bc

The Night Stripper (Hooker Series 03)

book_age18+
3.5K
FOLLOW
15.8K
READ
billionaire
dark
one-night stand
family
HE
confident
blue collar
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Lumaking walang kinikilalang magulang at nabuhay ng mag-isa. Naitawid ang sarili hanggang sa magdalaga. Nagtrabaho sa bar bilang waitress. Pero hindi naglaon nakilala ni Lemon Kiwi Bladiconza ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso, si Aster. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon. Naibigay ni Lemon ang sarili sa isang estranghero. Dahil sa inggit ng isang kaibigan ng boyfriend niya.

Hanggang sa malaman iyon ni Aster at nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Ikinulong, sinasaktan at ginamit ng paulit-ulit ang katawan niya. Hanggang sa isugod siya sa ospital. Sa tulong ng iba pang kaibigan ni Aster, nakatakas siya sa kamay nito.

Pero akala niya makakatakas na siya sa bangungot na dala ni Aster. Malaki ang utang ni Aster sa isang club at siya ang naging kabayaran.

Paano makakaahon si Lemon sa lusak na kanyang kinasasadlakan kung ang kanyang sarili ay nalubog na sa putikan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Napatigil si Lemon sa kanyang ginagawa, ng may tumulong pawis mula sa kanyang noo, pababa sa kanyang mga mata kaya nasilam siya. Pinunasan niya iyon gamit ang likod ng kamay. "Kapagod." Naiusal lang niya bago muling kinuha ang tray, at ipinagpatuloy ang pagliligpit na ginagawa. Waitress sa isang sikat na bar si Lemon. Lemon Kiwi Bladiconza ang pangalang kinalakihan niya. Bago pa lang ang bar na pinapasukan niya. Wala doon ang may-ari ng bar, kaya naman nakapasok siya bilang waitress, kahit napakabata pa niya. Naawa kanya ang manager, dahil sa kwento ng buhay niya. Lumaki sa ampunan si Lemon. Nang magkaisip na siya ay inampon siya ng mag-asawa na hindi magkaroon ng anak. Sahalip na magkaroon ng maayos na buhay ay inabuso siya ng mga ito. Ginawa siyang katulong sa bahay. Pag hindi niya natapos ang dapat niyang gawin ay binubugbog siya ng mag-asawa. Minsan binabantayan pa ng mga ito ang pagkain niya. Dahil bugbog na naman ang aabutin niya, kung hindi niya magiging kasalo ang pusa na alaga ng mga ito. Nang magkaroon ng pagkakataon na makatakas ay sinikap niyang mabuhay kahit nasa kalye pa siya. Karton lang sa ilalim ng tulay ang karamay niya sa gabi, kahit umuulan. Namamalimos, at nagkalkal ng basura. Naging buhay ni Lemon ng makaalis siya sa poder ng mag-asawa. Hanggang sa may isang guro na nahabag sa kanya. Kaya naman tinulungan siya nitong makapasok sa elementarya kung saan ito nagtuturo. Kaya naman nakapag-aral siya. Sa mga public toilet siya bumabayad para makapaligo. Lalo na at kada katatapos niyang magbenta ng mga mapapakinabangan mula sa basura ay bumabawas siya ng barya pambayad sa mga pampublikong palikuran para makaligo, at ang mga personal na aktibidad doon. Hindi ibig sabihin na isa kang mahirap ay mamamatay ka ng mahirap. Nandoon ang determinasyon ni Lemon, para sa pangarap na maginhawang buhay. Sapat na ang magkaroon ng maayos na trabaho na mapapakain ang kanyang sarili ng tatlong beses sa isang araw. Hindi naman ang maging mayaman ang nais niya. Kundi makakain lang ng tama sa araw-araw. Sa hirap na pinagdaanan ni Lemon ay ginawa niyang tulay para magpatuloy sa buhay. Ngayon naman ay nasa tamang edad na siya, at nagtatrabaho pa rin sa bar na iyon. Hindi na niya kailangan pang itago tulad noong unang pasok niya doon, sa edad na katorse. Habang nagdadala ng order, ay hindi niya napansin ang isang magandang babae na nakabanggaan niya at natapunan niya ng red wine ang suot nitong damit. Galit na galit ito dahil kulay puti ang damit nito. "Sorry po ma---." Hindi na natapos ni Lemon ang sasabihin niya ng makatanggap siya ng sampal mula sa babae, tapos ay bigla na lang siya nitong sininghalan. "¿Qué has hecho? ¿Sabes que? Mi vestido vale mucho mas que tu vida idiota!" (What have you done? You know what? My dress is much worth than your life idiot!) Galit na singhal ng babaeng natapunan niya ng wine. Dinuro-duro pa siya nito. Hindi man niya naiintindihan ang mga sinabi nito. Pero alam niyang galit na galit ito, base sa tono ng boses ng babae. Pinagtitinginan na rin naman sila ng iba pang mga tao sa bar. Kaya naman lalo na lang napayuko si Lemon. "I'm sorry maam. Hindi ko po sinasadya. Hindi ko po talaga kayo napansin. Sorry po." Nakatungong wika pa ni Lemon, habang ang hintuturo ng babae ay nakadiin pa rin sa sentido niya, at patuloy na nagsasalita. "¿Dónde está tu gerente? ¡Necesito hablar con tu gerente! ¡No quiero hablar contigo, idiota! ¡Arruinaste mi noche! ¡Estúpido!" (Where is your manager? I need to talk your manager! I don't want to talk to you, idiot! You ruin my night! Stupid!) Galit paring saad ng babae na ngayon ay namumula na ang mukha. Nang dumating sa tabi niya ang kanyang manager. Kinausap naman ng manager niya ang babae. Pinaalis muna siya sa tabi nito at pinapunta sa kusina. Galit na galit pa rin ito, pero na medyo napahupa mg makausap ni Ms. Eliza ng sumilip siya sa may pintuan. Bago umalis ang babae ay, nakita pa niya ang masamang titig nito sa kanya. Dahil napansin siya nitong nakasilip mula sa kitchen. Nang makalabas ang babaeng customer sa bar ay nilapitan naman siya ng manager niya. "Ano bang nangyayari Lemon? Grabe iyong babaeng customer na iyon. Pinadudugo ang ilong ko ng Spanish. Hindi naman Spanish bar ito. Dito punta ng punta hindi man lang marunong ng English. Paano na lang kung hindi ako pinag-aral ni sir ng ibang language. Mawawalan pa nga ng trabaho." Wika ni Ms. Eliza, kaya naman napatungo na lang siya. "Sorry maam. Sa totoo, bigla na lang pong sumulpot sa harapan ko iyong babae kaya po natapon sa kanya ang wine na dapat ilalagay ko sa kabilang table. Tapos alam naman po ninyong basic English lang ang alam ko. Kaya naman po. Sorry po talaga." Nahihiyang saad ni Lemon na nakaramdam ng tapik sa balikat mula sa mga kasamahang waiter at waitress. "Okay lang iyon, hindi ka na nasanay sa mga mapangmatang customer minsan. Ang masakit lang sabi ni Mara nasampal ka daw. Sorry din Lemon. Alam kong puro pasakit at paghihirap na ang naranasan mo noon. Tapos ganoon din dito." Masuyong pahayag ni Ms. Eliza na ikinailing Lemon. "Ms. Eliza, hindi mahalaga ang pangmamata sa akin ng mga customer. Ang ipinagpapasalamat ko ay ang makilala kayong lahat at itinuring ninyo akong kapamilya." Wika ni Lemon at hinaplos naman ni Ms. Eliza ang pisngi niya. "S'ya pumunta ka muna kay Mara. Humingi ka ng ice pack at ilagay mo dyan sa pisngi mo ng mawala ang pamumula." Pahayag ni Ms. Eliza at sinunod naman ni Lemon. Naging mapangmata man ang ilan sa mga customer nila, pamilya naman ang turingan at turing sa kanya ng mga katrabaho niya. Kaya naman kahit mahirap ang buhay ay patuloy lang siyang lumalaban. Hanggang sa isang customer ang nangbastos kay Lemon. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon may isang lalaking nagligtas sa kanya si Aster Salvador. Buhat ng araw na iligtas ni Aster si Lemon sa nambastos dito, ay palagi na itong nagtutungo sa bar. Napapansin na rin ng mga kasamahan nila ang pagiging malapit ni Aster sa dalaga. Hanggang sa dumaan ang mga araw at naging buwan, at taon ay ipinaalam ni Lemon na boyfriend na siya ni Aster. Masaya naman ang mga kasamahan ni Lemon sa kanya. Ramdam din kasi ng mga ito na mahal nga siya ni Aster tulad ng pagmamahal niya sa kasintahan. "Lemon basta kung kailangan mo ulit ng trabaho, bukas ang bar na ito para sayo. Kung hindi lang sinabi ng boyfriend mo na may grocery store siya at ikaw na ang mamamahala ay hindi kita papayagan. Malay mo makaipon ka ng malaki dahil doon. Kaya masaya ako para sayo. Dumalaw ka minsan ha." Ani Ms. Eliza na siyang manager ng bar. Ipagpaalam kasi si Lemon ng boyfriend nito na iaalis na nito ang dalaga sa bar. Para sa kapakanan ni Lemon ay hinayaan ng manager ang dalaga na iwan sila at magkaroon ng trabaho sa grocery ng boyfriend nito. Naging maayos naman ang relasyon nila ni Aster. Naging cashier siya sa maliit na grocery store nito. Hindi naman niya need na magkwenta ng manu-mano. Dahil ang gamit ng mga cashier ay parang tulad na ng gamit ng mga malalaking tindahan. Bayad at sukli na lang ang dapat mong ayusing kwentahin. Papasok siya sa umaga, pero kakaunin pa siya ni Aster sa apartment niya. At pag-uwian naman ay ihahatid pa siya nito. Hindi lumalampas sa halik sa noo at paghawak sa kamay ang nagagawa nila bilang magkasintahan. Kaya naman labis niya itong minamahal. Nandoon ang respeto nito sa kanya. Mabait talaga si Aster. Isa sa pinakamabait na tao na nakilala niya. Pero ramdam niya ang pagkadisgusto ng mga kaibigan ni Aster sa kanya. Mabait ang mga ito pagkaharap si Aster. Pero pagnakatalikod ang boyfriend niya. Sinasabi ng mga ito kung gaano kaayaw ng mga ito sa kanya. Hanggang sa nangyari ang isang bagay na hindi inaasahan ni Lemon, na mangyayari sa kanya. Gawa ng sobrang inis at inggit sa kanya ng isa sa babaeng kaibigan ni Aster ay nagawan siya nito ng masama. Ang lalaking akala niya ay aalalay sa kanya habang buhay. Ay siyang tao pa palang maglulubog pang lalo sa kanya sa putikan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.9K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.6K
bc

Daddy Granpa

read
205.8K
bc

My Cousins' Obsession

read
177.9K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook