Kabanata 13
WALANG mapaglagyan ang sayang nararamdaman ni Maia dahil sa date nilang dalawa ni Derrick. At dahil doon ay sadyang sinusulit nga naman ni Maia ang pagkakataon na makasama ang lalaki dahil alam niyang kinabukasan ay babalik na naman sila sa dati na trabaho ang uunahin nito.
Minsan ay iniisip niya na hilingin kay Derrick na unahin siya nito at ipangalawa ang trabaho niya. Wala namang masama nga kung hihilingin niya iyon dahil siya naman ang asawa pero sa tuwing nakikita niya kung gaano ito kadedicated sa trabaho ay doon siya tinatamaan ng konsensya. Alam niya kasi na kahit kailanman ay mali nag awing kumpetensya ang trabaho gayong ginagawa lang naman ni Derrick ang tungkulin niya bilang may-ari ng kumpanya.
Minsan nang sinabi sa kanya ng auntie ni Derrick na si Nerissa ang sobrang dedikasyon nito sa trabaho nang ipakilala siya ng lalaki rito. Na kaya raw sobra itong abala ay dahil ang kanyang mga magulang ang nagtayo nito. Ever since his parents killed in front of his very own eyes, he made a promised that he will take care of the company that they just built for him. Sa kabila ng mga rason na ‘yon ay nakakaramdam pa rin ng inggit si Maia. Hindi naman niya maiwasan iyon lalo na at bihira niya makasama ang lalaki. Kung may naaalala lang siguro siya sa lalaki ay baka hindi siya nakakaramdam ng inggit ngayon sa tuwing mas uunahin nito ang trabaho kesa sa kanya.
At ngayong nagdate nga sila, ipinangako ni Derrick sa kanya na gagawin nila lahat ng gusto niya na pwede magawa sa isang araw. Nagawa naman nila lahat ng gusto niya. Nanood sila ng movie sa sinehan at pagkatapos ay kumain ng dinner. Bago umuwi ay naglaro rin sila sa arcade. Nag-uwi rin sila ng stuff toy dahil nanalo si Derrick sa toy machine.
Hindi rin nagpaawat si Maia sa pagkuha ng letrato kahit na alam niyang ayaw iyon ni Derrick. Mabuti na lamang at pinagbigyan siya nito kaya labis ang pagkatuwang naramdaman niya dahil doon.
“Thank you for tonight, Derrick,” nakangiting wika niya. For their last stop, tumigil sila sa isang lugar kung saan tanaw ang buong city lights. At dahil gabi na ay kitang-kita ang pagliwanag ng mga building doon na nagpaganda lalo sa lugar habang tinititigan ito.
“I should be the one thanking you, Maia,” nakangiting saad naman ng lalaki sa kanya. “You came into my life and made it colorful. Thank you, wife.”
Sandaling napatitig si Maia kay Derrick. Hindi niya inaasahan na maririnig ang mga salitang ‘yon galing sa kanya. All this time ay iniisip niya na pabigat lamang siya sa lalaki dahil wala naman siyang masyadong naitutulong sa kanya. Kaya nang payagan siya ni Derrick na magtrabaho sa kumpanya bilang secretary matapos niya magpagaling galing sa mahabang pagka-coma ay nangako siyang gagawin niya ang lahat ng makakaya niya upang hindi magpabigat dito.
He said that she was doing fine on her works. Pero pakiramdam niya ay kaya niya lang sinabi ang mga ‘yon ay dahil sa mag-asawa sila kaya kung minsan ay nagpapaturo pa siya sa mga iba niyang kasama upang mas maging useful kay Derrick. She wanted to help him in every little way that she could think of because that’s the only thing she could do for him aside from staying by his side.
Biglang naagaw ang atensyon nila ng makarinig sila ng putok ng fireworks. Imbes na matuwa si Maia dahil doon ay kabaliktaran ang nangyari. Labis na pananakit na ulo ang kanyang naranasan dahil sa putok ng mga fireworks sa kalangitan.
“Maia? Okay ka lang?” wika ni Derrick. Napaluhod si Maia habang kapit-kapit ang kanyang buhok at mariing napapasabunot doon. She was screaming in a lot of pain. Naririnig niya ang bahagyang pagtawag sa kanya ni Derrick at ang paghingi ng tulong nito pero balewala iyon dahil nangunguna ang matinding pananakit ng kanyang ulo.
Suddenly, unfamiliar memories flashed in her brain. She couldn’t understand of what she’s seeing in those memories.
“Maia!”
Sinubukan niyang tumingin kay Derrick pero nangingibabaw ang pagsakit ng kanyang ulo hanggang sa nanikip na rin ang dibdib niya. Naririnig niya ang mga pagsigaw nito at ang maging reaksyon nito nap uno ng pag-alala. Gusto niya ito tawagin pero hindi niya magawa.
Her head hurt even more. One of the memories that flashed through her brain was a woman holding a gun. She could not see her face but her hair was long like her hair. She was about to call her when she saw a lot of blood around her.
Ang kaninang baril na walang bahid ng dugo ay natalsikan na rin pero hindi iyon alintana ng babaeng nakikita niya ngayon. Naging masyadong mabilis ang pangyayari sa kasalukuyan niyang nakikita. Tinutukan ng babae gamit ang baril at walang kaawa-awang binaril ang mag-asawang nasa harap niya.
Sinubukan niya itong pigilan sa pamamagitan ng pagsigaw pero huli na ang lahat para roon dahil tuluyan nang namatay ang mag-asawa sa kanyang harapan. Gusto niya makakuha ng sagot. Nanginginig siya. Bakit walang aw ana pinatay ng babaeng ‘yon ang mag-asawa? Anong karapatan niya para kumitil ng isang inosenteng buhay? Alam niyang wala siyang makukuha na sagot sa pagtitig lang kaya minabuti niyang habulin ang babae.
Pero hindi niya ito nahabol dahil tuluyan na siyang nagising at nakita ang mukha ni Derrick nap uno ng pag-aalala.
“D-Derrick?” tawag niya sa lalaki na ngayon ay nakatitig sa kanya. Nagpalinga-linga ang kanyang mga mata. Nakita niya ang kaliwa niyang braso na may dextrose habang puti naman ang kulay ng pader sa kanyang paligid.
She’s on the hospital.
“Maia? Are you okay? May masakit ba sa’yo ha?” sunod-sunod niyang tanong dito. Umiling siya. Naaalala niya pa ang mga nangyari sa mga nakita niya sa kanyang utak. Hindi niya masabi kung totoo bang nangyari iyon o hindi. Pero sa palagay niya ay totoo iyon. Naalala niya ang sinabi ng doctor sa kanya na anuman oras ay sasakit ang ulo niya at may unti-unti siyang maaalala pero hindi kaagad.
Kung ganoon pala ay parte ang mga ‘yon ng memorya niya? Kung ganoon ay kilala niya kaya ang babaeng ‘yon?
Dahan-dahan na tumango si Maia sa sinabi ni Derrick. “A-Ayos lang ako. Ano bang nangyari?”
“You fainted. Kung alam ko lang na sasakit ang ulo mo sa ganoon ay hindi n asana kita sinurpresa ng paputok. I’m sorry.”
Umiling si Maia at saka bahagyang ngumiti sa asawa. “I’m fine. And besides, fireworks are great.”
“What happened? Did your memories came back?” Bahagya siyang napatigil sa sinabi ni Derrick at umiling. Kapag sinabi niya ang mga naaalala niya ngayon ay siguradong hindi ito magdadalawang-isip na mag-imbestiga. Sigurado siya na hindi pa sila magkakilala ni Derrick sa memoryang iyon kaya mas mabuti kung siya muna ang makaalam ng lahat-lahat bago niya sabihin sa asawa ang totoo.
Hindi niya rin alam pero nakaramdam siya ng matinding kaba sa mga memoryang bumalik sa kanya. Bagama’t malabo at kulang-kulang ang mga naalala niya ay alam niya sa kanyang sarili na malaking parte iyon ng pagkatao niya. Ang tanong na lang na gumugulo sa isipan niya ngayon ay sino kaya ang babaeng ‘yon? Bakit niya pinatay ang mag-asawa? Anong kinalaman niya sa babaeng ‘yon?
Napatigil siya sap ag-iisip nang dumating ang doctor. “What happened to my wife, dok?”
“Mukhang nagsisimula na bumalik ang mga memorya niya. Subalit sigurado akong malabo pa ang mga ‘yon sa kanya lalo na at matinding sakit ng ulo ang naranasan niya. But this is a good sign for her, Mr. Guillermo.”
“Pero ang sabi ng asawa ko ay wala naman siyang naaalala.” Tumingin si Derrick sa kanya kung kaya’t napilitan na rin siya tumango sa doctor. “Bigla na lang sumakit ang ulo ko dok nang makarinig ako ng paputok. May pailan-ilan na memoryang akong naaalala tungkol sa sarili ko pero sabi niyo nga dok, malabo kaya hindi ako sigurado kung nangyari ba iyon o hindi.”
“If that’s the case, then that firework is the trigger of your memories, Maia.”
“Trigger?” nakakunot-noo na tanong ni Derrick sa doctor. Tumango naman ito. “Siguro ay may nangyari noon sa nakaraan na may kinalaman s amalakas na tunog o sa firework kaya sumakit ang ulo mo at naging resulta ng ilang memorya na nanumbalik sa’yo. Bagama’t malabo pa ito sa’yo ay unti-unti rin itong lilinaw sa iyong utak.”
Napatahimik si Maia sa sinabi ng doctor dahil wala naman kinalaman ang pagputok ng firework sa mga memoryang bumalik sa kanya. Pakiramdam niya nga ay walang konektado ang mga naalala niya sa kanya pero hindi naman niya siguro maaalala ang mga ‘yon kung hindi iyon parte ng nakaraan niya.
“Sa ngayon ay huwag mo muna pupwersahin ang sarili mo na makaalala pa dahil makakasama iyon sa’yo.” Tumango naman si Maia sa sinabi ng doctor. “Pwede na kayo umuwi sa oras na maubos ang IV fluids. Salamat.”
Umalis ang doctor kung kaya’t sila na lang ni Derrick ang naiwan sa kuwarto. Pinagmasdan niya ang lalaki. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Bahagya naman siya nakaramdam ng takot dahil parang may malalim itong iniisip. Bukod pa roon ay natatakot siyang mahalata nito na nagsisinungaling siya.
Ayaw naman niya sana magsinungaling dahil hindi naman tama iyon lalo na at mag-asawa sila. Nagpramis din siya sa lalaki na wala na siyang itatago pa na kahit na ano sa kanya pero sarili niya ito. Oo nga at parte si Derrick ng pagkatao niya pero may mas karapatan siyang malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa kanya at sa mga nangyari sa nakaraan.
Gusto niya lang ayusin ang sarili niya at makasigurado para matanggal ang haka-haka sa kanyang dibdib na alam niyang siya lang ang makakasagot. Kung kaya’t napunta siya sa desisyon na sarilinin muna ang nangyayari sa kanya.
“B-Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ni Maia sa kanya habang kinakabahan. He was looking at her with cold eyes. Para siyang nanlamig dahil hindi niya alam kung para saan ang pagtingin na ‘yon.
“Are you sure that you can’t remember anything, Maia?”