Nagising si Lemon sa isang madilim at na kwarto. Hindi niya alam kung nasaan siya. Hanggang sa maalala niya ang mga lalaking pinagbuksan niya, ng pintuan sa bahay ni Aster. Napuno na naman ng takot ang puso ni Lemon. Hindi niya alam kung hanggang saan aabot ang kamalasang nararanasan niya sa buhay. Mula pagkabata, hanggang sa ngayon. Iba't ibang pagsubok. Iba't ibang paghihirap sa buhay.
"Hindi pa po ba tapos? Bakit kailangan kong maranasan ang mga bagay na ito? Wala na po ba akong karapatang sumaya? Pati ang isang buhay na dapat makakasama ko, nawala pa. Iniwan din niya akong nag-iisa. Hindi ko man kilala ang tatay niya, pero galing sa dugo at laman ko ang batang iyon. Pero bakit po pati siya, binawi Ninyo kaagad sa akin?" Tanong ni Lemon, habang umiiyak na naman. Kahit wala namang sasagot, sa kanyang mga katanungan.
Matagal na sinusuri ni Lemon ang lugar kung saan siya naroroon. Walang bintana, maliban sa isang maliit na siwang na hindi niya alam kung labas ba ang makikita niya, pagsumilip siya doon. Isa pa napakataas ng siwang na iyon, pero may nakikita siyang liwanag mula doon.
Ilang sandali pa ay narinig niya ang paglangitngit ng pintuan. Napatingin siya doon na mas lalong nagpadagdag sa takot na kanyang nararamdaman. Mula sa madilim na paligid ay nabuksan ang ilaw, ng pumasok ang isang may edad na babae na punong-puno ng kolorete ang mukha. Hindi mabilang ang alahas na suot, at nakapustura ang bihis.
"Bruno!" Tawag nito sa lalaking nasa labas.
"Yes madam!" Anito.
"Pakisara ng pintuan. Nais kong makausap ang babaeng ito ng masinsinan. Walang magtatangkang sumilip! Kung hindi, mawawalan kayo ng trabaho." Maawtoridad nitong utos, at mabilis namang isinara ng lalaking tinawag na Bruno ang pintuan.
"Anong pangalan mo?" May diing tanong ng may kaedarang babae sa kanya. Hindi agad nagawang sumagot ni Lemon. Kaya naman nagulat siya sa sigaw nito.
"Pangalan mo pa lang ang tinatanong ko! Baka gusto mong, ipaubaya kita sa mga lalaking hayok sa laman! Malaki, kikitain ko sayo." Inis nitong sambit kaya naman naalarma si Lemon.
"Lemon Kiwi Bladiconza po." Halos pigil hiningang sagot ni Lemon sa babae.
"Kaano-ano mo si Aster Salvador?" Tanong pa nito.
"Kasintahan ko po dati. Hanggang sa malaman ko lang po na nagawa niya akong ibenta sa isang matandang lalaki. Pero sa kagagawan ng kaibigan niya, napunta po ako sa isang one night stand, at nabuntis. Kaya hindi ako tinanggap ng lalaking bumili daw sa akin. Kaya ginawan ako ni Aster ng masama." Mahabang paliwanag ni Lemon, ng makita niya ang galit sa mga mata ng kausap.
"At buntis ka! Punyetang Aster na iyon! Sa halip na makabayad, pinag-alaga pa ako ng buntis! Anong kikitain ko sayo!" Galit na wika nito ng mapailing si Lemon.
"Nakunan po ako, sa kagagawan po ni Aster. Binugbog po niya ako, at naospital. Kalalabas ko lang po noong may mga lalaking nagtungo sa bahay ni Aster at kunin ako." Mabilis na paliwanag ni Lemon, sa takot na magalit na naman ang kausap.
"Ganoon ba? Hindi ko kagustuhan na mawala ang sanggol sa sinapupunan mo. Pero dahil wala na naman nga, mas madali kang makakabayad sa utang ni Aster." Paliwanag pa ito, habang nakatingin kay Lemon.
"Bueno, wala na naman palang problema. Hindi naman ako ganoong kasamang tao, katulad ni Aster, pero hindi ako mabait. May utang siya, kaya naman kailangan mong mabayaran, dahil ikaw ang ipinambayad niya." Wika ng babae kaya naman napatingin dito si Lemon.
"Pumili ka kung ano ang gusto mong paraan para makabayad sa akin. Sa dalawang option mo, kailangang matatag ang sikmura mo. Bawal ang maarte. Maging babaeng bayaran at nagbibigay ng aliw kung kani-kaninong lalaki, o maging isang stripper?" Seryosong wika ng babae na hindi malaman ni Lemon kung anong sasabihin niya. Sa dalawang option nito, walang maganda. Tama nga ang sinabi ng babae. Dapat matatag ang sikmura niya.
"Babaeng bayaran, alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin. Ang pagiging stripper, sisiguraduhin ko sayong walang ibang makakahawak sayo, maliban sa makikita nilang lahat ang katawan mo. Bibigyan kita ng maskara na tumatabon sa iyong mga mata. Para hindi ka nila makilala." Dagdag pa nito na nagpaluha kay Lemon.
"Wala po bang ibang paraan?" Tanong pa ni Lemon.
"Club ang mayroon ako hija, hindi kombento." May pagkasarkastikong wika nito, sabay ismid.
"Wala kang choice kundi sundin ako. O isasabak kita sa mayayamang naghahanap ng threesome or foursome. Mas malaki ang kikitain ko doon. Total muntik ka ng magkaanak. Hindi nakakapanghinayang na ibenta ka sa mga taong, handang bumayad, para sa isang gabing ligaya. Mas mabilis kang makakabayad sa ganoon." Dagdag pang wika ng babae pero wala na ang matapang na pananalita nito. Normal na lang itong nakikipag-usap sa kanya ngayon.
"Ayaw ko po. Paano ko po gagawin ang sinasabi ninyo. May mga galos po ako sa katawan." Wika ni Lemon pero napangisi lang ang babae.
"Maghubad ka!" Utos nito.
"P-po!" Nauutal na tanong ni Lemon ng mapansing seryoso ito sa sinasabi nito sa kanya.
"Maghubad ka dali na! Ako pa lang ang makakakita ngayon. Paano pa kung nasa stage ka na! Madaming mga lalaking titingin sayo doon. Mga lalaking uhaw sa laman. Dali na! Hubad na!" Wika nito ng unti-unting tumayo si Lemon, mula sa pagkakaupo, at isa-isang inalis ang botones ng kanyang damit.
Matapos maalis ang damit ay natira ang dalawang maliit na saplot ni Lemon. Nahihiya siyang kaharap ang babae, pero paano pa pag napakaraming lalaki ang titingin sa kanya at pagnanasaan ang kanyang katawan. Lalo niyang naiisip na hindi niya kaya.
"Maganda ang katawan mo. Kung tutuusin maganda din ang hubog ng iyong dibdib. Hindi mahahalata na minsan, ay may gumamit na sayo. Iyang galos mo, napakadali lang niyang takpan. Pakitanggal ng bra mo." Utos nitong muli sa kanya.
"P-po? U-ulit?" Umiiling niyang wika. H-hindi ko po kaya."
"Wag kang maarte. Pinipilit kong maging mabait sayo Lemon. Sige magbihis ka na. Mamaya, isasama na lang kita sa mga babaeng bayaran. Go!" Wika ng babae na lalong ikinailing ni Lemon.
"Sorry po. Ayaw ko po. G-gagawin ko na pong maghubad. Kailangan po bang l-lahat?" Umiiyak na tanong ni Lemon, na siyang pagbuntong hininga ng babae.
"Maghuhubad ka, pero tatakpan mo ng mga braso mo ang dibdib mo. Depende pa rin sa nais ng mga parokyanong manonood sa pagsasayaw ninyo. Ang pang ibaba mo ay isang maliit na piraso na hindi mo na aalisin. Malaki ng pabor ang binibigay ko sayo. Ayaw ko lang ng maarte. Magkakasundo tayo. Hindi ko hahayaang may humawak sayo. Iyon lang ang maiipangako ko sayo. Makakaalis ka kung gusto mo pagsapat na ang bayad mo sa pagkakautang ni Aster. Limampung milyon, Lemon. Limampung milyon." Paliwanag ng babae kay Lemon, at pikit mata niyang inalis ang kayang bra.
Tumutulo ang kanyang mga luha, na nakatingin sa babaeng kaharap niya. Napapalakpak pa ito ng makita, ang kabuoan ng katawan ni Lemon.
"Napakaganda ng katawan mo. Mukhang hindi ako malulugi sayo. Napakaswerte ko pa rin pala na ikaw ang ibinigay ni Aster bilang kabayaran." Tuwang-tuwang wika ng babae at hindi pa nakontento at nilapitan pa siya nito.
Akala ni Lemon ay susuriin nito ang kanyang katawan, pero nagkamali siya. Niyakap siya ng babae. Hindi niya malaman, kung paano nangyari? Pero kahit papaano ay nagkaroon siya ng kapanatagan sa yakap ng babae sa kanya. Na kahit magiging apple of the eye siya ng club nito. Naniniwala pa rin siyang hindi nito hahayaan na may humawak sa kanya. Kahit doon man lang mapanatag siya.
"Hindi ako ganoong kasama Lemon. Pero utang iyon, kailangang bayaran. Ikaw ang ginawa niyang pambayad utang kaya ikaw ang aking sinisingil. Nakikita ko sayong hindi ka masamang babae, kaya kung magtitiwala ka, aalagaan kita, pangakong hindi ka magagalaw o mahahawakan ng iba. Kahit pa may magbayad ng milyon. Mas gugustuhin kong makaipon ka ng pambayad sa paraang ito. Kay sa, ipasama kita sa kung kani-kaninong lalaki." Wika ng babae, na siyang pagtango ni Lemon.
"Tahan na. Kanina pa tayong nag-uusap hindi pa ako nakakapagpakilala sayo. Ako ang may-ari nitong club. Negosyo ito ng asawa ko, na sumakabilang buhay. Buhat noon ako na ang nagpatuloy." Simula ng kwento ng babae.
"Ako Soraya Solteria. Pwede mo akong tawaging Madam Soraya. Ako lang ang nakakaalam ng tunay na pangalan mo. Para sa privacy ng pagkatao mo. Kahit iyon man lang magawa ko para sayo. Para pagnakaalis ka na dito. Malaya mong magagamit ang tunay na pangalan mo, at hindi iyon gagamitin mo dito. Paglabas mo ng kwarto na ito, ikaw na si Liway. Liway Cruz. Club Solteria nga pala ang pangalan nitong club." Paliwanag ni Madam Soraya, na sinang-ayunan niya.
"Opo. Salamat po Madam Soraya." Wika ni Lemon.
"Magbihis ka na, at ipapakilala kita sa mga magiging kasamahan mo dito." Wika ni Madam Soraya, ng isa-isang isinuot ni Lemon ang kanyang damit.
Paglabas nila ay nandoon sa labas ng pintuan, ang lalaking tinawag na Bruno, ni Madam Soraya kanina.
"Madam ano pong ipag-uutos pa ninyo." Tanong agad ni Bruno ng makita sila.
"Tawagin mo lahat ang mga babae dito sa club. At may ipapakilala ako." Utos ni Madam Soraya at mabilis namang sumunod si Bruno.
Nasa halos dalawampong babae ang nakita ni Lemon. Magaganda ang lahat. Pero halos, hindi na makita ang katawan sa mga suot na damit. Alam ni Lemon na ganoon lang ang mga ito, kasi umaga pa at walang mga customer. Kaya naman napapaisip na siya, kung ano at itsura ng club pagsumapit ang gabi. Ngayon pa lang, kinikilabutan na siya.
"Okay girls, magpakilala kayo sa bago ninyong kasama. Alam naman ninyo ang rules dito, kahit ganyan ang trabaho ninyo di ba? Pwede ko bang marinig at malaman? Baka kasi nakakalimot na kayo." Wika ni Madam Soraya na rinig naman ng lahat.
"Wag kang mangmamata ng bago mong kasamahan kasi pare-pareho lang kami. Bawal ang bully. Prostitute ka man or stripper, hindi man marangal ang trabaho mo, dapat makatanggap ka pa rin ng respeto mula sa mga kasamahan mo. Higit sa lahat dapat nagmamahalan tayo, kasi sa mundong ito, kapwa mo lang sa mundong ginagalawan mo ang makakaintindi sa hirap at sakit na pinagdadaanan mo." Sabay-sabay na wika ng mga babaeng nagtatrabaho sa Club Solteria. Hindi pa nakikilala ni Lemon ang mga ito, pero dahil sa rules ni Madam Soraya, kahit papaano gumaan ang kalooban niya.
Isa-isang nagpakilala ang mga babae sa club kay Lemon. Hindi man niya matandaan ang lahat ng pangalan ng mga ito, pero alam niyang makikilala din niyang lahat ang mga kasamahan niya. Tulad ng ng sabi sa rules. Mababait ang lahat sa kanya.
Matapos magpakakilalan ay isinama na si Lemon ng tatlong babae na makakasama niya sa kwarto. Tulad niya ay stripper din ang mga ito. Tamang-tama daw kasi ang dating niya dahil nagkulang ang mga ito ng isa. Nakakilala ng kano, kaya ayon, isinama na doon sa ibang bansa, para pakasalan.
"Welcome dito sa club ni Madam. Anong trabaho mo nga pala dati bago ka napunta dito?" Tanong ni Monica.
"Cashier sa isang grocery store." Nahihiya niyang sagot.
"Eh, ang ganda na pala ng trabaho mo Liway. Bakit naman naisipan mo pang magtrabaho dito?" Ani Lady.
"Ang totoo, ginawa akong pambayad utang dito. Hindi naman ako makakaalis. Wala din akong balak tumakas. Sa tingin ko naman, tumutupad sa pangako si madam. Kung susundin ko siya." Sagot niya kay Lady.
"Tumpak, baby girl. Kaya wag mo na lang tangkaing tumakas. Kung ano ang napag-usapan ninyo. Ganoon ang mangyayari. Mabait si madam sa mga sumusunod sa kanya. Kaya wag na wag kang susuway. Nanonood din si madam sa performance nating mga stripper. Higit sa lahat, pagsinamaan ka ng tingin ni madam. Sumunod ka na agad sa nais niya. Kasi pagnapahiya siya. Lagot ka." Mahabang paliwanag ni Mona.
"Basta sinasabi nga namin sayo. Hindi ka kagagalitan ni madam kung susunod ka sa kanya, at goods iyon." Si Lady.
"Kaya ngayon, isipin mo at ipanalangin mong sapian ka, ng sandamakmak na lakas ng loob at tibay ng sikmura. Nakaya nga namin. Kaya mo din iyan. Basta isipin mo. Hindi ka nila hahawakan." Wika pang muli ni Mona.
"Ay s'ya magpahinga ka muna. Kasi isasabak ka na namin mamaya sa stage. Kung naiilang ka. Isipin mo na lang, pagnakatapos kang magbayad ng utang, pwede ka ng makaalis dito. Higit sa lahat kasama mo kami. Apat tayong maghuhubad." Natatawa pa si Monica habang simasabi ang bagay na iyon, na wari mo ay sanay na sanay na sa ginagawa.
"Oi kayong dalawa makatingin kayo. Alam naman natin na ito na ang trabaho natin. Kaming tatlo, wala kaming choice, mahirap ang buhay. Lahat naman kaming nandito. Pero malas mo, kasi naging pambayad utang ka. Pero wag kang mag-alala. Walang mambabastos sayo dito. Kung sa iba palaging sinasabi customer is always right. Dito hindi. Pagnagreklamo ang customer at may idiniin na babae. Stripper ka man or prostitute, pwede silang ma ban ng isang taon dito sa club. Kaya nga may kanya-kanyang trabaho eh. Higit sa lahat, bawal ang pinipilit, kahit sa mga prostitute, kahit iyon ang trabaho nila. So relax ka lang matulog na tayo. Tapos na ang story telling." Paliwanag pa ni Monica, sabay talikod sa kanila at nahiga.
Hindi naman malaman ni Lemon kung paano siya mamaya, ay wala naman siyang damit o kahit na anong gamit. Naramdaman na lang niya ang pagkalabit muli ni Monica sa kanya.
"Iniisip mo mga gamit mo?" Tanong nito na siyang pagtango niya.
"Nakikita mo ba ang numero ng higaan mo? Ang laki niyan. Number four. So ayon. Lahat ng gamit, damit mga pangangailangan mo makukuha mo sa cabinet number four. Sayong lahat iyon. Kahit ang mga alahas. Okay. Sige matulog ka na." Sagot ni Monica sa kanya at muli na itong nahiga.
Nilapitan na lang ni Lemon ang cabinet number four, nakita niyang napakarami nga noong mga gamit, damit, personal things at kung anu-ano pa. Pero wala naman siyang ibang kinuha doon kundi unan at kumot. Nahiga na rin siya para magkaroon siya ng lakas, at lakas ng loob para sa gagawin niya mamaya. Kasama si Monica, Mona, at Lady.