Chapter 17

2485 Words
Nakatulog muli si Lemon dala ng pag-iyak. Tahimik namang nakaupo sa sofa nandoon sa kwartong iyon ang tatlong kaibigan ni Lemon. "Sorry, hindi namin sinasadyang makinig. Pero pagbukas namin ng pinto. Hindi na namin nagawang isara muli. Hindi namin inaasahan na ganoon ang pinagdaanan ni Lemon. Wag kang magtataka, na alam naming Lemon Kiwi talaga ang pangalan niya." Wika ni Monica na nakatingin sa natutulog na si Lemon. "Walang problema, sana wag magbago ang tingin ninyo sa kaibigan ninyo. May kasalanan din ako. Kung hindi ako nakatulog ng gabing iyon, hindi ko na siya hahayaang makaalis sa poder ko. Kahit hindi ko pa siya kilala. Hindi ko sinasadya na mangyari sa aming ang bagay na iyon. Pero masasabi kong hindi ko pinagsisihan. Ang pinagsisisihan ko ay malamang ganito ang nangyari sa kanya, matapos ang gabing iyon. Isa kong pinanghihinayangan, may anak na pala sana kaming lumalaki ngayon sa sinapupunan niya. Pero dahil sa ginawa ng lalaking iyon, napahamak si Lemon, at nawala ang anak ko. Kaya pagbabayarin ko siya ng mahal." Nakakuyom ang kamao, habang nag-aapoy sa galit. Iyan ang nararamdaman ni Knight sa mga oras na iyon. "Anong plano mo sa kaibigan namin?" Si Lady. "Wala akong ibang gusto kundi ang ialis siya sa club. Ako ang mag-aalaga sa kanya." Aniya. "Pero hindi siya papayagan ni madam na basta umalis. Siya ang ipinambayad ng ex niya. Kaya kahit nahihirapan siya, ginagawa niya ang lahat para lang makaipon at makaalis sa club ni madam." Pahayag ni Mona. "Babayaran ko ang utang na iyon, makaalis lang si Lemon sa club. Ayaw kong danasin niyang muli ang lahat ng paghihirap na naranasan niya noon." Ani Knight na seryosong nakatingin sa tatlo. "Bakit mo ginagawa ito sa kaibigan namin? Oo nga at mukha kang mabait, pero bakit ganoon na lang ang concern mo sa kanya? Kahit mabait ka, ayaw naming masasaktan muli si Lemon." Wika ni Monica. "Magtiwala kayo sa akin. Hindi ko pababayaan ang kaibigan ninyo. Hindi ko pa sigurado, pero gusto ko siyang alagaan, at pangako hindi ko siya sasaktan." Paliwanag pa ni Knight sa tatlo. "Kung ganoon, magtitiwala kami sayo. Sana nga, at sana talaga, alagaan mo si Lemon." Wika ni Monica. Nagpaalam muna si Knight sa tatlo, at may importante lang siyang gagawin. "Kayo na muna ang bahala kay Lemon, may gagawin lang ako." Tumango na lang ang tatlo. Dahil balak talaga nilang magstay sa ospital, para bantayan si Lemon. Kinilig pa sila ng makita nilang, hinalikan ni Knight si Lemon sa noo. Pagkalabas ng pintuan ay halos doon na pinakawalan ng tatlo ang tili na pinipigilan nila, kanina. "Maasim nga ang pangalan, napakasweet naman ng lalaking natagpuan." Si Mona. "Masaya ako kay Lemon. Hay, so Lemon na? Sure namang hindi na yan pababalikin ni Knight sa club ni madam. Baka nga hindi na rin makatungtong yang si Lemon doon. Nalulungkot ako." Wika ni Lady. "Sure naman na hindi ipagdadamot ni Knight si Lemon sa atin. Pwede naman siguro natin siyang dalawin." Ani Monica ng mapansing nagigising si Lemon. Nilapitan naman ito ng tatlo. Ng tuluyan ng magising si Lemon ay doon na naman bumuhos ang kanilang mga luha, dahil sa sinapit ng kaibigan. Hindi nila akalaing ganoon kahirap at kalala ang pinagdaanan nito. Samantala, pagkalabas naman ni Knight ng kwarto ni Lemon ay tinawagan niya kaagad si Matthew para sunduin siya sa ospital. Wala naman kasi ang kotse niya at ipinadala muna niya iyon kay Paul. "Kuya, pwede ka ba ngayon? Puntahan mo naman ako." Wika niya pagkasagot ng tawag niya sa kabilang linya. "Nasaan ka?" Sagot ni Matthew sa kabilang linya. "Kuya, can you fetch me, dito sa ospital?" "Wait! Anong nangyari sayo? Nakaloudspeaker ako, pati asawa ko nag-aalala sayo. Yelong Kabalyero." Dinig nga niya ang boses ni Thalia, na nasa tabi siguro ni Matthew. "Walang nangyari sa aking masama, pero sasabihin ko ang buong kwento. Mapupuntahan mo ba ako ngayon?" "Yeah, pupunta ako. Sandali lang." Wika ni Matthew at naputol na ang tawag. Nasa kalahating oras lang ang hinintay ni Knight, sa labas ng ospital at dumating na rin si Matthew. "Ano bang nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Matthew at sinuri pa ang katawan ni Knight. "I'm fine kuya, walang masamang nangyari sa katawan ko. Pero sobrang sakit ng kalooban ko." Wika ni Knight, habang nakadiin ang kamay niya sa tapat ng kanyang puso. Wala namang salita ng hilahin na siya ni Matthew papasok sa kotse nito. Mabilis silang umalis ng lugar, at nagtungo sa isang malapit na parke. Doon muna sila nagpark. Huminga ng malalim ni Knight bago humarap sa kapatid. "K-kuya?" Nauutal na wika ni Knight sa harap ng kapatid. Namumuo na rin ang luha sa kanyang mga mata. Ayaw niyang ipakita sana na mahina siya. Pero ng makita niya si Matthew kanina. Gusto na niya itong yakapin at magsumbong. Hindi naman kahinaan at kabaklaan ang pag-iyak. Isa lang iyong way para maibsan ang sakit na iyong nararamdaman. "Iiyak mo lang, pag okay ka na. Sabihin mo sa akin ang nagpapabigat sa kalooban mo. Nandito lang kami ni Thalia para sayo. Kung noon, ginawa mo ang lahat para lang mabantayan si Thalia para sa akin. Ngayon ako naman ang makikinig sayo. Tutulong ako, hanggat kaya ko." Pahayag ni Matthew at tinapik pa ang balikat niya. Matapos mailabas ni Knight ang kinikimkim niyang sakit sa pamamagitan ng pag-iyak, kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya. Nakatingin naman si Matthew sa kanya. Nasa loob pa rin sila ng kotse nito na nakapark sa parking lot ng parke. "Anong problema? Sabihin mo na makikinig ako." Sinimulan ni Knight ang pagkukwento tungkol doon sa dapat pag-aasawa niya pagtungtong niya ng trenta or himigit, pag wala pa siyang mapapakasalan dapat ay mangyari ang hiling ng mommy niya, tungkol sa babaeng nagngangalang Aurora. "Paano naman kung may makita ka ng babaeng pakakasalan? Mababaliwala na ba ang sinasabi doon sa will ng mommy mo?" Curious na tanong ni Matthew pero isang buntong hininga lang ang nagawa munang isagot ni Knight. "Hindi ko alam. Hindi pa ako sure. Malabo kasi nakalagay doon sa binigay ni daddy. Kung baga, walang malinaw na paliwanag." Aniya. "Anong plano mo? Iyon lang ba? Pero mukhang mabigat iyang problema mo. Kasi hindi ka iiyak ng ganoon kung iyon lang ang problema mo." Tanong ni Matthew ng simulan naman niya ang kwento tungkol kay Lemon. "Wait so ibig sabihin, nakilala mo siya dahil lang sa isang one night stand?" Gulat na tanong ni Matthew sa kanya. "Para ka ding asawa mo. Excited, pero mali naman ang pagkakaintindi. Matalino ka lang sa negosyo eh." Wika ni Knight ng simangutan siya ni Matthew. "Ay ano nga?" Tanong nito. "Bago ang one night stand nga. Nakita ko na siya sa mall sa isang tindahan ng relo. Tulad ng sinabi ko kanina. Tapos nangyari ang one night stand. At sa huli nakita ko siya sa isang bar." "Okay, ngayon nakita mo na sa isang bar. Ano ang dahilan ng halos magunaw ang mundo mo sa pag-iyak?" "Mula ng gabing may nangyari sa amin, nabuntis ko siya." Lakas loob na wika ni Knight. "Ibig sabihin magkakaanak ka na? Congrats bro. Siguradong matutuwa niyan si Thalia at si daddy, pagnalaman nila ang balitang iyan. May makakalaro pa nga si Icey pagnagkataon." Masayang wika ni Matthew ng mapansin niya ang pagkuyom ng kamao ni Knight. "Bakit? Bakit parang galit ka at hindi masaya?" Anito. "Nakunan siya kuya. Matapos siyang halayin ng paulit-ulit, at pagbuhatan ng kamay ng lalaking akala niya, mahal siya. Pero nagawang ibenta sa isang lalaki. At ng malaman ng pinagbentahan na buntis ito. Ginawa ng ex niya ang lahat ng pagpapahirap kay Lemon. Binaboy ng hayop na iyon si Lemon ng paulit-ulit. Binugbog hanggang sa mawala ang anak namin. Matapos iyon, ginawa pa siyang pambayad sa Club Solteria. Utang na wala namang kinalaman si Lemon. Pero siya ang nagbabayad." Paliwanag ni Knight na kahit si Matthew ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kapatid. "Nasaan ngayon si Lemon na sinasabi mo?" "Nasa ospital kuya, gawa na rin ng mga hirap at pasakit sa buhay na pinagdaanan niya, natatakot siyang malapitan ng lalaki. Kahit kay Paul natatakot siya. Sa babaeng kaibigan lang niya, at sa mga babae lang siya nakikipag-usap. Natatakot siyang malapitan ng ibang lalaki." Paliwanag ni Knight kay Matthew. "Paano mo naman siya nalalapitan kung takot siya sa isang lalaki?" "Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko, sa akin lang siya hindi natatakot." "Goods yan. Mabuti hindi takot sayo. Sayo lang komportable ang babaeng, gustong ingatan mo bunso." Biro ni Matthew para mapagaan ang paligid nila. "What do you mean kuya?" "Maka what do you mean ka dyan. Isipin mo takot sa lalaki itong Lemon mo. Pero sayo lang hindi takot. Ibig sabihin, wala siyang ibang lalaking pinagkakatiwalaan kundi ikaw. Hindi man maganda ang simula ninyo dahil sa isang one night stand iyon. Pero ikaw pa rin ang pinagkakatiwalaan niya. Ano bang plano mo sa kanya?" Anito. "Hindi ko alam kuya, maliban sa gusto ko siyang, kunin sa club na iyon. Ako na muna ang mag-aalaga sa kanya." "Okay, yang magkano ba ang utang na dapat bayaran?" "Hindi ko alam eh. Pauutangin mo ba ako kuya?" Tanong ni Knight na wari mo ay nahihiya. "Makautang ka naman. Sa ating dalawa kaya nakapangalan iyong mga hotel ni daddy, ikaw lang itong hindi mamahala, sa ating dalawa. Busy ka sa bar mo. Basta gawan natin ng paraan, para maialis mo na ang Lemon mo sa club na iyon. Tara na. Sure na matutuwa si Thalia pagnalaman niyang binata ka na." Biro ni Matthew na kahit papaano ay natawa siya. Pagdating nila ng club, ay sarado ito, pero may maliit na pintuan sa may likod na alam ni Knight, dahil doon palagi dumadaan si Lemon. Umikot sila doon ni Matthew, bukas ito at doom niya nakita ang mga kalalakihan na may bitbit na ilang plastic ng basura. "Anong kailangan ninyo?" Maangas na tanong ng lalaki sa kanila. "Pwede ko bang makausap si Madam Soraya?" Ani Knight na ikinatingin ng lalaking kausap ni Knight kay Bruno. "Bruno, may naghahanap dito kay madam." Sigaw ng lalaking kaharap nila. "Sino daw?" Sigaw pabalik ng lalaking nagngangalang bruno. "I'm Knight Ice Escobar, pakisabi naman kay Madam Soraya kailangan ko siyang makausap." Wika naman ni Knight at tumalima kaagad si Bruno, paalis sa pwesto nito. Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik ito. "Sumunod kayo sa akin. Nasa opisina niya si madam." Sumunod naman si Knight sa lalaki. Kasama pa rin niya si Matthew sa loob. Ng makapasok sila ay iniwan na sila ni Bruno. "Have a sit Mr. Escobar at sa kasama mo. Ano ang maiipaglingkod ko sa inyo?" Wika ni Madam Soraya pero hindi inaalis ang tingin sa papel na hawak nito. "Gusto kong kunin si Lemon dito sa pangangalaga ninyo." Magalang pero may tapang sa boses ni Knight habang nagsasalita. "Mr. Escobar, hindi ko basta-basta hahayaang makaalis si Lemon? Oh wait! How did you know her, true name? Sinabi ba niya sayo?" "Yes. Alam ko na rin na hindi talaga niya utang ang binabayaran niya, kundi utang ng hayop na ex niya. Babayaran ko ang utang na iyon, kapalit ng hindi na babalik si Lemon dito sa club na ito." May diing wika ni Knight habang seryosong nakatingin sa mga mata ni Madam Soraya. Tahimik lang naman si Matthew na nakikinig sa sinasabi ng kapatid niya. "Mr. Escobar, hindi ko basta-basta pwedeng hayaan si Lemon, na umalis. Hindi naman kasi basta-basta lang ang utang na iniwan ni Aster. Limampong milyon iyon. Nasa isang milyon pa lang ang nababawas sa utang na iyon, mula sa napagtrabahuhan ni Lemon sa akin. Malaking halaga ang limampong milyon kung sasabihin mong babayaran mo." Paliwanag ni Madam Soraya sa kanya. "Isa pa ano ang dahilan mo para kunin siya sa akin dito? Utang iyon kaya kailangan kong maningil pero hindi naman ako masama, para hindi sila alagaan ng maayos. Makakaalis ang tatlo kung gugustuhin nila, at si Lemon kung mababayaran ang utang ni Aster." "Hindi ko pa alam ang sagot kung bakit ko ito ginagawa. Pero masasabi kong ayaw ko siyang nakikitang nahihirapan. Iyong mga luha niya, pakiramdam ko nadudurog ang puso ko tuwing naririnig ko ang takot at mga paghikbi niya. Wala akong pakialam kung malaking halaga ang utang na iyon. Mahalaga sa akin ay mailayo ko siya sa lugar na ito." Paliwanag ni Knight na parang walang magagawa si Madam Soraya sa nais niya. "Kung ganoon tatanggapin ko ang ibabayad mo. Ipapaayos ko na rin ang gamit niya." Wika ni madam ng ipatawag nitong muli si Bruno para ipaayos ang mga gamit ni Lemon. Alam naman niyang hindi gagamitin ni Lemon ang ibang gamit na sadyang naroon kaya ang ipinaayos na lang niya ay ang mga binili nito noong lumabas ang apat na magkakasama. Si Matthew naman ay nagpaalam muna kay Knight na may kukunin sa kotse nito. Pagbalik ni Matthew ay dala nito ang isang may kaliitang envelope. "Here, the fifty million checked. Pwede ninyong ma withdraw or ma-deposit direct sa banko. Tatawagan ko na lang ang banko, para hindi na kayo mahirapan pa." Pahayag ni Matthew ng iabot kay Madam Soraya ang tseke na nagkakahalaga ng buong utang ni Aster. "Matthew Rey Escobar." Basa ni Madam Soraya sa calling card na kasama ng tseke na iniabot ni Matthew dito. "Wait, ikaw ang may-ari ng mga hotel ng Escobar?" Hindi makapaniwalang tanong ni Madam Soraya. "Yes, and he is. Kapatid ko si Knight and yes kaming dalawa talaga ni Knight ang may-ari noon. Don't worry, tunay yan. Ayaw lang hawakan ng kapatid ko ang mga hotel na iyon dahil busy siya sa negosyo niya." Paliwanag ni Matthew ng mapatingin si Madam Soraya kay Knight. "Seryoso ka na talaga sa isang alagaan ko. Ingatan mo ang batang iyon. Hindi ko talaga alam ang tunay na kwento. Pero kung gusto mong malaman si Aster Salvador ang tanungin mo. Siya ang dahilan kung bakit napunta sa akin si Lemon. Pero bakit buong fifty million ito. Ay nabawasan na iyon." Takang tanong ni madam. "Kung ayaw ninyo ng sobrang bayad, pwede ninyong ibigay sa mga kasama ni Lemon. Salamat sa pagpayag, hindi ko na pababalikin si Lemon dito. Ako na lang ang bahala sa kanya. Pero kung nag-aalala kayo, pwede ninyo akong hanapin at kumustahin siya. Salamat." Pahayag ni Knight at tumayo na sila mula sa pagkakaupo, ng dumating ang inutusan ni Madam Soraya para ayusin ang gamit ni Lemon. Nag-iwan din siya ng calling card kung sakaling nais nilang kumustahin si Lemon. Paglabas nina Knight at Matthew ng opisinang iyon ay napangiti naman si Madam Soraya. "Hindi man sabihin ng binatang iyon ang dahilan niya sa pag-alis niya kay Lemon, dito sa club. Masasabi kong masaya na rin akong naalis dito ang batang iyon. Hindi lang dahil sa pera. Pero dahil sobra akong naaawa sa batang iyon. Wala lang akong magawa, dahil trabaho lang at utang iyon. Kailangang bayaran." Wika ni Madam Soraya sa sarili habang iniisip ang magiging magandang bukas ni Lemon, kasama ang isa Escobar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD