Chapter 10

2167 Words
Ng nasa loob na si Lemon ng madilim na parte ng club kung saan siya dumaan kanina, ay hindi muna niya itinuloy ang pagpasok. Bagkus ay hinintay niyang makalayo ang yabag ni Knight. Napangiti pa siya ng dumampi na naman sa kanyang ilong ang napakabago nitong amoy, na kapit sa coat na tumatabon sa kanyang kabuuan. Pero bigla ding nawala ang ngiti niya ng maalala na naman ang sitwasyon. "Sinong tanga ang magmamahal sayo Lemon? Bukod sa hindi ka na nga malinis, madumi pa ang trabaho mo. Bagay na bagay sayo ang pangalan mo. Lemon, maasim 100%, tapos Kiwi? Akala mo matamis na, maasim pa rin pala. Parang buhay mo lang din, maasim, habang ang balat walang kasing pait. Kaya kung ano man iyang saya nanararamdaman mo. Pigilan mo na. Mukha at amoy siyang prinsipe. Habang ikaw, pulubing kalapati na mababa ang lipad." Wika niya sa sarili bago tuluyang tinungo ang kwarto nila. Pagkapasok pa lang ni Lemon sa loob ng kwarto nila nina Monica, ay malakas na tili kaagad ang bumungad sa kanya, mula sa tatlo. Pagkatapos noong ay pinaningkitan pa siya ng mata ng mga ito ng mapansin ang coat na suot niya. "At saan ka galing Liway? May coat ka pang suot at." Tumayo pa si Monica at inamoy ang coat na suot niya. "At may coat na amoy ng isang gwapong lalaking naging kabalyero mo ngayong gabi." Tudyo ni Monica ng bigla na lang siyang pamulahan ng pisngi. Mula naman sa likuran ay nakatanggap pa siya ng kiliti mula kay Lady at Mona. "Ano bang mga pinagsasasabi ninyo? Ayaw ko na. Tama na! Tama na." Sigaw ni Lemon, habang tumatawa. Pero ng maluha na siya saka lang siya tinigilang kilitiin ng dalawa. "Paano ninyo nalaman?" "Paano iyang si Monica, matapos naming makapagbihis, nag-aya na pupuntahan ka namin sa may likod. May dala nga kaming malaking damit. Kaso hindi napala kailangan. May knight and shining armor ka na kasi. So ayon naki sesmes na lang kami ng pag-uusap ninyong dalawa. Basta sa kanya ka lang titingin." Paliwanag si Lady ng makatanggap ng kurot mula kay Monica. "Bakit ako lang. Tayong tatlo iyon ha. Mga taksil." Tampo-tampuhan pang asik ni Monica. Ng yakapin ito ni Lemon. "Thank you Monica sa pag-aalala sa akin. Salamat talaga sa inyo." Wika ni Lemon sa mga ito at yumakap din ang dalawa sa kanila. "Basta, masasabi ko lang ingatan mo iyang sarili mo sa mga lalaking mapapalapit sayo. Kasi baka mamaya kinukuha lang ng mga iyon ang loob mo." Si Mona. "Pero ang gwapo ni pogi. Baka naman hindi siya ganun." Kinikilig pang wika ni Monica. "Sana naman. Sayang eh. Swerte mo na doon Liway. Malay mo hintayin ka nun. Hanggang sa makaalis ka dito." Wika ni Lady sabay hampas sa kanya. "Kinikilig lang kung kinikilig. Wag mananakit." Natatawang wika ni Lemon, pero masakit talaga ang hampas ni Lady. "Hindi ako umaasa. Kung magiging kaibigan ko siya. Masaya na ako doon. Ipapakilala ko kayo. Kung talagang babalik siya bukas." Paliwanag ni Lemon. "Pero sekreto lang natin iyan. Baka mamaya makarating kay madam malalagot tayo. Okay." Ani Monica ng makarinig sila ng pagkatok. Ng mapagbuksan nila ay pumasok si Madam Soraya. Tahimik lang silang lahat at hinihintay ang sasabihin nito. "Good job guys. Sa katunayan. Halos sabayan na ninyo ang mga anghel na walang pakpak sa laki ng naipapasok ninyong pera pagsumasayaw kayo. Lalo ka na Liway. Napansin talaga nila na bago ka lang. Para maglabas ng ganoong kalaking pera ang matandang iyon. Si Monica ang paborito noon. Pero nagbigay ng ganoong kalaking halaga para sayo." Hindi makapaniwalang bulalas ni Madam Soraya. "So bueno, heto na ang kita ninyo ngayon gabi." Iniabot ni Madam Soraya ang tig li-limampong libong piso para sa performance nila ngayong gabi. Natuwa naman ang tatlo dahil kung tutuusin ay twenty five thousand lang ang kita nila ngayon. "Bakit po ang laki madam?" Biglang tanong ni Monica. "Malaki ang kita ng club dahil kay Liway. Kayo ang kasama niya, kaya may parte din kayo sa kita niya. Binigyan ko din ang iba." Paliwanag ni Madam Soraya kaya naman niyakap ng tatlo si Liway. "Paano ang sayo Liway?" Tanong ni madam. "Pwede po bang, simulan ko ng ipunin para po makabayad ako ng utang. Wala po akong pamilya na pagpapadalhan. Kung libre po ang mga gamit at mga pagkain dito. Sapat na po iyon sa akin." Nahihiyang wika ni Lemon. Habang nakahawak sa kamay niya si Lady at Monica. "Kaso hindi talaga libre iyon. Kasi sa umaga, habang tulog ang lahat. Kayong apat talaga ang pinaka gising at maglilinis nitong club. Katulong ninyo ang mga lalaking tauhan ko. Kaya ang nangyayari after ng performance ninyo, pwede na kayong magpahinga." Paliwanag ni Madam Soraya, ng tumingin kay Monica. "Sorry po madam. Nakalimutan ko pong sabihin kay Liway ang bagay na iyan." Medyo kinakabahang sabat ni Monica sa pag-uusap nila. "Ayos lang po iyon sa akin. Gaano na po ang paglilinis ay sanay naman po ako sa ganoon. Tapos makakatulog naman po ako. At isa pa, napakahaba ng oras sa maghapon para po maglinis." Sagot ni Lemon, na siyang ikinaluwag ng paghinga ni Monica. "Ganoon naman pala. Walang problema. Okay lang kahit late magising, mahalaga makapaglinis kayo. Okay. Bueno, balik tayo sa simasabi ko sayo Liway." Baling muli ni Madam Soraya sa kanya "Ganito kasi Liway, sa six hundred thousand, sayo doon ang two hundred thousand. Pero kung ipapauna mo iyon sa utang ni Aster. Ikaw ang bahala. Buo ang perang iyon na ibabawas ko sa utang ni Aster. Pero tanggapin mo itong dalawang libo. Para naman kung hindi mo gastusin, may maipon ka para sa sarili mo. Hindi ko iyan ibabawas doon sa kinita mo ngayon." Paliwanag ni Madam Soraya, sa kanya. "Salamat po madam." Aniya. "Isa pa nga pala. Pwede kayong lumabas ng club, paggusto ninyong mamasyal. Walang kaso iyon sa akin. Basta babalik kayo, bago magsimula ang trabaho ninyo. Sure hindi din iyan sinabi ng tatlong iyan sayo." Ani Madam Soraya sabay peace sign ng tatlo. "Sabi ko na nga ba. Ay s'ya magpahinga na kayo. Madami ang trabaho bukas. Lalabas na ako." Paalam ni Madam Soraya at lumabas na nga ito ng kwarto nilang apat. "Iba ka Liway. Pero salamat ha. Pati kami naambunan ng kinita mo." Wika ni Monica. "Hindi naman iyon galing sa aking bulsa. Kaya wag kayong magpasalamat sa akin. Pero kahit papaano. Masaya na rin akong mabawasan ng pakonte-konte ang utang na iyon." Sagot na lang ni Lemon sa tatlo. "Mga isang araw date naman tayong apat. Para makapagrelax naman tayo. Matagal na noong huli akong nakalabas eh." Paanyaya ni Mona. "Call ako. Magpapadala din ako ng pera para sa mga magulang ko." Ani Lady. "Magpapaiwan ba ako? Syempre ako din." Tugon naman ni Monica. "Ikaw Liway?" "Syempre sasama ako. Pero wag tayo kumain sa masyadong mahal ha. Alam n'yo namang nagtitipid ako. Para mabilis makapagbayad. Sobrang laki pa ng utang na iyon. Hay." Sagot nan ni Lemon. "Wag kang mag-alala. Kasi naman. Sa gastos. Hati-hati, tayo. Kaya wag kang mag-isip. Mahalaga, pag wala gaanong linisin, at sanay ka na sa puyatan. Lalabas tayo ha." Masayang wika ni Monica. "Sa puyatan sanay ako. Dati akong nagtatrabaho sa club bago ako napunta sa grocery na siyang dahilan para masira ang buhay ko." Ani Lemon na napayuko na lang. "Hala, wag tayong magdrama. Mapait na nga buhay natin. Magiging malungkot pa ba tayo ngayon. Basta maging masaya na lang tayo, kasi buhay tayo at kahit papaano nagkakaroon pa rin tayo ng pag-asa. Okay. Basta lalabas tayo sa mga susunod na araw. Ha." Wika ni Monica na sinang-ayunan nilang lahat. Hanggang sa maghiwalay-hiwalay na ulit silang apat, at magtungo sa kanya-kanyang higaan para makapagpahinga na. Si Lemon naman ay iniwan sa kama niya ang coat ni Knight at kumuha ng pantulog. Nais na rin niyang magpahinga, kahit patuloy pa rin ang operation ng club, habang palalim ng palalim ang gabi. Samantala, pagdating ni Knight sa kotse niya ay ang nakangising mukha ni Paul ang kanyang nakita. Hindi niya malaman, kung nang-aasar ba ang ngising iyon o masaya lang. "Anong ngini-ngisi mo?" Tanong ni Knight dito. "Wala naman. Happy lang. Sayang iyong pinalampas mo. Magaling siya sa totoo lang." Hindi pa ring mapaniwalaan ni Paul ang nangyari sa kanya. "Babaero ang t*ngna. Tara na nga. Iniwan mo kasi ako sa loob. Kaya lumabas muna ako at nagpahangin." Paliwanag ni Knight. Pero sa kaloob-looban niya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang kanyang nadarama, ng makausap si Liway. "Sama ka ulit sa akin bukas? Mas okay dito sa Solteria hindi boring." Tanong ni Paul na siyang pagbilis na naman ng t***k ng puso ni Knight. Nag-iisip pa kasi siya ng idadahilan kay Paul kung paano niya ito maaaya bukas ng gabi, ng hindi ito maghihinala. Pero sa lagay na ito. Mukhang hindi na siya, mahihirapang magpalusot sa kaibigan. "Oo na lang." Walang buhay na sagot ni Knight, pero sa loob-loob niya. Masaya siya. "Baka naman ginu-goodtime mo lang ako. Tapos hindi ka naman sasama?" Paninigurado pa ni Paul. "Promise. Bibigyan kita ng thirty thousand paghindi kita sinamahan. Pero libre mo ako bukas ng alak, pag sinamahan kita. Ako na nga inabala mo kanina, ako pa nagbayad ng bill natin bago ako lumabas. Lugi ako doon ha." Reklamo ni Knight. "Sige na. Sumama ka lang bukas. Sagot ko ang alak at pulutan natin. Kahit babae pa." Ani Paul. "Hindi ko kailangan ng babae. Masaya na ako, na uminom, at magrelax." Sagot ni Knight. "Hindi ka naman mag-eenjoy ng basta ganoon eh. Libre na kita sa chickz." "No need. Sasamahan kita bukas o wag na lang. Bahala ka kay tita, sasabihin kong hindi kita kasama." "Oo nga, alak na lang, panoodin mo na lang iyong naka-red. Ang ganda ng katawan." Natatawang wika ni Paul. Na siyang paghigpit ng pagkakahawak ni Knight sa manibela ng kotse. "Wag mo siyang titingnan. Wag na wag mong pagnanasahan!" Mariing wika ni Knight kaya naman kunot noo itong binalingan ni Paul. "May problema ba tayo?" "I'm sorry. Basta wag mong titingnan ng ganoon ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit? Basta!" May inis sa boses ni Knight na siyang pagsilay ng ngisi ni Paul. "Promise hindi ko na siya titingnan. Pero bilisan mo ang kilos kung ano man iyang nararamdaman mo. Alamin mo sa sarili mo kung ano yan. Sa klase ng trabaho niya, hindi maaaring hindi siya makaagaw ng atensyon ng iba." "Pinag-iisipan ko na iyan." "Ang bilis ah. Parang kanina lang." Hindi na tinapos ni Paul ang sasabihin ng samaan siya ng tingin ni Knight. "Kunwari wala akong nalaman ngayon tungkol sa virgin kung kaibigan." Tudyo pa ni Paul at hindi mapigilan ang paghalakhak. Napailing na lang si Knight sa birong iyon ng kaibigan niya. Mula kasi ng mapunta siya sa one night stand na iyon. Wala siyang pinagsabihan ni pinagkwentuhan. Kahit ang kuya niya o ang bestfriend niyang babae na si Thalia ay walang alam sa bagay na iyon. "Joke lang ikaw naman. Basta bukas ha. Sama ka sa akin. Hmm." Ani Paul, na sinagot lang ni Knight ng tango. Dahil na rin sa haba ng byahe naging tahimik nalang sila habang nasa daan. Ng makarating sila sa bar ni Knight ay hindi na pumasok pa sa loob si Paul at pinapauwi na ito ng mommy nito. "Opo, si kabalyero po kaya ang kasama ko." Sagot ni Paul na tinapat pa nito sa kanya ang cellphone nito. "Hi, tita nandito na po kami sa bar. Pinapalayas ko na nga po itong si Paul." Narinig pa niya ang pagtawa ng mommy ni Paul sa kabilang linya. Bago niya muling ibinalik kay Paul ang cellphone. Mapag-alalang ina at mabait ang mommy ni Paul. Kaya naman pag nasa ala una na ng madaling araw at wala pa ito sa bahay. Palagi itong may magkakasunod na text at tawag mula sa mommy nito. Parang bata pa rin si Paul kung ituring ng mommy nito. Bagay na kinainggitan niya sa kaibigan. Pero wala naman siyang magagawa. Maagang binawi ng Nakakaalam ang buhay ng kanyang mommy. Nagpapasalamat na lang siya sa step mother niya na mommy ni Matthew kasi mahal na mahal din siya nito. Ng makaalis ang kotse ni Paul, ay napatingin na lang siya sa kalangitan. "I miss you mom. Please guide me always. I love you." Wika niya sa kawalan, bago tinungo ang backdoor ng bar. Pagpasok pa lang ni Knight sa opisina niya ay naging agaw pansin na naman sa kanya ang bracelet sa transparent box. Gusto niyang makita ang babaeng iyon. Pero pakiramdam niya, naramdaman na nanaman niya ang presensya ng babaeng iyon. "Baka lasing lang talaga ako." Wika niya sa sarili, ng hawakan niya ang box ay mukha at boses ni Liway ang kanyang nakikita. Naipilig na lang ni Knight ang ulo para alisin ang tumatakbo sa isipan niya. Tapos ay hinayon na niya ang kwarto niya sa loob ng opisina niyang iyon. Pagbagsak ang katawan na ginawa niya, ng makaramdam siya ng pagod. "Liway." Wala sa sarili niyang sambit ng mapangiti na lang siya, bago tuluyang ipinikit ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD