Sa ilang session ng pagbalik ni Lemon sa doktor ay nakikita nila ang magandang improvement dito. Hindi rin kasi ito nagiging pasaway sa pag-inom ng gamot. Minsan nga ay si Lemon pa ang nagpapaalala kay Knight pagpaubos na ang gamot nito. Kaya naman labis siyang natutuwa, sa kooperasyon ni Lemon para tuluyan na itong gumaling.
"Lemon pakihawak naman kay Icey, may nakalimutan lang akong sabihin kay Thalia." Tawag ni Matthew ng lumabas si Lemon mula sa kwarto nito. Kasunod naman si Knight na nakatingin sa kuya niya.
"Okay po kuya." Nakangiting wika ni Lemon, at walang pag-aalinlangang lumapit kay Matthew. Maingat namang kunuha ni Lemon ang anak ni Matthew sa bisig nito.
"Ako na po ang bahala kay Icey kuya. Puntahan mo na po si Ate Thalia." Nakangiting sambit ni Lemon habang namamangha naman si Knight, mula sa kanyang kinatatayuan.
"Actually magpapatimpla lang ako ng kape, ang daya ng ate mo eh. Sabi niya ipagtitimpla niya ako ng kape, pero hayon nakipagkwentuhan na sa yaya ni Icey at tumulong na sa kusina, pinabayaan na ako." Ani Matthew kaya naman natawa si Lemon.
"Ay selos ka na po niyan? Puntahan mo na po si ate at magpatimpla ka na po ng kape ako na po bahala dito sa baby na'to. Pwede po ba kaming lumabas sa garden?" Tanong ni Lemon na ikinatango ni Matthew.
Masigla namang nagtungo si Lemon kasama ang anak ni Matthew at Thalia sa may garden. Si Knight naman ay manghang tinitingnan si Lemon, palabas ng bahay.
"Knight." Untag ni Matthew, sa nakatulalang si Knight.
"Alin ang dahilan ng pagkatulala mo? Iyong lumapit sa akin ang Lemon mo na hindi na natatakot? O ang pagbuhat ni Lemon kay Icey kasi iniisip mo na naman ang baby ninyo?" Tanong ni Matthew pagkalapit kay Knight.
"Both kuya. Masaya akong lumalapit na siya sayo. Nakita ko din noong isang araw ng lapitan siya ni Paul at nagkunwaring hindi ako nakita, hindi daw natakot si Lemon ng makita s'ya. Masaya akong kahit papaano nalalampasan na niya ang takot niya." Masayang wika ni Knight na tanaw nila si Lemon mula sa loob ng bahay. Habang nililibot ang garden nina Thalia ay kinakausap si Icey.
Tanghali na ng ayain ni Knight si Lemon na magmall. Gusto talaga niyang masanay si Lemon na makisalamuha ito sa iba. Kaya sisimulan niya sa lugar na maraming tao.
Una nilang pinuntahan ang mens department. Syempre madaming namimiling kalalakihan. Napansin ni Knight na may damit na tinitingnan si Lemon kaya nilapitan nila ito.
"Maganda?" Tanong ni Knight kay Lemon.
"Owo, mukha kasing bagay sayo." Ani Lemon ng may lumapit sa kanilang sales clerk.
"Baka naman hindi bagay sa akin."
"Kuya di ba bagay sa kanya?" Saad ni Lemon sa sales clerk na nagpangiti kay Knight.
"Tama naman si mam, sir. Bagay yan sayo. Pwede po ninyong sukatin." Wika ng lalaki at iginaya pa sila sa may fitting room.
Pagpasok ni Knight ng fitting room ay narinig pa niya na nagsalita si Lemon.
"Mam iyong sinusukat ni sir, may ibang kulay pa po iyon. May black din po noon and white." Dinig niyang sabi noong lalaki.
"Hindi na kuya, mas tingin ko talaga bagay sa kanya iyong dark blue na iyon. Ang puti niya kasi, parang pangalan niya Ice." Narinig pa niya ang hagikhik ni Lemon na lalong nagpangiti sa kanya. Alam niyang nakakatulong talaga dito ang pagpapagamot at ang pag-inom ng gamot para mawala at makaalis na si Lemon sa traumang pinagdaanan nito.
Paglabas ni Knight sa fitting room ay halos hindi naman maisara ni Lemon ang kanyang bibig. Napangiti na lang si Knight sa isiping nagugwapuhan talaga si Lemon sa kanya.
"Wag mong ipahalata na sobrang gwapo ng tingin mo sa akin. Baka ngayon pa lang pakasalan na kita." Bulong ni Knight na siyang ikinapula ng pisngi ni Lemon.
"Bagay sa inyo sir. Kukunin na ninyo?" Tanong ng sales clerk.
"Yeah make it three, para mukha na tayong hindi nagpapalit ng damit." Wika ni Knight, kaya naman biglang natawa si Lemon, at makatikim siya ng hampas mula dito. Umalis naman ang sales clerk para kumuha pa ng dalawa.
"Hindi pa nga kita asawa ina-under mo na ako. Paano kung mag-asawa na tayo. Kawawa naman ako. Si daddy nga takot kay Tita Lucilla. Si Kuya Matthew takot kay Thalia. Pati ba naman ako? Hay, kawawa talaga ang mga lalaking Escobar sa pamilyang 'to." Ani Knight na mas lalong ikinapula ng pisngi ni Lemon. Binigyan naman ni Knight si Lemon ng halik sa noo.
"Dito ka lang magpapalit lang ulit ako ng damit." Bilin ni Knight. Pagkapasok niya ng fitting room ay siya namang pagbalik ng sales clerk. Napangiti na lang si Knight sa pakikipag-usap ni Lemon sa lalaki. Kahit papaano ay nawawala na ang takot nitong makisalamuha sa iba.
Binilhan lang ni Knight si Lemon ng ilan pang mga damit at gamit. Doon mula ulit kasi sila magstay sa bar.
"Knight ang dami naman niyan." Reklamo ni Lemon, habang nakatingin sa paper bag na bitbit ni Knight. Matapos kasing kunin ni Knight ang tatlong damit na nagustuhan niya para dito, ay siya naman ang ipinamili nito ng ipinamili.
"Alam mo ang reklamo mo. Ikaw na nga itong ipinamili ko ng gamit at damit, para hindi paulit-ulit ang suot mo. Nagrereklamo ka pa. Kung sa ibang babae yan. Siguradong magtuturo pa ng magtuturo." Tugon naman ni Knight na mas lalong nagpanguso kay Lemon.
"Ang cute mo." Wika ni Knight ng halikan niya si Lemon.
"Aba't!"
"Akala ko nanghihingi ka ng halik ko, kaya ka nakanguso." Nakangising wika ni Knight, at pinagbuksan na lang niya ng pintuan si Lemon sa passenger seat.
Napailing na lang si Lemon sa kakulitan ni Knight. Hindi niya akalaing ganito kakulit ang lalaking ito, pero sa isang banda masaya siya. Ang tanong lang hindi niya alam kung hanggang kailan ang sayang kanyang nadarama.
Pagkarating nila ng opisina ni Knight ay nagtungo kaagad si Lemon sa kwarto nito. Nais niyang magpahinga. Hinayaan naman siya ni Knight, pagkahiga niya sa kama.
"Matulog ka na lang muna. Bibisita ako sa labas, aayusin ko na rin ang dapat ayusin, para pagdating ng staff, hindi na sila gaanong mahirapan pa. Hmm." Bulong ni Knight kay Lemon habang nakapikit siya. Naramdaman pa niya ang paghalik nito sa noo niya, bago ito umalis sa tapat niya, at narinig na lang niya ang pagsara ng pinto. Hanggang sa siya ay tuluyan ng makatulog.
Madilim na ng magising si Lemon. Naririnig na rin niya ang mumunting ingay sa labas ng bar. Hindi naman iyon sobrang tumagos sa loob ng opisina at kwarto ni Knight. Pero naririnig pa rin niya ng kaunti.
Nagtungo muna siya ng banyo, pagkatapos ay lumabas na rin. Naabutan niya si Mara, na bagong pasok pa lang sa opisina at may bitbit na tray ng pagkain.
"Good evening madam. Kain ka na. Akala ko ay gigisingin pa kita eh. Tsk, tsk. Mabuti na naman at nagising ka na." Bati sa kanya ni kanya ni Mara, at halos mabingi pa siya sa tili nito, ng maibaba nito ang tray na dala.
"Ang ingay mo Mara."
"Paanong hindi. Kinamalayan ko bang ang kaibigan ko, ay pag-ibig pala ng boss ko. Sino kayang hindi mapapatili. Ang haba ng buhok mo girl. Ang swerte mo na doon kay Sir Knight." Hindi pa rin mapigilan ni Mara ang kilig para kay Lemon.
"Hindi ganoon iyon. Tinutulungan lang ako ni Knight."
"Grabe sa Knight. Alam mo bang noong umalis ka noon. Noon ko lang nakita si Sir Knight, tapos ang gwapo at ang bata pala. Pero ito matanong ko lang. Wag ka sanang magagalit, kasi ng umalis ka noon, wala na akong naging balita sayo. Anong nangyari sa inyo ni Aster?" Tanong ni Mara na biglang nakaramdam si Lemon ng kakaiba sa paligid niya.
Halos hindi malaman ni Lemon ang gagawin pagkarinig sa pangalan ni Aster, para siyang nahihilo na nasusuka. Pumapasok sa isipan niya ang pagmamakaawa niya kay Aster. Ang mga daing niya dahil sa labis na nasasaktan sa pambubugbog na ginawa nito sa kanya, at sa pag-angkin nito sa kanya ng walang pakundangan. Ang mga luhang hindi niya masukat kung gaano kadami.
"Le-Lemon? Lemon!? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Mara na hindi malaman ang gagawin.
Napaupo sa sahig si Lemon, habang hawak-hawak ang ulo, at sinasabunutan ang sarili.
"Tama na! Pakiusap! Ayaw ko na! Tigilan mo na ako! Parang awa mo na." Sigaw ni Lemon, habang umiiyak. Kaya naman lalong nataranta si Mara.
Sa takot sa nangyayari sa kay Lemon, ay iniwan niya ito. Kinakabahan man, ay si Knight na naglilibot sa buong bar ang hinanap niya.
"S-sir!" Nauutal na tawag ni Mara ng makita niya ang boss niya. Nakatalikod ito at nakikipag-usap sa bartender. Kaya tinawag niya itong muli. Nakangiti pa si Knight ng bumaling kay Mara. Pero bigla ding nawala ng mapansin ang luha sa dalaga.
"S-sir, si Le-Lemon po." Iyon lang ang nasabi ni Mara, ng biglang takbuhin ni Knight ang patungo sa opisina niya.
Doon na tumambad sa kanya, ang umiiyak na si Lemon, habang nakasabunot sa sariling buhok.
"Lemon!" Sigaw niya ng lapitan ito.
"Tama na." Pakiusap ni Lemon ng maikuyom ni Knight ang kanyang kamao.
Yakap-yakap naman ni Knight si Lemon, habang nagpupumiglas.
"S-sir!/ Boss!" Sabay na tawag ni Mara at Eliza sa kanya.
"Ako ng bahala sa kay Lemon. Pakisara ng pinto. Wag muna ninyo akong abalahin. Kayo na muna ulit ang bahala sa bar." Malamig na wika ni Knight, ng hilahin na ni Ms. Eliza ang nag-aalala pa ring si Mara.
Pagkalapat ng pintuan ng opisina ni Knight ay pinangko na niya si Lemon patungong kwarto doon. Kahit pa nagpupumiglas ito.
"Wag mo akong sasaktan." Muling pakiusap ni Lemon na ramdam ni Knight ang takot.
Ng maibaba niya si Lemon sa kama, ay mabilis itong bumaba at sumiksik sa sulok. Akala ni Knight kahit papaano ay maayos na si Lemon, pero hindi pa pala. Nandoon pa rin ang takot nito. Ang takot nito, na gusto niyang malampasan ng dalaga.
"Lemon." Malambing niyang tawag ng lapitan niya ito.
"Tama n-! K-Knight? Knight, ikaw yan di ba? Hindi mo ako sasaktan? Hindi ikaw si Aster di ba? Ikaw si Knight?" Umiiyak na tanong ni Lemon, habang sinisigurado kung sino ang kaharap.
"Oo, si Knight ito tahan na. Bakit ka ba umiyak? Anong problema? Di ba sinabi ko na sayong wala ng mananakit sayo. Hindi na makakalabas ng kulungan si Aster. Bakit natakot ka na naman?" Malambing na tanong ni Knight. Pero ngayon nakayakap na ng mahigpit kay Lemon.
"Narinig ko ang pangalan niya. Tinanong ni Mara. Hindi ko napigilan ang takot ko?" Parang batang nagsusumbong si Lemon, na ikinabuntong hininga ni Knight.
"Di ba matapang ka na? Tahan na." Alo pa ni Knight ng hawakan ni Lemon ang mukha niya, na ipinagtaka niya.
"Knight hindi ka ba nandidiri sa akin?" Diretso sa matang nakatingin si Lemon sa mga mata ni Knight.
"Hindi, at hindi kailanman." Aniya.
Napalunok naman si Knight sa titig na iyon. Parang may biglang eksena na pumasok sa isipan niya. Nabaling naman ang tingin ni Knight sa labi ni Lemon.
"L-Lemon?" Nauutal na sambit ni Knight sa pangalan niya habang hindi pinuputol ang titig ni Knight sa kanya.
"I want to change those bad memories of Aster with you, if you allow me?" Malambing na tanong ni Knight, na ilang beses na ring napalunok.
Nawala na rin ang tensyon, at takot ni Lemon, ng masigurado niya kanina na si Knight nga ang kasama niya. Ngayon naman ay sobrang bilis ng t***k ng puso niya na hindi niya malaman kung ano ang dahilan. Pero nasisigurado siyang hindi takot iyon.
"Anong ibig mong sabihin?" Inosenteng tanong ni Lemon, na nagpangiti kay Knight. Nawala na rin ang kaninang nararamdaman niyang galit.
"Ibig kung sabihin, gusto kong makalimutan mo ang lalaking iyon, at mapalitan ng bagong memorya ang tagpong iyon, kung hahayaan mo ako." Malabing na wika ni Knight, ng simulang ibaba ni Knight ang mukha palapit kay Lemon at dampian iyo ng mumunting halik sa mukha.
"K-Knight?"
"Hahayaan mo ba akong alisin ko siya sa alaala mo?" Ulit ni Knight ng isang tango ang isagot ni Lemon, na siyang pagsilay ng ngiti ni Knight.
Mula sa pagsiksik sa gilid ng kama, ay kinabig ni Knight si Lemon, para makatayo ito. Pabagsak namang napaupo si Knight sa kama, kaya naman nadala si Lemon at napaupo sa kandungan niya. Lumawak lalo ang pagngiti ni Knight ng marinig ang pagsinghap ni Lemon.
"Wag kang matakot sa akin Lemon. Masyado mang mabilis pero mahal kita." Wika ni Knight ng walang salitang lumabas sa bibig ni Lemon, kaya sinimulan niyang halikan ang nakaawang nitong labi.
"K-Knight."
"Kiss me back Lemon, " Wika ni Knight ng maramdam na lang niya ang pagtugon ni Lemon sa kanya.
Mas lalo pang pinag-igihan ni Knight ang paghalik hanggang sa pareho na silang nadarang sa init na kanilang nararamdaman.