Maagang nagising si Lemon ng araw na iyon. Nakita niyang natutulog pa sina Monica. Hindi na naman niya ginising ang mga ito at lumabas na siya ng kwarto. Suot ang isang oversized t-shirt at isang jogging pants. Tinalian din niya ang kanyang buhok.
Madilim ang buong club kahit umaga na. Wala ka namang makikitang bintana doon kundi maliit na siwang, na nagbibigay ng manipis na liwanag. Binuhay niya ang ilaw at nakita niya ang napakadaming kalat ng bote, lata ng alak at mga plastic styro at kung anu-ano pa.
Wala na namang kalat ng mga hugasin dahil sinasamsam na iyon ng mga waiter pag wala ng customer. Tamang literal na kalat na lang talaga ang natitira. Mag-isa lang si Lemon ng mga oras na iyon. Wala naman siyang pakialam sa madaming kalat mahalaga aya may lalagyang garbage bag, at sako para mapaghiwa-hiwalay niya ang mga bote, lata plastic at mga styro.
Kumakanta pa siya, habang nagpupulot ng mga basura ng biglang dumating sina Bruno ng hindi niya namamalayan.
"Ang aga mo namang nagising Liway." Bati nito sa kanya ng lalapitan siya nito ay bigla na lang siyang napasigaw.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Bruno na siyang pagsulpot ni Madam Soraya at ng ilan pang kalalakihan.
"Anong nangyari Bruno!?" May diin ang pagkakatanong nito na labis ang ipinag-alala ni Lemon.
Wala namang masama siyang nakita sa paglapit ni Bruno sa kanya, pero bigla na lang siyang nakaramdam ng takot. Napansin din niya ang gulat kay Bruno na nagtataka sa pagsigaw niya.
"Naku madam wala po. Nagulat po ako kay Kuya Bruno, para naman po kasing kabute na basta na lang nasulpot." Natatawang sambit ni Lemon, pero sa totoo, naguguluhan siya sa nararamdaman niya. Bakit ako nakakaramdam ng takot ngayon? Tanong na lang ni Lemon sa sarili.
"Ito namang si Liway. Magtatanong lang ako kung gusto mong kape? Magtitimpla ako. Ipagtitimpla ko din ang iba." Tukoy ni Bruno sa mga kasamahan.
Nararamdaman naman ni Lemon na hindi ganoong kasamang tao ang mga kasama niya. Kaya kahit papaano panatag siya. Iyon nga lamang, may mumunting takot na umuusbong sa kanyang puso.
"Salamat Kuya Bruno. Pwede bang 3in1?"
"Yup. Meron noon dito sa kusina ni madam." Sagot ni Bruno at iniwan na sila ni Madam Soraya.
"Nagulat ako sa pagsigaw mo. Akala ko kung ano na. Ang aga mo namang magising Liway?" Biglang tanong ni madam sa kanya.
"Kasi madam sanay naman po ako sa puyatan. Kasi nakatulog naman po ako, kaya po maagap po akong nagising maglilinis na po ako." Paliwanag niya.
"Sige kung ganoon. Magpapabili ako ng pagkain, para mamaya paggising ng tatlo makakain na kayo. Okay ka lang na solong maglinis? Ayaw mong gisingin ang tatlo?" Tanong pa ni madam.
"Ayos lang po. Pwede naman pong magpahinga pagpagod na. Itong mga basura saan ko po itatapon?" Tanong niya.
"Ilagay mo lang doon sa may gilid sa labas. Sina Bruno na ang bahalang magtapon niyan. Ay s'ya doon muna ako sa opisina ko. Magpahinga ka pagpagod ka na. Okay. Ang mga angel na walang pakpak naman ay mamayang hapon pa ang gising ng mga iyon. Kaya tahimik dito pag ganitong oras. Tapos pagtapos ng maglinis pwede na ulit kayong matulog." Wika ni Madam Soraya.
"Okay po madam. Ako na po munang bahala dito. Okay din po akong tahimik at nag-iisa para naman po focus lang ako sa paglilinis." Aniya.
Tinapik naman siya ni madam sa balikat bago siya nito iniwan. Nagtungo naman si Madam Soraya sa opisina nito.
Ng muling bumalik si Bruno sa tabi niya ay nakakaramdam siya ng takot na labis niyang pinaglalabanan. Alam niyang wala itong gagawing masama pero nakakaramdam siya ng takot. Ganoon din ng pumasok ang mga lalaking kasama ni Bruno, pati si Kristan na lumapit sa kanya na may bitbit na pandesal.
"Kain ka muna Liway. Masarap itong pandesal na nabili ko. Bagong luto." Sabay abot ni Kristan sa kanya ng isang supot.
Halos mapaso naman si Lemon ng magdait ang kanilang kamay. Pasalamat na lang siya at hindi nito napansin na naiilang siya.
"Di ba masarap?" Tanong nito habang sinasawsaw sa kape ang pandesal.
"Liway, pag may gusto kang inumin o kainin. Magsabi ka lang sa amin. Bayad ang paglilinis mo dito. Kaya naman kahit anong gusto mo, pwede kang magpabili or pwede kang bumili paglalabas ka. Isa pa, may pagkain sa kusina, bahala ka na sa gusto mo." Paliwanag sa kanya ni Bruno.
"Salamat po Kuya Bruno, Kuya Kristan at sa inyo mga kuya." Wika ni Lemon sa mga ito, kahit nakakaramdam siya ng kaba.
Matapos magkape ay kinuha ng isang lalaki ang pinagkapehan nila at ito na daw ang magdadayag. Lumabas na rin naman sina Bruno, para bumili ng mga pagkain.
Halos walisin na lang ang natitirang kalat ng magising ang tatlo. Matapos niyang magkape kanina ay ipinagpatuloy naman niya ang paglilinis.
"Akala ko lumayas na si Liway!" Eksaheradang sigaw ni Lady.
"Paano lalayas yang si Liway ay nasa kama niya iyong mabangong coat." Nakangising sambit ni Monica.
"Si Liway na naman napagdisketahan ninyo. Hindi pa ninyo alam na kaya yan maagang nagising kasi excited yang gumabi." Mapanudyong wika ni Mona.
Akala niya ay titigilan na siya ng tatlo, ang problema ay lumala pa yata.
"Ewan ko sa inyo. Mamaya darating na sina Kuya Bruno, bumili ng pagkain. Kaya tulungan na ninyo akong magwalis."
"Ang sipag, iba talaga pag may expiration." Natatawang wika ni Mona.
"Mali ka naman Monay eh, executions yon." Ani Lady.
"Kayo wag kayong ganyan kay Liway. Manyapat meron siyang institution." Biro naman ni Monica.
"Ewan ko sa iyo. Maglinis na kaya kayong tatlo." Aniya ng batuhin siya ng mga ito ng balat ng mani.
"Sige na nga ikaw na may inspiration!" Sabay-sabay na wika ng tatlo kaya napailing na lang siya, habang ipinagpapatuloy ang paglilinis.
Napatingin naman siya sa harap ng stage ng makita ang kakaibang kalat doon. Bigla na lang siyang naluha, ng hindi niya namamalayan halos mapaupo siya sa sahig dahil sa panghihina ng kanyang tuhod, mabuti na lang at nasalo siya ni Monica.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong nito ng sundan ni Monica ang kanyang tingin.
"Lady, Mona. Ilayo na muna ninyo dito si Liway. Pagod na ito dalahin muna ninyo sa labas. Baka darating na sina Kuya Bruno. Sila naman ang naglilinis ng stage." Utos ni Monica na sinunod naman ng dalawa.
Halos pangapusan si Lemon ng paghinga. Hindi niya malaman kung ano ang nangyayari sa sarili niya. Pero isa lang ang dapat niyang gawin ang paglabanan iyon, kung ano man ang bagay na iyon.
Kinagabihan ay naging buhay na buhay na naman ang club. Madaming mga kalalakihang pumapasok doon, at masasabi talagang may masassbi sa buhay.
Habang lumalalim ang gabi ay nandoon na naman ang kaba ni Lemon, oras na naman ng pagsalang nilang apat sa stage. Hindi mawala ang kaba sa puso niya, pero anong magagawa niya iyon ang trabaho niya.
Paglapat pa lang ng mga paa ni Lemon sa stage ay luminga-linga na siya para hanapin si Knight. Pero iisang saplot na lang ang suot niya, hindi pa rin niya nakikita si Knight. Nandoon na naman ang mga luha niyang nagbabadya. Mga luhang ayaw papigil dahil sa mga bagay na nakikita niya. Ayaw niyang tanggapin, pero iyon na ang kapalaran niya.
"Galingan mo ang paggiling miss, hindi ako gaganahan sa ginagawa mo eh. Gusto mong dito ka na lang sa ibabaw ko. Hindi lang ako ang mag-eenjoy kundi ikaw." Nakangising sambit ng lalaki, pero hindi na lang niya pinansin.
Bagkus ay ipinikit niya ang mga mata, at pinagbutihan na lang ang pagsayaw. Naging matagal sila ng mga oras na iyon sa stage, nangangalay na siya sa pagtayo at paggiling. Malaki naman ang perang ibinato ng mga customer. Iyon nga lang, masyado yatang sinusulit ng mga ito. Sabi nga kahit sabik na sabik, napakabagal naman ng gawa.
Natapos ang performance nila sa stage, pero walang Knight siyang nakita. Sa ikalawang gabi niya bilang stripper, ay pinipilit niyang sanayin ang sarili.
"Liway mauna na akong maglinis sayo ha. Pagod na pagod ako. Gusto kong matulog." Si Mona.
"Ako din." Ani Lady.
"Last ka na Liway ha. Hindi ko na rin kaya. Nanlalagkit lang ako. Kaya magpupunas lang ako ng katawan, at tutulog na." Wika ni Monica na siyang ikinatango na lang niya.
Nakapaglinis na siya ng katawan sa kwarto at nakapagpalit na ng pantulog. Isa iyong may kakapalang pajama, at t-shirt lang ang damit.
Nakahiga na rin siya ng mga oras na iyon, pero hindi siya dalawin ng antok. Napatingin siya kina Monica na mahimbing ng natutulog, alam niyang napagod din ang mga ito. Pero siya pagod naman talaga, kaya lang napakailap ng antok sa kanya.
"Bakit ba ang ilap mo sa aking antok ka. Hindi mo ba alam na naiinggit ako sa kanila." Sabay turo sa tatlong natutog na.
"Hindi ako pwede ng ganito. Need kong magpaantok." Wika niya sa sarili ng bumangon siya at lumabas muna. Tinungo niya ang likurang bahagi ng club. Hindi man siya umaasang makikita si Knight dahil wala nga ito kanina. Nais lang niyang magpahangin sana. Para dalawin ng antok.
Nagmamadali naman si Knight ng pagmamaneho para makarating sa Club Solteria. Nagkaroon kasi ng emergency si Paul sa kompanya ng mga ito. Habang siya naman hindi din kaagad nakaalis ng may customer na naman na nanghamak ng empleyado niya.
Isa sa pinakaayaw niya ang manghahamak ng tao, kaya naman, nabuo ang desisyon niyang, pag may customer na naghamak ng empleyado niya. Hindi na muling makakatungtong sa bar niya. Hindi niya kailangan ng ganoong customer. Mas kailangan niya ang mabubuting empleyado.
Halos madaling araw na ng dumating si Knight ng Club Solteria. Pagpasok pa lang niya ay ang nakabibinging tugtugan ang sumalubong sa kanya.
May mga nagsasayawan sa dance floor. Mayroon ding mga lalaking nag-iinuman at mga babaeng nagbibigay ng panandaliang aliw. Wala namang nakapansin sa kanya kaya naman mabilis siyang lumabas, at tinungo ang lugar kung saan niya nakita si Liway.
Nakahinga naman ng maluwag si Knight ng makitang may babaeng nakatalikod at nakatingin sa buwan. Marahan lang siyang naglakad, papalapit dito. Hindi din niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya at bigla na lang niya itong niyakap. Naramdaman ni Knight ang biglang paninigas nito hanggang sa maramdaman niya ang panginginig ng katawan nito.
"Liway?" Patanong na bigkas ni Knight sa pangalan nito pero hindi pa rin nawawala ang panginginig.
"K-Knight?" Nauutal pa nitong tanong sa kanya.
"Yeah ako ito. Si Knight. Okay ka lang talaga?" Tanong ni Knight ng maramdaman niyang parang nawala ng parang bula ang panginginig ni Liway.
"Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Knight ng sunod-sunod na pag-iling ang sagot ni Liway.
"Okay lang ako, sino bang hindi magugulat ng may biglang yayakap sayo? Akala ko hindi ka na darating?"
"Nakaroon kasi ng emergency kaya naman na late ako. Sorry pero dumating naman ako. Humarap ka nga dito." Wika ni Knight ng sunod-sunod ang pag-iling ni Lemon.
"Bakit ayaw mong humarap?" Nagtatakang tanong ni Knight. Habang si Lemon ay nagpagtanto niya sa sarili na wala na pala siyang suot na maskara.
Naramdaman na lang ni Lemon, na naglakad si Knight paharap sa kanya. Kaya naman napaupo siyang bigla para itago ang mukha.
"Sabi mo okay ka lang. Bakit ka ganyan?"
"Wala akong suot na maskara, ayaw kong makita mo ang mukha ko." Patuloy ang pag-iling ni Lemon, kaya naman walang nagawa si Knight.
"Mauupo ako sa bench at tatakipan ko ng panyo ang mga mata ko. Hindi ako mangchi-cheat, basta pupunta ka doon okay?" Ani Knight at tumango si Lemon.
Pagkaupo ni Knight ay siya na rin ang naglagay sa kanyang mata ng panyo. Naiiling na lang siya sa sarili. Sa kagustuhan niyang makasama si Liway, pati pagpipiring ng sarili kina-career na niya.
Makalipas naman ang ilang minuto ay naramdaman na ni Knight ang pagtabi sa kanya ni Liway.
"Hindi ako nandadaya ha. Kahit lumapit ka pa sa akin hindi ko makikita ang mukha mo. Happy?" Natatawa naman si Lemon sa tanong na iyon ni Knight.
"Hindi ako masaya na nagtatago ako ng mukha sayo. Pero masaya akong makita ka. Halos hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin itong trabaho ko." Buntong hiningang wika ni Lemon.
Ginagap naman ni Knight ang kamay ni Lemon at pinaglaruan ang mga daliri nito. Gusto sanang bawiin ni Lemon ang kamay niya pero hindi naman iyon binitawan ni Knight.
"Ayaw mo ba talagang sabihin sa akin, kung paano ka napunta sa lugar na ito?" Seryosong tanong ni Knight kahit wala talaga siyang nakikita, gawa ng piring.
"Paunti-unti mula simula. Susubukan kong magkwento." Bungad ni Lemon kay Knight.
Nakwento niya kung paano siya kinuha sa ampunan at pinahirapan. Ang pagtira niya sa ilalim ng tulay at kung paano siya nakatapos ng elementarya, hanggang sa nakapagtrabaho siya sa isang bar sa edad na katorse.
"Ang bata mo pa noon Liway. Paano ka natanggap sa bar?" Curious na tanong ni Knight ng marinig niya ang pagtawa ni Lemon.
"Anong nakakatawa?"
"Wala, sekreto na namin iyon ng manager ng bar na napasukan ko. Baka matanong mo pa ang pangalan ng bar. Secret." Natatawang sagot ni Lemon, pero hindi na rin namilit si Knight.
"Sana mabuo mo rin ang kwento mo. Gusto kitang tulungan na makaalis dito. Hindi ko gusto ang ipinapagawa nila sayo. Pero dahil ayaw mong magkwento, paano kita matutulungan?" Seryosong tanong ni Knight kaya naman, napatingin na lang dito si Lemon.
"Kaya ko na iyon Knight, hindi ko dapat ipasa sayo ang resposibilidad. Pero aalis talaga ako, pagnatapos na ang lahat." Malungkot na wika ni Lemon ng mapatingin na naman siya sa buwan.
"Sana maging buwan din ako. Na kahit sa madilim na mundo, makakapagbigay liwanag pa rin ako." Malungkot na wika ni Lemon.
"Ngayon parang gusto ko na lang maging madilim na mundo." Pagbibiro ni Knight ng mawala sa buwan ang atensyon ni Lemon.
"Kasi gustong maliwanagan ng buwan, ang naguguluhan kong sarili." Seryosong sagot ni Knight kaya naman nabalot sila ng katahimikan.
Hindi man sila muli nag-usap pa. Nakaupo man sila pero hindi naman naghihiwalay ang magkahugpong nilang mga kamay. Alas tres na ng madaling araw ng maisipan ni Lemon na magpaalam kay Knight para makapagpahinga na.
Bago pumasok sa loob ay humingi muna si Lemon ng isang yakap kay Knight na hindi naman nito ipinagkait sa dalaga.
"Good night. Matulog ka na." Ani Knight.
"Ikaw naman, ingat ka sa byahe pag-uwi." Sagot ni Lemon bago tuluyang pumasok sa loob ng club.
Si Knight naman ay inalis ang piring sa kanyang mga mata at natatawa sa sarili niya, na may halong pagtataka. Sa layo ng bar niya sa club na iyon, sinuong pa rin niya ang gabi, makasama lang si Liway. Hindi man niya makita ang buong mukha nito. Mahalaga sa kanya ay makasama ito, at masaya na siya sa ganoon.