Maagang nagising si Lemon ng mga oras na iyon. Kahit inaantok pa ay inaaya na kaagad niya si Knight sa tabing dagat. Nais sana niyang makita ang bukang liwayway.
"Knight, bangon ka na, gusto kong makita ang pagsikat ng araw. Samahan mo ako sa tabing dagat para sabay nating makita." Panggigising ni Lemon kay Knight na puro ungol lang ang sagot.
"Ayaw mo talaga akong samahan? Ako na lang dyan ka na!" Wika pa ni Lemon na wari mo ay nagtatampo na.
"Lemonada, anong oras pa lang? Matulog na muna tayo. Hindi ka na ba inaantok?" Tanong ni Knight ng hagipin ni Lemon, ang cellphone ni Knight na nakapatong sa bedside table.
"Mag-four pa lang." Tipid na sagot ni Lemon, ng bahagyang maupo si Knight sa kama.
"Lemonada naman. Five to five thirty, iyong pagsikat ng araw. Mag-aalas kwatro pa lang ng madaling araw. Antok pa ako. Excited kang sobra." Reklamo ni Knight ng hilahin niya si Lemon palapit sa kanya.
"Anong!?" Hindi na natuloy ni Lemon ang sasabihin ng sakupin ni Knight ang labi niya. Dahil nakaawang iyon, mabilis naipasok ni Knight ang dila nito sa nakaawang niyang labi, na wari mo ay may hinahanap na kung ano.
"Uhmm." Impit na ungol na lumabas kay Lemon. Hindi niya maiwasan ang sarap ng halik na ipinaparamdam sa kanya ni Knight.
"Knight." Tawag niya sa pangalan nito, ng maramdaman niya ang malikot na kamay ni Knight na inuuli ang bawat parte ng kanyang katawan.
Naramdaman na lang ni Lemon ang pagluwag ng suot niyang bra, hanggang sa naramdaman na lang niya na inihagis iyon ni Knight. May suot pa siyang damit, pero hindi iyon naging hadlang sa nais ni Knight na sakupin at paglaruan ng dila nito ang tuktok ng kanyang dibdib.
Ilang sandali pa at naramdaman niya ang lamig. Wala na siyang suot maliban sa maliit na saplot na tumatabing sa kanyang p********e.
Sobrang dalang-dala siya sa init at sarap na pinaparamdam ni Knight sa kanya, kaya naman nito lang niya napagtantong pati si Knight ay isang maliit na lang ding saplot ang tumatabing sa katawan.
Bumaba ang halik ni Knight patungo sa kanyang puson, hanggang sa maramdaman niya ang mainit na paghinga ni Knight ng kagatin nito ang garter ng kanyang panloob. Mas lalo pa siyang pinamulahan, ng alisin ito ni Knight sa kanya gamit ang mga ngipin.
"K-Knight." Nauutal pa niyang sambit ng tuluyang mahubad ni Knight ang natitira niyang saplot.
"Sabi ko sayo, inaantok pa ako. Kaso ng gisingin mo ako. Dalawa kaming nagising mo. Paid the consequences Lemonanda." Nakangising wika ni Knight. Wala na rin naman siyang nagawa, dahil sa pinaramdam ni Knight sa kanya. Siguradong mababaliw siya, kung mabibitin din siya sa mainit na tagpong iyon.
Muling bumalik si Knight sa pagkubabaw sa kanya, at inaayos ang pwesto ng hita niya. Walang humpay ang paghalik nito sa kanya, habang unti-unti itong napwesto sa gitna niya. Nakayakap ang mga hita niya sa baywang nito, habang tinutudyo nito ang kanyang bukana.
"Aahh, Lemon./ Uhmm Knight." Sabay nilang sambit ng mapag-isa ang kanilang katawan. Ramdam nila ang init at sarap ng kanilang pag-iisa.
Walang patid ang bawat halik nila sa isa't isa, habang ang mga kamay ni Knight ay walang tigil sa paghimas sa dalawang dibdib niya. Nandoon pa rin ang marahan, at masarap nitong pag-ulos sa kaselanan niya.
Hindi maipaliwanag ni Lemon ang sarap na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Nakakabaliw, iyon ang isang salitang makakapagpaliwanag sa nararamdaman niya. Napuno ng masarap nilang daing ang apat na sulok ng cottage na kanilang inuukupa. Naririnig lang nila ang musikang mula sa kanilang mga puso. Ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Wala silang pakialam sa paligid nila, maliban sa init ng pagmamahal na ipinaparamdam nila sa bawat isa.
"I love you lemonada." Halos paos ang boses na sambit ni Knight, pero dama ang pagmamahal.
"Mahal kita kabalyero ko." Tugon naman ni Lemon habang nakatitig sa mga mata ni Knight na punong-puno ng pagmamahal.
"Hindi ko kakayaning malayo pa sayo mahal ko. Mahal na mahal kita Lemon." Ani Knight.
"Ganoon din ako mahal ko. Mahal na mahal kita Knight. Ikaw ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko." Wika ni Lemon, kay Knight habang patuloy pa rin si Knight sa pag-ulos sa ibabaw niya.
Ilang sandali pa ay nararamdaman na ni Lemon ang pamumuno ng kung ano sa puson niya. Nararamdam niyang malapit na niyang marating ang dapat niyang marating.
"K-Knight!" Nauutal niyang wika, ng mas naramdaman niyang bumibilis ang pag-ulos ni Knight sa ibabaw niya.
"L-Lemon!" Tugon ni Knight ng maramdaman niyang malapit na ring marating ni Lemon ang kasukdulan.
Mas lalo pa niyang pinag-igihan ang pagpaparamdam kay Lemon, na mahal na mahal niya ang dalaga, hanggang sa maramdaman niya, ang pag-abot nito sa dulo. Nanginginig ang tuhod, habang habol ang paghinga. Ramdam na ramdam ni Knight ang pagbalot ng pagsabog ni Lemon sa p*********i niya. Doon muli sumilay ngiti niya at ang buong pagmamahal niya sa dalaga.
Ilang sandali lang at naramdaman na rin niyang malapit na rin niyang maabot ang kasukdulan hanggang sa ibuhos niya kay Lemon ang lahat ng kanyang lakas.
Pagod at humihingal pa siya. Pero nandoon ang ngiting tagumpay.
"I love you Lemon." Bulong ni Knight sa dalaga at hinalikan pang muli ni Knight si Lemon sa labi at noo. Kahit madaming beses ng may nangyari sa kanila. Hindi mawawala ang paggalang ni Knight sa babaeng minamahal
"Mahal din kita Knight." Wika ni Lemon, na ngayon ay inaantok ng muli dahil sa sobrang pagod.
Ang pag-aaya niya kay Knight para makita ang bukang liwayway ay nawala na sa isipan niya. Ngayon naman ay talagang hinihila na siyang muli ng antok.
Ng masigurado ni Knight na nakatulog na muli si Lemon, ay muli niya itong nilinisan at binihisan. Inayos muna niya ang kumot nito. Napangiti pa siya sa isiping, siya itong antok na antok kanina, pero dahil sa pangungulit ng babaeng mahal niya, heto siya ngayon at gising na gising na. Habang si Lemon ay mahimbing na ulit ang tulog. Dahil nawala na rin ang antok niya, ay kinuha niya ang cellphone niya at ang tripod na dala niya, at nagpasyang lumabas ng cottage na inuukupa nila.
Mataas na ang sikat ng araw ng magising si Lemon, at mabilis siyang napabalikwas sa higaan. Napansin niyang bukas na ang bintana ng cottage na kanilang inuukupa ni Knight, kaya kitang-kita niya ang maliwanag na paligid. Tanaw na tanaw niya ang malawak na karagatan mula sa pwesto niya. Wala na doon sa tabi niya ang binata, pero nakasuot siya ng damit nito. Ramdam din niyang may suot siyang cyling shorts at undergarments.
Nakanguso pa siyang bumaba ng kama. "Hindi ko man lang nakita ang bukang liwayway. Kasalanan 'to ng maharot na iyon eh. Kung hindi niya ako hinarot hindi ako makakatulog muli. Hindi sana ako nakaramdam ng pagod." Reklamo ni Lemon, ng pagbukas niya ng pintuan ay sinalubong siya kaagad ng halik ni Knight sa labi.
Hindi naman siya kaagad nakakilos gawa ng sobrang pagkabigla sa halik nito. Pero dahil sa gulat ay nagawa niyang itaas ang kamay, at nabinyagan kaagad niya ng isang malutong na sampal si Knight.
Napatitig naman si Knight kay Lemon at walang maapuhap ni isang salita, mula sa kanya. Sa ginawang paghalik ng kamay ni Lemon sa mukha niya.
Halos maluha naman si Knight, sa hindi inaasahang pangyayari na iyon. Kasi masakit naman talaga ang paglapat ng kamay ni Lemon sa mukha niya.
"Mukha ba akong masamang tao? Ang sakit lemonada." Hindi na napigilan ni Knight na maluha habang hawak ang kanyang pisngi.
"Knight!" Saka lang natauhan si Lemon sa kanyang ginawa. "Bakit ka naman kasi nanggugulat? Hala! Ang pula ng pisngi mo! Bakit kasi hindi mo iniwasan ang kamay ko? Pwede ka namang umiwas! Oh kaya naman dapat ay bigla mong sinalag ng hindi ka tinamaan! Nakakainis ka naman eh! Ang pula tuloy ng pisngi mo! Nakakainis ka!" Reklamo ni Lemon, habang hindi mapaniwalaan ni Knight ang mga sinasabi nito.
"Bakit parang kasalanan ko?"
"Kasalanan mo talaga! Kung hindi ka nanggugulat hindi ako mabibigla! Hindi kita masasampal!" Wika ni Lemon habang hinahaplos ang pisngi ni Knight na namumula."
"Sige na nga kasalanan ko na." Pag-ako ni Knight kahit talagang masakit ang pagkakasampal ni Lemon sa kanya.
Napangiti na lang siya, sa pag-aalala nito sa mukha niya, pero agad ding nawala ang pag-aalala ni Lemon ng mapadako ang tingin nito sa may dagat.
"Bakit hindi mo ako ginising kanina!? Hindi ko tuloy nakita ang bukang liwayway!" Singhal na naman ni Lemon sa kanya, at nagawa pang duru-duruin ang dibdib niya.
"Ang sarap ng tulog mo eh. Pero wag kang magalit. Nakakuha naman ako ng magandang spot para makunan ko ng video ang pagsilay ng araw sa dagat. Kaya wag ka ng magalit lemonada. Hmm. Masakit pa rin ang sampal mo." Malambing na wika ni Knight, ng halikan ni Lemon ang part ng pisngi ni Knight na nasampal niya.
"Sorry."
"Okay lang. Kasalanan ko din naman talaga at nagulat kita. Tara kumain muna tayo, bago tayo muling magbyahe." Wika ni Knight at nagtungo muli sila sa part ng kainan na kinainan nila kagabi.
Matapos makapag-ayos ng gamit, ay tumuloy na silang muli, sa kanilang roadtrip. Ngayon naman ay balak nilang magtungo ng bundok. Nais naman nilang ma experience ang umakyat ng bundok.
Masaya lang si Lemon, habang tutok sa cellphone ni Knight. Nakikita ni Knight ang mga ngiti ni Lemon habang pinapanood ang video na nakunan niya sa pagsikat ng araw.
"Sorry para kanina." Agaw atensyon ni Knight kay Lemon. Tapos na rin naman ang kanyang pinapanood kaya naman ipinatong niya ang cellphone ni Knight sa dashboard ng kotse nito.
"Okay lang naman. Napanood ko na rin naman at masaya na rin ako doon. Sayang nga lang at hindi ko nakita ng live."
"Yaan mo pag-akyat natin ng bundok hindi na kita papagudin." Nakangising wika ni Knight ng makatanggap naman ng hampas kay Lemon.
"Bakit?"
"Bakitin mo yang mukha mo!? Masyado kang! Haist. Buti na lang talaga mahal kita." Wika ni Lemon, kaya naman napangiti si Knight.
"Kahit mapanakit ka. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Sayo lang naman eh. Reklamo ka pa." Naiiling na sambit ni Knight habang patuloy lang sila sa pagkukwentuhan.
Nakarating sila sa isang bundok na pwedeng maghiking. Mayroon din namang mga guide na nagtuturo sa kanila ng mga dapat at hindi dapat gawin. Alas dos na iyon ng hapon, pero hindi masakit sa balat ang init ng araw. Malamig ang hampas ng hangin sa kanilang balat. Gawa na rin ng napakaraming naglalakihang mga puno. Sinabihan sila ng guide na nasa dalawang oras ang lalakarin nila paakyat sa pinakatuktok ng bundok.
Sinimulan na nila ang pag-akyat. Tinanong din naman sila ng mga guide, kung magpapasama pa sila or hindi na. Mayroon din namang mga guidelines sa pag-akyat nila. Higit sa lahat, safe ang pag-akyat sa bundok. Wala ding ligaw na hayop sa kagubatan, kaya naman mas pinili nilang walang guide silang kasama.
Bitbit ni Knight ang may kalakihang bag, bumili di sila ng tent doon sa pwedeng bilihan. Ang kotse naman ni Knight ay hinabilin nila doon sa tindahan, dahil may parking lot talaga doon para sa mga may sasakyan na aakyat sa bundok.
Nakakalahati na sila ng nalalakad. Nakakapagod pero sobrang worth it naman ang pagod, dahil sa ganda ng paligid.
"Water?" Tanong ni Knight pero iniaabot na sa kanya ang isang bottled water na wala ng takip.
Mabilis naman niyang nainom iyon, lalo na at nauuhaw na rin siya. Kalahati lang ang kanyang nainom, at ibinalik na rin kay Knight ang bote ng tubig na may kalahati na ang laman.
"Thank you." Aniya.
"I love you." Anito, at ininom ang tubig na tira niya.
"Nainom ko na iyon. Bakit mo ininom?" Gulat na tanong ni Lemon ng halikan siya ni Knight.
"Ilang beses na nga tayong naghahalikan, at higit pa nga doon. Tapos mag-eenarte pa ako sa tubig na, labi mo lang naman ang lumapat? Hindi ako maselan lemonada. Mahal kita." Wika ni Knight at muli ng inayos ang pagkakalagay ng bag sa likuran niya.
"Okay ka na? Tara na ulit, dapat maabutan natin ang sunset." Wika ni Knight at nagsimula na ulit silang maglakad.
Halos alas singko na rin ng makarating sila sa tuktok ng bundok.
"Knight ang ganda." Hindi mapigilang bulalas ni Lemon.
"Mas maganda kasi kasama kita." Wika ni Knight ng igaya siya nito sa may puno na mayabong ang dahon.
"Rest ka muna dyan at aayusin ko ang tent natin. Hmm." Ani Knight. At tumango naman si Lemon, habang namamahinga siya sa lilim ng puno, malapit kung saan itinatayo ni Knight ang tent nila.
Matapos sa ginagawa ay sabay nilang pinanood ang paglubog ng araw. Napakaganda noon, lalo na at magkasama sila. Sa dagat man nila panoorin ang dapit hapon, o sa kabundukan. Masasabing, wala ng mas sasaya pa para kay Lemon. Ang makasama lang si Knight ay sapat na, para sabihin. Masaya siya, masaya ng buong puso.