(Glimpse after Chapter 3)
Napabalikwas si Knight mula sa pagkakahiga ng maamoy niyang hindi siya pamilyar sa amoy kwartong kinalalagyan niya. Inilibot pa niya ang paningin sa paligid ng mapansing hindi niya kilala ang kwartong iyon.
Kahit lalaki siya, nandoon pa rin ang kaba sa kanyang puso. Akmang aalis siya ng kama, ng mapansin niya, wala siyang suot kahit isang saplot.
"What the hell? Ano bang nangyari sa akin kagabi?" Tanong niya sa sarili ng pagkuha niya sa kumot para itabon sa katawan ay nakita niya ang pulang mantsa ng dugo, sa kobre kama.
"What's the meaning of this?" Tanong niya, ng hahawakan na niya sana ang natuyong dugo ng dumaan sa balintataw niya ang imahe ng isang babaeng kasama niya sa kwartong iyon.
"Did I. Did I devirginize her? Fvck you Knight! Anong ginawa mo?" Hindi pa rin niya mapaniwalaang bulalas.
Napaupo pa si Knight sa kama habang inaalala kung paano siya nakarating sa lugar na iyon.
Flashback
Nasa labas lang si Knight ng club habang hinihintay ang kaibigang si Paul. Hanggang sa nakaramdam siya ng uhaw. Nang may makita siyang isang lalaking nakatambay lang sa labas ng club ay nakiusap siya kung pwede siya nitong ibili ng iced tea. Ayaw naman niyang pumasok kaagad at baka magkasalisi sila ni Paul.
Pagbalik nito ay dala na nito ang iced tea sa isang disposable cup na may takip.
"Thank you para dito." Nakangiti pang pasasalamat ni Knight.
"Sir sukli mo po."
"Keep the change." Sagot na lang niya, kaya naman nagulat ang lalaki.
"Sir, one hundred twenty lang iyang iced tea mo. One thousand itong iniabot mo. Masyado namang malaking keep the change ito." Natatawa pa si Knight sa lalaki.
"Ayos lang naman. Hindi naman ako ang nakipagsiksikan sa loob." Aniya.
"Thank you sir. Malaking tulong ito sa akin. Pandagdag pong pambili ng pagkain." Pasalamat pa ng lalaki.
"Your welcome." Sagot na lang ni Knight.
Mauubos na niya ang laman ng cup. Ng medyo nag-iiba ang pakiramdam niya. Mainit, na may gustong kumawala. Ang mensahe na dapat ipapadala niya kay Paul ay hindi na niya napadala, ng biglang may magpiring sa kanya. Hindi pa nakuntento ang mga ito at itinali na rin ang kanyang mga kamay, nilagyan din siya ng panyo sa bibig. Higit sa lahat ay may inilagay pang headset sa kanya. Para siguro wala siyang marinig na pag-uusap.
Gusto man niyang makawala, pero malakas ang pagkakahawak ng mga ito sa kanya habang nagpupumiglas siya lalong humihigpit ang hawak sa kanya. Dinala siya ng mga lalaki sa kawartong hindi niya alam. Hanggang sa maramdaman na lang niya na may kasama siya. Ang sakit at ang mainit na pakiramdam na kanyang nadarama ay napapawi pag dumadampi ang balat ng babaeng kasama niya sa kwartong iyon. Hanggang sa siya na ang unang humalik dito at humingi siya ng tawad. Dahil kung hindi niya iyong gagawin. Hindi niya alam kung paano mawawala ang sobrang sakit na pakiramdam na kanyang nadarama.
End of flashback
Napasabunot naman si Knight sa kanyang buhok ng maalala ang kabuoan ng nangyari sa kanya. Hindi niya tuloy malaman kung paano hihingi ng tawad sa babaeng nagawan niya ng hindi maganda. Alam niyang hindi gusto ng babae ang bagay na ginawa nila. Pero sa puso niya, hindi siya nagsisising nakasama niya ang babaeng iyon sa mainit na sandali.
"Weird." Nasambit na lang niya, ng hanapin niya ang mga damit niyang nagkalat pala sa sahig.
Isa-isa niya iyong pinulot at isinuot. Hanggang sa ibobotones na niya ang polo niya ng mahagip ng mata niya ang isang bracelet na nakasabit doon. Napaupo siyang muli at pinagmasdan ang bagay na iyon. Sa huli ay minabuti niya iyong itago.
****
Mula ng gabing iyon, inabala ni Knight ang sarili sa kanyang bar. Hindi siya gaanong naglalalabas. Minsan pag may oras ay dumadalaw siya sa bahay ni Matthew. Masaya siya kahit papaano maayos na ang buhay ng kapatid niya. Kasal na ito sa kaibigan niya na si Thalia. Kapatid niya si Matthew sa ama. No hard feelings. Dahil bago pa siya naging anak ng daddy niya. Nawawalang anak na pala ng daddy niya si Matthew na bali ngayon ay kuya niya. (DESTINY- story nina Matthew Rey (Mondragon) Escobar and Maria Thalia Buenaventura).
Kahit sabihing nagpapakabusy siya, hindi mawala sa isipan niya ang babaeng nakasama niya. Kung iyong babaeng nakilala nga niya iyon. Pero hindi naman siya pwedeng magkamali sa naiwan nito, noong gabing iyon.
Kung tutuusin hinanap niya ito kung saan niya ito unang nakita. Pero bigo siya. Sa katunayan nagpatulong din siya sa isang imbestigador. Pero paano niya, mabibigay ang buong detalye, kung mata lang ng babaeng iyon ang natatandaan niya. Kaya niyang makilala ang babaeng iyon pagnakita niya ang buong mukha. Pero hindi niya kayang madescribe ang itsura nito kung basta lang siya tatanungin. Ang nasabi lang niya ay maganda ito. Kaya naman wala ding nangyari sa pagpapahanap niya. Hanggang sa lumipas na rin ang ilang buwan.
Habang busy sa mga pinipirmahan, ay nakarinig ng ilang katok sa pintuan si Knight. Tumigil muna siya sa ginagawa at hinarap ang babaeng pumasok sa opisina niya.
"Boss, nandyan po si Sir Paul." Wika ni Ms. Eliza.
"Aayain daw po kayong mag club." Natatawa pang wika nito, kaya naman napahilot na lang din siya sa ulo.
"Ano bang kalokohan niyang si Paul kaya na lang ako napapahamak eh." Hindi niya napigilang bulalas ng pumasok na ang kaibigan.
"Ako na bahala dito Eliza." Wika ni Paul ng magpaalam si Ms. Eliza sa kanila.
"Ano naman Paul ang problema mo? Ngayon pa lang sumasagot na ako ng ayoko. For pete sake Paul! May-ari ako ng bar, tapos pupunta lang ako sa mga club! Anong gagawin ko doon? Girl hunting!? Tss." Inis niyang wika kay Paul ng siyang pagbuhanglit nito ng tawa.
"Bingo!" Malakas pa nitong bulalas.
"Boring kasi itong club mo. Paano ka makakahanap ng babaeng mapapangasawa kung itong bar mo, kulang na lang magmadre ang mga waitress. Black pants at t-shirt? Ang mga banda na kumakanta naka dress code. Lalo na sa babae. Basta braso lang dapat ang makikita. At sa paa. Literal na paa. Aba'y dapat ay hanggang baba ng tuhod ang haba eh." Naiimposiblehang wika ni Paul.
"Pakialam mo ba? Tingnan mo naman ang dami kayang mayayaman ang pumupunta. Kasama pa ang mga asawa nila. Minsan mga babae pa ang nag-aaya para magtungo dito. See, napakaganda ng pamamalakad ko dito." Pagmamalaki pa ni Knight kaya naiiling na lang si Paul.
"Basta tapusin mo na iyan, punta tayo sa club. Maganda doon promise. Makakita ka man lang ng magagandang katawan." Hindi pa ring nawawalang pag-asa na pamimilit ni Paul, ng mapansin ang isang bracelet na nakalagay sa transparent box, na wari mo ay isang display.
"Ano 'to? Lagot na iniingatan mo pa? As if naman hindi ka makakabili nito." Puna ni Paul ng hahawakan sana nito ang box ng hampasin ni Knight ang kamay nito.
"Sasama na ako, wag mo lang pakialaman yan. Tara na." Wika ni Knight na saka naman naupo sa visitors chair si Paul.
"Ano na naman at ngayon ka pa naupo? Tayo na nga kasi eh." Reklamo naman ni Knight habang higit-higit ang kaibigan.
"Kanino ba iyong bracelet na iyon. Patid na nga hindi pa itapon. May special treatment?" Panunudyo pa ni Paul pero hindi naman bumenta kay Knight.
"Sasamahan kita ngayon sa club, or hindi na lang ako sasama. Kahit magtanong ka pa, wala akong sasabihin. Isa lang ang masasabi ko. Nakuha ko yan sa club kung saan, pinapunta mo ako at hindi sinipot. Happy? Ano gusto mo. Sasama ako sayo, o palalayasin na kita?" Naiinis na wika ni Knight na ikina-peace sign ni Paul.
"Wala naman akong interest doon, sa bracelet. Ikaw naman nagbibiro lang ako. Tara na." Natatawang wika ni Paul kaya naman napailing na lang din siya.
Nasa dalawang oras din ang byahe nila bago sila nakararing sa club na sinasabi ni Paul. Maganda ang labas ng club na iyon at masasabi niyang hindi basta-basta. Mas malaki pa nga kung tutuusin sa bar na pagmamay-ari niya. Nakita niya kaagad ang malaki pangalan ng club.
"CLUB SOLTERIA." Basa ni Knight, bago siya tuluyang hinila ni Paul papasok sa loob.
Napakaraming tao, halatang mga mayayaman, mayroon ding mga kilala sa lipunan. Hindi man niya kilala, pero nakikita niya minsan sa internet.
Halos mapahilot naman ng noo si Knight ng makita ang suot ng mga babaeng dumaan sa kanilang harapan. Napansin pa niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Paul.
"Babaerong talaga." Bulong ni Knight pero dinig naman ni Paul.
"Kay sa naman katulad mo. Magpapari ka ba?" Nakangising tanong nito.
"Baliw." Sagot na lang niya.
Humanap naman si Paul ng magandang pwesto. Malayo sila sa stage, dahil may space doon na hindi niya alam kung para saan. Pero sa table na inuukupa nila, kitang-kita nila ang mangyayari sa stage mamaya. Hindi alam ni Knight kung anong performance ang mayroon sa stage, basta maganda ang ayos noon. Maraming bulaklak at maliliit na ilaw.
Ilang sandali pa ay may lumapit na waiter sa kanila at kinuha ang order nila. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik ito dala ang mga alak na inorder ni Paul.
Habang umiinom ay pumalibot na sa kanila ang ilang mga kababaihan na may kakarampot na damit. May number ang mga ito. Halos mag-unahan naman ang ibang mga lalaki sa numero ng mga babaeng nakapalibot, iilan na lang ang mga babaeng may numero na nakatayo sa gilid at ang iba ay kasama na sa table ng mga customer doon ay saka naman, pumailanlang ang isang malamyos na musika. Isa-isang lumabas sa stage ang mga babaeng, kala mo ay mga modelo ang katawan. Halos parang two piece lang ang suot at may nakalagay na halos singlapad lang ng panyo sa may baywang. Nakasuot din ang mga ito ng kalahating maskara, na ang kulay ay batay sa kulay na suot ng mga ito. Pula, berde, asul at dilaw. Nakikita ang parteng ilong pisngi, pababa sa labi. Pero sa itaas na parte, ay mata lang ang nakikita. Apat na babaeng sumasayaw sa saliw ng malamyos na musika.
Nakikita ni Knight na magaganda ang babae kahit may takip sa parte ng may mata. Isa lang ang hindi niya maipaliwanag. Ang biglaang pagbilis ng pagtibok ng puso niya, ng makita niya ang babaeng nakasuot ng kulay pulang maskara.
Ilang sandali pa at hindi niya inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Isa, isang inalis ng mga babae ang suot nitong parang panyo sa baywang, Halos mapuno ng sigawan ang buong club.
Lace panty at manipis na bra, na lang ang natitirang nakatabon sa katawan ng mga babae sa stage.
"More.. more.." Paulit-ulit na sigaw ng mga lalaki na sa tingin ni Knight ay mga hayok sa sariwang laman.
"Anong nangyari Paul!?" Sita ni Knight sa kaibigan.
"Iyong mga babaeng may number, mga babaeng bayaran. Pero ang apat na nasa stage, mga stripper yan." Baliwalang sagot ni Paul habang hindi inaalis ang tingin sa mga babaeng nasa stage.
"What!"
"Ang oa mo. Kita mo ngang isa-isa ng nag-aalis ng damit. Just enjoy the moment. Makakita ka man lang ng magandang katawan. Ang virgin kasi ng mata mo." Sagot pa ni Paul.
Hindi mawaglit ni Knight ang tingin sa babaeng naka suot ng kulay pula. Hindi niya malaman ang dahilan pero parang gusto niya itong hilahin paalis ng stage.
Halos mahabol naman ni Knight ang hininga ng habang sumasayaw ang mga ito, ay ang bra na ang alisin ng mga ito. Kitang-kita niya sa babaeng nakapula na ayaw nito ang ginagawa. Pero ginagawa pa rin nito ang pagkakalas ng tali, hanggang sa maalis na iyon ng tuluyan. Isang braso na lang ang tumatabon sa dibdib ng mga ito. Habang ang isa ay sumusunod pa rin sa saliw ng malamyos na musika, at sumusunod ang mga baywang sa bawat pagkumpas nito.
Ilang sandali pa ay may ilang mga lalaki na ang nagtungo doon sa harapan ng stage. Hindi naman lumalampas ang mga ito sa harang ay kitang-kita ni Knight ang mga pagnanasa sa kilos ng mga ito.
Naghagis ang mga ito ng ilang libo sa harap ng mga babaeng hubad na sumasayaw.
"One hundred thousand, bet ko iyong nakapula. Dito sa harapan ko!" Sigaw ng isang may edad na lalaki.
Kita naman ni Knight ang pag-iling ng babaeng nakapula. Pero, walang magagawang inalalayan pa rin ito ng tatlong babaeng kasama.
Hanggang sa hindi niya inasahan ang sunod na nangyari. Ibinaba ng lalaki ang zipper ng suot nitong pantalon at inilabas ang p*********i nito. Habang nakatingin sa babae na, nakapulang lace panty na lang ang suot, ay siyang paghawak ng lalaki sa maselang parte niya. Pinapaligaya ng lalaki ang sarili habang nakatingin sa babae.
Kitang-kita ni Knight ang mga luhang pumapatak sa mga mata ng babae. Pero sa tingin niya wala itong choice kundi gawin ang pagsayaw sa harapan ng lalaki.
"Five hundred thousand. Alisin mo iyang kamay mo sa dibdib mo." Sigaw ng lalaki, pero kitang-kita ni Knight ang pag-iling ng babae.
Gusto mang, pigilan ni Knight ang nangyayari pero hinawakan siya ni Paul ng makatayo siya. Kitang-kita niya ang pag-iling ng kaibigan.
"Mababan ka sa club na ito paggumawa ka ng gulo. Ganoon talaga ang buhay. Hindi naman sila mahahawakan ng matandang iyon or kahit na sinong lalaki." Paliwanag ni Paul.
"Pero nakikita mo naman na ayaw nung babae ang ginagawa niya!" Singhal ni Knight dito.
"Hindi natin alam ang mga rason nila. Pero kaya sila nasa sitwasyon na iyan. Hindi man nila ginusto, o ginusto man nila, ay dahil sa wala silang choice. Wala silang pagpipilian. Kaya you only do is, just enjoy the night, Knight." Wika na lang ni Paul kaya naupo na lang siyang muli.
"Ganoon ba sila kahayok? Babayad sila ng malaki para makakita lang ng hubad na katawan!?" Inis na wika ni Knight.
"Ganoon talaga. Mas mahal pa ang presyo ng mga stripper na iyan, kaysa doon sa mga may numero. Mahalaga, hindi sila mahahawakan." Paliwanag ni Paul.
Napatingin na lang muli si Knight sa stage. Hindi niya, alam ang nangyari, pero nakita na lang niya, na inalis ng babaeng nakapula ang kamay nitong nakatabon sa dibdib. Habang patuloy pa ring sumasayaw, kahit kitang-kita na ang mga luha sa pisngi nito. Ang iba namang babae ay nasa unahan na rin at sumasayaw na rin na walang nakatabon sa dibdib sa harap ng mga lalaking pinapaligaya ang mga sarili habang nakatingin sa mga katawan ng mga babaeng nakahayin sa mga ito.
Ilang sandali pa ay napukaw ang atensyon nila ng may isang babaeng lumapit sa kanila.
"Ride me? Or I ride you?" Tanong ng babae na nakatingin kay Knight. Hindi naman siya inosente kaya naman alam niya ang ibig sabihin nun.
"Pass." Tipid niyang sagot.
"Ayaw miss." Sagot ni Paul.
"Ay ikaw? I'm clean. Sinisigurado ko sayo." Wika ng babae sabay tayo ni Paul.
"Hintayin mo ako ha. Wala akong dalang kotse. Kaya wag mo akong iiwan." Wika pa ni Paul at inakbayan na ang babae.
"Mag-ingat ka." Iyon na lang ang nasabi ni Knight, dahil para siyang kandila na nauupos sa kanyang mga nakikita.
Napatingin siyang muli sa stage, sa mata ng babaeng nakapula. Pagmamakaawa iyon ang nakita niya sa mga mata nito. Habang ang lalaki sa harap nito ay sobrang nag-eenjoy sa ginagawa sa sarili.
Hindi na niya kinaya ang tagpong iyon. Kaya napilitan siyang lumabas at tinungo ang madilim na parte ng labas ng club, para mailabas ang kinikimkim na galit. Para sa mga lalaking hayok sa laman at walang awang pagsira sa inosenteng isipan ng mga kababaihan.