Chapter 23

2034 Words
Tahimik lang si Lemon na nakatingin sa bintana. Tinatanaw niya ang mga bahayan, at mga struktura na kanilang nadadaanan. "Gutom ka na?" Pukaw ni Knight sa atensyon niya. "Uhmn, medyo." "Malapit na tayo sa kakainan natin." Nakangiting wika ni Knight kaya tumango na lang siya. Madami na silang nadaanang kainan pero hindi naman sila tumigil doon. Ilang minuto pa ang lumipas, at nawala na ang mga sunod-sunod na bahayan at mga struktura na kanilang nadaanan. Tumambad na sa kanila ang mga puno, may roon ding nagtataasang pader, pero kita pa rin ang mga puno sa loob ng pader. May nakita din siyang arko, pero hindi niya napansin kaagad kaya naman hindi niya nabasa kung nasaang lugar sila. Ilang sandali pa ay tumigil ang kotse ni Knight sa gilid ng kalsada. May nakita siyang maliit na bahay kung bahay nga iyon. Inaya naman siya ni Knight lumabas ng kotse. Nagtungo sila sa bahay na nakita niya. Napansin din niyang nakasarado ang pintuan. Pero sa labas ay may ilang lamesa at upuan. May isa doon na inuukupa ng dalawang tao na nadatnan nila, at nagkakape. "Anong gagawin natin dito?" Tanong ni Lemon na labis na nagtataka. "Kakain?" Tipid na sagot ni Knight at hinila na siya papasok sa loob. "Huh? Eh wala namang tao dito. Tindahan ba ito? Bakit walang tao?" Sunod-sunod na tanong ni Lemon, ng magsimulang magtungo si Knight, sa harap ng refrigerator na nandoon. Isa para sa mga frozen na pagkain at isa ay para sa mga bottled water at mga drinks. "Anong gusto mong kanin ngayon?" Nakangising wika ni Knight na labis na ipinagtataka ni Lemon. "Kahit ano na lang, bahala ka na." Kumuha si Knight ng dalawang serving ng tocino, beef tapa, hotdog, daing na bangus, at apat na itlog. Nagtungo ito sa may kalan at nagsimulang magluto. Nakaupo lang siya sa upuang nakita niya doon. "Gusto mo ng kape? Pwede kang magtimpla. May kapeng barako din dito." Turo ni Knight sa isang pwesto at mayroon nga doong kape. "Pwede ko bang pakialaman ito?" Nag-aalangang tanong pa ni Lemon. "Yup, pwedeng-pwede." Sagot ni Knight kaya naman, sinimulan na rin ni Lemon ang magtimpla ng kape sa dalawang tasa. Namangha pa siya sa dami ng tasa na nandoon. Kinuha niya ang tasa na pink at blue. Para iyong couple na cup. Tapos na rin namang magluto si Knight. Nagulat pa si Lemon ng umikot pa si Knight sa kabilang gilid at may nakita siyang rice cooker na may mainit na kanin. Pero bukod doon ay kumuha din si Knight ng slice bread, cheese at mayonaise. Lahat ng lalagyan nila ng pagkain ay disposable, ang pinaglutuan ni Knight kanina ay disposable aluminum pero pwede siyang isalang sa apoy. Iyong tasa lang na ginamit niya ang hindi. Sa labas sila nagtungo matapos makaluto. Iyong dalawang tao na nadatnan nila kanina ay wala na doon. Matapos maihayin ng maayos ang pagkain nila ay bumalik si Knight sa loob at kumuha ng dalawang bottled water at bottled orange juice. "Kain na." Masiglang wika ni Knight ng lagyan nito ng ulam ang paper plate niya, na may isang cup ng kanin. "Bakit ganoon ang tindahan na iyan? Bakita walang tao? Hindi ba nalulugi ang may-ari niyan? At ang isa pa? Parang ganito lang din naman kung sa bar mo tayo kumain. Ikaw din nagluto?" Komento ni Lemon, habang sumusubo ng pagkain. "Hindi ganoon. Ibang experienced ang meron dito. Imagine mo, tindahan, pero walang tao. Dito masusukat ang katapatan ng isang tao. Ito ang tinatawag na Honesty Store. See nababasa mo naman di ba? Kung tapat ka, magbabayad ka. Iyong iba nga nagtitip pa sa tindahan. Kaya hindi nalulugi ang tindahan na iyan. Ibig sabihin, lahat ng kumakain dito tapat. Syempre isa na tayo doon. May presyo naman doon sa loob kung magkano lahat ng nakain natin." Paliwanag pa ni Knight na mas lalong namangha si Lemon. "Paano itong tasa ang cute. Parang ayaw kong ibalik." Tanong ni Lemon na parang nanghihinayang sa tasa na pinagtimplahan niya ng kape. "Iyang tasa, pwede nating iuwi yan." "Seryoso? Paano?" "Di ba may, mga disposable cup? Iyon libre na kasama ng kape. Pero pag tasa ang ginamit mo, pwede mo yang bayaran at iuwi. Kaya kain na. Paiinumin pa kita ng gamot." Nakangiting wika ni Knight at ipinagpatuloy lang nila ang pagkain. Halos hindi makahinga si Lemon, sa sobrang dami ng nakain niya. Busog na busog siya. Iyong tipo ng pati slice bread na kinuha ni Knight ay pinilit nilang ubusin. "Grabe, ang takaw ko pala." Natatawang komento ni ni Lemon sa sarili. "Mas pabor iyon sa akin, para naman tumaba ka. Ang payat mo eh. Minsan naaawa din ako sayo baka mamaya bigla ka na lang magiba pag--." Hindi natuloy ni Knight ang sasabihin ng batuhin ito ni Lemon ng tissue. "Hindi halata sayo na ang bulgar niyang bibig mo. Mahinhin ka pa sa akin, pero pag tayong dalawa lang ang magkasama, hindi ko akalain." Natatawang wika ni Lemon kaya napailing na lang si Knight. "Syempre minsan aalis ka din sa comfort zone mo. Ayaw mo bang ganito ako? Sayo lang naman ako ganito. Syempre ikaw lang ang haharutin ko." "Sira!" "Totoo naman ah. Ikaw lang naman talaga at wala ng iba." "Pero maiba ako. Paano mo nalaman ang lugar na ito? Maganda at nakakatuwa siya. Habang kumakain tayo. Noon ko lang napag-isip-isip na tama ka. Masarap makaexperience ng ganito. Oo nga at normal na pagkain lang, pero iyong katapatan, mahirap makahanap niyan." Wika ni Lemon ng tumingin muna ulit siya sa tindahan. "Kami ni Paul, noon, pag walang magawa ang isang iyon, roadtrip lang kami, naghahanap ng mga lugar ayon nadaanan namin ito." "Namimiss mo bang kasama si Paul. Total naman magkaibigan kayo. Nabago na ang routine mo. Mula ng mapunta ako sayo." Nahihiyang wika ni Lemon. Nakita naman niya ang pag-iling ni Knight. "Si Paul kahit anong mangyari kaibigan ko yan. Kita mo naman, palagi ng tambay sa bar ko. Kaya hindi ko man siya kasama sa ganito, kita mo naman magkaibigan pa rin kami. Kahit na anong mangyari." Sabagay tama naman si Knight. Siya lang ang pumalit kay Paul sa roadtrip na iyon. Pero palagi pa rin namang nagkakasama ang dalawa sa bar nito. Matapos makapagpababa ng kinain ay, muling pumasok sila ni Knight para, magbayad. Lahat ng kinain nila ay nasa six hundred pesos lang, pero nag-iwan si Knight ng one thousand. Masaya naman daw kaning experience ang kumain ng may katapatan. Sabagay tama naman ito. Muli silang bumalik sa sasakyan, at muling, binaybay ang daan. Kung saan sila pupunta, ay malalaman sa sunod na paghinto nila. Halos nasa apat oras na rin, mula ng makaalis sila sa Honesty Store. Malayo na rin ang kanilang napupuntahan, at sure si Lemon na probinsya na iyon. Tumitigil naman sila kada dalawang oras na byahe. Mahirap din kasing magmaneho. Medyo nagugutom na rin sila, ng may madaanan silang nagtitinda ng bibingka. Doon muna sila nagpahinga at bumili ng ilang order ng bibingka. Iyon na rin bali ang naging tanghalian nila. "Masarap." Wika ni Lemon, ng makatatlo na siya. Tawang tawa naman si Knight dahil nakakaisa pa lang ito. "Akala ko sasabihin mo, hindi mo malasahan, kasi nakatatlo ka na, bago mo nasabing masarap." Biro pa ni Knight kaya naman binato niya ito ng dahon ng saging na siyang pinagbabalutan ng bibingka. "Kaya nga mabilis akong kumain, masarap. Napaka-ano mo sa akin." Reklamo ni Lemon. "Biro lang gusto mo pa? Order pa tayo?" Tanong ni Knight, na siyang pagsilay ngiti ni Lemon. Nag-order ulit si Knight ng anim pang bibingka. Dahil sa anim na order nila lima na ang nakain ni Lemon. Matapos nilang maubos lahat ng bibingka na naorder nila ay nagsimula na ulit silang magbyahe. Dinala sila ng pagmamaneho ni Knight sa isang beach. Palubog na rin kasi ang araw, kaya naman, nagrequest na si Lemon na kung pwede ay doon na sila magpalipas ng gabi. Mayroon namang cottage na parang bahay na rin sa naturang beach, kaya naman hindi sila matutulog sa kotse, sa mga oras na iyon. Sunday dress ang suot niya, at heto siya ngayon, naglalakad sa dalampasigan. Magandang experience din. Wala na siyang suot sa paa, at iniwan na nila sa cottage na nirentahan nila. Si Knight ay nakapaa na rin, at nakalilis pataas ang suot na pantalon. "Masaya ka ba? Sorry ganitong date lang ang alam ko. Pero hindi ganito ang roadtrip pag magkasama kami ni Paul. Kasi iyon may direksyon talaga ang lakad namin. Dito sa atin, kung saan tayo dalahin ng kapalaran natin." Paliwanag ni Knight kaya naman natawa pa siya. "Wala naman akong sinasabi ah. Ang defensive mo sa part ninyo ni Paul. Wala pa naman akong naiisip na may namamagitan sa inyo." Natatawang wika ni Lemon ng tingnan siya ng masama ni Knight kaya naman bigla siyang napapeace sign dito. "Kung binyagan kaya nating dalawa itong tabing dagat, total naman walang ibang tao dito. Sabi naman ng may-ari, kung hindi tayo lalangoy hindi na sila magpapapunta ng magbabantay. Kaya solo natin ang dagat." Mapanuksong sambit ni Knight ng hampasin niya ito sa braso. "Ang mapanakit mo talaga. Hindi na mabiro." Nakangusong sambit ni Knight habang himas-himas ang braso na hinampas ni Lemon. "Ikaw kasi ang harot mo." "Kung ikaw lang din naman ang haharutin ko. Kahit pa minu-minuto." Wika ni Knight ng tumigil sila sa isang magandang spot na kitang-kita ang paglubog na araw. "Ang ganda." Hindi mapigilang bulalas ni Lemon, habang nakatingin sa papalaho ng araw. Dumidilim na rin ang paligid ng mga oras na iyon. "Tama sobrang ganda." Wika ni Knight habang nakatingin sa magandang mukha ni Lemon. Napatingin naman si Lemon kay Knight kaya nagtama ang kanilang paningin. Hindi naman malaman ni Lemon kung bakit. Pero siya ang unang lumapit kay Knight para bigyan ito ng isang mabilis na halik sa labi. Pero hindi nakontento si Knight at kinabig niya ang batok ni Lemon. Humihingal at naghahabol silang dalawa ng paghinga, ng maghiwalay ang labi nila. Pinagdikit naman ni Knight ang kanilang noo. "I love you Lemon." "I love you too Knight. Salamat sa lahat-lahat at sa buong pusong pagmamahal na pinaparamdam mo sa akin, kahit hindi ako malinis na ng mapu---." Hindi natuloy ni Lemon ang sasabihin ng halikan siyang muli ni Knight. "Wag mong maliitin ang sarili mo. Kasi para sa akin, ikaw ang prinsesa ko. Ang buhay ko, ang hangin ko ang lahat-lahat. Hindi ka basta lang, kasi para sa akin. Ikaw ang lahat. Mahal na mahal kita." Wika ni Knight, kaya naman hindi na naman mapigilan ni Lemon ang umiyak. "Tahan na. Bakit ka umiiyak? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?" Nag-aalalang tanong ni Knight na sunod-sunod ang pag-iling ni Lemon. "Sa totoo sobrang saya ko. Hindi ko alam, kung ano ang nagawa kong kabutihan, para ibigay sa akin ng Diyos ang isang tulad mo. Hindi ko akalaing may isang lalaki pa na tatanggap, at magmamahal sa akin ng totoo sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko. Salamat Knight. Mahal kita." Wika ni Lemon ng punasan ni Knight ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. "You deserve to be loved. And you deserve to be happy. Mas maswerte ako, na nakilala kita. I never thought na magmamahal ako. Kasi para sa akin, masaya na akong nakapagpatayo ako ng negosyo. Pangarap ko lang ay magkaroon ng bar. Mahilig kasi akong mangulekta ng alak. Tapos akala ko. Iyon lang ang makakapagpasaya sa akin kasi natupad ko na. Hindi pala. Bukod pala sa bar. Ikaw pala iyong tunay na makakapagpasaya sa akin. Thank you lemonade ko. Mahal kita." Tugon naman ni Knight at hinalikan muli si Lemon sa labi, tapos ay sa noo. Muli silang tumingin sa dagat na wala na kahit kaunting sikat ng araw. Nandoon na lang ay ang sinag ng buwan na kanilang nagsisilbing liwanag. "Tara na sa cottage, para maikuha kita ng jacket. Doon na lang din tayo kumain sa sinabi ng may-ari na sa kabilang parte ng beach na ito ay may maliit na kainan. Mas okay na iyon kay sa magpadeliver pa tayo. Sa tingin mo?" Wika ni Knight na sinang-ayunan ni Lemon. Masasabi niya napakasarap sa pakiramdam ng lakad nila ni Knight na iyon. Walang siguradong pupuntahan, pero talagang nag-eenjoy silang dalawa na magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD