Isang buwan ang mabilis na lumipas, mula ng unang gabi, na muling may mainit na tagpong naganap kay Knight at Lemon. Pero hindi pa rin nawawala kay Lemon ang pakiramdam na akala mo ay palaging bago, at first time niya. Sabi nga kasi, si Knight ang nag-alis ng damit niya, ito ang naglilinis ng katawan niya, at ito din ang nagbabalik muli ng damit niya, pagkatapos ng mainit na tagpo. Kaya talagang palaging bago ang pakiramdam ni Lemon sa pagiging maalaga ni Knight sa kanya.
Nakahiga sila ngayon ni Knight sa kama, matapos siyang linisan ni Knight at bihisan ng panibagong damit. Habang si Lemon ay nakasiksik sa may parteng dibdib ni Knight.
"Masaya ka ba sa piling ko?" Malambing na tanong ni Knight, kaya naman napatunghay si Lemon mula sa pagkakasiksik kay Knight.
"Mukha bang hindi? Ako nga dapat ang magtanong sayo niyan. Kung masaya ka ba na, nasa tabi mo ako? Wala akong yaman na kahit na ano. Naging waitress, babaeng paulit-ulit na pinagsamantalahan, at naging isang stripper sa club. Hindi mo ba ikinahihiya na ganoon ang babaeng kasama mo ngayon?" Tanong ni Lemon na mababakas ni Knight ang pangliliit ng dalaga sa sarili.
"Ganoon ba ang nararamdaman mo na pinaparamdam ko sayo? Oo, aaminin kong hindi ako ganito, in terms of making love. I can't control myself when it's you. Ikaw lang ang babaeng kinabaliwan ko ng ganito. Hindi ako nagka-girlfriend mula noon. Ngayon lang." Matatag na wika ni Knight na makikita naman ang kamanghaan sa mukha ni Lemon.
"Anong ibig mong sabihin? Na hindi ka pa nagkaka-girlfriend at ngayon lang." Tanong ni Lemon na nagpatawa kay Knight.
"Bakit ang cute mong magtanong? Akala mo ba, basta na lang itong nangyari sa atin. I'm a kind of gentleman kung hindi mo naiitanong, ipagyayabang ko na. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, mula ng makita kita. Inamin ko naman sayo na mahal kita. Hindi ko ba nasabi sayo, mula ng kinuha kita, ay girlfriend na kita. Okay mali ako. Dapat ba niligawan muna kita? Pero hindi ako marunong noon. Mas nauna pa ngang may nangyari sa ating dalawa. Dapat ba may ligaw muna? Hindi ba pwedeng tayo na kaagad? Dapat pala nagtanong muna ako kay kuya. Baka marunong iyon. Magaling daw akong magpayo sabi ni Kuya Matthew, pero wala pala akong alam pag sa sarili ko." Malungkot at mahabang paliwanag ni Knight na hindi malaman ni Lemon kung matatawa ba siya, o maaawa na lang kay Knight.
Tama naman ito, madaming beses na ngang may nangyari sa kanila buhat noong unang beses na nangyari ulit iyon sa kanila, pero naisip pa niyang wala naman silang level. Pero kasalanan din naman kasi ni Knight iyon, kasi hindi ito nagsasabi, kung anong meron sa kanila.
"Girlfriend mo na ba ako? Iyon ba ang ibig mong sabihin?" Nahihiyang tanong ni Lemon, ng hapitid ni Knight ang baywang niya.
"Hindi." Nakangising sagot ni Ice, na kita niya ang pagkapahiya sa mga mata ni Lemon.
"Hindi, kasi hindi mo naman kailangang maging girlfriend ko. Ginagawa ba ng mag-boyfriend, girlfriend ang ginagawa natin. Okay bata ka pa, kung ikukumpara sa edad ko. Pero we're matured enough para lang sa bagay na iyan. Sa totoo humahanap lang ako ng tamang pagkakataon. Mali, hinihintay ko lang na sabihin ng doktor mo na okay ka na. Na fully healed ka na, at pakakasalan na kita. Iyon talaga ang plano ko. Ayaw lang kitang mas madagdagan ang isipin, at ma-stress sa preparation kung dumating na iyon. Kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Magpapakasal pa tayo." Paliwanag ni Knight na hindi naman mapaniwalaan ni Lemon.
"Bakit naman ang bilis?"
"Kaya nga sabi ko sayo wag kang mag-isip. Wag kang pa-stress. Kailangan mo lang ay magrelax, para maging maayos na ang lahat. Tatlong session na lang, at alam ko graduate ka na. Matatapos mo na isang taong pakikipagkita sa doktor mo. At kita ko naman ang improvement, kasi sa mga naging kaibigan mong lalaki dito sa bar nakikipag-usap ka na. Minsan nakikigulo ka pa sa mga waitress. Kaya after ng last session mo. Pauuwiin ko na si daddy at si Tita Lucilla na mommy ni Kuya Matthew. Ipapakilala na kita." Paliwanag ni Knight, ng maramdaman niya ang kabang biglang umusbong kay Lemon.
"Don't be worried. Magugustuhan ka nila daddy. Alam mong alam ni Thalia at Kuya Matthew ang pinagdaanan mo, pero may narinig ka ba sa kanila? Kasi mas mahalaga sa kanila kung saan ako magiging masaya. Kung kanino ako magiging masaya. Kaya relax na. Matulog ka na lang muna ngayon. Alam kong pagod ka. O baka gusto mo pa?" Tudyo pa ni Knight, ng makatanggap siya ng hampas sa braso mula kay Lemon.
"Sabi ko nga, matulog na tayo." Wika ni Knight ng kintalan pa niya ng halik si Lemon sa labi, na tumagal pa ng ilang segundo. Bago ito muling niyakap ng mahigpit para makatulog.
Kinabukasan ay nagising na lang si Lemon na nag-iisa sa kama. Mabilis siyang bumangon at hinayon ang banyo, para magbawas ng panubigan. Kauupo pa lang niya, na mapatingin siya sa sticky note na nakakapit sa salamin sa loob ng banyo. Matapos sa ginagawa ay nilapitan niya ang salamin, at binasa ang nakasulat.
"Total naman nandito ka na sa loob, maligo ka na, sa labas na tayo kumain. Nakahanda na rin ang susuotin mo kaya ligo ka na. -Knight." Basa ni Lemon sa nakasulat sa sticky note.
Kaya naman mabilis niyang hinubad ang suot na damit at nagtungo sa shower. May mga gamit na rin naman siya doon. Mula ng sinama siya ni Knight doon ay nagkaroon na rin ng mga gamit na pambabae sa opisina, kwarto at banyo nito.
Matapos maligo ay doon lang niya napansin na wala pala siyang dalang towel or roba man lang. Nakarinig naman si Lemon ng katok mula sa labas ng banyo. Kaya kahit hantad ang hubad niyang katawan, ay nagawa niyang lumapit sa may pintuan.
"Knight?" Bigkas niya sa pangalan, ng lalaking inaasahan niya sa labas ng pintuan.
"Nope!" Sagot nito kaya naman napatawa siya.
Nasagilid lang naman si Lemon ng pintuan at binuksan niya ng maliit.
"Here's your towel and robe. Buti na lang ng pumasok ako dito para sana ilagay ang damit na isusuot mo, napansin ko ang mga yan, kaya sure na wala kang dala." Pahayag ni Knight.
"Salamat magsusuot lang ako."
"Nahihiya ka pa rin sa akin? Pwede ka na ngang lumabas kahit walang suot." Anito.
"Ayaw ko. Kung lumabas ka na para naman makalabas na rin ako at makapagbihis."
"Halika na nga dito." Binuksan kaagad ni Knight ang pintuan ng banyo, kaya naman nahantad na naman sa kanya ang kabuoan ng kahubadan ni Lemon.
Sunod-sunod na paglunok naman ang ginagawa ni Knight. Hindi naman siya nagsisisi na makita ang kahubadan ni Lemon, pero sa nakikita niya, gusto na lang ulit niyang ikulong si Lemon sa mga bisig niya.
"Tumalikod ka!" Sigaw ni Lemon na nagpabalik sa katinuan niya.
"Sorry na, hindi ko lang maiwasan talaga na titigan ka. Magbihis ka na." Ani Knight at tumalikod na palabas ng kwarto at lumabas ng ospisina.
Nilapitan naman ni Lemon ang damit na hinanda ni Knight na nakalatag sa kama. Isa lang iyong white sunday dress na umabot sa kanyang tuhod ang haba. Na may design na pink roses sa laylayan. Napatingin pa siya sa kabilang side ng damit at doon niya nakita ang undergarments na sure naman siyang si Knight din ang naghanda.
Habang isinusuot ang mga damit na inihanda ni Knight ay hindi namang maiwasan ni Lemon na pamulahan ng mukha. Nandoon pa rin talaga ang pagkakataon na palagi niyang naiisip na hindi siya deserve ni Knight. Pero palagi nitong ipinaparamdam na, hindi lang siya ang swerte kay Knight. Kundi pati si Knight ay sinasabing napakaswerte nitong kasama siya.
Nakaharap siya sa salamin at sinusuklay ang buhok, ng pumasok si Knight. Nakangiti pa itong lumapit sa kanya.
"Ang ganda mo. Kahit simpleng damit lang ang suot mo. Hindi maiipagkailang napakaganda mo." Hindi mapigilang bulalas ni Knight, na nagpangiti kay Lemon.
"Bakit parang sa lagay na yan, pakiramdam ko talaga. Inlove na inlove ka sa akin?" Tanong ni Lemon na may kasama pang panunudyo.
Kinuha naman ni Knight ang suklay na hawak ni Lemon, at ito na mismo ang nagsuklay ng buhok niya. Kinuha din nito ang blower at ito na rin ang nagsimulang magtuyo ng buhok ni Lemon.
"Hindi ko maiitanggi na inlove ako sayo. Sa bawat araw na kasama kita, at nakakasama kita mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sayo. Ramdam mo naman siguro di ba? Bukod pa doon, palagi kong sinasabi sayo. Kaya hindi ko itatanggi ang paratang mo." Sagot ni Knight na hindi malaman ni Lemon kung paano sasagot. Kasi sa pagngiti pa lang niya, nahuli na talaga siya ni Knight na kinikilig siya.
Matapos matuyo ang buhok niya, ay titindig na sana siya para makaalis na sila ni Knight. Pero pinigilan siya nito.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong.
Umalis si Knight sa tabi niya, at mula sa lagayan ng damit nito ay kinuha ni Knight ang paper bag na napakatagal ng nakikita doon ni Lemon. Hindi naman siya nagtatanong kung anong laman noon, pero, palagi niyang nakikita ang maliit na paper bag na iyon, pagkumukuha siya ng damit ni Knight.
Nakatingin lang naman si Lemon ng kunin ni Knight ang may katamtamang laki ng box, na nasa loob ng paper bag. Ng buksan iyon ni Knight ay napangiti si Lemon ng makita niya ang cute na pendant ng kwintas. Isang half lemon iyon at ang pinaka buto ay diamond.
"Ang ganda." Hindi mapigilang bulalas ni Lemon habang nakatingin sa kwintas na hawak ni Knight. Nagulat pa siya ng isuot iyon ni Knight sa kanya.
"Bakit? Nagandahan lang naman ako, kasi ang ganda lang talaga." Aniya.
"Para sayo talaga yan. Sobrang tagal na niyan ng mabili ko. Dapat kasi ibibigay ko yan sayo noong nasa club ka pa. Kaso nakita ko iyong babae na nakasama ko ng gabing may naka-one night stand ako. Which is iisa lang pala kayo. Hanggang sa medyo nawala na sa isipan ko, kasi mas nauna kong pagtuunan ng pansin ay ang maging maayos ang kalagayan mo. Ngayon ko lang ulit naalala, ng makita kita sa suot mo. Ang ganda mo." Hindi mapigilang komento ni Knight kay Lemon. "Bagay sayo."
"Salamat. Saan ba tayo pupunta? At ang aga natin ngayon?"
"Magdadate. Baka kasi isipin mong, palagi na lang kitang kinukulong dito sa loob ng opisina ko, or sa bahay nina Kuya Matthew. Pero ngayon idadate naman kita. Sorry na. Kung mas nauna ang ibang bagay kay sa magdate tayo. Pero isa lang ang masisigurado ko sayo. Mahal kita. Hmmm." Paliwanag ni Knight.
"Hindi naman ako nagdedemand, masaya na akong makasama ka. Pero hindi ako tatanggi sa date. Kasi gusto ko ding maranasan iyon. Higit sa lahat ikaw ang kasama ko." Malambing na wika ni Lemon, ng alalayan na siyang tumindig ni Knight.
"Saan naman tayo magdadate?" Tanong ni Lemon kasi curious talaga siya kung saan sila pupunta.
"Una kakain muna tayo. Tapos wala pa akong plano kung saan eh. Basta roadtrip tayo, kung saan tayo dalahin ng pagmamaneho ko. May dala na rin akong mga damit at gamit nating dalawa. Bukod sa suot mong yan." Sabay turo ni Knight sa doll shoes na suot niya. Mas komportable kasi siya doon.
"May dala akong tsinelas at rubber shoes." Paliwanag ni Knight, kaya naman mas namangha si Lemon.
"Hindi mo talaga ito pinaghandaan?"
"Yes! Hindi talaga. Promise!" Natatawang sagot ni Knight kaya naman natawa na rin si Lemon. Halata nga na hindi nito pinaghandaan. Kompleto na ang mga gamit nila na dala nito. Siya na lang talaga ang hinintay nitong magising at ng makaalis na sila.
"Paano itong bar?"
"Sanay naman sina Eliza na nawawala ako. Lalo na noong nasa US si Thalia at hindi pa sila okay ni kuya. Nagpaalam na rin ako sa kanila. And take note para matuwa ka. Tinaasan ko na ulit sila ng sahod." Ani Knight ng makatanggap ng yakap kay Lemon.
"Magtrabaho na rin kaya ulit ako, para may sahod ako."
"Akala ko kaya mo ako niyakap kasi nagpapasalamat ka sa ginawa ko. Hindi mo need magtrabaho. Basta maging masaya ka lang dito sa tabi ko, mas okay na sa akin. Hindi mo nga ginagastos ang perang binibigay ko sayo, ang tipid-tipid mo."
"Ay pinapakain mo na ako eh. Kaya saan ko pa gagastusin." Nakangusong wika ni Lemon ng halikan siya ni Knight.
"So tara na. Baka mas mauna pa akong kumain sayo." Wika ni Knight na nagpamaang kay Lemon.
"Bakit ka naman mauunang kumain? Hindi ba tayo sabay?"
"Wag mong pansinin ang sinabi ko. Tara na. Pakakainin muna kita. And dala ko na mga gamot mo. Para naman, mainom mo kahit umalis tayo."
"Boy scout ka talaga."
"Para sayo, gagawin ko ang lahat. Para sayo." Makahulugang wika ni Knight, at hinayon na nila ang ni Knight ang daan patungong parking lot.
Excited na si Lemon kung saan man sila pupunta ni Knight. Kung saan man iyon, alam niyang mag-eenjoy siya. Lalo na at si Knight ang kanyang kasama.