napatingin si Maia kay Derrick. Humarap siya sa lalaki at hindi alintana ang distansya na namamagitan sa kanilang mga mukha. “Huh?”
“You have lost your memories. I don’t think you would be comfortable staying with me in just one room.”
Parang may humaplos na kung ano sa dibdib ni Maia nang marinig niya ang sagot ng kanyang asawa. Hindi niya alam na nagiging considerate lang pala ito sa kanya. Akala niya ay may nagawa siyang kasalanan kaya hindi sila nagsasama sa kwarto na ayaw lang sabihin ng lalaki sa kanya.
“K-Kung ganoon… k-kaya ka natutulog sa ibang kuwarto ay dahil inaalala moa ko?” Tuluyan nang pumiyok ang boses ni Maia dahil hindi siya makapaniwala na iyon ang rason ng asawa niya. Aamin siya at hindi itatanggi ang bagay na totoo naman talagang nagpadala siya sa kanyang emosyon. Nagpadala siya sa haka-haka ng kanyang utak hanggang sa napagod na lang siya at kinalimutan ang mga ‘yon. Kaya hindi niya mapigilan na hindi maiyak dahil sa wakas ay nalinawan na siya.
“Why are you crying? Na-touch ka sa sinabi ko?” natatawang wika ni Derrick at saka pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ng asawa. Tumango naman ito at saka ibinaon ang mukha sa dibdib ng lalaki. “I thought I did something wrong in the past so I stayed silent because you’re not telling me anything.”
“Now that everything is cleared, can I share my room with you?” Masayang tumango si Maia at saka muling yinakap si Derrick. Alam ni Maia sa kanyang sarili na habang patagal ng patagal ay palalim na rin ng palalim ang nararamdaman niya sa lalaki. Hanggang ngayon nga ay hindi siya makapaniwala na posible pal ana mahulog ulit sa pangalawang pagkakataon ang tao dahil iyon ang nangyari sa kanya.
She knows that she’s falling in love with him all over again. Pero natatakot siyang sabihin ang mga salitang ‘yon dahil may pumipigil pa rin sa kanya at iyon ang nakaraan niya.
“Do you know how worried I was about you when I saw you fainting in front of me?”
Tumango si Maia doon. “Alam ko dahil mukha mo kaagad ang bumungad sa akin pagkagising ko,” natatawang wika niya at napailing. Nanatili siyang nakayakap kay Derrick at hindi pa rin alintana ang distansya nilang dalawa. Kung nasa normal silang sitwasyon ay baka tinablan na siya ng hiya ngayon pero nag-uumapaw ang kilig at say ana nararamdaman niya sa kanyang puso kaya ipinagpaliban muna niya ang hiya at hinayaan ang sarili na kapalan ang mukha.
“I don’t want to lose you again, Maia.”
Tinitigan niya ang lalaki. Kita niya roon ang sinserong emosyon na lalong nagpahulog sa kanya. Hindi niya alam kung anong ginawa niya sa past life niya para makilala si Derrick at maging asawa niya pero kung ano man ‘yon ay nagpapasalamat siya dahil ibinigay sa kanya ang lalaking katulad niya. At katulad din ng lalaki ay ayaw niyang mawala ito sa kanya.
“You will never lose me again, Derrick. I will stick with you through thick and thin.”
KINABUKASAN ay maaga silang pumasok ni Derrick sa trabaho. Lahat sila ay binati ng empleyado nang dumating silang magkasama. Hindi pa rin siya sanay na binabati at nakakasabay si Derrick na maglakad papunta sa kanyang opisina dahil nasanay na siyang naglalakad mag-isa. Pero ngayong alam na ng lahat ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ay kailangan niya na masanay na kasama niya si Derrick sa paglalakad. Hindi nga lang basta paglalakad na maitatawag iyon dahil magkahawak pa ang kanilang mga kamay. Nahihiya tuloy siya kaya pilit niyang binabawi ang kamay sa asawa pero ayaw naman nito magpatinag. Iba kasi ang mga ibinibigay na tingin sa kanya ng mga tao. Inaamin naman niya na may mga natuwa sa balitang sila ngang dalawa ni Derrick pero meron din iilan na hindi natuwa roon dahil nga iginigiit nilang si Alliyah ang mas okay na kasintahan ng asawa niya.
Sa isip-isip niya nga ay may magagawa ba ang pagdadabog nila at pagpapakita ng hindi maganda sa kanya gayong siya nga ang pinakasalan? Kahit ilang beses pa nilang sabihin na si Alliyah ang mas nababagay na asawa sa kanyang asawa ay hindi mababago ang katotohanan na siya pa rin ang pinakasalan. Kahit balik-baliktarin pa ang mundo, ang marriage certificate at ang singsing niyang suot ang magpapatunay na kasal nga silang dalawa at siya ang asawa ni Derrick.
Sa totoo lang ay hindi naman siya mapagpatol sa mga ganoong bagay, Wala naman silang magagawa kundi magbato ng mga masasakit na salita laban sa kanya lalo na kung hindi niya papansinin ang mga ito. Minsan, kaya may mga ganoong tao ay naiinggit sila sa katayuan na meron ang isa dahil hindi nila narating ang bagay na ‘yon kaya naiinggit sila.
Pero minsan ay talagang napupuno na siya. Hindi naman siya natatakot na magsalita sa mga bagay na unfair pagdating sa kanya lalo na sa trabaho. At alam din niya na lahat ng bagay ay may sari-sariling oras o panahon para sabihin kaya tahimik lang siya.
Kung anu-ano kasing pambabatikos ang natatanggap niya na mga text galing sa kung kani-kaninong number na hindi daw sila bagay ni Derrick. Alam niyang ang mga ilan dito ay galing sa mga katrabaho niya na ayaw sa kanya at doon kay Alliyah kumakampi. Hindi niya pa nasasabi ang bagay na ito kay Derrick dahil hindi naman niya ugali magsumbong at isa pa, natuto siya na hangga’t kaya niyang magtiis ay magtitiis siya at iyon ang ginagawa niya ngayon.
“Nasabi mo na ba?” tanong sa kanya ni Bea. Umiling siya. Wala siyang balak na sabihin ang mga text na natatanggap niya galing sa mga kung sinu-sino dahil tiyak na malaking gulo iyon kapag nagkataon.
Sumimangot si Bea. “Bakit ayaw mo sabihin? Dapat turuan ng leksyon ang mga nagtitext ng mga ‘yan sa’yo para maranasan nil ana matanggalan ng trabaho ano,” nang-iirap na wika sa kanya ni Bea.
“Oo nga teh. Sa ginagawa mo, lalo lang nahihimasa ang mga ‘yan at isa pa, asawa ka. Hindi ka dapat ginaganyan ng kung sino lang,” wika naman ni Helen. Nasa cafeteria sila ngayon dahil oras na ng lunch break. Hindi niya kasabay si Derrick na kumain dahil may kausap pa ito nang katukin niya ito para yayain kumain ng lunch. Pinauna naman siya ng lalaki dahil mukhang matatagalan pa ang pag-uusap nila kaya kela Helen siya sumama.
“Hindi naman sa ganoon. Ayoko lang ng gulo at saka umaasa ako na titigil na sila bago pa ako gumawa ng aksyon.”
Napailing na lang silang dalawa sa sinagot niya. Pagkatapos ng dalawampung-minuto ay bumalik na sila sa kanya-kanyang trabaho. Nagpatawag naman si Derrick ng meeting kung saan lahat ng mga empleyado ay ipinatawag din.
“I forgot to tell everyone an important announcement. Our new COO will work here starting today so please treat him nicely.”
Walang sinabi sa kanya si Derrick tungkol doon na ngayon ang dating ng bagong COO nila. Noon kasi ay si Auntie Nerissa ang COO ng kumpanya pero nagresign ito sa pagiging COO nang sumama ang lagay ng nanay ng auntie niya na siyang lola ni Derrick. Matagal itong nabakante at ngayon ay may papalit na mas katiwa-tiwala para sa kanya.
“Please meet our new COO, Tremaine Svell “Seven” Roque.” Pumasok ang pamilyar na lalaki sa mata ni Maia pagkasabi na pagkasabi ni Derrick no’n. Nakasuot ito ng asul na suit at nakabrushed up ang buhok.
Wala sa sariling napatayo si Maia pagkapasok nito at tinuro ang lalaki dahil kung hindi siya nagkakamali ay siya iyong lalaki na tumawag sa kanya ng Astrid noong nasa isla pa sila ni Derrick.
“I-Ikaw?”