Kabanata 16
“Get in.”
“T-Tatawag na lang po ako ng taxi, sir,” kinakabahan niyang wika sa lalaki. Bumuntong-hininga ang lalaki at bumaba sa driver’s seat at hinila si Maia pero ayaw naman magpatinag ng babae. “Uuwi ako sir ng mag-isa.”
“Can you go home with all of that?” Hindi nagsalita si Maia. “C’mon, Maia. Ihahatid lamang kita sa bahay niyo. Anong masama roon?”
Wala naman talagang masama na makisabay siya sa lalaki dahil kung tutuusin ay nagmamagandang loob nga lang naman ito. Pero sa tuwing maaalala niya ang mukha ni Derrick na seryoso at masama ang tingin ay parang nagsisimula na siya mangamba at magdalawang-isip kung sasabay ba siya rito o hindi. Ang isa pang rason kung bakit ayaw niya ay dahil tapos na ang trabaho nila. Wala na itong rason para ihatid siya nito sa bahay niya lalo na at may asawa siya. Hindi magiging maganda kapag nakita silang dalawa na magkasama.
“S-Sir, umuwi na lang po kayo. Magpapahatid na lang po ako sa taxi,” magalang na wika niya sa lalaki.
“Hindi ako uuwi na hindi ka kasama.” Sasagot pa lang sana si Maia nang makarinig silang dalawa ni Train ng sunod-sunod na busina galing sa mga sasakyan na nakasunod sa sasakyan ni Train.
“Kung magpapakipot ka ate, maghanap kayo ng ibang lugar. Huwag dito sa sakayan ng sasakyan. Maraming naghihintay na pasahero!” sigaw noong driver sa kanila.
“What?” asar na wika niya sa lalaki. Nakasakay siya ngayon sa shotgun seat ng sasakyan ni Train. Dahil sa pagrireklamo na naganap sa mall ay wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa sasakyan ng lalaki at hayaan siya nito na ihatid sa bahay nila. Ipapaliwanag na lang niya kay Derrick na wala itong intension na makasama ang lalaki. Wala lang siyang choice dahil marami ng naghihintay na driver dahil nakatigil pala ang sasakyan nito sa daan.
“You have that expression again.” Kumunot ang noo niya sa lalaki. “At ano namang ekspresyon ‘yon aber?” wika niya na may halong inis ang boses. Hindi niya alam pero parang pakiramdam niya ay matagal na niya talagang kilala ang lalaki. He’s giving her weird feelings that makes her feel panic.
“That you’re going to punch me anytime you want,” naiiling niya na wika at saka tumawa. Hindi naman siya makapaniwalang tinignan ni Maia. “A-Ako?”
Tumango si Train sa kanya. Hindi naman napigilan ni Maia na paluin siya nito sa braso. “Oh tignan mo, nanakit ka na.”
“Kasi hindi ako makapaniwalang sinabi mo ‘yon, sir.”
Isang malakas na tawa naman ang iginawad ni Train bilang sagot kay Maia. Biglang namang may nagflashback sa utak ni Maia na dahilan ng pagsakit ng kanyang ulo kung kaya’t bigla siyang nanahimik. Sa flashback na iyon ay may nakita siyang lalaki na tumatawa din sa harap niya katulad ng pagtawa ni Train. Bagama’t malabo ang mukha nito ay nagkaroon bigla ng kutob si Maia na si Train ang lalaking iyon.
Pero kung si Train ang lalaking iyon, bakit ito nagkukunwari na hindi siya nito kilala? Bigla ulit napatigil si Maia at naalala ang insidenteng tinawag siya ni Train ng Astrid. Hindi kaya siya si Astrid? Pero ang sabi sa kanya ni Derrick ay Maia ang pangalan niya. Hindi kaya totoo rin nagsisinungaling sa kanya si Derrick? Pero bakit naman niya gagawin ang bagay na ‘yon? Mag-asawa sila. Wala itong nakikitang rason para magsinungaling ang lalaki sa kanya.
“Maia?”
Kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ni Maia. Kung hindi pa siya hinawakan ni Train sa balikat ay hindi siya lalabas sa imahinasyon at sa malalim niyang iniisip.
“Maia? Are you okay?” Saglit na napatulala si Maia. Nanginginig siya at namumutla. Siguro ay dahil iyon sa mga bigla-bigla na lamang lumalabas sa isipan niya na kung anu-ano. Ang mahirap pa ay hindi niya malaman kung iyon ba ay isang imahinasyon lamang o totoong nangyari sa buhay niya noon.
Ang sabi sa kanya ng doctor ay kapag may naaalala siya ay huwag muna siyang magpadala doon dahil minsan ay gumagawa ang utak ng sariling memorya para masabing totoong nangyari iyon kahit hindi naman. Pero bakit parang iba ang kutob niya sa mga nangyayari ngayon sa kanya? Bakit parang kahit kaonti at hindi sigurado ang mga naalala niya ay mas gusto niya iyon paniwalaan kesa sa sinabi ng doctor?
“A-Ayos lang ako. P-Pwede bang iuwi mo na ako?” tanong niya sa lalaki. Matagal bago siya hindi nakasagot. Nakita siguro nito ang pagkatulala at ang panginginig nito sa hindi malaman na dahilan. Hindi pwedeng may makaalam na nawalan siya ng alaala dahil iyon ang sabi sa kanya ni Derrick. Ayon sa asawa niya ay kaya siya naaksidente ay dahil sa may mga taong hinahabol siya at gustong pumatay sa kanya.
Hindi niya alam kung totoo iyon. Ang totoo nga niyan ay nagkaroon siya ng kaonting pagdududa sa mga sinabi ni Derrick sa kanya pero naisip niya rin na wala naman itong dahilan para hindi magsabi ng totoo sa kanya. At isa pa, hindi rin naman siguro mangyayari ang insidente na naging dahilan ng pagkawala ng alaala niya kung hindi totoo ang mga sinabi nito sa kanya.
“Okay.”
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na rin sila sa bahay. Kaagad na bumaba si Maia sa sasakyan habang tinulungan naman siya ni Train na ibaba ang mga pinamili niya.
“S-Salamat, sir.”
“You don’t need to call me sir when we’re outside of the office. I prefer if you will treat me as your friend when we’re outside,” nakangiting wika nito sa kanya. Muli niyang naalala ang sinabi sa kanya ni Derrick na mas mabuting iwasan niya ang lalaki. Balak naman niya sundin ang sinasabi nito pero nakakahiya naman kung sasabihin niya na hindi siya pwede makipagkaibigan sa kanya dahil lang sa sinabi ng asawa niya eh tinulungan nan ga siya nito at inihatid pa sa bahay kahit na sapilitan iyon.
Bumuntong-hininga siya at saka ngumiti sa lalaki. Sasagot na sana siya nang biglang bumukas ang gate at iniluwa no’n si Derrick.
“Mai—“Derrick? Pwede mo ba ako ihatid sa bahay? Wala akong—“ Napasinghap si Maia nang marinig niya ang boses na iyon. Pamilyar iyon at hindi niya pa makakalimutan. At tama nga ang hinala niya dahil si Alliyah ang lumabas mula sa pintong ‘yon. Napatigil din ito sa pagsasalita dahil nakita niya si Maia na nakatulala sa kanya pati na rin kay Derrick habang ang lalaki naman ay masama ang tingin dahil sa lalaking katabi rin ni Maia.
Kilala ni Alliyah ang lalaki. Ilang beses na niya ito nakita sa mga party ng kanyang magulang. Balita niya ay siya ang bagong COO ng Guillermo’s Company pero hindi niya akalain na close na kaagad ang lalaki sa asawa ng lalaking gusto niya.
“What are you doing here, Train?” malamig na sagot ng lalaki habang dahan-dahan na naglalakad papunta sa kanilang dalawa ni Maia. Sinubukang tawagin ni Alliyah si Derrick para makuha ang atensyon nito pero balewala iyon.
“I saw your wife struggling to go home so I helped her. Am I right, Maia?” Tumingin pa si Train kay Maia at binigyan ito ng malawak na ngiti. Lalo naman nabwisit si Derrick dahil sa ganoong response mula sa lalaki. Pagkatapos no’n ay tumingin naman si Derrick kay Maia para malaman at kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ng lalaki. Nakita niya itong nakatulala pa rin sa babaeng kasama kung kaya’t hindi ito kaagad nakasagot. Kung hindi pa nito naramdaman ang paninitig ng asawa niya sa kanya ay hindi niya ito mapapansin.
“A-Ahh. Oo… h-hinatid niya ako dahil nahirapan akong sumakay. Nakita niya akong pumapara ng taxi roon pero walang tumitigil kaya sumakay na ako sa sasakyan niya…” mahabang paliwanag niya sa lalaki.
Ilang segundong napatahimik ang lalaki at kinuha ang kamay ni Maia. Tinawag naman niya ang guard para ipasok sa loob ang mga pinamili niya at pagkatapos ay tinawag si Alliyah.
“Alliyah?”
“Yes?”
“Can you go home all by yourself? I need to talk to my wife.” Hindi pa nakakasagot si Alliyah nang hilahin ni Derrick si Maia papasok sa loob ng bahay. Dali-dali niyang dinala ang babae sa kuwarto nilang mag-asawa upang doon mag-usap.
“Pwede bang kumalma ka muna?” mahinahong tanong ni Maia sa lalaki.
IMBES NA KUMALMA ay kinunotan lamang siya ng lalaki. How could he calm if he saw his woman with another man? Kakasabi pa lang nito na iwasan niya ang lalaki dahil alam niyang may gusto ito rito pero ito pa rin ang nangyari.
Nakita pa rin nila itong magkasama at ilang oras pa lang sila na nagkakasama ay parang malapit na kaagad ang loob nila sa isa’t isa. Alam ni Derrick sa kanyang sarili na wala naman siyang dapat ipag-alala kay Maia. He knew that he could trusts his wife but he couldn’t trust people around her especially guys. To be specific, he can’t trust Train.
Matagal ng kasosyo ng mga Guillermo ang Legazpi. Nang mag-retire ang mga magulang ni Train sa pagiging CEO ay ito ang pumalit. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Derrick na matalino nga si Train at kayang-kaya na patakbuhin ang kumpanya. Popular din ito sa mga babae at ang alam niya nga ay may girlfriend ito pero hindi niya pa iyon nakikita kailanman kaya nagkaroon ng haka-haka na hindi iyon totoo. Hindi lang niya kinumpirma ng harapan kung totoo ba ‘yon dahil wala naman siyang pakialam sa lalaki. They are not close enough to share personal life to each other.
At kung totoo naman na may girlfriend ito ay bakit nito nilalapitan ng ganoon na lang ang asawa niya? Hindi naman siya manhid. Alam niya kung kailan may nagkakagusto sa pag-aari niya at isa na nga ang lalaking iyon doon.
Kung siya lang din naman talaga ang masusunod ay hindi niya tatanggapin si Train sa kumpanya bilang COO. In fact, he can run the company on his own. But because he knew that Train would be one of the company’s biggest assets, he accepted it. Another reason why he hired him in the company to be COO was to divide his work and reduce it somehow.
Sa ganoong paraan ay makakasama niya ng madalas si Maia kumpara sa dati. Pero hindi niya alam na magiging malapit ang dalawa sa isa’t isa. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba niyang ikainis iyon o hindi.
Sigurado naman kasi siya na walang ginagawang masama ang asawa niya. Alam niya na kung magkasama man sila ay may malalim itong dahilan katulad na lang ng ipinaliwanag nito kanina. At isa pa, hindi naman iyon ang bumabagabag sa isip niya.
Ang kanina pang bumabagabag sa isip niya ay ang pagtingin ng lalaki sa asawa niya at ang reaksyon ng asawa niya nang makita silang dalawa ni Alliyah na magkasama sa bahay. Paniguradong nag-iisip na ito ngayon ng kung anu-anong bagay dahil doon.
Kilala niya na kaagad ang babae kahit sa maikling panahon lang. He knew that his wife loves to overthink. At kahit na iyon na ang nangyayari ay mananatili itong tahimik sa isang sulok at aaktong okay lang ang lahat. Alam niya na nag-usap na sila na sasabihin ang lahat sa isa’t isa pero hindi iyon magiging madali sa kanila lalo na at siya naman itong nagsimula ng hindi nag-oopen up ng basta-basta.
Titigan pa lang niya ang babae ay alam na niya kaagad ang iniisip nito. She probably wonders why he’s with someone who likes him more than a friend. Ang totoo niyan ay hindi naman niya ginusto na makasama si Alliyah. She made a surprise visit kaya siya nandoon. Doon nan ga rin sa bahay siya kumain ng hapunan. Bukod doon ay nag-usap din sila tungkol kay Maia.
“Why are you with him?” tanong niya sa asawa. Umawang ang labi ng babae habang siya naman ay nakatitig ng diretso dito at pinapanood ang bawat reaksyon nito.
“S-Sinabi ko na hindi ba? Kaya ko siya kasama ay hinatid niya ako.”
“You should’ve called me then.”
“Lobat ang cellphone ko.” Ipinakita nito ang cellphone na hawak sa lalaki na siyang patunay ng ana nalobat ito at totoo ang sinasabi niya. “At saka masasagot mo ba ang tawag ko eh kasama mo si Ms. Alliyah?”
He’s right. Kung anu-ano na naman ang pumasok sa isip nito dahil lumabas na sa bibig nito si Alliyah. Gusto niyang malaman kung ano ang iniisip niya pero mukhang hindi na iyon kailangan dahil kitang-kita naman na sa mata nito ang iniisip niya. And he knew that he has to clear that uneasy though of hers.
“Of course, I will answer your call, Maia.” Marahang napailing naman si Maia roon at tinitigan siyang muli. “Why? Because I’m your wife? But what if I am not your wife, Derrick? Would you still answer my phone call?”
Bahagyang nagulat si Derrick sa sinabi ni Maia. Hindi niya inaasahan ang tanong nito sa kanya. Hindi niya rin mawari kung saan nanggaling ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ngayon. Pero hindi iyon ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay masagot niya ang tanong ng asawa niya sa kanya.
Tumango si Derrick ng walang halong pagdadalawang-isip at saka hinawakan ang kamay ni Maia. “Of course. Because it’s you, Maia.”
Napatigil ang babae sa sinabi nito at umiwas ng tingin. Bumuntong-hininga si Derrick at saka inangat ang kamay sa balikat ng asawa bago hawakan ang mukha nito at iangat upang mas matignan ng maayos. “Just to clear things, she made a surprise visit here in our house. I didn’t invite her, okay?”
Iyon naman talaga ang totoo. Tulad nga ng sinabi niya ay hindi niya inaasahan na bibisita si Alliyah. Kung alam lang niya sana ay natural lang na pagbawalan niya ito pero kung tutuusin ay wala rin siyang karapatan na gawin iyon dahil may pinagsamahan naman sila. At saka anon a lang iisipin ng mga Del Valle kung gaganunin na lang niya bigla ang unica hija nila.
Pero napagtanto niya na mas importante si Maia kesa sa mga sasabihin ng mga tao sa kanya kaya alam na niya ang gagawin niya sa susunod na bumisita ito ng walang pasabi lalo na at wala ang asawa niya sa loob ng bahay o sa dis-oras pa ng gabi.
“Anong ginawa niyo?”
“Nag-usap lang kami sa upcoming project ng Guillermo at ng Del Valle. Alam mo naman na isa sila sa mga kasosyo ng kumpanya hindi ba?” Tumango naman si Maia bilang sagot dito.
Ayaw niyang sabihin na pinag-usapan din nilang dalawa ang tungkol sa kanya. Alam niya kasi ang mararamdaman ng babae kapag nalaman nito ang mga pinag-usapan nila.
Pilit kasing sinasabi sa kanya ni Alliyah na hindi karapat-dapat sa kanya si Maia dahil sino ba siya para maging asawa nito? She’s nothing compared to Elise, his ex-wife and the first love of his life. Pero wala naman dapat ipagkumpara. At isa pa, wala rin itong karapatan na diktahan siya kung sino ang gusto niyang maging asawa. He chose Maia because he found something in her that he couldn’t find in someone else. Bukod pa roon ay dahil alam niyang si Maia ang makakasagot sa mga kasagutan niya sa nangyari sa mga magulang niya.
Without Maia and the answers, he had long been looking for to the questions that were bothering her mind, he knew he wouldn’t be able to keep quiet. He wouldn’t be able to make peace in the past.
And Elise is right, Maia is the reason why he’s happy right now. So why would he leave her if she makes him happy? So, why would he listen to Alliyah?
Alam niyang matagal ng may gusto sa kanya si Alliyah at kung tutuusin ay makakatulong si Alliyah sa kanya dahil isa siyang Del Valle. Pero ayaw niyang samantalahin ang bagay na ‘yon para makuha ang gusto niya. Magkaibigan sila ni Alliyah at hindi nito deserve na makaramdam ng hindi buong pagmamahal. At alam ni Derrick iyon sa kanyang sarili na hindi siya ang taong makakapagbigay ng buong pagmamahal sa dalaga.
Mahal na ba niya si Maia?
Iyon ang hindi pa niya sigurado sa ngayon. Pero ang tanging alam niya sa ngayon ay napapasaya siya ng dalaga. And he’s ready to open his heart again.
Nang dahil doon ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Alliyah. Nagalit siya sa sinabi nito dahil wala itong karapatan na diktahan siya kung sino ang babaeng karapat-dapat sa kanya kahit na gaano pa ito ka-concern sa kanya bilang magkaibigan.
Bukod pa roon ay inamin ng dalaga ang nararamdaman nito sa kanya pero kaagad niyang tinanggihan ito. Hindi niya rin sinasadyang maitulak ang babae nang tangkain siyang halikan nito sa labi lalo nan ang marinig niya ang isang busina ng sasakyan galing sa labas.
Kanina pa niya hinihintay si Maia dahil nagpaalam itong aalis para maghanap ng regalo para kay Jeanne na hindi naman n anito kailangan gawin kung tutuusin. Pero nagpumilit ang babae kaya pinayagan na niya ito dahil kasama naman nito si Helen kaya ganoon na lang ang inis niya nang si Train na ang kasama nito dahil akala niya ay si Helen ang maghahatid sa kanya pauwi.
“Pero may tanong pa ako, Derrick.”
“Ano ‘yon?” Umupo si Derrick sa gilid ng kama at hinila papunta roon si Maia. Pinaupo niya ito sa kanyang hita habang siya ay nakayakap sa dalaga. Hindi pa siya nakuntento sa pagyakap dahil ibinaon niya pa ang mukha niya sa may batok ng babae.
“Hindi ba ay matagal ng sangkot ang pamilya nila Ms. Alliyah sa mga isyu na katulad ng drugs at human trafficking? Kung ganoon ay bakit patuloy ka pa rin nakikisosyo sa kanila?” tanong ni Maia sa lalaki.
Kusa namang napatahimik si Derrick doon at dahan-dahan napatingin kay Maia. Naramdaman naman nito ang pagtitig sa kanya ng lalaki kaya nilingon niya ito. Bumungad ang katakot-takot na ekspresyon sa mukha ni Derrick dahil doon. Natakot naman si Maia dahil ito ang unang beses na nakita niya ang ganoong reaksyon mula sa asawa. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya dahil literal siyang napatigil sa ganoong posisyon at hindi makakilos.
“How did you know all of that, Maia?”