Kabanata 11

2117 Words
Kabanata 11 “Let’s have a date tomorrow, wife.” “D-Date? P-Pero bakit?” kinakabahan niyang tanong sa asawa. Sa totoo lang, masaya naman siya na inaya siya nito sa date kung tutuusin dahil unang beses iyon na mangyayari sa kanila. They never had a nice date before. Oo nga at palagi naman siyang sumasama sa mga business trip niya noon kahit wala pa sila sa Metropolis at nakatira pa sa ibang bansa pero wala naman itong inaatiupag kundi trabaho. Makakalabas lang sila kapag kailangan na makipagkita sa kliyente. They also tried planning their trip once kaso pumalya pa rin dahil pinapabalik na sila kaagad sa Metropolis. Iyon iyong nasa Saubea pa sila at balak pa sana magtagal ng ilang araw pagkatapos ng meeting sa isang kliyente niya pero hindi natuloy ang pananatili dahil kinakailangan n anito bumalik sa Metropolis. Kaya ngayong yinayaya siya nito ay talaga naman masaya siya. Kaya lang, masyado atang biglaan ang date nilang ito. Lalo na at puro meeting siya bukas. How could they date if his schedule was full? “Anong bakit? Do I need a reason to date my wife?” Mabilis naman umiling si Maia at saka nagsalita. “B-Biglaan lang kasi at saka hindi bap uno ang schedule mo bukas? Nakalagay sa planner ko na puro ka meeting bukas.” “Then cancel all the meetings that I have in the afternoon.” Lalong nanlaki ang mata ni Maia dahil doon. “P-Pero…” “No butts, Maia.” Huminga siya ng malalim at saka ay napatango kahit na labag sa kanyang kalooban ang pag-cancel nito ng meeting nang dahil lang sa gusto nito na magdate sila. “Where are we going then?” tanong ni Maia sa kanya. Hindi naman niya dapat tatanungin ang bagay na ‘yon kung hindi lang siya bigla nacurious kung saan sila pupunta bukas kung sakaling magdidate nga silang dalawa. “It’s a secret until tomorrow afternoon.” “If we’re going to have a date tomorrow, can I ask you a favor?” Tumaas ang kilay ni Derrick sa sinabi niya. Hindi siguro inaasahan na hihingi siya ng pabor o kapalit dahil nga magdidate sila. At isa pa, para sa isang kagaya niya, bihira lang siya humingi ng pabor lalo na sa asawa niya. “What is it?” “So you’re still looking for them?” tanong ni Elise nang minsan itong napadalaw sa opisina ni Derrick. Wala sana siyang balak muna magpakita kay Elise habang hindi pa maayos ang lahat sa kanya pero alam niyang malabo iyon mangyari dahil nasa iisang industriya sila ng negosyo. It has been two years ever since they broke off their marriage. Mahal naman niya talaga si Elise kahit noon pa. Pero alam niyang wala siyang kalaban-laban kay Gio dahil alam niyang sa simula pa lang ay may nararamdaman na ang babae sa kanya, He just tried and push his luck. Akala niya okay na pero nang papiliin niya si Elise sa kanilang dalawa ni Gio ay doon niya narealize na hindi siya mananalo kailanman. So he had to make a difficult choice. He had to let her go if he wants her to be happy. Afterall, makita lamang niyang masaya ang babaeng minahal niya ng buong puso ang hangad niya at wala ng iba, Kaya kahit masakit ay pinalaya niya ito katulad ng kagustuhan ni Elise. Pagkatapos no’n ay napagpasyahan niya na bumalik sa ibang bansa para doon mabuhay ng tahimik. Kaya lang, pupunta pa lang siya sa ibang bansa nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang sikretong organisasyong hinahawakan. His assistant told him that they found the enemy’s hideout at last. Dahil doon ay napurnada ang pagpunta niya sa ibang bansa at pinuntahan ang lugar kung nasaan ang mga kasama niya sa organisasyon pero bago pa siya makarating sa lugar na ‘yon ay may nakita siyang babae na nakahandusay sa may bangin. Wala siyang sinayang na oras at pinuntahan ang babaeng ‘yon. He thought she was dead kung kaya’t nagpasalamat siya nang makita niya itong may pulso pa. Naniniwala siya na ang babaeng nakita niya ay parte ng organisasyong matagal na niyang hinahanap dahil sa pagkamatay ng kanyang magulang dahil sa suot nitong pulang bandana sa kanyang kaliwang balikat na may logong pakpak ng phoenix. Hindi siya pwede magkamali dahil iyon din ang suot ng taong pumatay sa kanyang mga magulang limang taon na ang nakakaraan. Dinala niya ang babae sa pinakamalapit na ospital at tinawagan ang mga kasama tungkol sa babaeng nakita niya. Akala niya ay may makukuha na siyang impormasyon sa mga taong pumatay sa magulang niya nang magising ito subalit wala siyang maalala na kahit na ano. Idagdag pa na kinakailangan nilang pumunta sa ibang bansa dahil nacomatose ito at hindi na kayang tugunan ng ospital ang pangangailangan ng babae. So, he had no choice but to create his own version of their story. Pinakilala niya ang kanyang sarili na asawa ng babaeng ‘yon at dahil wala siyang alam sa pagkakakilanlan ng babae maliban sa bandanang ‘yon ay binigyan niya ito ng sariling pangalan. “A-Anong pangalan ko kung gaanon?” “Your name is Maia and you are my wife.” Tumango siya sa tanong ni Elise. Wala itong alam bukod sa alam niyang may pumatay sa kanyang pamilya at hinahanap pa rin niya ito hanggang ngayon. “Akala ko ay tumigil ka na sa paghahanap sa kanila.” Muntik na siyang tumigil sa kakahanap sa mga taong ‘yon dahil bigla niyang naisip nab aka wala na talagang pag-asa na mabigyan niya ng hustisya ang mga magulang niya. Handa nan ga sana siyang pumunta sa puntod nito para humingi ng tawad sa pagiging mahina para sa kanila pero nagbago ang lahat nang ‘yon nang dumating sa buhay niya si Maia. Alam niyang si Maia ang isa sa magiging clue niya para mahanap ang mga taong nagpahirap at nagpapahirap hanggang ngayon sa pamilya niya lalo na sa kanya. His parents got killed infront of him and it was a total nightmare. Hanggang ngayon ay napapanaginipan pa rin niya ang bagay tungkol doon. Kung paano ito walang-awang pinatay ng taong ‘yon. That person who killed his parents were wearing a mask so he couldn’t see it’s face clearly. At isa pa ay gabi rin iyon. Hanggang ngayon nga ay wala pa rin siyang alam kung bakit pinatay ng taong ‘yon ang mga magulang niya bukod sa lider ito ng kalabang organisasyon at pera. “I can’t stop even if I want to.” “It’s a relief that you still want to find justice for your parents, Derrick. I just hope that your heart won’t be full of pain,” wika ni Elise na puno ng pag-aalala. “Anyway, Daniel told me that you are not planning to see me. Why is that?” tanong ni Elise habang nakaangat ang kilay. Tinitigan niya ang babae at saka ay napangiti. He can’t deny that he missed her a lot. Kung tutuusin ay gusto niya itong yakapin ngayon pero wala siyang oras para sa eskandalo. Bigla niya rin naalala ang mukha ni Maia na nakasimangot kaya lalo siyang napailing. “May plano akong kitain ka at bisitahin ka sa bahay niyo. Hindi lang ngayon dahil marami pa akong inaasikaso.” Totoo naman iyon. Marami naman talaga siyang inaasikaso dahil ngayon lang naman siya bumalik ng Metropolis at balak na rin manatili dito ng mahabang panahon. “Siguraduhin mo lang na dadalaw ka dahil kinukulit ka sa akin ng anak-anakan mo.” Ipinagkrus ni Elise ang kanyang dalawang braso habang nakatingin din sa lalaki. “Jeanne?” Tumango ito sa kanya. Hindi naman maiwasan mapangiti rin ni Derrick dahil totoo naman malapit sa puso niya ang batang iyon. When he asked Elise to marry him, she was already pregnant with her first child. He was aware that Gio is the father of her child. Pero dahil sa pagmamahal niya kay Elise ay kinalimutan niya ang bagay na iyon at siya ang nanagot sa bata sa kabila ng pagsabi ni Elise na hindi naman na niya kailangan gawin pa ang bagay na ‘yon. Hindi naman siya nagsisi na siya ang tumayong ama kahit na temporary lang iyon dahil bawat araw na kasama niya si Elise at ang anak nito ay masaya siya. “Yes. She wanted to see you soon. Lalo na si Lance.” Lance is their second child. Bago magpakasal si Gio at Elise ay napag-alaman ng babae na buntis siya sa ikalawa nilang anak. Hindi nagkaroon ng pagkakataon na makita ni Derrick ng personal si Lance dahil iyon ang oras na palipad na sana siya sa ibang bansa pero hindi natuloy dahil kay Maia. Natuloy lang ang paglipad niya nang kailangan na niya asikasuhin ang mga bagay na matagal na niyang dapat inasikaso noon. Ang isa pang rason ay dahil kay Maia. “Anyway, kaya ako nagpunta rito ay dah—” Napatigil si Elise sa pagsasalita nang makita niya ang singsing na suot ni Derrick. Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin doon at napansin iyon ng lalaki. Itatago na niya sana ang kanyang kamay nang hawakan ni Elise iyon. “Are you married?” tanong ni Elise. Hindi naman kaagad nakasagot ang lalaki dahil hindi niya rin alam ang isasagot sa dalaga. He didn’t want to lie pero ano pa bang choice ang mayroon siya? Bumuntong-hininga si Derrick at saka tumango. Nakarinig naman ng impit na tili ang lalaki mula sa babae na ngayon ay kitang-kita ang saya sa kanyang mukha. “So, who is the lucky girl? When did you get married?” sunod-sunod niyang tanong dito. “You don’t need to know who is she.” He asked Maia to keep their relationship as a secret dahil ayaw niyang maging isyu iyon. Pumayag naman ang babae kahit na nakita niya na labag iyon sa kanyang kalooban. Kaya lang mali ata ang desisyon niya na itago ang relasyon nila. Alam niyang magiging agaw-pansin ang relasyon nilang dalawa kapag sinabi niya na asawa niya ito kaya akala niya ay mas magiging maganda at tahimik para sa kanilang dalawa ang bagay na ‘yon. Pero mukhang ang akala niyang tahimik ay mas magulo pa sa inaakala niya. Kakasimula pa lang ni Maia bilang secretary niya pero marami na kaagad siyang nakikitang lalaki na gustong pumorma rito. Well. He can’t deny that Maia is indeed a beauty. Kahit siguro anong gawin niya upang huwag siyang makaagaw ng atensyon ay darating pa rin sila sa puntong iyon dahil sa taglay na kagandahan nito. “Ang daya mo. I just want to know her and what does she looks like?” “Why?” “Because as your ex-wife, gusto kong malaman kung karapat-dapat siya na makasama mo habang buhay. You’re an important person to me, Derrick.” Bumuntong-hininga anbg lalaki at napailing. “Does he know that you visit me here?” Hindi niya maiwasan na hindi isipin kung alam ba ng asawa niya na nandito siya. Knowing him, hindi hahayaan ng lalaking ‘yon na pumunta ang asawa niya mag-isa lalo na sa dati nitong pinakasalan. “Yup. Don’t worry because he trusts you,” nakangiting wika ng babae na siyang ikinagulat niya. Trust? Gusto niya matawa. Parang hindi siya makapaniwala na matapos ang lahat ng nangyari sa kanila noonm ay magagawa pa siya nitong pagkatiwalaan. Or maybe, Gio is just really confident to think that he won’t do anything reckless that will ruin his image and lose the friendship that he had with Elise. “Let me meet your wife, Derrick,” wika ni Elise. Akala niya ay makakalusot na siya pero dahil kilala niya si Elise ay alam niyang hindi siya basta-basta makakawala rito. Tumango na lamang si Derrick sa kanya kahit na hindi niya alam kung paano sasabihin ang mga ‘yon kay Maia. Hindi niya pa nasasabi sa kanya na may dati siyang asawa. Ang nakakainis pa ay alam ng mga empleyado niya ang tungkol sa kanilang dalawa ni Elise at siguro sa ngayon ay alam n ani Maia ang relasyon nila. Knowing Maia, she will keep quiet and he hates that. “Oo ng apala, bago ko makalimutan. Jeanne is asking for you to attend her birthday party. Iyon talaga ang rason ng pagpunta ko rito bukod sa gusto kitang makita at makamusta.” “Sure. Pupunta ako kaya huwag kang mag-alala.” “Bring your wife. I want to know the person who is the reason for your smiles.” Bahagya siyang napatigil sa sinabi ng babae at napailing dahil hindi niya magagawang itanggi ang bagay na ‘yon. Na napapangiti nga siya ni Maia sa kahit anong bagay o sitwasyon basta kasama niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD