Chapter 6

2355 Words
Masakit ang ulo, pero pinilit ni Lemon na imulat ang kanyang mga mata. Nasilaw pa siya sa sobrang liwanag ng paligid kaya napapikit siyang muli. Ng masanay sa liwanag na nakikita niya ay nagulat pa siya ng tumambad sa kanyang paningin ang tatlong kaibigan ni Aster. Si Maya, Mike, at Tommy. Nakaramdam siya ng takot sa tatlo. Hindi niya malaman ang gagawin. Gusto niyang bumangon at tumakbo, pero wala siyang lakas. Naalarma naman ang tatlong kaibigan ni Aster, ng bumalatay sa mata ni Lemon ang takot. Kaya naman biglang hinawakan ni Maya ang kamay ni Lemon. "Wag kang matakot, hindi kami nandito para kay Aster. Nandito kami para sayo. Una sa lahat gusto kong humingi ng tawad sa mga pangbubully ko sayo noon. Ngayon ko lang narealize ang mga pagkakamali ko. Patawad Lemon. Sana mabigyan mo pa ako ng isang chance para mapatawad mo." Pakiusap ni Maya kay Lemon. Hindi naman malaman ni Lemon, kung totoo ang sinasabi ni Maya sa kanya o pinapasakay lang siya nito. Pero sa bandang huli ay tumango na lang siya. "Teka lang, kumusta ang anak ko?" Gulat na tanong ni Lemon, ng mag-iwas ng tingin ang tatlo. "Bakit hindi kayo magsalita? Okay lang naman ang anak ko di ba? Maayos lang naman ang baby ko di ba?" Naluluha ng tanong ni Lemon ng maglakas loob si Maya na magsalita. "Nalaglag ang baby mo gawa ng may hinalo sa pagkain or inumin mo. Higit sa lahat gawa ng pambubugbog sayo ni Aster. Sorry." Naiiyak na wika ni Maya, na siyang nagpaluha kay Lemon. Hinayaan naman muna ng tatlo na umiyak si Lemon. Kahit hindi nila alam kung gaano kasakit ang mawalan ng anak. Alam nilang sobrang sakit noon para sa isang ina. Ilang minuto ding umiiyak si Lemon at nakatingin sa kawalan, bago niya nagawang tumingin sa tatlong kasama niya sa kwarto. "Pakiusap, wag ninyo akong ibibigay kay Aster. Ayaw ko na. Gusto ko ng makawala sa kanya." Pagmamakaawa ni Lemon, na nagsisimula na namang maiyak. "Tahan na. Pwede mo bang sabihin sa amin kung ano ang mga pinaggagawa sayo ni Aster?" Tanong ni Maya, ng tingnan ni Lemon si Mike at Tommy. "Trust us. Wala kaming balak na masama sayo. Kahit kaibigan namin si Aster. Hindi namin siya hahayaan na may gawin ulit siya sayo. Kung magtitiwala ka sa amin. Kami pa mismo ang maglalayo sayo kay Aster." Ani Mike. "Tiwala mo lang ang kailangan, bago kami gumawa ng aksyon." Wika ni Tommy, bago muling binaling ni Lemon ang tingin kay Maya. "Maayos naman ang pakikitungo ni Aster sa akin. Pero mula noong gabi ng birthday ni Aster. Nakagawa na ako ng kasalanan sa kanya. Hindi ko naman malaman, kung bakit ako nagkaganoon, at may nangyari sa akin kasama ang isang lalaki. Hindi ko nakita ang babae na may gawa noon kasi nanlalabo ang mga mata ko at sumasakit ang hindi ko maipaliwanag sa katawan ko. Pero kilala niya si Aster. Kasi narinig kong binanggit niya ang pangalan nito. Iyon nga, may nangyari sa amin ngblalaking hindi ko kilala, na sabi ng lalaki, iced tea lang naman daw ininom niya, pero nakaramdam siya ng kakaiba. Tapos makalipas ang ilang linggo. Nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Noong nalaman kong buntis ko. Noon ko lang din nalaman na ibinenta pala ako ni Aster, kapalit daw ang pagawaan, na hindi ko alam kung akong pagawaan. Tapos ayon na. Nagsimula na akong ikulong ni Aster. Saktan at angkinin ng paulit-ulit." Mahabang paliwanag ni Lemon habang umiiyak. Nahihiya man sa kanyang dinanas pero ano ang kanyang magagawa? Iyon naman talaga ang nangyari sa kanya. "Sssshh. Tahan na. Nandito kami para sayo. Hindi namin mapapalampas ang ginawa nila sayo. Ang babaeng hindi mo malaman kung sino, ang may gawa noon sa club. Si Gale iyon. Pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo. Tahan na." Alo pa ni Maya kay Lemon. Mula ng magkwento si Lemon sa tatlong kaibigan ni Aster, ay nagpalitan ang mga ito sa pagbabantay kay Lemon. Palagi lang sinasabi ng mga ito na paglabas niya ng ospital hindi na siya mag-aalala. "Nasaan pala si Tommy at Mike?" Tanong ni Lemon ng nasa tatlong araw na rin niyang hindi nakikita ang dalawa. Si Maya naman ay halos hindi umaalis sa tabi niya. Kaya naman nahihiya na rin siya ng sobra sa dalaga. "Busy lang iyong dalawa. Pero pupunta din ang mga iyon dito pagkatapos ng mga ginagawa. Bakit? May gusto ka ba? Ipapabili ko sa dalawang pangit na iyon." Birong totoo pa ni Maya kay Lemon. "Wala naman. Sa totoo nahihiya na ako sa inyong tatlo. Hindi naman ninyo ako kailangang alagaan, pero heto kayo, hindi ako iniiwan." Naluluhang wika ni Lemon, kaya naman nilapitan ito ni Maya. "Hindi makakabuti sayo ang pag-iyak. Sa totoo, kulang pa itong pagtulong namin sa lahat ng hirap na naranasan mo kay Aster. Hindi naman, namin akalaing aabot sa ganoon ang ugali ni Aster. Hindi namin akalain na aabot sa pananakit at pangbubogbog. Playboy si Aster na akala namin nagbago ng dahil sayo. May iba pala siyang agenda. Wag mong isipin ang mga tulong namin. Isipin mo ang sarili mo. Magpagaling ka. Isa pa alam naming nalulungkot ka sa pagkawala ng anak mo. Pero wag kang susuko. Ipagpatuloy mo lang ang buhay." Mahabang paliwanag sa kanya ni Maya. Tama naman kasi ito. Mahirap, malungkot, pero kailangang lumaban at magpatuloy sa buhay. Samantala, habang magkasama si Aster at Gale sa apartment nito ay natigil sila sa makamundong ginagawa ng may sunod-sunod na pagkatok mula sa pintuan. "Bw*sit, mga abala!" Galit na singhal ni Aster, habang dinadampot ang nagkalat na damit at isinusuot ang hinubad na pantalon. "Relax. Baka sina Tommy lang yan." Malanding wika ni Gale, na nagsusuot na rin ng nahubad na damit. Matapos maayos ang sarili ay mabilis na hinayon ni Gale ang pintuan, si Aster naman ay naiwang nakaupo sa sofa, habang tinutungga ang alak na nandoon. Nagulat naman si Gale ng sa pagbukas niya ng pintuan ay dalawang pulis ang bumungad sa kanya. Hanggang sa may tatlo pang dumating. "Ano pong kailangan ninyo?" Mahinahong tanong ni Gale pero sa katunayan ay kinakabahan na siya. "Kayo po ba si Ms. Galeria Dimaano?" Tanong ng isang pulis sa kanya. "Ako nga po. May p-problema po ba?" Nauutal ng tanong ni Gale ng sumulpot sa likuran niya si Aster. "Ang tagal mo naman! Sino ba ang mga kumakatok?" Inis na tanong ni Aster, ng mapansin niya ang limang pulis sa labas ng pintuan. "Kayo po ba si Aster Salvador?" Tanong muli ng pulis na nagtanong din kay Gale. "Ako nga!" Maangas na sagot ni Aster. Ng itaas ng pulis na nagtanong ang isang papel. Warrant of arrest iyon para kay Aster at Gale. Nag-imbestiga muna ang mga ito bago nakakuha ng warrant. Base na rin sa kwento ni Lemon, sa mga kaibigan nito, ay nagtungo ng presinto si Mike at Tommy. "May warrant po sa inyo. Ms. Galeria Dimaano at Mr. Aster Salvador." Wika ng pulis na may hawak na papel. Napatunayang, lulong sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang dalawa. Higit pa doon ang ilang kasong ipapataw kay Aster, gawa ng pananakit, at pang-aabuso kay Lemon. "Anong sinasabi ninyo!? Nagkakamali lang kayo!" Sigaw ni Aster sa mga pulis. "Wala akong ginagawang masama!" Singhal naman ni Gale. Hindi na nagawang makatakas ng dalawa ng tutukan sila ng barili ng mga pulis. Matapos malagyan ng posas ay isinama na ang mga ito, patungong police mobile para dalahin sa presinto. Nakatanaw naman ang dalawang kaibigan ni Aster sa papaalis na mobile ng pulis. Nanghihinayang sila sa mga kaibigan. Hindi nila akalaing aabot sa ganoon ang lahat. "Nagsisisi ka bang, tinulungan natin si Lemon?" Tanong ni Mike kay Tommy na siyang mas malapit kay Aster. "Nagsisisi? Hindi. Alam kong mas mapapabuti si Aster sa kulungan kaisa, masira ng tuluyan ang buhay niya dito sa labas. At tungkol kay Gale. Hindi ko akalaing aabot sa ganoon ang obssession ni Gale kay Aster. Na aabot siya sa pagsira ng buhay ng iba." Malungkot na sagot ni Tommy. Napabuntong hininga na lang si Mike at nagpasyang buhayin ang sasakyan. "Tara na sa ospital. Ibalita na natin kay Maya at Lemon ang nangyari." Wika ni Mike na siyang pagsang-ayon ni Tommy. Pagdating nila sa ospital ay binalita na nga kaagad ni Mike at Tommy ang nangyari kay Gale at Aster. "Masaya ka ba Lemon? Malaya ka na." Tanong ni Maya na siyang pag-iling ni Lemon. "Bakit? Makakalaya ka na kay Aster, pwede ka ng mabuhay ng tahimik. Wala ng manggugulo sayo. Pero bakit hindi ka masaya?" Naguguluhang tanong ni Maya, at nakikinig lang si Tommy at Mike. "Hindi naman kasi nakakatuwa ang nangyari sa dalawa. Sa totoo, galit ako sa ginawa ni Aster sa akin at sa ginawa ni Gale sa akin noong gabing iyon. Pero hindi ko magawang magsaya, ngayong nakakulong na sila. Mas gusto ko pa ring marealize nila ang pagkakamali nila, at makapagbagong buhay. Magsisi sila sa mga kasalanan nila. Pag nangyari iyon doon ko lang makukuhang maging masaya. Hindi man maganda ang nangyari sa amin, deserve pa rin nila ang makapagbagong buhay. Deserve nila ang second chance." Paliwanag ni Lemon, ng hindi mapigilan ni Maya ang maluha. "Ewan ko sayong babae ka. Ang asim ng pangalan mo, pero napakatamis ng kalooban mo. Mas inaalala mo pa rin ang kapakanan ng iba, kay sa sarili mo." Umiiyak na wika ni Maya ng bigla nitong yakapin si Lemon. "Ibang klase ka talaga Lemon. Sa kabila ng lahat. Napakabait mo pa rin." Wika naman ni Mike. "Wala na akong masasabi. Nasabi na ng dalawa eh. Pero tama sila napakabait mo." Ani Tommy na nagpatawa sa kanilang lahat. Kahit naman sabihin na hindi naging maganda ang pakikitungo ng kaibigan ni Aster kay Lemon. Sa bandang huli, napatunayan ni Lemon, na pwede talagang magbago ang isang tao, kung gugustuhin nitong piliin ang tama, at ituwid ang pagkakamali. Dalawang linggo pa ang tinagal ni Lemon sa ospital. Gumaling na ang mga sugat niya sa katawan, at maliliit na peklat na hindi gaanong halata ang natira. Nawala na rin ang pamamaga ng katawan ni Lemon, gawa ng pagkawala ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Bumalik na ulit sa dati ang sigla at ganda ng katawan ni Lemon. Ang mga kaibigan ni Aster ang naghati-hati para sa pambayad sa bill ng ospital, na umabot din ng nasa dalawang daang libo. Dahil na rin sa tagal niya sa ospital. Nahihiya man si Lemon pero wala naman siyang perang maipambayad talaga. "Sure ka, na ayaw mo ng ihatid ka namin?" Tanong ni Mike kay Lemon. Nasa labas na sila ng ospital at nasa may parking lot na sila, ng mga oras na iyon. "Oo, okay na ako. Sobrang laking abala na ang nagawa ko sa inyo. Salamat talaga. Higit sa lahat, sa laki ng bill ko sa ospital nahihiya na akong talaga sa inyo." Wika ni Lemon sa tatlo. "Maliit na halaga lang iyon. Kumpara sa mga hirap na naranasan mo sa kamay ni Aster. Kaya wag mong isipin iyon. Ang pera kinikita. Pero ang isang katulad mo na mabait, mahirap makahanap." Ani Maya na sinang-ayunan ng dalawa. "Kung ganoon, saan ka nga pala muna tutuloy, nag-ooffer kami ng hatid. Hindi naman namin alam kung saan ka ihahatid?" Natatawang tanong ni Tommy kaya naman natawa na si Lemon. "Babalik ako sa bahay ni Aster. Nandoon naman ang mga gamit ko. Baka bumalik na lang ako sa bar, kung saan ako nagtatrabaho noon. Mabait naman ang mga kasamahan ko doon kaya wag na kayong mag-alala. Sobrang malaking pasasalamat ko talaga sa inyo sa mga, naitulong ninyo sa akin." Wika ni Lemon ng yakapin siya ni Maya. "Mag-iingat ka. Salamat kasi pinatawad mo ako sa kasalanan ko sayo. Nga pala, tanggapin mo ito. Maliit na halaga, pero makakatulong sa pagsisimula mo." Sabay abot ni Maya ng nasa limang libo, matapos bumitaw ng yakap kay Lemon. "Masyadong malaki. Napakadami na ninyong naitulong sa akin. Hindi ko na iyan matatanggap." Pagtanggi pa ni Lemon, pero hindi nagpatinag si Maya. "Galing sa aming tatlo iyan. Tanggapin mo na. Hindi man kami. Pero makabawi man lang kami sa ginawa ng mga kaibigan namin sayo." Ani ni Maya, kaya naman napaluha si Lemon. "Tanggapin mo na. Bukal sa puso namin ang pagtulong sayo." Si Tommy. "Oo nga, mamasahe ka pa, wala kang hawak na pera, ayaw mo namang magpahatid kaya tanggapin mo na." Si Mike. Nagpasalamat ng sobra si Lemon sa tatlo. Mas nauna pa siyang umalis, ng itawag pa ni Tommy ng tricycle si Lemon at ang mga ito na rin ang nagbayad ng pamasahe niya. Pagdating ni Lemon sa bahay ni Aster ay tumambad sa kanya ang nakabibinging katahimikan. Naalala niya ang unang tapak niya sa bahay na iyon. Masaya pa sila ni Aster at ramdam niya ang pagmamahal nito. Pero sa pagkakamali na hindi naman niya kasalanan, naging sa kanya pa rin ang sisi at parusa. Napapikit na lang si Lemon, habang nakaupo sa sofa at inaalala ang mga nakalipas. Habang lalong dumadagdag sa puso niya ang sakit sa pagkawala ng kanyang anak. Habang naiisip ang anak ay hindi na naman mapigilan ni Lemon ang umiyak. Ilang sandali pa ay nakarinig naman siya ng ilang katatok. Pinalis muna niya ang kanyang mga luha bago hinayon ang pintuan. Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang ilang mga kalalakihan na ngayon lang niya nakita. "S-sino po kayo? At ano pong kailangan ninyo?" Kinakabahang tanong ni Lemon ng magsalita ang isa. "Dito ba ang bahay ni Aster Salvador?" Tanong ng lalaki na mukhang pinaka leader ng mga lalaking nasa labas ng pintuan. "Opo, pero wala po si Aster dito." Sagot na lang ni Lemon. "Ikaw lang ba ang babaeng nakatira dito?" Tanong muli ng lalaki kaya naman tumango si Lemon bilang sagot. "Siya na iyong, ibinayad ni Aster kay madam." Sabat pa ng isang lalaki kaya naman biglang naalarma si Lemon. Hindi na nagawang isarado ni Lemon ang pintuan ng bigla siyang hablutin ng isang lalaki. Muntik na siyang mawalan ng balanse ng masalo siya nito. Pero bago pa makapagsalita si Lemon, ay naamoy niya ang nakakahilong amoy mula sa panyong tinapat ng isang lalaki sa kanyan ilong hanggang sa magdilim na ang kanyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD