Chapter 19

2151 Words
Magkasama si Thalia at Lemon, habang binabagtas ang daan patungong ospital. Si Thalia ang nagmamaneho ng kotse na sinasakyan nila. Napapayag na nila si Lemon na magpatingin sa doktor. "Natatakot ako." Nahihiyang wika ni Lemon kay Thalia. Siya lang kasi ang kasama ngayon ni Lemon. May inaasikaso si Knight at Matthew na hindi na lang ipinaalam kay Lemon kung ano. "Kasama mo ako di ba? Mas nakakatakot kung habang buhay, matatakot kang makisalamuha sa iba. Kahit sa asawa ko natatakot ka. Kaya kailangan mo ito. Isipin mo, mas masarap magkaroon ng mga kaibigan. Paano ka mapapakilala ka Daddy Marcus kung natatakot ka?" Malambing na tanong ni Thalia kaya naman napatingin si Lemon sa mukha nito. "Bakit kailangan kong makilala si Daddy Marcus ninyo?" Inosenteng tanong ni Lemon kaya naman napatawa si Thalia. "Si Daddy Marcus ang daddy ni kabalyero, na daddy din ng asawa ko. Ayaw mo bang makilala ang in-laws natin?" Tanong ni Thalia ng mapansin ang pamumula ng pisngi ni Lemon. "Halata naman ng may gusto ka kay yelong kabalyero, ganoon din qng isang iyon sayo. Ayaw mo bang aminin sa akin?" Biro pa ni Thalia na lalo niyang ikinapula. "Wala naman siyang sinasabi sa akin. Naaawa lang talaga siguro sa akin si Knight kasi kahit nangyari ang lahat ng ito sa akin siya ang nakauna sa akin. Isa pa kung hindi ako nakunan, dinadala ko pa rin sana ang anak namin. Pero ngayon wala na. Awa lang siguro ang nararamdaman niya sa akin kaya ginagawa niya ito." Mahabang paliwanag ni Lemon. Kaya naman napailing na lang si Thalia. "Ang mga manhid." Natatawa na lang komento ni Thalia at hindi na lang muli nagsalita. Nakarating sila sa harap ng ospital. Wala namang gaanong pasyente ang pakay nilang doktor kaya naman, pinapasok na sila kaagad ng sekretarya ng doktor. Matapos ang halos nasa dalawang oras na session ay natapos din ang konsulta ni Lemon. Matapos ang pag-uusap ng doktor at ni Lemon, ay ipinaliwanag naman ng doktor kay Thalia kung gaanong katagal na gamutan ang pagdadaanan ni Lemon. Mula sa araw na iyon ay aabot iyong ng anim na buwan hanggang sa isang taon. Matapos ang ilang paalala at maibigay ang resetang gamot ay nagpaalam na sila sa doktor. "Hindi ba sobrang laki na ng magiging abala ko sa inyo?" Nahihiyang tanong ni Lemon, ng nasa sasakyan na sila at pabalik sa bahay nina Thalia. "Wala iyon, mas mahalaga pa rin na gumaling ka at bumalik sa normal ang pakikitungo mo sa iba. Hindi lang sa amin kundi sa iba. Hindi lahat ng lalaki sa paligid mo sasaktan ka. Kaya bilisan mo ang magpagaling. Hmmm." Wika na lang ni Thalia na siyang pagtango ni Lemon. Nahihiya man siya sa mga bagong kakilala, pero syempre masaya pa rin siya kung dahil sa pagpapagamot niya, babalik sa normal ang lahat. Na mawawala ang takot niya, higit sa lahat pagnag-iisa. Samantala, magkasama si Knight at Matthew patungong kulungan ng malaman nilang nakakulong na doon si Aster Salvador sa tulong na rin ng mga kaibigan nito na nag-alaga noon kay Lemon sa ospital. Sumunod din sa kanila si Paul. "Anong kailangan ninyo sa akin?" Maangas na tanong ni Aster sa mga kaharap. Nandoon sila sa visitors area, na pinasadya ni Knight na sana ay sila lang muna ang tao doon, sa mga oras na iyon. "Anong kasalanan sayo ni Lemon para gawin sa kanya ang mga kahayupan mong hayop ka!" Sigaw na sagot ni Knight habang pinipigilan pa rin ng dalawa na makagawa ito ng gulo. "Relax, kabalyero./ Relax bro." Bulong ng dalawa kay Knight para kumalma ito. "Si Lemon? Huh? Paano naman ninyo nakilala ang malanding babae na iyon? Ibinenta na rin ba niya sa inyo ang katawan niya? Dahil sa nagpabuntis ang babaeng iyon sa kung sino, nawala ang yaman na dapat makukuha ko sa pagbebenta sa kanya. Pero dahil malandi siya, nawala ang lahat sa akin! Pero kahit may nakauna sa kanyang iba." Pinutol muna ni Aster ang sinasabi niya, bago tumingin sa mga kaharap. "Napakasarap ng babaeng iyon. Malambot ang katawan, kaya nga hindi ko na tinigilan hanggang sa mawala ang walang kwenta niyang anak." Pagkarinig pa lang ni Knight sa huling sinabi ni Aster ay doon na nagdilim ang kanyang paningin. Hindi siya nakikipag-away sa kahit na kanino noon. Mas mahinhin pa nga si Knight kung titingnan kay sa ibang mga babae. Pero ngayon ibang-ibang Knight ang nakikita ni Matthew at Paul. "Hayop ka! Napakasama mo para lapastanganin ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng mga panahong iyon. Pati ang anak ko! Anak ko ang sinasabi mong walang kwenta! Ikaw ang walang kwenta! Mabubulok ka sa kulungang hayop ka! Sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas dito habang buhay!" Habol hiningang sigaw ni Knight habang hindi pa rin tinitigilan ni Knight ang pagsuntok dito. Kinubabawan ito ni Knight dahil sa galit na nararamdaman. Hindi naman makakaganti si Aster dahil nakaposas ang mga kamay nito. Namamaga na ang mukha ni Aster sa tindi at paulit-ulit na pagtama ng kamao ni Knight dito. "Knight tama na iyan!" Sigaw ni Matthew, habang inaalalayang maihiwalay si Knight kay Aster. "Kabalyero baka mapatay mo ang lalaking iyan. Isipin mo si Lemon mo!" Doon pa lang nahimasmasan si Knight ng marinig ang pangalan ni Lemon. Halos humulihingal si Knight ng tigilan nito si Aster. "Pagbabayaran mo ang lahat ng kalapastanganang ginawa mo kay Lemon! Pati na rin sa ginawa mong naging dahilan para mawala ang anak ko!" Galit na galit na sigaw ni Knight habang nanlilisik pa rin ang mga mata na nakatingin kay Aster na duguan ang mukha. "Tss, hindi ko kasalanan na kinain niya ang pagkaing binigay ni Gale, kaya siya nakunan. May kung anong nilagay ang babaeng iyon, sa pagkain niyang si Lemon. Tatanga-tanga kasi siya, at tinuloy pa rin ang pagkain, kaya kasalanan din niya iyon." Paliwanag ni Aster ng makatanggap na naman ito ng ilang suntok sa sikmura. "Hayop kayo! Pagbabayaran din ng babaeng iyon ang ginawa niya kay Lemon. Ipinapangako kong mabubulok kayo sa kulungan!" May diing wika ni Knight na bago lumabas sa visitors area ay inudyakan pa ulit ni Knight ng isang suntok si Aster sa sikmura. Bugbog sarado na si Aster ng mga oras na iyon. Halos, hindi na rin nito kayang maglakad, dahil na rin sa ginawa ni Knight. Inalalayan na lang ito ng dalawang bantay para madala sa selda nito. Kinausap naman ni Knight at Matthew ang isa sa pinakamataas na opisyal sa presintong iyon. Oo nga at mali ang panunuhol, pero lahat ay gagawin niya, wag lang makalabas ng kulungan si Aster Salvador at ang Gale na sinasabi nito. "Makakaasa kayo Mr. Escobar. Hindi namin hahayaang makalabas ng kulungan, si Aster Salvador at si Galeria Dimaano. Nilalakad na rin namin ang papel ng dalawa para hindi payagan ang piyansa sa kanilang kaso. Sina Maya Lopez, Tommy Ruiz, Mike Reyes. Silang tatlo ang kaibigan nina Aster Salvador at Galeria Dimaano, na nagsampa ng kaso. Ipinaliwanag nilang mas mabuting nakakulong at magsisi ang dalawa nilang kaibigan, kay sa, sa labas at gumagawa ng masama. Kaya wag kayong mag-alala Mr. Escobar. Gagawin po naming lahat ng maayos ang trabaho namin." Paliwanag ng lieutenant general ng kapulisan. Nagpasalamat na rin si Knight dahil kahit minsan ay bulag ang batas. Heto ngayon sila at may hustisya pa rin silang makukuha, sa kabila ng lahat. Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag si Knight sa mga narinig. Hindi lahat ng kaibigan ng Aster na iyon ay masama. Mayroon pa rin talagang hindi kukunsinte sa masamang gawain ng kaibigan nila. Pag-uwi nila sa bahay nina Matthew ay pinaliwanag naman ni Thalia ang mga sinabi ng doktor kay Lemon. Umuwi na rin naman si Paul, matapos makapagmeryenda. Hindi na naman lumabas pa si Lemon sa kwarto nito. Nakipaglaro naman muna saglit si Knight sa anak nina Matthew at Thalia hanggang sa makatulog ito. Bago niya pinuntahan si Lemon, na nasa loob na ng kwarto nito pagnandoon sila sa bahay ng kapatid. Ayon kasi kay Thalia, ng marinig nitong ang sasakyan niya ay para daw itong excited na makita siya. Pero ng makitang bumaba mula doon si Matthew at nasa kasunod pang kotse si Paul ay tumakbo na ito pabalik sa guess room na inuukupa nito. Kahit noong oras ng meryenda ay hindi na ito lumabas. Tatlong katok ang narinig ni Lemon, mula sa labas ng kwarto, napaupo siya sa kama, habang hindi inaalis ang mga mata sa pintuan. Nandoon ang takot sa kung sino man ang papasok sa pintuang iyon. Pero nakahinga din siya ng maluwang ng makitang si Knight iyon. Nakangiti pa ito sa kanya, kaya naman biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. "Pwede bang pumasok?" Tanong ni Knight na sunod-sunod naman ang pagtango ni Lemon. Matapos isara ang pintuan ay inilock din niya iyon. Mahirap na, nasa bahay pa naman sila ng makulit niyang bestfriend at ng kuya niyang kasing kulit na rin ng asawa nito. Lumapit naman kaagad si Knight kay Lemon at walang pasabing nahiga sa kama kung saan nakaupo si Lemon sa dulong sulok, at niyakap niya ang dalaga. Nagulat man si Lemon sa ginawa ni Knight, pero hindi siya nakaramdam ng takot. Bagkos ay naramdaman pa niya kapanatagan sa mga yakap na iyon. "Okay lang bang yakapin kita. Sobrang sama lang talaga ng araw ko ngayon, pero ng makita kita ngayong oras na ito, pakiramdam ko, nawawala ang pangit na araw ko. Okay lang ba?" Malambing na tanong ni Knight kaya naman napangiti si Lemon. "Paano ko naman naaalis ang pangit sa araw mo. Gayong, pangit naman ang pinagdaanan ko sa buhay. Hindi ko pa naalagaan ang. Ang anak natin." Napangiti pa si Lemon ng banggitin niya ang salitang 'anak natin.' Pero nandoon na naman ang sakit ng maalalang wala na ito sa kanila. Hindi naman kasi umangal si Knight sa sinabi niya. Pero nakakapanghinayang pa rin. Kasi alam niyang hindi siya iiwan ng anak niya kahit anong mangyari kung sana kasama pa niya ito ngayon. "Hindi siguro siya para sa atin. Tulad mo, masakit din sa akin ang nalaman ko. May little Knight or little Lemon na sana tayo. Pero madami pa namang pagkakataon para mabigyan ulit tayo ng anak. Iyong alam na natin at hindi dahil lang sa isang hindi sinasadyang pangyayari." Paliwanag ni Knight na mas isiniksik pa nito ang mukha sa may tiyan ni Lemon. Halos magkulay kamatis naman ang pisngi ni Lemon sa mga sinasabi ni Knight. "Seryoso ka? Tama naman ang narinig kong sinabi mo di ba? Madami pang pagkakataon para mabigyan ulit tayo ng anak?" Bulong ni Lemon sa isipan, ng biglang tumunghay si Knight at halikan siya sa noo. "Hindi ka nagkakamali ng dinig." Nakangiting wika ni Knight na lalong pinamulahan si Lemon. "Sinabi ko iyon sa isipan ko. Nakakabasa ka ng isip?" Takang tanong ni Lemon. "Lumabas iyon sa bibig mo. Kaya narinig ko." Ani Knight ng sa hindi inaasahan nilang dalawa na bigla na lang kumilos ang katawan ni Knight na abutin ang labi ni Lemon para halikan. Mabilis lang iyon pero nagbigay ng libo-libong kiliti sa tiyan ni Lemon at ang pagdaloy ng kuryente sa kanyang puso. "Mahiga ka na dito sa tabi ko. Gusto kong magpahinga, please." Pakiusap pa ni Knight na hindi na lang nakakilos pa si Lemon ng sarili niya, ng ihiga na siya ni Knight sa tabi nito. Inalalayan din naman ni Knight si Lemon, para maihiga at idantay ang ulo nito sa bisig niya habang ang isang kamay ay nakayakap sa may parteng tiyan nito. Wala na namang ibang nagawa si Lemon kundi ang mapangiti sa ikinikilos ni Knight. "K-Knight." Nauutal na wika ni Lemon kaya naman napangiti na lang si Knight. "It's nap time Lemon. Matulog tayo. Need ko ng pahinga. Sure na natutulog din sina kuya, kasama ng mag-ina niya. Ang katulong nina kuya ay nasa kusina at kumakain at nagpapahinga din, kasi need nila iyon. Kaya matulog din tayo." Paliwanag ni Knight na halos hindi na rin maimulat ang mga mata. "Opo matutulog din ako." Ani Lemon ng maramdaman na lang niyang muli ang paghalik ni Knight sa kanyang noo. "I love you Lemon." Halos pabulong na wika ni Knight, na hindi gaanong umabot sa pandinig ni Lemon. "A-anong sabi mo?" Tanong ni Lemon na hindi na niya narinig ang sagot ni Knight ng maramdam na lang niya ang pagkarelax ng paghinga nito. Indikasyon na tulog na nga ito. Napangiti na lang siya sa pwesto nila ngayon. "Mahal kita Knight. Sana masabi ko din iyan sayo. Kung may katugon man itong nararamdaman ko para sayo. Isa na ako sa pinakamasayang babae sa mundo. Na sa kabila ng dagok na naranasan ko. May isang lalaki pa pa lang handang mahalin ako. Kung wala naman, masaya pa rin akong makilala ka. Salamat." Bulong ni Lemon sa natutulog na si Knight at mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa lalaking katabi. Hanggang sa nagpatangay na rin siya sa antok na kanina pa rin niyang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD