Halos hindi malaman ni Knight kung saan niya sisimulang hanapin ang babaeng nakita niya. Ng makalampas siya sa mga taong pumasok sa may entrance ay mabilis siyang lumabas. Pero paglabas niya hindi niya alam kung saan ito nagtungo. Lahat ng sakayan na pwede nitong puntahan at pwede nitong lusutan ay pinuntahan niya pero bigo siya. Hindi talaga niya nakita ang babae.
"Bakit naman ang bilis nun. Si flash ba iyon? May pagkapalos din. Ang bilis nakawala sa paningin ko eh." Himutok ni Knight sa sarili ng mapansin ang hawak niyang maliit na paper bag.
"Sign ba iyon para sabihin ko na sayo Liway, na naramdam ko iyong presensya noong babaeng nakasama ko noon sayo? Kaya magaan ang loob ko sayo at masaya akong makasama kita kahit saglit? Pero natatakot naman akong magbago ka sa akin. Baka mamaya sa halip na okay tayong magkaibigan, iwasan mo ako. Kaibigan nga lang ba? Bakit parang naguguluhan ako?" Kausap ni Knight sa paper bag na hawak niya.
"Bakit naman bigla ko siyang nakita ulit? Pero bigla ding nawala. Isa pa, nandito si Liway na nakilala ko. Problema ko pa ang isang Aurora. Haist!" Reklamo ni Knight sa sarili, hindi talaga niya alam ang dapat niyang gawin.
"Problema ko ba talaga ang will ni mommy? Need ko lang namang maghanap ng maiiharap na mapapangasawa di ba? Yes problema talaga iyon. Kasi wala ka namang girlfriend. Kaya wala kang maiiharap na pwedeng maging asawa." Komento pa ng kabilang side ng isipan niya.
"Kabinata kong tao. Dahil sa wala nga akong girlfriend. Tapos ang problema ko? What the fvck! Takte lang talaga! Naging mabait naman akong anak, pero bakit ako nagkaroon ng problema?" Tanong pa niya sa sarili, at kinuha ang cellphone sa bulsa. Tinawagan naman niya si Paul na magkita sila.
"Oo dito na lang sa may parking lot ng mall. Convoy na lang tayo, papuntang bar. Malapit ka lang naman pala eh. Oo na libre ko na ang alak mo. Pasalamat ka, bar ang negosyo. Kung hindi walang libre-libre." Pagkababa ng tawag ay hindi niya napansin ang isang babae sa tatlong magkakasama ay nakabanggaan niya.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Knight sa babaeng napaupo sa sahig.
"Oo naman, ayos lang." Ani Monica.
"Alam ko na kung bakit nawala. Natakot yata ang girlalu." Sabat naman ni Mona.
"Tama ka naman Monay kemerut." Sagot naman ni Lady.
"Pasensya na ha hindi talaga kita napansin." Wika ni Knight.
"Ayos lang nagmamadali lang kasi kami. Pero ayos lang, nagtext na iyong kasama namin. Nauna lang uwi."
"Pauwi na kayo? Ihatid ko na kayo. Promise hindi ako masamang tao." Pagtatanggol agad ni Knight sa sarili.
"Alam namin. Este hindi pwede, baka mapagalitan kami ni madam pag nakita kaming may kasamang lalaki. Salamat sa offer. Magtataxi na lang kami." Sagot ni Lady.
"Oo nga, pati hindi naman ako nasaktan talaga sa pagbagsak."
"You sure?" Naniniguradong tanong ni Knight.
"Promise po mister."
"Okay. Sorry ulit. I have to go." Paalam ni Knight at tinungo na ang daan patungong parking lot.
Sinundan lang ng tatlo ng tingin si Knight bago muling tinawagan si Lemon.
"Hoy, babaklitang Liway, nagpunta lang kami ng c.r. nawala ka na sa pwesto mo. Nakita namin iyong kabalyero mo. Nasaan ka na? Hindi ka pwedeng umuwi ng mag-isa sa club. Mapapagalitan tayo ni madam." Paliwanag ni Monica.
Nakilala na kasi nila si Knight. Tulad ni Lemon. Hindi din pwedeng makita ang buong mukha nila, kaya hindi sila kilala ni Knight.
"Nandito sa parking lot. Dito ako dinala ng paa ko pagtakbo eh."
"Papunta na dyan ang kabalyero mo." Sabay-sabay na sigaw ng tatlo.
"A-ano?" Natataranta niyang tanong ng, bigla na lang siyang bumangga sa kung saan. Mabilis namang napaupo si Lemon dahil sa nawalan na siya ng balanse, dahil sa ilang paper bag na dala niya.
"Aray naman!" Aniya at pinilit ang sarili na makatayo. Pero bago niya iyon nagawa ay may isang matatag na kamay ang humawak sa kamay niya at itinindig siya.
"Okay ka lang miss?" Tanong ng isang baritonong boses. Dahan-dahan namang tumigin si Lemon sa lalaki. Mukha naman itong mabait, pero hindi niya malaman kung bakit nakaramdam na naman siya ng takot. Bigla na lang nanginig ang kanyang katawan sa hindi malamang dahilan.
"Okay ka lang? What happened to you?" Naguguluhang tanong ng lalaking nakabanggan ni Lemon.
Hindi pa nakakapagsalita si Lemon, ng dumating sina Monica, at mabilis inilayo si Lemon sa gwapong lalaki na nakahawak sa kamay nito.
"Sir pasensya na. Kilala namin siya. Kami ng bahala." Mabilis na wika ni Monica at mabilis na inalalayan palayo si Lemon dito.
Nagtataka man ay pinanood na lang ng lalaki ang apat na babae palayo sa kanya. Hanggang sa may dumaang taxi at nakita niyang sumakay ang apat doon.
Hindi naman napansin ng lalaki ang pagtabi sa kanya ng isa pang lalaki at sinundan ang kanyang tingin.
"Anong tinitingnan mo?" Tanong nito na siyang ikinagulat niya.
"Anong tingin mo sa akin, multo? Sa kainitan ng hapon kung magulat ka naman!." Singhal pa nito.
"Naku kabalyero ka. Sa nagulat ang tao eh." Sagot ni Paul.
"Tao ka pala?"
"Baliw!"
"Pero ano bang tinitingnan mo?" Seryosong tanong ni Knight.
"May nakabanggan kasi akong isang babae, maganda siya sa totoo lang. Pero nagulat ako ng hawakan ko kasi itinayo ko nga, nawalan ng balanse eh. Hinawakan ko lang ang kamay, pero mukhang takot na takot. Manginig ba?" Paliwanag ni Paul na nahihiwagaan pa rin.
"Baka naman chickz mo. Tapos sadista ka. Kaya natakot sayo." Pagbibiro pa ni Knight pero hindi kombinsido si Paul.
"Hindi noh. Kilala ko naman sa mukha ang nakakasama ko. Pero never ko pang naencounter ang mukhang iyon." Aniya, dahil naguguluhan talaga s'ya.
"Nga pala, bakit nauna pa ako sayo dito sa parking lot, akala ko ba papunta ka na?"
"Nauhaw ako eh. Bumalik muna ako sa loob at bumili ng bottled water. Tara na sa bar. Mabuti naman available ka ng may makausap man lang ako kahit hindi matino." Pang-aasar pa ni Knight kaya natawa na lang si Paul.
"G*go!" Sigaw niya kay Knight.
"Same to you!" Balik sigaw nito kaya natawa nanlang silang pareho, bago hinayon ang kanya-kanyang sasakyan.
Samantala, pagkasakay nila ng taxi ay hindi malaman nina Monica kung ano ang nangyayari kay Liway. Tahimik lang ito pero hindi pa rin nawawala ang panginginig. Pangalawang beses na iyong nangyari kay Liway noong una ay ng matitigan nito ang stage, tapos ngayon ng mahawakan ng gwapong lalaking iyon.
"Kuya doon na kang po sa may park salamat po." Wika ni Lady sa driver ng taxi. Ilang sandali pa ay nakarating sila sa park na malapit sa Club Solteria. Umalis na rin naman kaagad ang taxi matapos nilang makapagbayad.
Pinaupo nila si Lemon sa isang bench at pinalibutan nilang tatlo.
"Liway okay ka lang?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo pero tulala pa rin si Lemon.
"Ano bang problema ng Liway na ito?" Nag-aalalang tanong ni Monica. "Hindi tayo pwedeng umuwi ng club na ganyan yan." Dagdag pa nito.
"Hawakan nga ninyo itong pinamili natin, bibili lang akong tubig." Ani Mona sabay abot kay Lady ng mga paper bag na pinamili nila.
Pagbalik ni Mona ay pinaimon kaagad nila si Lemon. Doon pa laman lumabas ang natatagong emosyon ni Lemon.
"N-natatakot a-ako." Nauutal na wika ni Lemon kaya naman nagkatinginan ang tatlo. Doon na rin bumuhos ang luha ni Lemon na hindi nila alam ang dahilan.
"Liway. Ano ba? Anong nangyayari sayo?" Tanong ni Monica habang yakap-yakap nilang tatlo si Lemon.
Matapos ang halos nasa sampong minutong pag-iyak, ay natigilan naman si Lemon.
"Anong ginagawa na natin dito? Ang banas bakit ba ninyo ako yakap-yakap?" Natatawang tanong ni Lemon sa tatlong kasama.
"Huh? Hindin mo alam?" Tanong ni Mona na nakatanggap ng paninipa mula kay Monica.
"Oo, wala akong maintindihan. Ang bilis naman nating makarating dito. Mabuti na lang hindi niya ako nakita." Nakatungong wika ni Lemon, ng makatanggap ng tapik sa balikat mula sa tatlo.
"Syempre magaling kami eh. Alam naming nahiya ka sa kabalyero mo, kaya naman sa bilis ng pangyayari nakarating tayo dito." Pinasigla pa ni Lady ang boses.
"Lalakad na lang ba tayo pabalik sa club?" Tanong ni Lemon na siyang pagsang-ayon ng tatlo. Hanggang sa may dumaan na magtitinda ng ice creame.
"Bili muna tayo." Aniya.
"Tanong mo kung anong flavor. Dali na." Utos ni Monica at mabilis namang sumunod si Lemon. Naiwan ang tatlong nakaupo sa bench.
"Hindi ko alam, pero alam kong may pinagdadaanan iyang si Liway, hindi lang nagsasalita." Ani Monica.
"Napansin din namin ni Monay iyan, noong pinalabas mo iyan sa amin ng nanginginig." Si Lady.
"May isa pa akong nakita na hindi ninyo alam. Lumapit lang noon si Kuya Bruno kay Liway kasi may tinanong yata. Sumagot naman si Liway ng maayos. Pero pagtalikod ni Kuya Bruno. Mabilis na tumakbo si Liway doon sa may likod at nanginginig na umiiyak. Sa totoo lang gusto ko siyang lapitan noon. Pero, hindi ko gimawa, ayaw kong lumayo ang loob niya sa atin. Kaya pinanood ko na lang si Liway hanggang sa matapos umiyak. Kahit gusto ko siyang icomfort.." Mahabang paliwanag ni Mona, habang nakatingin silang lahat sa nakangiting si Lemon na papalapit sa kanila.
"Hayaan muna natin muna si Liway. Bantayan na lang natin. Mahalaga nandito tayo para sa isa't isa." Wika ni Monica sa dalawa.
"Mangga daw, vanilla at strawberry. Pero pwede daw lahat ng flavor iyong tig twenty five pesos. Gusto ninyo? Para naman hindi boring paglalakad." Masayang wika ni Lemon, pagbalik nito sa tatlo. Kaya naman napatayo na rin ang tatlo, at magkakasama silang lumapit kay Manong Sorbetero.
Nagkwentuhan lang sila sa daan habang, naglalakad at kumakain ng ice cream. Nagbibiruan din sila. At parang mga bata, na nagtutuksuhan. Malapit na sila, sa bar ng huminto si Lady.
"Ito gusto ko talagang itanong. Magkakaibigan ba talaga tayong totoo?" Lakas loob na tanong ni Lady ng magkatinginan silang apat.
"Oo naman. Hindi pa ba?" Balik tanong ni Mona.
"Kung ganoon, matagal na rin naman tayong magkakasama kahit bago pa lang si Liway. Ako maglalakas loob magpakilala. Kayo bahala kayo kung gusto ninyong ilihim ang pagkatao ninyo. Pero ako magpapakilala ako sa inyong tatlo lang. Laurice Macazpac aka Lady." Lakas loob na pakilala ni Lady sa tatlo.
Nagulat man pero isang ngiti ang pinakawalan ni Monica. "Ano ba yan, syempre magkakaibigan na tayo, at tiwala ako sa inyo. Tayo lang ang magkakasama, dapat lang kahit tayo lang apat magkakakilala tayo sa tunay nating pangalan. Dominique Batumbakal aka Monica." Pakilala din niya.
"Ay bet ko iyan mga pagpapakilala na iyan. Sabagay tayo-tayo na nga lang maglilihiman pa ba tayo. Maria Nicola Dimapili aka Mona. Kahit Dimapili ang surname ko. Mas pinili kong sabihin sa inyo ang tunay kong pangalan sa inyo." Masayang pakilala ni Mona sa tatlo kaya naman natawa din sila. Ilang sandali pa ng tingnan nila si Lemon.
"Makatingin kayo ah. Syempre magpapakilala din ako. Masaya akong makilala kayo at masaya akong maging kaibigan ninyo. Sana wag kayong mabibigla sa pangalan ko. Kasi kung gaano kaasim ang pangalan ko, ganoon ding kaasim ang buhay. Kung gaano kapait ang balat nila ganoon ding kapait ang pagsubok na pinagdaanan ko." Paliwanag ni Lemon habang hinihintay ng tatlo ang sasabihin niya.
"Lemon Kiwi Bladiconza ang tunay kong pangalan, aka Liway." Pakilala ni Lemon sa sarili na halata namang nagulat ang tatlo.
"Seryoso?" Si Monica.
"Tunay?" Di makapaniwalang tanong ni Mona.
"Hindi nga?" Ani Lady.
"Ah ah naman nagpakilala na nga, akala mo ay mga binibiro." Pagdadabog pa ni Lemon at iniwan ang tatlo.
"Hindi naman mabiro. Maasim at mapait man ang pinagdaanan mo sa buhay, isipin mo may tamis pa ring darating sayo pagdating ng bukas." Paliwanag ni Monica.
"There's a rainbow always after the rain. Sabi nga ng isang kanta. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa." Sabi naman ni Mona.
"Sabi nga habang may buhay may pag-asa. Pare-pareho tayong may pinagdadaanan sa buhay. Kaya nga tayo nandito at nagkakila-kilala. Pero hindi ibig sabihin nun dito na tayo malulubog. Makakaahon din tayo sa kumunoy na tinatapakan natin. Magkakaiba man ang ating dahilan kaya tayo napunta sa iisang trabaho. Isipin ninyong magkakasama naman nating buoin ang pangarap nating makaahon sa buhay." Wika ni Lady kaya naman natigil silang lahat sa paglalakad.
"Ang drama natin. Group hug nga. Pero sa atin lang apat mga tunay nating pangalan. Pag lalabas tayo. Para hindi tayo makilala ng iba. Okay." Wika ni Monica na sinang-ayunan ng lahat.
Pagdating nila ng club ay sa likod na sila dumaan. Tulog pa naman ang mga anghel na walang pakpak. Kaya naman mabilis din nilang inayos ang mga pinamili nila, para makapagpahinga.
"Tulog na muna tayo para may lakas tayo mamaya. Galingan na lang natin sa performance mamaya, para naman masabi ni madam na hindi siya nagkamali na bigyan tayo talaga ng pinakabreak ulit sa susunod at maulit pa itong paglabas natin ng libre." Wika ni Monica at nilapitan pa si Lemon.
"Matulog ka na Liway, basta kung ano man ang problema mo, pagready ka ng magsalita. Nandito lang kaming mga kaibigan mo, handang makinig sayo." Paalala pa nito sa kanya at niyakap ang mga taong masasabi niyang kaibigan.
Naging mapait man ang buhay ni Lemon. Pero masaya na rin siya sa pagkakataong ito. Mapait man ang buhay niya, palagi naman siyang may natatagpuang tunay na kaibigan sa bawat yugto ng buhay niya.