Chapter 12

2374 Words
Halos nasa dalawang linggo na rin buhat ng magtrabaho si Lemon sa Club Solteria. Wala na siyang balita kay Aster at Gale. Ayaw din naman niyang makibalita. Kung ano man ang nangyari sa mga ito ay wala naman siyang dapat ika-guilty, lalo na at wala naman siyang ginawang masama. Ang dalawa pa mismo nga ang dapat maguilty sa ginawa ng mga ito sa kanya. Isa pa, kung hindi dahil kay Aster, wala siya sa trabahong ito ngayon. Nasa bar sana siya at nagseserve lang ng alak sa mga taong nagrerelax, at nanonood ng mga bandang kumakanta. "Bakit po ninyo ako pinatawag madam?" Bungad ni Lemon kay Madam Soraya ng ipatawag siya nito sa opisina. Tumigil muna siya sa paglilinis at iniwan sina Monica. "Maupo ka Liway at may sasabihin ako." Mabilis namang naupo si Liway sa visitors chair sa harap ng table ni Madam Soraya. "Alam mo Liway, masasabi kong simula ng napunta ka dito napakaswerte na nitong club ko. Sa iyo pa lang daang libo na ang natatanggap ko, sa gabi-gabi ninyong performance. Kaya naman napag-isipan kong hindi ko na muna kayo paglilinisin. Pwede ninyong ilaan ang oras ninyo sa umaga, para magrelax, baka naman nabuburyong na kayo. Need ninyo iyon para mas marefresh kayo sa pagsasayaw ninyo." Paliwanag ni Madam ng makarinig sila ng kalampag sa may pinto. "Ang kulit talaga ng tatlong babaeng iyon." Bulong ni Madam Soraya na abot naman sa pandinig ni Lemon. "Pumasok na kayong tatlo. Mga pasaway." Natatawang sambit ni Madam Soraya ng pumasok sa loob sina Monica, Mona at Lady. "Sorry po madam." Sabay-sabay na wika ng tatlo kaya nailing na lang si Lemon. "Bueno, ito ang sinasabi ko kay Liway, pwede kayong mamasyal pero uuwi bago humapon." "Pwede kaming mamasyal madam?" Si Lady. "Pwede kaming magrelax talaga madam?" Ani Monica. "Pwede kaming mag boy hunting?" Natatawang wika ni Lady, kaya napailing na lang si Madam Soraya sa kanila. "Heto, bonus ko para sa inyo. Lumakad na kayo, sina Bruno na ang maglilinis ngayon. Enjoy." Sabay abot ng pera sa kanila at niyakap pa ng mga ito si Madam Soraya. "Lakad na kayo at baka magbago pa isip ko." "Salamat po madam." Sabay-sabay nilang wika, bago lumabas ng opisina. Mabilis naman silang naglinis ng katawan. Simpleng damit lang ang suot nila. Gusto lang talaga nilang mamasyal at makapagrelax. Hindi na rin kasi sila nakalabas noon ng matagal, dala na rin ng pagod sa bawat gabing performance. Kaya tanghali na sila nagising, bago pa makatapos ng paglilinis. Ay gising na rin ang mga anghel na walang pakpak, kaya nahihiya naman silang umalis pa. "Saan ang lakad natin?" Masayang ani Monica. Sino ba namang hindi sasaya. Libre ang lakad nilang apat dahil sa pabonus daw ni madam. "Mall tayo!" Sabay-sabay na sigaw nilang tatlo. "Alright." Sumakay sila ng taxi para mas mabilis makarating ng mall. "Ano ang gusto ninyong unahin? Pwede tayong bumili ng kung anu-ano." Tanong ni Monica na naglilibot din ang mga mata kung alin ang mas magandang unahin. Iyon ang dahilan kaya masaya na silang hindi nakikita ang kanilang buong mukha. Nakakagala sila, kahit saan, ng walang mapanghusgang mata na nakatingin sa kanila. Lalo na at ibang-iba silang tingnan ngayon, lumpara pag sumasayaw. Sumasayaw sila na isang manipis na saplot na lang ang suot na natitira. Habang ngayon, ay nakapantalon silang apat, naka simpleng tshirt at manipis na cardigan ang suot. Kung baga balot na balot ang katawan nila. "Sa department store na lang tayo, para naman makapili tayo ng kung ano. Kung ayaw ninyong mahiwalay-hiwalay tayo, di sama-sama nating uliin ang department store." Suhestiyon ni Mona na sinang-ayunan nilang lahat. Una nilang tinungo ang pwesto ng mga undergarments, sunod ang pwesto ng mga pantalon, t-shirt, mga pantulog at mga jogging pants. Wala naman kasing nagsusuot ng short sa kanila tuwing umaga. Kaya ganoon ang mga pinili nilang bilihin. Pagkapatapos nilang mamili ng mga damit ay nag-iisip na naman sila kung saan sila pupunta. "Punta naman tayo sa tindahan ng mga accessories. Birthday kasi ng mamang sa susunod na buwan, tapos dalawang linggo makatapos ay si papang naman." Wika ni Lady kaya naman nagtungo sila sa tindahan ng mga accessories. Nagtitingin lang sila sa loob ng jewelry store ng mapansin ni Lemon ang isang bracelet na halos kamukha ng nawala niya. Kahit naman nanghihinayang siya, wala na siyang magagawa nawala na kasi. "Miss gusto mong bilhin?" Tanong sa kanya ng sales lady. "Gusto ko sana, magkano ba?" Tanong ni Lemon. Mabuti na lang at dinala niya ang pera niyang binibigay ni Madam Soraya. Napatingin naman siya sa tatlong kasama na busy din sa pagtitingin ng mga alahas. "Mura lang yan, eight hundred lang yan. Made of stainless na yan miss and pwede mong palagyan ng pangalan. Four to eight letters and free na iyon." Nakangiting wika ng sales lady. "Ganoon ba? Sige miss kunin ko na." Masayang wika niya sa sales lady. Dinampot nito ang isang papel at isinulat ang pangalan na nais niyang ipalagay sa bracelet. Ng maibigay niya ang papel ay napangiti na lang si Lemon. "Lemonade." Sabi ng sales lady kaya naman lalong lumawak ang ngiti ni Lemon. "Ang cute ah. Mahilig ka ba sa lemonade miss?" Tanong ng sales lady kaya napailing na lang siya. Sa katunayan, ang Lemonade ay kinuha niya sa pangalan nila ni Knight. "Ang cringe lang pero iyon talaga iyon. Lemon Kiwi ako tapos Knight Ice siya. Lemon plus Ice. Makakagawa ka na ng Lemonade." Natatawang wika ni Lemon sa kanyang isipan. Pagbalik ng babae ay dalawang box ang iniaabot nito sa kanya, na ipinagtaka niya. "Bakit dalawa?" Tanong niya, sabay hagikhik ng sales lady kay Lemon. "Sorry miss, nakalimutan kong sabihin na couple bracelet pala yan. Kaya ayan, cute di ba? Bigay mo na lang sa boyfriend mo itong ka-couple. Ang cute kaya ng name na nakalagay." Wika pa nito na biglang pinamulahan si Lemon. Assuming lang siya sa part na iyon, pero sabagay tama naman ito sa boyfriend. Kaso sa kanya, boy friend. Kaibigang lalaki. Sabagay wala namang masama. Matapos bayaran ang binili niya ay nilapitan niya sina Lady na nagbibigayan ng komento kung alin ang magandang bilhin. Kaya naman nagpaalam na lang siya sa mga ito na mauupo muna sa may bench. Matapos sa lahat ng kanilang gala galore, ay humanap na sila ng kainan. Malaki pa naman ang natitirang pera na bigay sa kanila ni Madam Soraya kaya naman, humanap sila ng restuarant sa mall na hindi pa nila nakakainan. Wala naman silang makitang iba, kaya naman bumagsak na lang sila sa isang korean restaurant. "Balik tayo dito sa sunod nating paggagala." Ani Mona habang puno pa ng pagkain ang bibig. "Hoy Monay, baka nakakalimutan mong iyang katawan mo ang puhunan mo. Kung ayaw mong mapagalitan ni Madam, ngayong araw mo lang sulitin ang pagkain mo. At pag may sumilip na taba diyan sa katawan mo, patatakbuhin ka ni madam, para malibot mo ang kabuoan ng club sa labas." Banta ni Monica kaya naman napalunok ni Lemon. "Totoo?" Hindi pa rin mapaniwalaang wika ni Lemon. "Yes, yes! Kaya kayo, after nating kumain umuwi na tayo, hindi na tayo pwedeng magtagal sa ganitong kainan. Mananaba tayo ng sobra, masasarap pa naman ang pagkain." Tugon ni Lady, kaya nagkwentuhan na lang sila sa kung ano ang mga pinagagawa ni Madam Soraya pag medyo tumaba sila. Matapos kumain ay nagpaalam naman muna ang tatlo na gagamit ng banyo. Nagpaiwan naman si Lemon sa may bench malapit sa exit. Pero sa hindi inaasahang pangyayari sa paghihintay niya sa tatlo ay biglang nagtama ang mga mata nila ng lalaking hindi niya inaasahan na makita. Alam niyang hindi siya nakikilala nito, pero ang ipinagtataka niya ay ang pagkunot ng noo nito na parang sinusuri siya. Binundol ng kaba ang puso ni Lemon sa titig na iyon kaya bigla na lang siyang nag-iwas ng tingin dito. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang gagawin niya. Mabuti na lamang at malapit siya sa exit. Syempre pag may exit may entrance. Saktong dagsa ng mga tao ang oras na iyon. Bago pa makalapit sa kanya si Knight ay nakalabas na siya ng mall, at mabilis na nakalayo sa lugar. Samantala, naglalakad lang si Knight sa loob ng mall. Wala naman siyang ginagawa. Pantanggal inip na rin, o kaya naman ay bibili na lang siya ng magugustuhan niya. Pero wala naman siyang nakita na nagustuhan niya. Hanggang sa maisip niya si Liway. Napangiti na naman siya ng maalala ang dalaga. Dumaan muna siya sa isang jewelry store at naghanap ng pwedeng ibigay sa dalaga. Isang simpleng kwintas lang iyon, pero ng makita niya ang kwintas ay si Liway talaga ang naiisip niya. Pero bigla din siyang natigilan ng maalala ang babaeng naka one night stand niya. "Hindi na siguro kami magkikita. Pero paano kung biglang may maghanap sa akin at sabihing nabuntis ko siya ng gabing iyon? Hay bahala na." Aniya sa sarili, at muling tiningnan ang kwintas. Tatawagan na sana niya ang isang staff ng jewelry store ng maalala niyang bigla ang napag-usapan nila ng daddy niya. Flashback "Daddy alam naman po ninyong busy ako sa negosyo ko sa Pilipinas. Bakit naman po biglaan ang pagpapatawag po ninyo sa akin?" Halos mag-alborotong tanong ni Knight sa ama. "Here, read this!" Sabay abot ng isang brown envelope. "Ano po ito?" "Kaya ko nga ibinibigay sayo, para basahin mo. Ikaw na bata ka. Kung gusto kong ako ang magbasa para sayo. Di sinimulan ko na iyang basahin pagkaupo po. Tsk." Ani ng daddy niya at binato pa siya ng ballpen na hawak nito. Kasabay naman noon ang pagpasok ng kanyang Tita Lucilla niya sa opisina ng daddy niya na may dalang dalawang tasa ng kape. "Tita, iwan mo na iyang si daddy, sinasaktan ako. Ay binato ako ng ballpen." Sumbong ni Knight ng samaan ni Lucilla ng tingin ang daddy niya. Napatawa naman si Knight na parang, kuting ang daddy niya sa mga titig na iyon ng tita niya. "Ikaw na bata ka. Ipapahamak mo pa ako. Pag iyang si Lucilla, iniwan ako. Makikita mong bata ka." Sita sa kanya ng daddy niya kaya naman bigla na lang siyang natawa. Hindi niya tuloy malaman kung sino ang mas matanda sa kanila ng daddy niya. Kasi minsan, basta nasa harapan ng daddy niya ang Tita Lucilla niya. Nawawala ang pagkasenior citizens nito at nagiging parang teenager. Lumapit naman si Lucilla kay Marcus at sinermunan ito, na naririnig naman ni Knight kaya naman pinipigilan niya ang matawa. Pero nawala ang ngiti niya ng mabasa ang nilalaman ng envelope. "Seriously dad! Iniwan talaga ito ni mommy! What the fvck!" Gulat niyang wika na hindi malaman kung ano ang gagawin niya. "Knight Ice Escobar! Ang pananalita mo! Kailan ka pa natutong magmura? Sa totoo wala akong alam dyan sa iniwan ng iyong ina. Ibinigay lang iyan ng attorney ng pamilya nitong nakaraan kasi pag daw nasa lampas trenta ka na pero wala ka pa ring asawa ay dapat mangyari na yan." Paliwanag ng daddy niya kaya naman napahilamos na lang siya ng palad sa mukha. "Daddy naman?" "Knight pinabasa yan sa akin ng daddy mo. Pero hiling yan ng mommy mo." Malambing na wika ng Tita Lucilla niya. "Pero dad, tita."Aniya habang nakatingin sa mga ito. "Kabalyero iyan ang hiling ng mommy mo, ayaw mo ba siyang pagbigyan? Anak iyon ng bestfriend niya." "Nakita n'yo na?" Nanlulumo niyang tanong. "Yes but no." Sagot ni Marcus sa anak kaya mas naguluhan si Knight. "What do you mean dad? Yes but no? Ang labo naman." "Nakita ko na si Alice, noong mga bata pa sila. Pero hindi ko nakita si Aurora." "Ano naman pong kinalaman ng Alice na iyon sa Aurora na ito?" "Kakambal ni Alice si Aurora." "Paanong hindi ninyo nakita ang Aurora na ito kung kambal sila?" "Ang dami mong tanong na kabalyero ka. Kaibigan iyon ng mommy mo. Hindi ako. Siya ang gumawa ng will na iyan. Ibig sabihin, dapat maghanap ka na ng mapapangasawa at kung wala ka pang mahanap na mapapangasawa, kailangan mong pakasalan si Aurora. Sa ngayon, maghanap ka na!" Nakangising wika ng daddy niya kaya naman napasabunot na lang siya ng buhok. Hindi niya malaman kung seryoso ba ang daddy niya sa sinasabi nito o nagbibiro. Pero hindi naman siguro biro iyong mula Pilipinas pinalipad siya ng U.S para lang ibigay sa kanya ang kapirasong papel na iyon. Bitbit ang ibinigay ng kanyang ama ay bumalik din agad si Knight ng Pilipinas. Hanggang sa dumating ang araw na nag-aya si Paul na magclub at doon na ganap ang isang gabing hindi niya inaasahan. Naalala na naman niya ang babaeng nakasama niya ng gabing iyon. "Magkikita pa ba tayo?" Tanong ni Knight sa sarili habang nakatingin sa box na pinaglalagyan ng bracelet ng babaeng may initial na LK. Pero habang iniisip niya ang babaeng iyon. Naalala na naman niya si Liway. Kaya naman sa halip na mag-isip pa ng kung ano, nagpasya na lang siyang magtungo sa mall, para libangin ang sarili. End of flashback "Sir maganda yan. Sa girlfriend mo po ba?" Tanong ng sales lady sa kanya na hindi napansin ni Knight na nasa tabi na pala niya. "Ah, hindi. Nagandahan lang ako." Nakangiting wika ni Knight dito. "Sayang naman sir, rare lang iyang ganyang design. Imagine mo sir lemon na diamond ang buto. Saan ka pa." Natatawang wika ng sales lady kay Knight kaya naman natawa siya. Tama naman kasi ito. Hindi niya malaman kung bakit, pagkakita niya sa kwintas na may pendant na half lemon na ang pinakabuto na apat ay diamond ay si Liway agad ang naisip niya. "Sige na nga, bibilhin ko na. Bahala na." Natatawang wika ni Knight, at napapalakpak pa ang sales lady, agad naman nitong inasikaso ang ang binili niya. Matapos makapagbayad ay lumabas na rin siya ng tindahan. Palabas na siya ng mall, ng mahagip ng mata niya ang babaeng wari mo ay may hinihintay. Nagpapalinga-linga pa ito hanggang sa magtama ang kanilang paningin. Natigilan pa ng ilang saglit si Knight at sinuri ang mukha ng babaeng, hindi niya maalala kung saan niya nakita, hanggang sa maalala niya iyong babaeng binigyan niya ng bracelet. Nagmamadali pa siyang lapitan ito ng mag-iwas ito ng tingin sakto ang pagpasok ng mga tao sa mall ay ang pagkawala ng babae sa pwesto nito. "Nasaan na iyon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD