Chapter 9

2779 Words
Alas singko pa lang ng hapon ay ginising na si Lemon ng mga kasamahan. Kung tutuusin napatawag pa si Madam Soraya sa isang spa, para magpa service, para sa kanya. Pero syempre para walang inggitan, lahat ng mga babae doon ay nabigyan ng serbisyo ng spa. Matapos ang full body massage, at pagwawax sa buong katawan ni Lemon, ay pinagbihis na rin siya. Suot ang manipis na red lace bra na isang higit lang sa tali ay makakalas na, at isang napakanipis na red lace panty, ay napatingin na lang si Lemon sa sarili sa harap ng salamin. Halos hindi niya makilala ang sarili. Wala naman silang make up, polbos at mapulang lipstick lang na kakulay pa ng suot niyang lace panty at bra, pero hindi pa rin niya mapaniwalaan ang sarili. Iniabot na rin kay Lemon ang kulang pulang maskara, at isang triangle na tela na pambalot daw sa kanyang hita, na sa simula ng pagsasayaw sa stage ay aalisin na rin. Napabuntong hininga na lang si Lemon at naupo sa kanyang kama. "Wag kang matakot Liway. Kahit anong gawin nila, hindi ka nila mahahawakan." Wika ni Monica na nakasuot ng tulad niya, pero kulay asul. "Kaya lang lahat ng gagawin nila, at sasabihin nila, susundin mo. Lalo na pagnagtaas na sila ng halaga. Kahit ayaw mo. Kailangan mo pa ring gawin." Ani Mona na nakasuot naman ng kulay dilaw. "Liway, hindi ka nila mahahawakan. Pero pagpepyestahan ng mga lalaki ang katawan mo. Sanay na kami sa ganoong gawain. Isang taon na rin kaming stripper dito kaya naman sanay na kami. Igigiling mo lang ang katawan. Kung ano ang gagawin namin, susundin mo lang. Para hindi magalit si madam. Kaya mo yan. Lakasan mo ang loob mo." Sabat ni Lady na nakasuot ng kulay berde. "Siguradong sa unang labas mo pa lang may magrerequest sayo. Please Liway, malalagot tayong lahat kay madam pag pumalpak tayo. Kayanin mo ha. Pangako, hindi ka mahahawakan ng sinuman." Paliwanag ni Monica sa kanya, at sumusukong tumango na lang siya. Ilang sandali pa ang lumipas at tinawag na rin sila ni Madam Soraya. "Nasabi na ba ninyo kay Liway ang dapat niyang gawin?" Masiglang bati ni Madam Soraya. "Yes po madam." Sabay-sabay na sagot ng tatlo. "Napakaganda talaga ninyong tatlo. Lalo ka na Liway. Siguradong may maglalabas ng malaking halaga para sayo, makita lang ng malapitan ang iyong napakagandang katawan." Masiglang pahayag pa ni Madam Soraya. Kahit sa totoo ay halos lumabas na ang puso ni Lemon sa sobrang kaba. Tinawag na sila, para isa-isang umakyat ng stage. Hindi akalain ni Lemon na ganoong karami ang tao sa club tuwing gabi. Ng tumugtog ang malamyos na musika, ay nagsimula na siyang igiling ang katawan. Hanggang sa makita ni Lemon, na tinanggal na ng mga kasamahan ang triangle na panyo sa may baywang. Tapos nakita niya na sinisimulan na rin nina Monica na alisin ang pagkakatali ng bra nilang suot. Nanginginig man ang mga kamay, ay pinilit niyang matakpan ng braso ang kanyang dibdib. Nakabibinging hiyawan hanggang sa magulat na lang si Lemon sa mga perang hinahagis ng mga lalaking lumapit sa bukana ng stage. Patuloy lang sa paggiling ng baywang si Lemon,ng sumigaw ang isang customer. "One hundred thousand, bet ko iyong nakapula. Dito sa harapan ko!" Umiiling pa siya ng lapitan siya nina Monica. "Ayaw mo naman sigurong magalit si madam di ba?" Si Monica. "Malaking pera na iyon Liway, igigiling mo lang ang baywang mo!" Si Lady. "Sumunod ka na. Nakatingin sa atin di madam." Wika ni Mona, at walang nagawang nagtungo si Lemon sa unahan. Hindi pa nakontento ang lalaki at nagrequest na naman ito ng alisin niya ang kanyang kamay sa dibdib kapalit ng kalahating milyon. Nandidiri siya sa ginagawa ng lalaki sa harapan niya. Wala lang siyang magawa. Wala siyang pera, pambayad sa utang ni Aster. "Ano ba? Nag-eenjoy na ako dito. Alisin mo na iyan! Mas gusto mo bang ako ang humawak dyan sa dibdib mo? Mas maliligayahan ka pagginawa ko sa iyo iyon." Wika ng lalaki sa harapan ni Lemon, na buong-buo ang pagnanasang mapasakamay si Lemon. "Nasaan ba ang boss ninyo. Kalahating milyon para maikama kita! O aalisin mo iyang braso mo sa dibdib mo!" Sigaw pa ng lalaki, kaya lalong natakot si Lemon. Ayaw sana niya, pero nakita niya ang matalim na titig ni Madam Soraya. Ayaw niyang magalit ito, sa kanya. Kaya naman pikit mata niyang inalis ang kamay na tumatabon sa kanyang dibdib. "Gusto pa pala tinatakot. Ibibigay ko ang reward mo." Nakangising wika ng lalaki, habang patuloy na pinapaligaya ang sarili sa harapan ni Lemon. Habang si Lemon ay hindi na lalo mapigilan ang pagbuhos ng mga luha. Napuno ng sigawan ang buong club. Hanggang sa masaksihan ni Lemon na hindi lang ang matandang lalaking nagbayad ng malaki para makita siya ng malapitan, ang nakahawak sa p*********i nito at pinapaligaya ang sarili, kundi pati na rin ang kasama lang nito sa table kanina ay ganoon na rin ang ginagawa. Napuno ng ungol ang club ng mga lalaking harap-harapan kung bastusin ang pagkatao nila. Hindi lang siya kundi pati na rin ang tatlo niyang kasama. Nalibot pa niya ang ng tingin ang paligid at ganoon din ang ginagawa ng iba pang kalalakihan habang pinapanood silang apat na sumasayaw sa saliw ng malamyos ng musika, habang pinapanood ng mga lalaking pinapaligaya ang mga sarili. Iilang lang ang masasabi ni Lemon, na hindi. Umiinom lang talaga ang mga ito, at walang pakialam sa kanila. Hanggang sa mahagip ng mata niya ang isang lalaki na palabas ng club. Hindi niya maunawaan na likod pa lang nito ang nakita niya. Pero biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Umiiyak pa rin si Lemon. Hindi talaga niya mapigilan ang luha sa kanyang mga mata. Daig pa niyang pinagsamantalahan na naman, sa pagkakataong iyon. Hindi nga siya nahawakan, pero iyong nakikita niyang reaksyon ng mga lalaking uhaw sa sariwang laman, ay para na ring niyurakan ang kanyang pagkatao. Halos nasa ilang minuto rin na nasa ganoon silang tagpo, ng halos maghabol hininga ang mga lalaki, dahil nakaraos na ang mga ito sa makamundong pagnanasa. Ng tawagin na sila ni Madam Soraya para sabihing tapos na ang performance nila ng gabing iyon. "Congratulations Liway, napakagandang pasok ng gabing ito. Sayo pa lang six hundred thousand na. Hindi ka naman hinawakan. Pero napakalaki ng perang naipasok mo sa club ngayong gabi." Papuri sa kanya ni Madam Soraya na hindi na niya nagawang sagutin ng iabot sa kanya ang panyo na triangle na kasya ding pantakip sa kanyang dibdib, ay mabilis niyang nilisan ang lugar na iyon. Napabuntong hininga na lang si Madam Soraya sa inasal ni Lemon. "Hayaan na ninyo, alam kung iiyak at iiyak lang iyon. Lalo na at hindi si Liway sanay sa ganito. Alam ko naman kung saan iyon pupunta. Sa likod lang ng club. Wala namang nagagawi doon kaya hayaan na ninyong mag-isa. Papasok din iyon sa loob pag nahimasmasan na." Paliwanag ni Madam Soraya, ng isa-isang umalis na rin sina Monica, pabalik sa kwarto ng mga ito. Pagdating ni Lemon sa likurang bahagi ng club ay wala na siyang ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Gusto niyang ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya ngayon. Kahit umiiyak ay pinilit ni Lemon, na maitali ang panyo sa kanyang dibdib. Manipis na lace panty at panyo lang ang tumatabon sa kanyang katawan at maskara. Doon siya nagsisisi na hindi siya sa kwarto tumuloy. Mas malayo kasi ang kwarto nila kay sa sa daan palabas. Nagulat naman si Knight na habang nakaupo siya sa silyang kahoy sa madilim na parte ng club ay nakarinig na lang siya ng pag-iyak. Hindi niya alam sa sarili at pero sinundan niya ang iyak na iyon. Hanggang sa makita niya ang isang babae na nasisinagan ng buwan,na halos walang saplot sa katawan kundi, "red lace panty." Nasambit niyang bigla, na siyang nagpabilis ng pagtibok ng puso niya. Mabilis namang hinubad ni Knight ang suot niyang coat, at tinakbo na niya ang babaeng wala halos suot. Nagulat naman si Lemon, ng biglang may telang tumabon sa kanyang katawan. Sisigaw na sana siya ng takpan ng lalaki ang bibig niya. "Hmm. Hmm!" Impit na boses ni Lemon. Hindi kasi siya makasigaw, dahil sa kamay na nakatakip sa kanyang bibig. Nakakulong siya sa mag bisig nito kaya naman hindi makapiglas. Pati ang pag-iyak niya ay napalitan ng takot. "Sshh. Hindi ako masamang tao. Nagulat lang ako, kasi nakita kitang halos hubad na. Naalarma akong may makakita sayong iba dito, tapos nag-iisa ka sa ganitong kadilim na lugar. Wag kang sisigaw, bibitawan kita okay?" Paliwanag ng baritonong boses, na hindi malaman ni Lemon kung bakit bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Hindi malaman ni Lemon kung bakit sa tono ng pagsasalita nito, nawala ang kanyang takot. Pero nandoon pa rin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Tumango na lang siya, bilang pagsagot, hanggang sa unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ng lalaki sa kanya. Matapos siyang bitawan ng lalaki, ay iniwan nito ang coat na nakapatong sa balikat niya. "Paano itong coat mo?" Tanong ni Lemon sa lalaki. "Ayusin mo ang pagkakasuot sayo. Para matakpan ang katawan mo." Utos ni Knight na mabilis namang sinunod ni Lemon. "Sino ka? Teka anong ginagawa mo dito? Bakit ka pala nandito? Wala namang nagtutungo dito sa part na ito paggabi sabi ni madam." Tanong ni Lemon sa lalaking kaharap. "Ang dami mong tanong. Ako si Knight. Baka magduda ka pa. Nasa loob ako kanina." Kinuha ni Knight ang isang i.d sa wallet niya at inilawan pa niya iyon ng cellphone niya para mabasa ng babaeng kaharap ang buong pangalan niya. "Knight Ice Escobar." Basa ni Lemon sa pangalang nasa i.d. 'Mas matanda lang siya sa akin ng ilang taon.' Wika pa ni Lemon sa isipan. "Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong ni Knight. "Lem--. Liway Cruz ang pangalan ko." Halos pangapusan pa ng hininga si Lemon ng muntik na niyang masabi sa estranghero ang tunay niyang pangalan. Hanggang sa mapansin niya ang amoy ng coat na suot niya. Bakit lahat ng lalaking makakasalamuha ko, iisa ang amoy? Tanong ni Lemon sa sarili. Ng igaya siya ni Knight sa isang mahabang upuan na nandoon. Hanggang sa magsalita itong muli, kaya napatingin siya dito. "Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong ni Knight. "Wala naman. Ikaw bakit nandito ka sa labas? Sabi mo, nasa loob ka ng club kanina. Di nakita mo naman ako siguro di ba? Iyong ibang lalaki nga bumayad ng malaki makita lang ang hubad kong katawan. Ikaw pagkakataon mo ng makita ito ng libre. Nag-iisa pa ako dito. Pwede mong gawin sa akin ang lahat ng gusto mong gawin ng walang nakakapigil sayo. Tapos pinahiram mo pa sa akin ang coat mo. Para matakpan ang katawan ko? Kakaiba ka." Wika ni Lemon na tamang duda kay Knight, sa mga oras na iyon. "Hindi lahat ng lalaki, katulad ng iniisip mo?" Ani Knight. "Wag mong sabihin na kakaiba ka sa kanila? Pare-pareho lang kayong mga lalaki. Iisa lang ang gusto. Makakita ng katawan ng babae, pagnanasaan. Gagawing parausan." Mapait na wika ni Lemon na ikinurap-kurap pa ang mga mata dahil sa mga nagbabadya na namang mga luha. "Wag mo akong ihalintulad sa kanila. Sa totoo, lumabas ako kanina, ng makita ko sa mga mata mo na ayaw mo ang ginagawa mo. Hindi ko alam, kung bakit ng makita kita, parang gusto na kitang hilahin pababa ng stage na iyon at balutin ng kumot ang katawan mo." Paliwanag pa ni Knight. "Talaga? Hindi ka ba nagagandahan sa katawan ko?" Tanong ni Lemon na napayuko na lang. "Sinong may sabing hindi? Napakaganda ng katawan mo. Pero ayaw kong makita ka sa ganoong estado. Hindi ko alam, kung bakit, pero? Bakit mo ba ginagawa ang trabahong paghuhubad? Gaano ka na katagal sa ganito?" Hindi mapigilang tanong ni Knight. Curious talaga siyang malaman kung ano ang dahilan ni Liway. Hindi naman maipaliwanag ni Knight kung bakit sa pakiramdam niya, panghihimasok na kay Liway ang pagtatanong niya. Pero hindi talaga niya mapigilan ang sarili. Isa pa, naiinis siya sa trabahong mayroon ito. "Kanina lang ako nagsimula. Bakit ko ginagawa ang trabahong ito? Mahabang kwento. Dati pangarap ko lang noon na maging masaya. Makakain ng sapat sa araw-araw. Higit sa lahat, sana may magmahal sa akin. Pero sa tingin mo? May magmamahal pa kaya sa akin, sa klase pa lang ng trabaho ko. Siguradong wala na." Nawawalang pag-asang wika ni Lemon, ng bigla siyang yakapin ni Knight. Hindi man inaasahan ni Lemon ang ginawa ni Knight sa kanya na pagyakap. Pero bigla na lang siyang nakaramdam ng kaginhawahan. "Wala namang masama sa ginagawa mo. Ang masama ang naglagay sayo sa ganyang sitwasyon. Ang isa pa ay ang mga taong nakapaligid sayo. Higit sa lahat syempre may magmamahal sayo. Lahat ng tao deserve mahalin." "Kahit ako? Kahit isang babaeng, naghuhubad sa harapan ng maraming lalaki at pinagnanasaan? Hindi man nakahawakan. Pero mahirap pa ding sikmurain ang mga nakita ko kanina. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Pero lalaban at lalaban pa rin ako. Pagkatapos ko dito. Gusto ko pa ring magbagong buhay." Wika ni Lemon na patuloy pa rin sa pag-iyak. "Bakit hindi ka umalis, madami namang maayos na trabaho." "Sana ganoon nga lang kadali ang lahat. Hindi ko naman ito gusto. Pero wala lang akong pagpipilian." Wika ni Lemon. "Pwede ko bang malaman kung paano ka napunta sa lugar na ito?" Tanong ni Knight. "Saka na lang ako magkukwento. Kabago-bago pa nating magkakilala. Isa pa." Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Lemon, bago tiningnan ang mukha ng lalaki na nasisinagan ng buwan. "Hindi ka ba nandidiri sa akin? Nakita mo naman siguro ang nangyari kanina di ba?" Tanong ni Lemon, na siyang pag-iling ni Knight. "Hindi. Hindi ko alam kung bakit ngayon gusto lang kitang yakapin. Gusto kong mawala ang kung ano mang hindi tama na nararamdaman mo." Sagot ni Knight. Na mas lalong nakapagpanatag sa kalooban ni Lemon. "Pwede ko bang alisin ang maskara mo?" Tanong ni Knight ng biglang magpipiglas si Lemon at itulak siya. "Bakit?" Naguguluhang tanong ni Knight. "Hindi pwede. Ito lang ang masasabi kong kaya kong itago. Iniisip ko pa ring makakaalis ako dito, at makakaharap ako sa tao, ng hindi hinuhusgahan. Ayaw kung makita nila ang itsura ako. Ayaw ko." Wika ni Lemon na bigla na naman tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Habang patuloy na umiiling. Hahawakan sana siya ni Knight ng palisin ni Lemon ang kamay niya. "Wag mo akong hahawakan. Pakiusap, iwan mo na ako dito." "Iiwan kita pag okay ka na. Tahan na. Ayaw kong makita kang umiiyak. Hindi ko alam kung bakit? Ang weird di ba? Ngayon pa lang kita nakita, pero ayaw kong nasasaktan ka." Wika ni Knight kaya naman napatingin si Lemon dito. Nagtataka din si Lemon sa pakiramdam na iyon. Ang weird, pero magaan ang loob niya sa lalaking ngayon pa lang niya nakilala. "Okay na ako. Umalis ka na." Marahang wika ni Lemon. Nahihiwagaan siyang talaga sa nararamdaman niya kay Knight. "Makikita ba ulit kina bukas?" Wala sa isip ni Lemon na itatanong iyon ni Knight sa kanya. "Please." Pakiusap pa ni Knight. "Panonoorin mo pa rin ba ako bukas Knight?" Tanong ni Lemon. "Kung pahihintulutan mo ako Liway. Kahit ayaw kong makita ka sa ganoong sitwasyon. Pupunta ako bukas ng gabi." Wika ni Knight na siyang pagtango ni Lemon. "Sayo lang ako titingin bukas, okay lang ba?" Nahihiyang tanong ni Lemon, ng mahawakan na ulit ni Knight ang mga kamay niya. "Pupunta ako bukas, pero sana masabi mo din sa akin ang dahilan mo, kung bakit ka nandito sa club na ito. Pwede kitang tulungan para makaalis ka dito." Wika ni Knight pero puro iling lang ang naging sagot ni Lemon. "Sapat na sa akin ang presensya mo. Sapat na sa akin na hindi ka nandidiri sa akin. Sa trabaho ko. Sapat na sa akin ang nauunawaan mo ako. Salamat." Wika ni Lemon ng tumunog ang cellphone ni Knight. Pagsagot niya ay si Paul na iyon at nag-aaya ng umuwi. "Okay Paul. Punta na ako sa kotse." Sagot na lang ni Knight sa kausap. "Paano ka?" Nag-aalalang tanong ni Knight kay Lemon. "Papasok na rin ako. Salamat sa oras. Paano itong coat mo?" "Sayo na iyan. Gamitin mo palagi, ng maalala mo ako. Wag mong kalilimutan ang pangalan ng nag-iisa mong kabalyero." Sagot ni Knight, na siyang nagpangiti ng totoo kay Lemon. Hindi man kayang ipaliwanag. Pero kakaiba ang nararamdaman ni Lemon. Masaya siya. Sobrang saya ng puso niya. "Pasok na ako." Wika ulit ni Lemon na siyang pagtango ni Knight. Hinintay na lang niyang makapasok si Lemon sa loob ng club. Bago niya hinayon ang daan patungo sa parking lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD