Ng makalabas ng ospital, ay doon muna, dinala ni Knight si Lemon sa kanyang bar. Kung baga, kumpleto naman kasi ang opisina niya. Para na rin iyong maliit na bahay. May kwarto at sariling banyo. Kung titingnan nga, siya lang ang mayaman na walang sariling bahay.
"Sayo ang bar na ito?" May gulat sa tanong ni Lemon ng makapasok sila sa opisina ng bar ni Knight.
"Yes, bakit? May problema ba? Ayaw mo ba dito? Pwede naman muna kitang ihanap ng apartment kung saan ka komportable. Okay pa rin sa akin iyong nararamdaman mo, kung ayaw mo dito." Paliwanag ni Knight. Ayaw kasi niyang mahihirapan si Lemon. Sa opisina naman kasi niya. Walang ibang nakakapasok kundi si Paul at si Eliza. Isama pa ang waitress minsan na inuutusan niya or ni Eliza. Bukod doon wala na.
"Hindi ayos lang ako. Sa totoo ngayon lang ako nakapasok dito sa tagal ng panahon ng pagtatrabaho ko dito." Pahayag ni Lemon na gulat namang ikinatingin ni Knight dito.
"What do you mean? Ibig kung sabihin anong sinasabi mo? Anong ibig sabihin ng sinasabi mo?" Halos paulit-ulit na tanong ni Knight kaya naman natawa si Lemon.
"Relax, ang dami mo namang tanong iisa lang naman ang ibig sabihin. Noong fourteen pa lang ako nakapagtrabaho na ako dito." Aniya.
"Wait? Fourteen ka pa lang noong nagtrabaho ka dito? Sinong tumanggap sayo? Bakit hindi kita nakita? Bakit hindi man lang kita nakilala?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Knight.
Tinitigan niya ng mabuti si Lemon mula ulo hanggang paa, tapos ay pabalik.
"Iyong totoo, ilang taon ka na ngayon?" Halos mapabuga ng hangin si Knight sa tanong iyang iyon kay Lemon.
"Twenty one." Tipid nitong sagot, na siyang ikinagulat naman talaga ni Knight.
"Wait! What!? Seriously!?" Tanong ni Knight. Na sinagot lang ni Lemon ng pagkatango.
Halos manlambot naman si Knight sa nalaman niya. Twenty one years old lang si Lemon, habang siya ay twenty eight. Pitong taon ang tanda niya sa dalaga. At nagtrabaho ito sa bar niya, noon ng hindi man lang niya nakita? Nagbuntis ito at nakunan sa napakabatang edad. Wtf!
"Bakit hindi kita nakita noon? Sinong nagpasok sayo dito?" Nanlalambot pa ring tanong ni Knight ng makarinig siya ng katok sa labas ng pintuan. Matapos niyang sabihan na pumasok ang nasa labas ay binuksan na nito ang pintuan.
Pumasok si Eliza na may dalang pagkain. Wala na itong kasamang waitress ayon sa utos niya. Nagulat pa ito ng makita ang babaeng katabi niyang nakaupo sa sofa.
Pagkababa ng pagkain sa tray, sa center table ay saka lang bumalik ang tingin nito kay Lemon.
"Ms. Eliza." Bigkas ni Lemon ng mapaluha naman si Eliza at nakalimutan yata ng dalawang babae na nandoon siya.
"Lemon! Lemon ikaw nga! Ang tagal mong nawala. Babalik ka na dito? Dito ka na ulit magtatrabaho? Sure na matutuwa si Mara at ang iba pa pag nakita ka nila." Bulalas ni Eliza na naiyak pang talaga, ng mayakap si Lemon. Ngayon may idea na si Knight kung paano nakapasok si Lemon sa bar niya ng hindi niya nalalaman.
"Ms. Eliza namiss kita. Ms. Eliza." Umiiyak na sambit ni Lemon, at pinanood lang ni Knight ang dalawa.
Matapos ang ilang minutong iyakan ay isang tikhim ang nagpabitaw sa dalawang babaeng magkayakap.
"Sir Knight!" Gulat na banggit ni Eliza sa pangalan niya.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Knight na sabay umiling ang dalawang babae. Napatawa na lang si Knight sa sagot ng dalawa.
"Nagtanong pa nga ako. Kitang-kita na nga ang ibidensya. So by the way, paano kayo nagkakilala?"
"Hindi po kami magkakilala!/ Hindi ko siya kilala." Sabay na sagot ni Eliza at Lemon.
Nagkatinginan naman ang dalawang ng biglang may maalala.
Flashback
"Itatago kita sa boss ko, pagnandito siya. Mabait iyon, pero syempre mahirap na baka mawalan ako ng trabaho pag nalaman niyang nagpasok ako dito ng waitress na minor pa lang. Pero ipapakilala din kita pag hindi ka na menor. Bilisan mong tumanda ha." Biro pa ni Eliza kay Lemon.
"Promise po Ms. Eliza, mag-iingat po ako. Pag alam ko pong nandyan ang boss, magtatago na po ako doon sa may cabinet. Malaki naman po iyong space sa may bar counter at walang laman. Sabi po ni kuya bartender, wala ng nilalagay doon kasi pinalagyan ng boss iyong itaas ng lalagyan ng mga baso at alak kaya bakante na ang ilalim na cabinet." Paliwanag naman ni Lemon.
"Buhayin mo na lang ang ilaw doon sa loob ng cabinet ha. Tapos wag mong ilalapat ng sobra ang pintuan ng cabinet para may pumasok na hangin okay?"
"Opo Ms. Eliza. Salamat po sa pagtanggap sa akin dito. Wala na po talaga akong mapupuntahan. Salamat po sa kabutihan ninyo sa akin. Pagbubutihin ko din po ang trabaho ko." Ani Lemon, na nakangiti sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.
Hindi na niya kailangang mamalimos sa kalsada, para lang may makain. Nagkaroon na siya ng maayos na trabaho, at sabi pa ni Ms. Eliza, libre ang pagkain nila na labis niyang ikinatuwa.
End of flashback
"Sure na kayong dalawa sa sagot ninyo?" Mapanuring tanong ni Knight ng tingnan nitong mabuti si Lemon.
"Base sa reaksyon ninyo kanina, close kayo. Ngayon tinatanggi ninyo na magkakilala kayo. Nabanggit pa si Mara. Tatanggi pa rin kayo? Paano kong alisin ko sa trabaho niya si Eliza?" Tanong ni Knight kay Lemon. Kitang-kita ni Knight ang panlalaki ng mata ni Lemon sa gulat. Wala naman siyang balak alisin si Eliza sa trabaho. Gusto lang talaga niyang malaman ang dahilan bakit hindi niya nalaman na nagtrabaho si Lemon sa bar niya.
"Wag mo yang gagawin. Di ba nasabi ko na sayo dati na nagtrabaho ako sa bar, kahit fourteen pa lang ako. Dito iyon, tapos sabi ko sayo kasi naawa sa akin ang manager kaya, ayon nakapagtrabaho ako." Panimula ni Lemon, at nakwento na niya lahat kay Knight ang buong pangyayari.
Si Eliza naman ay halos maiyak, dahil sa takot sa sinabi ng boss niya. Alam namang mali siya, pero sobrang naaawa lang talaga siya kay Lemon noon. Kung mawawalan siya ng trabaho, ay wala naman siyang magagawa iyon ang kapalaran niya. Masaya pa rin naman siyang nakapagtrabaho sa bar nito. Mula noong bagong bukas pa lang ang bar ng boss niya.
Matapos magkwento ni Lemon ay si Eliza naman ang naglakas loob na magsalita.
"Boss sorry kung naglihim ako sayo noon. Sobra lang akong naawa sa batang iyan. Mahirap lang ang pamilya namin, pero hindi ko naranasang mamuhay ng mag-isa sa kalsada at mamalimos. Hindi ko naranasan ang hindi kumain ng ilang araw. Dahil kahit tinapay, or mga saging, kamote, may nahahayin ang mga magulang ko sa hapag. Kaya ng nakwento ni Lemon ang paghihirap niya, kahit alam kung mali, tinanggap ko siya dito ng walang pahintulot mo. Lalo na at bilang lang naman ng empleyado ang kinukuha mo para sa pasweldo at hindi mga pangalan. Kaya naman naihabol ko si Lemon. Last day ko na po ba? Kung ano man. Thank you pa rin boss sa kabaitan mo sa akin." Naluluhang wika ni Eliza. Pero halata naman ang pagpipigil ng pag-iyak.
"Nagtanong lang ako. Biro lang iyong kanina. Gusto ko lang talagang malaman. Kasi naging mabait kayong lahat kay Lemon, dagdagan natin ang sahod ninyo, simula ngayon. Mas okay sa akin ang ugali. Masaya akong mapagpakumbaba kayong lahat. Kaya back to work malapit na tayong magbukas." Pahayag ni Knight na hindi malaman ni Eliza kung paano magpapasalamat sa boss.
"Masaya na akong mapasaya kayo." Wika na lang ni Knight.
"Thank you boss, babalik na ako sa labas." Paalam ni Eliza at lumabas na.
"Kumain ka muna." Baling naman ni Knight kay Lemon. "Dito ka lang sa loob, alam mong bar ito at madaming lalaki sa labas. Ayaw kung matatakot ka ulit kaya naman dito ka lang sa loob. Walang ibang pumapasok dito. Kung gusto mong magpahinga, matulog ka na doon sa kwarto. Wag kang mag-alala. Dalawa na ang kama doon kaya naman, pili ka na lang kung saan ka mahihiga. Nakaayos na rin ang gamit mo sa cabinet. Galing iyon sa club. Pero nandoon din ang mga damit ko kung gusto mo ng t-shirt okay. Kumain ka na. Bibisita lang ako sa labas." Bilin ni Knight kay Lemon at hinalikan muna siya nito sa noo, bago siya iwan at hinayon ang pintuan.
Napahabol na lang ng tingin si Lemon sa nakasaradong pintuan. "Hindi ba niya napapansin na nasasanay na siyang halikan ako sa noo? Pakiramdam ko, ngayon pa lang talaga ako nakakaramdam na sa kabila ng lahat ng hirap at pasakit, may taong igagalang at igagalang pa rin ako bilang isang babae. Kahit hindi na ako malinis tulad ng iba." Wika ni Lemon sa sarili at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.
Kinabukasan ay maagang nagising si Lemon. Nakita niyang natutulog pa rin si Knight sa kabilang kama. Hindi talaga niya malaman kung bakit ganoon siyang kakomportable sa piling ni Knight. Lalaki ito, pero hindi siya nakakaramdam ng takot. Dahil maagap pa naman at alam niyang walang tao sa loob ng bar, na kahit sina Ms. Eliza ay wala na doon ay nagpasya siyang lumabas.
Nagtungo siya sa kusina ng bar at naghanap ng kape. Alam naman niya ang pwesto noon, lalo na at matagal din siyang nagtrabaho sa bar na iyon.
"Hindi naman siguro magagalit si Knight kung mauuna na akong magkape di ba? Parang namiss kong magkape. Sa tagal ko sa ospital, hindi man lang ako pinagkape ni Knight." Wika ni Lemon sa sarili at naglagay ng kape sa coffeemaker.
Nakatingin lang si Lemon sa coffeemaker hanggang sa matapos ito sa ginagawa, hanggang na maging okay na ang kanyang kape.
Cappuccino iyon, kasi iyon lang ang available na nakita niya. Napapikit pa siya, kasi para sa kanya, iba pa rin ang sarap ng kape. Kape na nasa sachet na tinitipid niya noon ang karamay niya, pag wala siyang ulam sa bahaw na kanin, na nahingi pa niya sa mga karinderya. Pero ngayon, level up ang kape niya. Kinuha lang niya sa kusina ng bar ni Knight.
Habang humihigop ng kape, ay hindi napansin ni Lemon ang pagpasok ng isang babae sa may kusina ng bar. Kaya naman nagulat si Lemon, ng makita ito. Tinitigan niyang mabuti ang babae, maganda ito masasabi niyang may pinag-aralan. Habang siya, wala man lang sa kalingkingan nito.
"Si Yelong Kabalyero nasaan?" Halos pasigaw nitong tanong. Hindi naman malaman ni Lemon, kung bakit bigla siyang nakaramdam ng kung ano sa puso niya, sa pagkakabanggit nito ng yelong kabalyero. Alam niyang si Knight ang tinutukoy nito. Pero hindi niya maiwasang makaramdam ng panliliit sa sarili.
"Na-nasa kwarto niya sa opisina niya." Sagot ni Lemon, ng akmang tatalikod ang babae ng bumalik ito at balingan siya.
"Ikaw iyong, naospital? Ikaw iyong binantayan ni yelong kabalyero sa ospital?" Tanong ng babae, na siyang pagtango ni Lemon. Naibaba naman agad ni Lemon sa counter ang mug ng kanyang kape ng bigla siyang takbuhin ng babae.
"Waaaahhhhh!!!" Malakas niton sigaw na ikinagulat ni Lemon. "Hala ang ganda mo! Hindi ka naman pinilit ni kabalyero na sumama sa kanya? Hindi ka naman bina-blackmail ni kabalyero? Grabe ang ganda mo talaga!!!" Sigaw muli ng babae, at muling niyakap si Lemon.
Si Lemon naman ay nagtataka sa babaeng kanina pang sigaw ng sigaw, na wari mo ay natutuwa ng makita siya. Hindi na lang siya nakapagsalita ng lumabas si Knight mula sa kwarto ng naka pajama ng asul at naka puting t-shirt at magulong magulo ang buhok. Kasabay naman ng pagpasok ng isa pang lalaki na hindi kilala ni Lemon mula naman iyon sa labas.
"Anong nangyayari? Nagulat ako sa kasisigaw! Thalia?" Gulat na tanong ni Knight ng bitawan ni Thalia si Lemon at siya naman ang yakapin nito na may kasamang sabunot.
"Ang lihim mong yelong kabalyero ka. May tinatago ka na palang babae. Waaaahhh. I'm so happy for you bestfriend." Tawang-tawang wika ni Thalia habang nakatingin lang si Lemon sa kanila.
"Kuya, kunin mo na itong asawa mo. Nagkamali yata ako ng bestfriend, nananakit na eh." Reklamo ni Knight na tinatawanan lang ni Matthew ang dalawa.
Nakahinga naman ng maluwag si Lemon ng mapag-alamang ang babae ay asawa noong lalaking tinawag ni Knight na kuya. Hindi naman siya nakaramdam ng takot sa lalaki. Lalo na at malayo naman ito sa kanya.
Bumitaw din naman si Thalia sa pagkakasabunot kay Knight at lumapit sa asawa.
"Ang lihim ni kabalyero. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Matthew. Nakakapagtampo kang yelo ka." Rekalamo ni Thalia dito.
"Kayo lang namang mag-asawa ang sobrang aga. Kalalabas lang ni Lemon sa ospital. Ang isa pa, balak ko sanang dumalaw sa bahay ninyo mamaya, at doon na kami mag stay muna. Tapos ako pa ang malihim." Reklamo ni Knight kay Thalia.
"Ganoon ba? Naexcite ako, na may babae ka ng pinagkakaabalahan eh. Akala ko kasi tatanda ka ng binata. Kawawa naman si Daddy Marcus, pagnagkataon." Biro pa ni Thalia, na iiling-iling lang si Knight.
Ipinakilala naman ni Knight ang mag-asawa kay Lemon. Pero kahit si Matthew ay hindi makalapit kay Lemon. Nagkakaroon pa rin kasi ito ng takot kahit sabihing safe ito kay Matthew. Kaya naman para mapatingnan at mapagamot si Lemon. Si Thalia naman ang kinausap ni Knight para mapaliwanag kay Lemon ng maayos kung bakit need nitong magpakonsulta sa psychiatrist.
"Sure gagawin ko. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Ang bata pa niya para danasin ang lahat ng iyon." Malungkot na wika ni Thalia. Wala na doon si Lemon at nasa loob na ulit ng kwarto ni Knight para magpahinga, matapos nilang kumain. Sila na lang tatlo nina Matthew ang nasa bar.
"Hindi ko akalaing may mga ganoong tao. Daig pa nilang walang kinilalang magulang, kapatid na babae o ano man. Ako na ang bahala doon sa Aster Salvador na iyon. Pagbabayaran niya ng malaki, ang ginawa niya sa Lemon mo. Magfocus ka na lang kay Lemon mo. Sa nga pala sabi mo nga, sorry for the word. Pinagsamantalahan siya noong Aster. Hindi ba nagbago ang tingin mo sa kanya?" Seryosong tanong ni Matthew sa kapatid.
"Hindi. At walang magbabago sa pagtingin ko sa kanya. Hindi niya ginusto ang lahat ng nangyari sa kanya. Lalo na ng mawala ang anak ko." Seryosong wika ni Knight, na nakakaramdam na naman ng galit ngayon, at pangungulila. Tinapik naman ni Thalia si Knight sa balikat para kumalma.
"Ito naman, tanong lang, seryoso ka na ba sa Lemon mo? Kasi napakahirap na sa bandang huli, mabibigo din pala sayo iyong tao. Dobleng sakit noon Knight. Pinapaalala ko lang."
"Syempre seryoso ako sa kanya na aalagaan ko siya at babantayan. Basta ayaw ko siyang masasaktan, ayaw kong makikita siyang umiiyak. Gusto ko, kung hindi ko siya nakikita sure akong safe siya. Ganoon ang nararamdaman ko kuya." Sagot ni Knight ng matawa si Thalia.
"Baby." Maikling saad nito kaya naman natawa si Matthew.
"Tama ka diyan." Sang-ayon naman ni Matthew sa sinabi ng asawa.
"Hindi ko kayo maintindihan?"
"Wag mo kaming intindihin, basta kapain mo iyang sinasabi ng puso mo. At siguraduhin mo kung ano yan. Matanda ka na Knight, para hindi malaman kung ano yang nararamdaman mo. Wala sa haba ng pagsasama para maramdaman mo ang pagmamahal. Kasi sabi nga sa isang sulyap pa lang, malalaman mong nagmamahal ka na. Kaya nga nagkakaroon ng love at first sight. Kaya pakibilisan ang pagkapa. Baka paggumaling na ang Lemon mo, may iba palang nakaaligid dito." Wika ni Matthew na biglang nagserysoso si Knight.
"Hindi ko hahayaang makuha siya sa akin ng iba."
"Sabi mo eh." Sabay pang wika ng dalawa at tinawanan si Knight.
Doon din ay nagplano sila, na maghanap ng babaeng doktor, para mapakonsulta si Lemon, at nagpaplano din naman si Thalia para makausap ng maayos si Lemon ng hindi ito mao-offend para mapapayag nila sa pagpapagamot ng tuluyan na itong gumaling.