Isang buwan mula ng makita ni Knight ang babaeng binigyan niya ng bracelet ay hindi na muli siya nakabalik ng Club Solteria. Palagi niya kasing inaabangan ang babae sa mall kung saan niya ito nakita, pero bigo pa rin siya.
"Saan ka na naman galing kabalyero?" Tanong ni Paul, ng pumasok siya sa opisina niya.
"Wait lang sa pagkakaalam ko, opisina ko ito. At ano ang ginagawa mo dito?" Aniya kay Paul pagkaupo niya sa swivel chair niya.
"Malamang hinihintay ka. Hindi naman siguro nandito ako para makitulog lang." May pag-aasar pang sambit ni Paul ng batuhin ito ni Knight ng isang pebbles mula sa flower vase na nandoon.
"Nakakasakit kang kabalyero ha. Mabuti na lang maliit iyon." Reklamo nito ng samaan ito ng tingin ni Knight.
"Ano bang problemo mo? Bakit ka nga nandito ay gabi na?"
"Iyon na nga, gabi na. Yayain sana kitang magtungo sa Club Solteria. Sama ka? Palagi na lang akong mag-isa pagnapunta doon sabi mo palaging busy ka. Tara." Natigilan naman si Knight sa sinabi ni Paul, matagal na rin kasi talaga mula ng hindi siya bumalik sa club na iyon. Ang kwintas na dapat ibibigay niya kay Liway ay hindi na rin niya naibigay.
Napatingin na naman siya sa transparent box, kung saan nakalagay ang putol na bracelet ng babaeng iyon. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago muling humarap kay Paul.
"Kumusta naman doon. Madami ka na sigurong naging babae doon noh?" Biro na lang ni Knight, pero napailing na lang si Paul.
"Hindi naman. Umiinom lang ako at nagtatable, wala akong kasama eh. Pinapanood ko lang sumayaw ang mga stripper doon. Pero nahihiwagaan ako doon sa isa stripper doon." Ani Paul, ng may kumatok. At pumasok si Ms. Eliza at ang isang waitress na may dalang dalawang bote ng beer.
"Good eve boss. Sir Paul, order mo." Bati ni Eliza sa kanila.
"Good eve Eliza. Kumusta naman sa labas?" Tanong ni Knight dito. Lumabas na rin ang waitress na kasama ni Eliza.
"Fine and good sir. Wala na naman po ulit naliligaw na magaspang na customer. Minsan nagkakaproblema pa rin, hindi maiiwasan. Pero ayos lang naman kaya ko pa boss." Paliwanag ni Eliza, bago nagpaalam na babalik na sa labas.
"Sasama ka ba?" Ulit ni Paul sa pag-aaya niya kay Knight.
"Ikaw na lang." Hindi kasi malaman ni Knight kung gusto pa ba niyang bumalik sa club o hindi na lang. Nandoon ang kagustuhan niya, pero pinipigilan naman niya ang sarili.
"Okay, ubusin ko lang ito. Akala ko kasi interesado ka doon sa babaeng nakapula ng maskara. Noong nakaraan daw kasi ayon sa tsismis. Pagkatapos daw kasi ng performance nila, nauna na iyong tatlo. Madilim daw kasi doon sa daan papunta sa kwarto nila. May isang customer na nakasalisi. Munting ng mapagsamantalahan. Mabuti na lang at nakita noong mga lalaking bouncer doon. Kasi kung hindi. Kawawang babae. Lango kasi sa ipinagbabawal na gamot iyong customer. Ipangalandakan pang girlfriend daw niya iyong babae. Iisipin ko ang pangalan. La, Les, Liway? Oo tama Liway ang pangalan noong babae." Mahabang paliwanag ni Paul.
Hindi naman malaman ni Knight ang kabang kanyang nararamdaman. Naiisip niya ang mukha ni Liway habang nagmamakaawa. Naikuyom na lang niya ang kamao at biglang tumayo.
"Wag mo ng ituloy na ubusin yan. Tara na!" May galit sa boses ni Knight na siyang ipinagtaka ni Paul.
"Saan naman tayo pupunta? Akala ko ayaw mong umalis. Kaya wag na tayong umalis. Dito na lang tayo. Dumating na order ko eh."
"Wag mo ng bayaran. Tara na sa club. Gusto kong magrelax sa club nila." Pahayag ni Knight. Pero sa totoo ay hindi niya mapigilan ang sarili na hindi makita si Liway dahil sa balitang kanyang narinig mula kay Paul.
"Seryoso? Bakit parang nakakatakot kang tingnan ngayon? May problema ba?" Takang tanong ni Paul.
"Tatayo ka na ba dyan? O sisingilin kita ng triple?" Inis na sambit ni Knight ng mabilis na tumayo si Paul.
"Sabi ko nga. Tara na." Sagot na lang ni Paul at mabilis nilang hinayon ang daan patungong sasakyan ni Knight.
Wala silang imikan pero ramdam ni Paul na may kakaiba kay Knight. Hindi lang niya masabi kung ano. Pero nararamdaman niya ang hindi magandang awra ni Knight, lalo na at napakabilis nitong magpatakbo ng sasakyan.
"Kabalyero, pwedeng bagalan mo? Wala tayo sa expresses way pero ang speed limit mo 220kph. Baka hindi mo lang alam, 180kph lang dito. Oi kabalyero! Tangna. 220kph mahuhuli ka na niyan. Yelong Kabalyero!" Sigaw ni Paul ng halos pumalo sa 250kph ang speed limit ni Knight.
Doon lang biglang natauhan si Knight kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang speed limit niya sa normal.
"Ayos ka lang? Tanong ni Paul ng medyo kalmado na si Knight.
"Yeah! I'm sorry."
"Dahil ba doon sa babaeng nakapulang maskara? Kilala mo ba s'ya?" Mahinahong tanong ni Paul na siyang pagtango ni Knight.
"Nakilala ko siya noong unang tapak natin sa club noong iniwan mo ako. Lumabas ako noon at doon ko siya nakilala. Pero hindi ko nakita ang mukha niya. I know her name. Liway Cruz. Pero ayaw niyang ipakita ang kabuoan ng mukha niya." Aniya.
"Ganoon naman pala, pero bakit hindi ka sumasama sa akin nitong nakaraan may kaclose ka naman pala doon sa club? Akala ko nga ay popormahan mo eh. Kasi sabi mo. Wag kong titingnan di hindi ako natingin."
"Because of." Hindi natuloy ni Knight ang sasabihin. Nagdadalawang isip pa rin kasi siya na magkwento kay Paul. Hindi kasi niya alam ang magiging reaksyon nito. Baka pagtawanan siya nito. Baliw pa naman si Paul.
"Because of?" Ulit nito sa sinabi niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Knight bago sandaling itinigil ang sasakyan sa gilid at humarap kay Paul.
"Because of the girl, na naka-one night stand ko doon sa club na pinapunta mo ako. Pero hindi mo ako sinipot." Lakas loob na wika ni Knight ng titigan siya ni Paul.
"Wait, wait, hindi ko maintindihan. May naka-one night stand ka? Seriously?" Manghang tanong ni Paul kay Knight. Titig na titig din ito sa kaibigan, na akala mo ay isang biro lang ang sinabi.
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Hindi nga!?"
"Ewan ko sayo!" Inis na wika ni Knight ng akmang bubuhayin na naman ang makina ng sasaktan ng pigilan ito ni Paul.
"Sorry, sorry. Ipaliwanag mo nga ng mabuti. Makikinig ako."
"May babae akong nakasama noong pinapunta mo ako sa club na hindi mo ako sinipot. Pero bago nangyari iyon. I encounter a girl in a watch store. One week na daw binabalikan noong babae ang relo na nabili ko. Naawa ako doon sa babae kaya binigay ko na lang iyong relo, panregalo daw kasi sana iyon sa boyfriend ng babae." Paliwanag ni Knight.
"So anong connection noong babaeng iyon sa naka-one night stand mo. Bakit mo pa ba iniisip iyong babae na iyon? One night stand nga eh. Tapos iisipin mo pa?"
"Paano kung nagkaroon pala kami ng anak? Na nabuntis ko pala siya, tapos hindi naman niya ako kilala. Pero hindi ko din siya kilala." Aniya.
"Wait bakit parang mas magulo? Hindi naman pala kayo magkakilala. Paano may nangyari sa inyo.
"Nag-order lang ako ng iced tea. Tapos nag-init na katawan ko, ng may nagpiring sa akin at dinala ako kung nasaan iyong babae tapos, ayon nangyari na. Pero natatandaan ko siya gawa ng bracelet."
"Ano naman ang meron sa bracelet, at paano mo natatandaan iyong babae? Parang puzzel naman ang kwento mo kabalyero eh." Reklamo ni Paul ng magsalita ulit si Knight.
"Iyong sinasabi ko sayong babae na may binigyan ko ng relo, may freebies daw kasi iyong relo na couple bracelet. Kaya pinalagyan ko ng initials tapos binigay ko doon sa babae. Tapos paggising ko kung nasaan na ako, at walang kasama ng araw na iyon. Nakita ko na lang ang bracelet na iyon na nakasabit sa botones ng polo ko."
"So iyon iyong putol na bracelet doon sa table mo? kaya naman pala. May sentimental value." Biro ni Paul ng samaan na naman siya ni tingin ni Knight.
"Sorry na ito seryoso. Ano naman ang kinalaman noong babaeng iyon sa Liway sa Solteria?" Parang nasa interrogation tuloy si Knight sa mga tanong ni Paul.
"Kasi magaan ang loob ko kay Liway, pakiramdam ko, masaya akong kasama siya. Pero bigla kong nakita iyong babae noong nagkita tayo sa mall, noong nakaraang buwan. Akala ko makakalimutan ko na. Kaso nakokonsensya ako. I'm her first. I know and I saw it. Kaya hinanap ko ulit iyong babae baka bumalik ng mall. Kaya nakalimutan ko ng balikan si Liway. Pero doon sa sinabi mo kanina. Nag-alala ako kay Liway."
"Mahirap iyan, mas mabuting makausap mo nga ang babaeng nakasama mo at itong Liway na ito. Kasi mahirap iyang naguguluhan ka sa damdamin mo. Pwedeng naaawa ka lang dito kay Liway o gusto mo na. Kaya lang nakokonsensya ka doon sa isa. Tara na. Kumustahin mo na lang ang Liway mo. Maghahanap din muna ako ng chickz doon." Wika ni Paul kaya naman napailing na lang si Knight at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
Tama naman kasi si Paul naguguluhan siyang talaga. Kaya dapat lang na makausap niya si Liway at iyong babae na iyon, na sana ay makita na niya.
Pagkarating nila ng Club Solteria ay mabilis na pinarada ni Knight ang kotse niya. Pumasok naman kaagad sila sa loob. Mabuti na lang at may ilan pang table na bakante kaya nakahanap agad sila ng pwesto.
Kitang-kita ni Knight sa mga mata ni Liway na nagulat ito ng makita siya. Pero agad ding nag-iwas ng tingin. Pansin din niyang matatag na rin kahit papaano ito. Nakikita ni Knight na pinaglalabanan ni Liway ang kung anong takot na meron ito.
Ilang sandali pa ay napansin na lang ni Knight na tapos na ang performance nina Liway sa stage. Naalarma naman si Knight kung paano niya makakausap si Liway. Pakiramdam niya hindi na iyon lalabas.
"Problema mo kabalyero? Parang hindi ka mapakali?" Tanong ni Paul.
"Pakiramdam ko kasi hindi na lalabas si Liway. Mukhang galit sa akin noong nakita ako eh. Hindi man lang natuwa. Nag-iwas agad ng tingin eh."
"Iyan ang ang atin eh. Kung naging magkakilala na pala kayo, ibig sabihin iniisip niya na kaibigan ka niya pero isang buwan kang hindi nagpapakita. Sure akong iisipin nun, paasa kang kaibigan. Babae iyon noh. Kaya malamang naiisip nun na pinapasakay mo lang siya para makuha ang loob." Anito kaya naman lalo lang siyang nanlumo.
"Anong gagawin ko?"
"Ano bang plano mo?" Balik tanong ni Paul.
"Gusto kong makausap siya."
"Ganoon naman pala, babae iyong si Liway sure na kahit galit iyon. Kung saan mo siya unang nakausap pupunta iyon doon. Kaya alis na. Maghihintay pa ako ng chickz na lalapit." Nakangising wika ni Paul, kaya naman sinunod na rin ni Knight ang payo nito.
Pagdating ni Knight sa madilim na parte ng club ay hinintay na niya si Liway. Umaasa siyang lalabas pa rin ito doon kahit alam niyang nag-tatampo ito sa kanya.
Halos nasa isang oras na ring naghihintay si Knight doon pero wala pa ring Liway na lumalabas. Nawawalan na rin siya ng pag-asa na lalabas ito. Pero kahit ganoon, naghintay pa rin siya. Ngayon lang ni Knight naramdaman na siguro ay palagi siyang hinihintay ni Liway na dumating, sa loob ng isang buwan. Pero sa isang buwan na iyon hindi man lang niya nagawang magpakita dito.
"Sorry Liway, sorry kung hindi ako kaagad nakabalik. Lalabas ka pa ba?" Tanong ni Knight sa sarili, at napatingin na naman siya sa bracelet na suot niya.
Napangiti naman si Knight ng maalala na naman na nakita nga niya ang babaeng pinagbigyan niya ng kalahati ng kanyang bracelet, pero hindi naman niya nakausap.
"Kumusta ka na kaya? Maayos pa ba ang samahan ninyo ng boyfriend mo? Hindi ko sinasadya ang gabing iyon, pero hindi ako nagsisisi." Malungkot pa niyang sambit.
Alas dos na ng madaling araw, at wala pa ring Liway na dumarating doon. Pero nandoon lang si Knight at nagtityaga sa paghihintay. Hanggang sa makarinig siya sa loob ng madilim na daan ng kaloskos. Nabuhayan siya ng loob ng sa tingin niya ay si Liway na iyon.
"Where are you going? Oh come on little kitten. I always see you going outside. And you have no one to be with. Come to me, I would like to show qng feel you the heaven." Dinig ni Knight na wika ng isang lalaki, kaya naman napakunot ang kanyang noo. Ng makarinig siya ng ungot ng isang babae. Kaya bigla nalang siyang naalarma.
"Wag. Maawa ka. Pakiusap. Bitawan mo ako!" Sigaw ng babae ng may marinig si Knight na lagabog.
Madilim ang daanan na iyon papasok ng club. Hindi naman siya basta-basta makakapasok, dahil nakalock ang pintuan. Sinubukan ni Knight kalampagin ang pinto.
"Fvck! Opened this d*mn door!" Sigaw niya. Pero mas lalong lumakas ang iyak ng babae.
"Fvcking! b***h!" Padabog na sigaw ng lalaki na wari mo ay nasaktan. Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Liway, kasunod ang isang lalaking may malademonyong tingin dito.
Nilampasan lang siya ni Liway na wari mo ay hindi siya napansin. Binigyan naman ni Knight ng isang suntok ang lalaki. Hindi kasi nito inaasahan ang kanyang pagsulpot. Gawa na rin siguro ng kalasingan, nawalan ng malay ang lalaki.
Mabilis namang tinawagan ni Knight si Paul kaya mabilis din itong nakarating sa may likurang parte ng club. Naririnig nila ang iyak ni Liway, pero hinayaan muna nila ito. Itinali nilang dalawa ang kamay pati na ang mga paa ng lalaki. Bago ipinasok sa kotse. Si Paul na ang bahalang magdala nito sa mga police.
Samantala, hindi mawala ang pag-agos ng mga luha ni Lemon, dahil sa sobrang takot. Nakita naman niya si Knight kanina habang nasa stage siya, pero dahil na rin sa tampo at sama ng loob hindi siya agad nagtungo sa labas ng club.
Pinilit pa siya ng tatlo at nangakong hindi siya susundan para makausap si Knight kung bakit isang buwan din itong hindi nagpakita sa kanya. Pero paglabas niya ng kwarto nilang tatlo. Hindi na naman niya inaasahan na mayroon na namang isang walang magawang nilalang ang nag-aabang sa kanya sa daanang iyon.
Nangyari na iyon nga nakaraan mabuti na nga lamang at nakita agad ni Kuya Bruno na may ibang tao sa daanan na iyon. Kaya hindi natuloy ang masamang balak ng lalaki sa kanya. Mabuti na rin at nandoon sina Monica. Kahit niligtas na siya ni Kuya Bruno, pakiramdam niya hindi pa rin siya ligtas ng mga panahong iyon.
Pero ngayon malaki ang takot na nararamdaman ni Lemon dahil nagawa ng lalaking halikan siya at hawakan ang maselang parte ng katawan niya.
"Tama na! Wag! Pakiusap! Wag! Ayoko na!" Sigaw ni Lemon habang umiiyak. Na nagtatago sa likod ng malaking drum ng tubig ng mga oras na iyon.
Nakita niya nasundan pa rin siya ng lalaki, na may malademonyong ngisi. Hanggang maramdaman niyang may humawak sa kanyang mga kamay.
"Huwag po!"