"Huwag po!" Malakas na sigaw ni Lemon ng maramdaman niya ang paghawak ng lalaki sa kanyang mga kamay. Wala siyang pakialam kung masaktan man siya, basta ang nais lang niya makaalis sa kamay ng lalaking humahawak sa kanya.
Sa kanyang pupumiglas ay tumama ang kamay niya sa isang matulis na bagay. Isa iyong putol na tubo ng tubig na dati ay ginagamit para malagyan ng tubig ang drum.
Kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha, ang pagtulo ng dugo sa kanyang kamay. Dinig ang hinaing ng kanyang pagmamakaawa na nalulukuban ng sobrang takot.
Nagmamadali namang bumalik si Knight kung saan nagtago si Liway. Mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo, ng marinig na naman ang pagmamakaawa ni Liway, ng 'huwag po at tama na.' Pero pagdating niya doon sa pwesto nito ay ang nag-iisang si Liway lang ang nandoon. Basang-basa na ng luha ang maskarang suot nito at may dugo na tumutulo sa kamay.
"Liway!" Sigaw ni Knight na siyang pag-iling ni Lemon.
"Ayaw ko po! Tama na! Pakiusap." Wala pa ring tigil si Lemon sa pagwawala, hanggang sa yakapin na ito ng mahigpit ni Knight.
"Liway, ako 'to si Knight. Liway! Liway!" Sunod-sunod na banggit ni Knight sa pangalan ng dalaga, pero hindi pa rin ito natigil sa pagwawala at pag-iyak.
Halos puno na rin ng dugo ang damit ni Knight dahil sa mga hampas ni Liway sa kanya. Madami na ring dugo ang lumalabas sa sugat nito sa kamay.
"Liway. Calm down! Si Knight ito!" Sigaw ni Knight, na parang nakapagpahinahon saglit kay Lemon. Hanggang sa mapabaling si Knight sa mga dumating.
"Liway!" Sabay-sabay na sigaw ng tatlong babae. Kitang-kita nila ang pagpupumiglas ni Lemon sa pagkakayakap ni Knight dito. Na hanggang sa marinig nila ang pagbanggit ni Knight sa pangalan nito ay humupa ang pagwawala nito.
"Liway." Mahinahon ng wika ni Monica ng bigla itong nawalan ng malay.
"Anong nangyari! Wait dalahin natin si Liway sa ospital." Sigaw ni Mona.
"Magpapaalam ako kay Madam baka hanapin tayo." Wika ni Lady sabay takbo.
"Call a taxi. Here's my phone!" Sigaw ni Knight habang tuluyan ng binuhat si Liway. Si Monica naman ay kinuha ang cellphone ni Knight at mabilis na tumawag ng taxi.
Kasunod naman ni Lady na lumabas si Madam Soraya.
"Anong nangyari? Liway!" Nag-aalala ding wika ni madam.
"I'm Knight Ice Escobar. One of your customer mam dito sa club mo. I'm with one of my friend. Pero nasa police station na sila. Kasi may isang lalaki, na humahabol dito kay Liway. I know her because she's my friend and the three." Sabay turo kina Monica.
"Okay Mr. Escobar. Thank you sa pagligtas sa alaga ko. Busy pa ako sa loob. Kaya."
"No need to worry mam ako na ang bahala. Para hindi ka mag-alala, pwede kong isama ang tatlo pang kaibigan ni Liway, sila na ang magbalita sayo, para sa kondisyon ni Liway.
"Madam. Sir Knight dumating na iyong taxi." Pahayag ni Mona.
"Thank you Mr. Escobar. Total may tiwala ako sayo. Alisin na ninyo mga maskara ninyo girls. Mas mahirap na may makakilala sa inyo sa labas dahil sa maskara." Kinuha na rin ni madam ang maskara ng walang malay na si Liway.
Halos matuod naman sa pwesto niya si Knight ng makita ang mukha ni Liway. Hindi siya pwedeng magkamali.
"Siya yon!" Mahinang bulong ni Knight pero umabot sa pandinig ni Madam Soraya.
"May problema ba?"
"Wala mam. Ako na ang bahala. Sumama sa akin ang isa. Tumawag na lang kayo ng isa pang taxi, sumunod kayo." Mabilis na wika ni Knight at pumasok na siya sa backseat. Si Monica naman ang sumama sa kanya. Si Mona at Lady naman ay itinawag ni Madam Soraya ng taxi.
"Kayo na ang bahala kay Liway. Hindi ko alam ang nangyayari sa batang iyon, pero pakiramdam ko talaga may kakaiba. At isa pa. Nararamdaman ko naman na mapapagkatiwalaan ang binatang iyon." Dagdag pa ni madam.
"Sa totoo niyan madam. Takot si Liway sa mga lalaki, kahit kina Kuya Bruno. Tinitiis lang niya ang presensya nina Kuya Bruno, kasi alam naman niyang walang gagawin sa kanyang masama ang mga bouncer, lalo na nga si Kuya Bruno. Para kasing may phobia, trauma si Liway ganoon. Pero doon po sa lalaking iyon. Nakakaya niyang makipag-usap." Siwalat ni Mona.
"Ganoon ba. Sige ingat kayo, nagpapasalamat pa rin ako kasi kahit ganito ang ipinapatrabaho ko sa inyo sa club, hindi kayo bumibitiw."
"Ay madam hindi ka ba galit sa amin kasi may kaibigan kami, na lalaki at customer dito sa club?"
"Una hindi ko kilala ang lalaking iyon, siguro nandito lang siya para magrelax. Pero never pa iyang kumuha ng mga anghel na walang pakpak. Pero hindi ako galit. Kasi kahit mahirap ang buhay, nagtitiis kayo sa akin, at hindi ninyo ako iniiwan. S'ya lakad na. Ayan na ang taxi. Balitaan ninyo ako sa nangyari kay Liway." Pagahayag ni madam at umalis na rin ang dalawa.
Pagkarating ng ospital ay mabilis namang inasikaso si Liway. Nandoon dila sa labas ng emergency room. At hinihintay ang resulta kung bakit hinimatay si Liway.
Dumating na rin ang dalawa, kaya naman apat na silang nagbabantay kay Liway hanggang sa magsalita si Monica.
"Sir Knight."
"Knight na lang. Wag ng sir." Aniya.
"Okay, Knight. Sana wag mo kaming huhusgahan, ngayong nakita mo na ang pagmumukha naming apat. Sa totoo wala kaming choice kaya kami napasok sa ganitong gawin. Hindi lahat, nakapagtapos ng pag-aaral, at hindi lahat ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Sa pagiging magkakaibigan lang naming apat kami mayaman. Pero salat kami sa buhay." Nahihiyang saad pa ni Monica.
"Pero sa totoo sa hirap ng buhay, kaya kami napasok sa club, at magsayaw ng naghuhubad. Maswerte na lang kami na kahit mahirap kami, nabiyayaan kami ng magandang katawan, bonus na ang kahit papaano, nabigyan kami ng ganda." Paliwanag naman ni Mona.
"Pero bago ang lahat, pinakanakakaawa dito ang baby namin. Kita mo naman di ba na napakabata pa ni Liway. Higit sa lahat ipinambayad utang lang siya kay madam." Wika ni Lady na siyang nagpagulat kay Knight.
"What do you mean sa ipinambayad utang?"
"Iyong dahil may utang iyong boyfriend niya na malaki kay madam siya ang ibinayad. Basta ganoon." Paliwanag ni Monica na hindi malaman ni Knight kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya takaw away sa kanto. Pero parang ngayon, gusto na niyang makipagbasag ulo sa nalaman niya.
"Nasaan ang hayop na iyon!?" Tanong ni Knight na may halong galit kaya naman nagulat ang tatlo.
"Knight, hinahon ka lang. Iyon lang ang alam namin. Kay Liway mo na itanong ng buo. Alam naming marami pa siyang sekreto. Pero hindi kami gaanong nagtatanong, kasi sa totoo lang naaawa kami dyan kay Liway." Ani Lady.
"Takot siya sa mga lalaki, minsan ay nakikita namin siyang umiiyak at natatakot." Sabi naman ni Mona.
Napatingin naman sila ng bumukas ang pintuan ng emergency, at lumabas ang doktor.
"Kumusta po ang pasyente?" Mabilis na tanong ni Knight.
"She has a trauma, na nagiging cause na rin ng hallucinations. Mayroon, pinagdaanan ang pasyente na sobrang nagpapahirap sa kanya. Bata pa lang madami na siyang napagdaanan. Habang lumalaki, mas nahihirapan siya, kasi mas nadadagdagan ang sakit na nararanasan niya. Need niyang mapatingnan sa psychiatrist para mabigyan siya ng payo, and magandang environment. Pag ang paligid niya ay isang toxic na lugar. Mas lalo lang magiging malala ang kondisyon ng pasyente. Sa ngayon, need muna niya ng pahinga. Ililipat na namin siya sa kwarto niya. Nagkamalay kasi siya kanina, at nagwala kaya nalaman ko ang findings sa kanya. Pero binigyan ko ulit ng pampatulog." Mahabang paliwanag ng doktor, bago sila tuluyang iwan.
Pabagsak na napaupo sina Monica. Wala pa silang gaanong kaalaman tungkol sa buhay ni Lemon. Pero dahil sa narinig nila sa doktor, nais nila ngayong alamamin ang tunay na nangyari dito.
Hindi naman maigalaw ni Knight ang sariling katawan dahil sa sinabi ng doktor. Hindi niya maisip kung isa ba siya sa nagbigay mg trauma kay Liway. "Isa ba ako sa dahilan kaya ka nagkaganyan? Dahil sa nangyari sa atin? Hindi ko sinasadya." Bulong pa niya sa sarili ng lumabas si Liway, sakay sa stretcher na inaalalayan ng dalawang nurse. Pinasunod naman sila ng mga ito sa kwartong kinuha ni Knight para makapagpahinga si Liway.
Halos alas kwatro na noon ng madaling araw at alam ni Knight na pagod din ang tatlong babae.
"Ako na lang ang bahala sa kanya, umuwi muna kayo, para makapagpahinga."
"Kung magwawala si Liway, tawagan mo kami kaagad. Ito ang number ko. Pero sana nga maging maayos lang siya habang kasama ka." Ani Monica.
"Wag kayong mag-alala, babantayan ko si Liway. Ingat kayo pag-uwi. Ipagbook ko na kayo ng taxi, hintayin na lang ninyo sa baba. If pupunta kayo dito. Magsabi lang kayo ipapasundo ko kayo." Wika ni Knight.
"Okay na kami na may magbabantay sa kaibigan namin. Masaya na kami doon. Kaya wag mo na kaming alalahanin. Salamat ulit. Aalis na kami."
"Pero wait na lang ninyo iyong taxi nabook ko na. Parating na rin iyon."
"Salamat." Sabay-sabay na wika ng tatlo at lumabas na ng kwartong inuukupa ni Lemon.
Lumapit naman si Knight kay Lemon at hinawakan ang kamay nito. Nakatingin lang siya sa mukha nitong napakaamo, at maganda.
"Hindi ko alam kung ano ang pinagdaanan mo sa buhay. Pero may part sa puso ko na gusto kitang alagaan. Hindi ko alam kung ganito iyong nararamdaman ni kuya noong nakilala niya si Thalia, pero bakit gusto na lang kitang hindi mawala sa paningin ko, kung hindi ito ganoon." Kausap ni Knight sa natutulog na si Liway.
Ilang sandali panay naramdaman ni Knight ang paggalaw nito. Kaya naman tinitigan niya itong maigi, at hinintay magsalita.
Masakit ang ulo, na wari mo ay binugbog ang katawan. Iyon ang nararamdaman ni Lemon ng mga oras na iyon. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at nakakita siya ng liwanag. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya pamilyar sa lugar. Naramdaman na lang ni Lemon na may nakahawak sa kamay niya, kaya naman naalarama siyang bigla.
"Bitawan mo ako. Pakiusap. Tama ayaw ko na! Pagod na pagod na ako. Bitawan mo ako!" Umiiyak na pakiusap ni Lemon na lalong hinigpitan ni Knight ang pagkakahawak niya sa kamay nito.
"Liway. Si Knight ito. Natatandaan mo? Sorry. Sorry kung natagalan akong magpakita sayo. Sorry kung hindi ako kaagad nakabalik." Pigil ni Knight sa nagwawalang si Liway. Pero dahan-dahan din naman siyang kumalma ng mapagtantong si Knight nga ang kasama niya.
May pumasok namang nurse na nakarinig ng pagwawala ni Lemon.
"It's okay. I can handle this. Hindi niya kailangan niyan. Nabigla lang siya." Paliwanag ni Knight sa nurse na pumasok at nagpaalam na lang ulit na lalabas.
"Okay ka lang." Nag-aalalang tanong ni Knight ng yakapin siyang bigla ni Liway.
"Ayaw ko na doon, ayaw ko na! Natatakot ako." Ramdam ni Knight ang takot sa boses ni Liway habang umiiyak.
"Magpahinga ka muna, hindi ako aalis nagugutom ka ba? Gusto mo ibili muna kita ng pagkain?" Tanong ni Knight na sunod-sunod ang pag-iling ni Liway.
"Dito ka lang." Tipid nitong sagot.
"May tanong ako, hindi ka ba natatakot sa akin?" Seryosong tanong ni Knight, kaya naman napatitig si Lemon dito.
Kinapa naman ni Lemon ang kayang dibdib kung saan nakapwesto ang kanyang puso. Ngayon lang niya napagtanto ang sarili na, nakakaramdam siya ng takot sa ibang lalaki, kahit pa kina Bruno na alam niyang hindi siya gagawan ng masama. Pero kay Knight, kahit kaunting takot ay wala siyang makapa.
"Weird, pero hindi ako nakakaramdam ng takot sayo. Pero malaki ang takot na nararamdaman ko pag may lumalapit or malapit na lalaki sa akin." Nakatungong wika ni Lemon, ng hawakan ni Knight ang kamay niyang may sugat.
"Nakita kita kanina, na nagpupumiglas kahit wala ka namang kasama, natakot ako sa nangyayari sayo, lalo na at tumutulo ang dugo sa kamay mo. Dito lang ako magpagaling ka na." Malambing na wika ni Knight at hinalikan pa nito ang kanyang kamay, na nagpangiti pa sa kanya.
"Salamat." Mahinang wika ni Lemon ng mapahawak siya sa kanyang mata at doon lang niya napansin na wala na pala siyang suot maskara.
"Nakita mo na ng buo ang mukha ko?" May gulat sa mata ni Lemon ng mapagtanto niyang nakilala na siya ni Knight. Dahil sa gulat ay napataklob siya kaagad ng kumot.
"Umalis ka na. Wala na akong mukhang maiiharap sayo. Kilala mo na ako. Nakita mo na ang mukha ko. Umalis ka na. Pakiusap. Ayaw na kitang makita!" Pagtataboy bigla ni Lemon, kaya naman naguguluhang bigla si Knight sa kinikilos ng dalaga.
"Liway."
"Umalis ka na. Salamat sa lahat." Malungkot na wika ni Lemon pero matigas si Knight.
"Hindi ako aalis. Kailangan nating mag-usap. May kailangan tayong pag-usapan. Pero sa ngayon magpahinga ka muna. Liway." Tawag muli ni Knight, at unti-unti nitong inalis ang kumot na nakatabon kay Lemon.
"Nahihiya ka ba sa akin? Kung ganoon nga, alisin mo na iyan sa isipan mo. Wala kang dapat ikahiya. Isa pa nakilala ko na rin sina Monica at ang iba pa. Pinasama sila ng boss ninyong babae sa akin ng dalahin kita dito. Kaya naman magrelax ka lang ha. Wag kang mahiya kung sa akin din lang naman. Hmmm." Malambing na wika ni Knight ng hinalikan niya si Lemon sa noo.
"Magpahinga ka muna, bibili lang ako ng pagkain, para makakain ka ha. Wag kang aalis kasi babalik ako." Wika ni Knight at inayos pa nito ang kumot ni Lemon.
"Hindi ka nandidiri sa akin?"
"Hindi, at hinding-hindi iyon mangyayari, kaya relax ka lang Liway. Matulog ka na lang muna, okay. Babalik ako kaagad. Bibili lang ako ng pagkain mo." Tumango naman si Lemon at ipinikit ang mga mata. Hinalikan naman muli ni Knight ang noo ni Lemon.
Naguguluhan talaga si Knight sa ipinapakita niyang care kay Liway. Pero masaya naman siya ginagawa niya ngayon. Isa pa masaya siya na hindi nagagalit si Liway tuwing hahalikan niya ito sa noo.
"Ewan ko ba, gusto ko lang maramdaman mo na kahit ano ang nangyari, nandoon ang paggalang ko sayo Liway." Wika ni Knight sa sarili bago tinungo ang pintuan ng makita niyang natutulog ng muli si Liway.