Chapter 16

2252 Words
Halos hindi magkandaugaga si Knight ng marinig niya ang iyak at sigaw ni Liway. Malapit na siya sa kwarto nito ng mga oras na iyon. Halos wala pa nga siyang labing limang minuto mula ng umalis sa kwartong inuukupa ni Liway sa ospital. Pero ngayon naririnig na naman niya ang malakas na iyak nito, kasama ang sigaw at pagmamakaawa. Wala namang siyang ibang nakita tao sa pasilyo, kahit ang mga nurse siguro ay nagbibisita ng pasyente at ang iba ay namamahinga. Pagbukas pa lang niya ng pintuan ay tumambad kaagad sa kanya, si Liway na magulo ang buhok at puno ng mga luha ang mga mata, at ng kaibigan niyang nakikiusap na wag itong umiyak at sumigaw, dahil wala naman itong gagawing masama. Mabilis namang ibinaba ni Knight sa table ang pagkaing binili niya para kay Liway, at nilapitan ito. "Liway, tahan na si Knight ito. Hmmm." Alo ni Knight kay Liway, ng unti-unti itong kumalma. "Tahan na, kaibigan ko iyon. Ano bang nangyari?" Malambing na tanong ni Knight kay Liway. Si Paul naman ay nakatitig lang sa dalawa at naupo sa maliit na sofa na nandoon sa loob ng kwartong iyon, kung saan siya nakahiga at nagpapahinga, bago nagsisigaw si Lemon. Nakikinig lang naman si Paul, na wari mo ay sobrang nahihiwagaan sa nangyayari sa kaibigan at sa babaeng nagwawala kanina. "N-nakaidlip n-naman ako kanina. Tapos naramdaman kong may pumasok. H-hindi ko naman pinansin kasi akala ko ikaw. P-pero hindi ako nilapitan. Tapos may nakita akong nakahiga doon." Sumbong ni Liway, sabay turo sa couch, kung saan prenteng nakaupo si Paul. "Wait lang kabalyero, magpapaliwanag ako ha. Unang-una, napagod ako sa pakikipag-usap doon sa pulis dahil sa g*gong manyakis na iyon. Tapos after nun, akala ko babalikan kita sa bar. Pero pinauwi mo ako ng bar, at kumuha ako ng gamit mo, at dito mo ako pinapunta. Nakita ko namang natutulog siya." Sabay turo sa babaeng yakap pa rin ngayon ni Knight. "Kaya naman nahiga na lang ako dito dahil pagod na pagod na ako. Pero wala pang dalawang minutong nakalapat ang likod ko. Nagsisigaw naman siya." Paliwanag ni Paul, pero hindi pa rin nawawala ang mga paghikbi ni Lemon. "Hindi siya masamang tao. Kaibigan ko iyon, ako ang nagpapunta sa kanya dito. Tahan na. Gusto mo bang kumain na muna? Nakabili na ako ng pagkain." Tanong ni Knight na siyang pag-iling ni Lemon. "Tutulog muna ulit ako. Aalis ka pa ba?" "Hindi na. Kaya nga nagpakuha ako ng gamit ko. Tulog na, dito lang ako." Wika ni Knight at inayos ng muli ang pagkakahiga ni Liway. Pumikit naman si Liway hanggang sa lamunin na ulit ng antok ang kanyang kamalayan. Lumapit naman si Knight kay Paul, ng masiguradong tulog na si Liway. "Kabalyero anong meron? Naguguluhan ako. Kanina nasa club lang tayo, nagtungo ako sa police station, ngayon nandito na tayo sa ospital. Tinawagan ko na lang si mommy, at sinabi kong nag-iinuman tayo at doon mo na ako pinapatulog sa bar mo. Kaya hindi na nangulit pa." Tanong ni Paul na siyang ikinabuntong hininga ni Knight. "Remember iyong babaeng nakwento ko na naka-one night stand ko. Siya iyon. Buhat noon kasi ipinahanap ko siya. Pero hindi ko madescribe ang mukha niya kaya ang ending failed ang paghahanap. Tapos ngayon ko lang nalaman napakadami niyang hirap na napag-daanan base na rin sa sinabi ng doktor. Ngayon, nilalabanan niyang mag-isa ang trauma, na minsan natutuloy na sa hallucination, na akala niya may nananakit sa kanya, o gagawa ng masama kahit wala naman." Paliwanag ni Knight habang nakatingin sa natutulog na si Liway. "Kaya pala. Kanina pa siyang nakikiusap na tama na daw at huwag. Pero nandito lang naman ako at hindi lumalapit sa kanya. Anong plano mo bro?" Curious na tanong ni Paul. "Gusto ko siyang alisin sa club, iyon lang ang nais ko ngayon. Pero dapat makausap ko muna siya, at masabi niya sa akin ang lahat bago ako makagawa ng aksyon." Aniya. "Wait club? Wag mong sabihin na iyan iyong babaeng stripper? Iyong babaeng dahilan ng pagbalik mo sa club? Tapos siya din iyong babaeng? What a small world kabalyero." Hindi makapaniwalang bulalas ni Paul. "Sana wala akong marinig na panghuhusga mula sayo, para sa kanya, o kahit sa mga kasama niya. Hind niya ginusto ang mapunta sa club. Sabi ng mga kasamahan niya. Ipinambayad utang lang daw si Liway ng hayop na boyfriend niya!" May inis sa tono ng pananalita ni Knight habang nakakuyom ang mga kamao. "Relax kabalyero. Kilala mo ako. Happy go lucky lang minsan okay aminado akong babaero din ako, pero hindi ako mapanghusga. Alam ko pa rin ang worth ng isang babae. Oo madami na akong natikman, pero hindi ako naging marahas. Inaalala ko pa rin ang kanilang nararamdaman. Sa ngayon sa kwento mo, naaawa ako sa kanya." Sabay sulyap kay Lemon. "Kung may kailangan ka at maiitulong ako, don't hesitate to tell me. Kaibigan mo ako kahit na anong mangyari." Wika ni Paul at nakipag-fist bump pa kay Knight. "Thanks bro." Liwanag na ng magising si Lemon, isang babaeng nurse ang nakita niya sa kanyang tabi, at mukhang binabantayan siya. Wala na rin doon ang kaibigan ni Knight. Inilinga naman ni Lemon ang mga mata, na wari mo ay may hinahanap. "Hinahanap mo ba mam ang bantay mo?" Mabining tanong nito, kaya naman siya napatango. "Relax mam, naiwan ako dito kasi, baka daw magising ka at hanapin mo siya. Naliligo po sa banyo si sir. Kaya po, binabantayan ko muna kayo. Nagugutom na po ba kayo?" Anito. "Medyo." "Sige po ako na po muna magpapakain sa inyo, mainit pa naman po itong pagkain at kaiinit lang. Pero alin po gusto ninyo, itong pagkain sa ospital or itong dala ni Sir?" Tanong ng nurse. "Iyong binili na lang niya." Aniya. "Okay po. Tamang-tama, after ninyong kumain, pwede ko na kayong mapainom ng gamot." Masayang wika ng nurse ng alalayan siya nitong makaupo, at ilapit ang table sa kanya. Naka ilang subo lang naman si Lemon at umayaw na rin. Mas mabuti pa rin na may lamang pagkain ang tiyan niya bago uminom ng gamot. Matapos niyang kumain ay lumabas na rin ng banyo si Knight. Naka suot lang ito ng simpleng white t-shirt at black pants, naka suot lang din ito ng itim na tsinelas. Kaya kitang-kita ang maputi nitong paa. "Labas na po ako mam. Sir napainom ko na po ang gamot ni mam ngayon." Wika ng nurse. "Thank you." Pasalamat pa ni Knight bago tuluyang lumabas ang nurse. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Knight ng makalapit sa pwesto ni Lemon. "Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat sa pagbabantay sa akin at sa hindi pag-alis sa tabi ko. Pwede mo na akong iwan. Malaking abala na ang ginagawa ko sayo." Nahihiyang wika ni Lemon ng hawakan ni Knight ang kanyang kamay. "Liway, wag kang mag-isip ng kung ano. Masaya ako na binabantayan kita. Sa nga pala. May ipapakita ako sayo." Wika ni Knight ng kunin niya ang mga gamit niyang dala ni Paul kaninang madaling araw. Mula sa bag ay kinuha ni Knight ang transparent box na naglalaman ng patid na bracelet na may initials na 'KILK.' "Paanong napunta sayo ito? Matagal na itong nawawala sa akin. Bigay ito noong estrangherong---." Hindi natuloy ni Lemon ang sasabihin ng maalala na naman niya ang tagpong iyon. Kung paano siya natuwa at nasaktan ng mga panahon na iyon. "Pwede mo bang sabihin sa akin ang kinikimkim mo. Para gumaan din ang kalooban mo. Kung iniisip mo na huhusgahan kita. Inuunahan na kita na hindi. Hindi ako ganoong tao Liway." Paliwanag ni Knight ng titigan siya si Lemon sa mata. Ikinuwento naman ni Lemon kay Knight ang tagpong iyon sa mall, kasama ang lalaking nagbigay ng relo at bracelet sa kanya. Napangiti naman si Knight sa tagpong iyon, pero nagtatakang hindi siya natatandaan ni Liway. "Wait lang hindi mo ba natatandaan ang mukha ng lalaking iyon?" Tanong ni Knight na siyang pag-iling ni Liway. "Hindi eh. Kita ko lang na gwapo siya. Pero kahit gabi na. Nakashade kasi. Kaya hindi ko masyadong matandaan ang mukha niya. Isa pa hindi ko siya ganoong natitigan. Nahihiya pa rin naman akong titigan siya ng matagal." Paliwanag ni Lemon na siyang pagsilay ng mga ngiti ni Knight. "Nakagat kasi ng ipis ang mata ko noon kaya naman kahit gabi na, nakashades pa rin ako. Need ko lang bumili ng regalo para sa empleyado ko noon kaya nagtungo ako ng mall." Paliwanag ni Knight, pero makikita ang gulat sa mukha ni Liway. "Anong ibig mong sabihin? Paanong?" Natigil sa pagsasalita si Lemon ng itaas ni Knight ang isang kamay niya na suot ang bracelet na katulad ng bracelet ni Lemon na ngayon naman ay nasa isang transparent box. "Wait paanong?" "Yes ako yon. Kaya naman ng nakita ko iyang bracelet mo, itinago ko at alam kong may pagkakataon na magkikita tayong muli." Pahayag ni Knight ng sa hindi inaasahan ay si Lemon na ang yumakap dito. "Hindi na ako nakapagpasalamat noon. Pero kahit late na, magpapasalamat pa rin ako. Thank you at sobrang thank you talaga." Wika ni Lemon na umiiyak pa rin ngayon. "Wait lang bakit LK ang binigay mong initial sa akin kung Liway Cruz ang pangalan mo?" Takang tanong ni Knight na hindi malaman ni Lemon kung sasabihin ba niya ang katotohanan kay Knight. "Ang totoo, Lemon Kiwi Bladiconza ang pangalan ko. Kung gaano kaasim ang pangalan ko ganoon din kaasim ang buhay ko. Liway Cruz ay binigay na pangalan sa akin ni madam, para pag nakaalis na ako ng club, pwede kong gamitin ang tunay kung pangalan ng walang nanghuhusga sa akin. Pero sinabi ko na sayo. Ayan nasabi ko na ang kwento ng pangalan ko. Pero saan mo nakita ang bracelet ko na galing sayo, at bakit putol na?" Tanong ni Lemon na hindi malaman ni Knight kung paano sisimulang magkwento. "Bakit natahimik ka na? Oi!" Untag ni Lemon ng seryoso siyang tingnan ni Knight. "Galing yan. Galing yan sa babaeng nakasama ko sa club. Basta mabilis ang pagyayaring iyon at may nangyari sa amin noong gabing iyon. Nakita ko, yang nakasabit sa isang botones ng polo ko noon." Lakas loob na sambit ni Knight ng biglang mapasinghap si Lemon. "I-ikaw iyon? I-ikaw iyong dapat t-tatay ng a-anak k-ko." Nauutal na wika ni Lemon na siyang biglang ikinabingi ni Knight. "A-anong ibig mong sabihin!? Anong anak? Pero bakit hindi ka buntis ngayon!" Halos mapasigaw na si Knight sa labis na gulo ng isipan niya. "Ipaliwanag mo Lemon! Ipaliwanag mo sa akin iyang sinasabi mo! Anong anak!? Nasaan!?" May galit sa boses ni Knight, kaya lalong hindi na napigilan ni Lemon ang maiyak. "Nabuntis ako ng gabing iyon. At ang lalaking akala ko boyfriend ko, iyon pala ay nakatakda akong ibenta sa iba. Pero ng nalaman noong lalaking bibili dapat sa akin na buntis ako. Hindi niya ako binili, kaya." Hindi matuloy ni Lemon ang sasabihin dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. "Anong nangyari!? Sabihin mo!" Sigaw ni Knight kaya nakaramdam muli ng takot si Lemon. Natatakot man pero pinilit niya muling magsalita. "Kaya ikinulong niya ako sa bahay niya. Hindi ako makalabas para makahingi ng tulong. Tapos ay paulit-ulit at walang katapusan akong inangkin ni Aster. Binaboy niya ako, ng paulit-ulit. Kahit pagod na pagod na ako, wala siyang tigil. Bukod doon, bunubugbog niya ako. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na hindi na kinaya ng anak ko, iniwan na ako ng anak ko. Anak ko na lang ang nag-iisang karamay ko, pero kahit ang anak ko. Iniwan din ako." Hindi na napigilan ni Lemon ang sarili at nailabas niyang lahat ang sakit na matagal niyang kinikimkim. Masakit para sa kanya ng mawala ang anghel sa sinapupunan niya, pero pilit pa rin siyang lumalaban para sa buhay niya, kahit napakahirap. "Paano ka napunta sa club na iyon." Walang emosyong tanong ni Knight. Tulad ng pangalan nito, para tuloy ngayon itong nababalutan ng yelo. "Mula sa kamay ni Aster, nakawala ako sa poder niya, gawa din ng mga kaibigan niya. Ilang linggo din ako sa ospital at mga kaibigan niya ang nag-alaga sa akin. Pero paglabas ko ng ospital, doon ko nalaman na ako pala ay ginawang pambayad utang ni Aster sa club. Kahit halos hindi ko masikmura ang trabaho ko. Nagpapasalamat pa rin ako, na naging mabait ang pagtanggap nila sa akin. Sina Monica, Mona, at Lady. Na kahit papaano, mabait din sa akin si madam at ang iba pa." Hindi na napigilan ni Lemon ang labis na hinagpis sa lahat ng pinagdaanan niya. Maliban sa nabanggit niya kay Knight ay ang pagbabalik ng ala-ala niya mula pagkabata. Ang hirap na dinanas niya sa mag-asawang sa halip na umaruga ay pinahirapan siya. "L-Lemon." Nauutal na wika ni Knight. Nakakuyom ang kamao at pilit na pinipigilan ang namumuong galit, sa mga taong naging dahilan ng paghihirap ni Lemon. Galit siya, pero pinipilit niyang pigilan dahil sa pag-iyak ni Lemon, ay nakikita niya ang takot sa mga mata nito. "Lemon. Bigkas muli ni Knight at niyakap ang dalaga na lalong ikinaiyak ni Lemon, habang umiiling. "Kung iiwan mo ako, iwan mo na rin ako. Sanay na akong mag-i.-sa." Nauutal na wika ni Lemon na lalong ikinayakap dito ni Knight. Nagulat naman si Knight ng biglang may bumagsak mula sa pintuan. Hindi nila napansin iyon kanina. Pero kitang-kita niya ang tatlong kaibigan ni Lemon na umiiyak na rin. Sigurado siyang narinig ng mga ito ang sinabi ng dalaga. "Hindi kita iiwan pangako. Tahan na." Alo pa ni Knight sa wala pa ring tigil na pag-iyak ni Lemon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD