Chapter 25

2211 Words
Masaya naman ang naging lakad nina Lemon at Knight. Masasabi nila sa sarili nila na best roadtrip ever talaga ang mga napuntahan at mga pinagdaanan nila. Ngayon ay pauwi na sila. May follow check-up kasi si Lemon sa doktor sa susunod na araw kaya need na nilang umuwi. Sa halip na sa bahay nina Matthew sila magtungo ay sa bar na sila tumuloy. Mas gusto daw ni Lemon doon dahil nahihiya siya sa kapatid ni Knight na kaya lang nagtungo doon ay para lamang matulog. "Good night kabalyero. Hindi ko talaga kayang lumabas. Gustuhin ko mang tumulong, pero hindi sumasang-ayon ang katawan ko. Pwede bang matulog na lang ako." Wika ni Lemon na hindi na talaga kinayang lumabas ng kwarto ni Knight buhat ng dumating sila. "Tulog na lemonada. I love you. Need ko lang ulit mag supervise sa labas. Hmm. Isa pa may check-up ka pa bukas. Kaya matulog ka na. Tatabihan na lang kita dito pagkatapos ko." Paalam ni Knight at ipinikit na rin ni Lemon ang kanyang mga mata, ng maramdaman niya ang pagdampi ng labi ni Knight sa kanyang noo. Kaya naman hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi, kahit nakapikit na siya. "I love you lemonada." Wika pa ni Knight ng halikan pa siya ni Knight sa labi. Bago niya naramdaman ang pag-alis nito sa tabi niya at tuluyang pagbukas, sara ng pintuan. Dahil nga sa sobrang pagod sa byahe at pagbaba ng bundok, kahit pagkarating nila ay natulog na siya. Ngayon ay nakatulog na rin ulit ng ganoong kabilis si Lemon. Kinaumagahan ay mabilis namang nag-ayos si Lemon ng sarili. Paglabas niya sa kusina ng bar, ay nandoon na si Knight at mukhang nakaligo na rin. Inaayos na rin nito ang hapag, at nakatapos na ring magluto. Matapos kumain ay nagtungo na sila sa ospital para sa check-up ni Lemon. Pangtatlo siya sa pasyente kaya naman naghintay pa sila ng ilang oras. "Grabe ang agad nila noh. Ang aga na natin eh." Bulong ni Lemon kay Knight ng guluhin ni Knight ang buhok niya. "Bakit?" Tanong ni Lemon ng tingalain niya si Knight. Nakaakbay kasi ito sa kanya, at nakahilig siya sa dibdib nito. "Para ka kasing bata na naiinip. Yang gusto mo ba. Magpa special treatment tayo kay dok? Pwede ko naman iyong gawin." Anito. "Hindi ah. Natutuwa lang ako kasi napakaaga natin, may mas nauna pa rin. Ibig sabihin mas maagap sila sa atin. Masaya naman akong maghintay. Kasi kasama kita." Paglalambing pa ni Lemon, ng tawagin na sila ng sekretarya ng doktor. Ilang beses namang kinausap ulit ng doktor si Lemon. Ngayon ay masasabi nilang okay ng talaga si Lemon. Ilang sandali pa, ay natapos ang pakikipag-usap ng doktor kay Lemon. Nagpasya si Lemon na siya na lang daw ang bibili ng gamot sa botika at babalikan na lang ni Lemon si Knight doon. Na naging pabor kay Knight dahil may nais siyang itanong sa doktor ni Lemon. "Ano ba nag nais mong itanong Mr. Escobar?" Ani ng doktor. "Dok, you know naman na, Lemon is living with me, and I'm her boyfriend. You know I can't resist her charm. She's so beautiful. Pero ang ipinagtataka ko. Why I can't see any sign of pregnancy with her. I knew your not an ob-gyne but your a doctor. Can I know the reason, why?" Nahihiyang tanong ni Knight, pero nais talaga niyang malaman. Sa totoo lang, si Lemon lang ang babaeng nais niyang maging ina ng kanyang anak at magiging mga anak. Si Lemon lang ang babaeng gusto niyang iharap sa dambana ng Panginoon. Sa tingin niya kung magkakaroon na sila ng anak ni Lemon, hindi na rin niya, kailangang sundin ang last will ng mommy niya. Lalo na at hindi naman niya kilala ang pamilya ng kaibigan nito. Higit sa lahat, never niyang nakita ang Aurora na sinasabi ng mommy niya sa sulat. "Oh about that Mr. Escobar, side effects yan ng mga gamot na iniinom niya. But don't worry. Kasi tapos na si Ms. Lemon sa pag-inom ng gamot na iyon. More on vitamins na lang ang binigay ko sa kanya. Multivitamins na lang iyon, and it's safe if bigla magbunga ang kasusubok ninyo. And as a doktor. It's safe now for her, to be pregnant again. She has a miscarriage before. She said that to me, on our first session. Kaya mabuti na rin na hindi siya nabuntis agad. Kasi delikado. But for now. It is 100% safer for her." Paliwanag ng doktor kay Knight na labis niyang ipinagpasalamat. Ilang sandali pa at dumating na rin ang sekretarya ng doktor kasama si Lemon. Nagpasalamat lang silang muli sa doktor bago tuluyang nagpaalam. Kumain lang muna sila sa labas bago nagtungo sa bahay nina Thalia. Namimiss daw kasi ni Lemon ang anak ni Thalia kaya naman pagbibigyan niyang makasama nito ang pamangkin niya. Pagdating nila sa bahay ng mga ito ay naglalaro sa garden si Icey kasama ang mommy nito si Knight naman ay tumuloy sa loob ng bahay, at nasa study room daw si Matthew. "Kumusta kuya?" Bati ni Knight kay Matthew ng walang katok-katok sa pintuan at basta na lang pumasok. "Hindi marunong kumatok?" "Need pa ba? Wait." Wika ni Knight ng biglang lumabas ng study room at muling kumatok. "Kuya si Knight ito pwedeng pumasok?" Sigaw ni Knight mula sa labas ng pintuan kaya naman natawa na lang si Matthew. "Pumasok ka ng kabalyero ka. Dami mong kalokohan." Natatawang sagot ni Matthew ng nakangising pumasok si Knight sa study room. "Sabi mo eh hindi marunong kumatok. Marunong kaya ako." Nakangisi niyang sagot. "Sira!" Tipid na sagot ni Matthew kaya natawa silang pareho. "By the way, anong atin?" "Wala naman, namimiss daw ni Lemon si Icey, kaya after namin sa doktor, dito na kami tuloy." "Baka naman gusto na rin niyang magkababy?" Tanong ni Matthew. "I work hard for that kuya. Sana naman nga, mangyari na." Nakangiti pang sagot ni Knight, na ikinatango ni Matthew. "Good luck. Hoping na magkaroon na rin ako ng pamangkin sayo. By the way. Kumain na kayo? Magpapahanda ako." "Tapos na kuya wag kang mag-alala. Sobrang busy ka sa company nina Thalia tapos sa mga hotel ni daddy. Kaya mo pa?" Tanong ni Knight na ikinangisi lang ni Matthew. 'Easy. Hands on naman si Daddy Alfonso sa company. Sobrang nakaalalay pa rin sila sa akin, tulad noon kaya hindi ako nahihirapan. Lalo na at nagmerge na rin naman ang company ko at company nina Daddy Alfonso. Sa hotel naman wala ding problema. Nga pala, magtutungo kami ni Thalia ng U.S. sama kayo? Naglalambing si daddy, namimiss daw ang apo. Ay pagbibigyan naming dalawin. Para sa susunod, siya naman ang magtutungo dito. Hindi na iyon makakatanggi. Kukulitin ko din si mommy." Pahayag ni Matthew. "Hindi na muna kuya, dalawang session pa ni Lemon. Sa next month pa ang last follow check up niya. Isa pa hindi ko pa naiikuha ng passport si Lemon. Ayaw ko namang mabigla na kaya ko siya ikukuha ng passport kasi papunta tayo ng U.S. at ipapakilala ko siya kay daddy. Baka mamaya matakot na naman. Kaya hindi ko siya bibiglain." Paliwanag ni Knight, at napatango naman si Matthew ng nakakaunawa. "Sabagay, wag mong biglain. Mas okay pa rin na ipaliwanag mo muna sa kanya. Pero sure akong magugustuhan siya ni daddy. Kasi alam mo naman na kung sino ang mahalin mo, basta mahal ka ring pabalik ay walang problema sa kanila." Ani Matthew ng biglang mapasandal si Knight sa sandalan ng upuang, kinauupuan niya at mapatingin sa kisame. "Sabagay nga, tama ka kuya. Pero iniisip ko pa rin ang will ni mommy. Hindi ko alam kung okay lang na hindi ko sundin. Pero sabi naman ni daddy dapat daw may magustuhan na ako. Pero may minamahal na nga ako kuya. Pero iyong will talaga. Bakit kasi ang bata ko pa noon. May will pang nalalaman si mommy. Usong-uso talaga ang arrange marriage noon kahit sa ibang bansa." Reklamo pa ni Knight. "Wag kang mag-alala. Tutulungan ka namin magpaliwanag kay daddy. Mas magiging masaya pa rin naman iyon, lalo na kung sure na siyang wala siyang tatandang binata na anak." Biro pa ni Matthew ng kumatok mula sa labas si Thalia na inaaya silang magmeryenda sa may garden. Pagdating nila doon ay nakita nilang may nakahayin ng meryenda sa table na nandoon. Simpleng meryenda lang iyon. "Request yan ni Lemon. Namimiss daw kasi nito ang mga pagkaing iyan. Dahil noong bata pa daw s'ya. Masaya na daw siyang makabili ng ganyan." Paliwanag ni Thalia, habang nakatingin kay Lemon na nakahiga sa damuhan at si Icey ay nakaupo sa kandungan nito at nakasandal sa hita nito. Nakahayin sa table ay banana que at camote que. At sa init ng hapong iyon ay black coffee ang nakahayin sa kanila. Namamanghang napatingin si Knight sa nakahigang dalaga sa damuhan. "Napakasimpleng buhay, ng kinalakihan mo. Sa pagkaing ganito masaya ka na. Pero dahil kasama mo na ako. Ibibigay ko sayo ang buhay na deserve mo. Hindi ko hahayaang mahirapan ka. Hindi ko hahayaang maranasan mo ulit ang mga bagay na nagpapahirap sayo." Bulong ni Knight sa sarili habang hindi inaalis ang mga mata kay Lemon. "Natulala ka na." Untag ni Thalia kay Knight. "Sa hirap na pinagdaanan niya. Gustong kong makalimutan na niya iyon, at mabigyan ko si Lemon ng maganda at masayang pamumuhay." Sagot ni Knight kay Thalia at mabilis na pinalis ang pumatak na luha sa kanyang mata. "In love ka ng sobra kapatid?" Tanong ni Matthew na hindi naman itinanggi ni Knight. "Sobra kuya. Hindi ko kakayaning mawala siya sa akin. Ngayon masasabi kong, masarap pala talagang magmahal pero nakakatakot. Masarap kasi sobrang saya sa puso, pag kasama mo siya palagi at nakikita. Pero nakakatakot din sa point na baka mamaya mawala na lang siya sayo. Baka magkahiwalay kayo. Hindi ko kakayanin. Pero sa ngayon, alam ko namang ipaglalaban ko siya. At mahal na mahal ko si Lemon." Pag-amin ni Knight pero si Thalia ang unang yumakap. "I'm so proud of you kabalyero. Binata ka ng talaga." Masayang wika ni Thalia ng hilahin naman ito ni Matthew sa pagkakayakap kay Knight. "Naku ang seloso mo. Masaya lang akong pumapag-ibig ng tunay si Kabalyero." Ani Thalia, ng mahagip ng paningin ni Knight ng halikan ni Thalia ang kapatid. "Ang sweet ninyo. Kumain na nga tayo. Matatamis na nga nakahayin tapos sasama pa kayong dalawa." Aniya, at mabilis namang tinakbo si Lemon at Icey sa medyo may kalayuan sa kanila. "Meryenda na tayo. Nakaluto na sila ng request mo. Pero sure ka lemonada? Kape sa ganitong oras?" Tanong ni Knight kaya naman napatawa na lang si Lemon. "Yeah. Masarap kayang magkape, habang ganito kainit. Akala n'yo kasi, masarap lang magkape pag malamig. Pero hindi. Kasi mas masarap magkape pag mainit." Wika ni Lemon at tumayo na rin sa pagkakahiga ng kunin ni Knight si Icey sa kandungan niya. "Lemonada ang pangalan mo tapos kape ang paborito mo." Ani Knight habang naglalakad na sila papalapit knina Thalia. "Ay sa masarap ang kape eh. Iyon nga dati ay inuulam ko sa tutong na bahaw galing sa mga karinderya. Mabuti nga at nakakahingi ako. Pero ngayon hindi na ako nakakapag-ulam noon. Iniinom ko na lang. Kasi dahil sayo. Thank you Knight sa pagkupkop sa akin." Aniya. "Ay sus. Kalimutan mo na ang nakaraan. At hindi naman kita kinupkop. Kasi hindi naman kita kaanu-ano. Boyfriend mo ako at mahal na mahal kita. Kaya resposibilidad kong bigyan kita ng maayos na matitirahan, kahit sa bar lang tayo nakatira at maayos na pamumuhay. Okay. Basta mahal kita. Pero pangako, magpapagawa ako ng bahay. Para sa bubuoin nating pamilya." Paliwanag ni Knight at humilig pa si Lemon sa braso nito habang buhat si Icey. "Salamat kabalyero ko. Mahal na mahal kita." Wika ni Lemon ng halikan siya ni Knight sa ulo. Ng makalapit sila sa kina Matthew ay natuwa naman si Lemon, dahil napakaganda ng pagkakaluto ng banana que at camote que. "Kain na kayo. Tama si Lemon masarap ngang magkape kahit mainit ang panahon. At masarap Lemon itong ipinaluto mo." Wika ni Matthew na maganang kumakain. "Iba talaga kuya ang rich kid. Hindi mo pala alam yan? Si Thalia kaya alam din yan. Kahit ako." Sabat naman ni Knight. "Hindi ako rich kid. Kasalanan ito ni mommy. Hindi ako ipinagluluto niyan. Si Daddy Alfonso naman, busy iyon palagi, noon kaya wala akong alam sa ganito. Pero ang sarap talaga." Ani Matthew na ikinatawa ni Thalia. "Yaan mo at ipagluluto kita niyan ng madalas." Malambing na wika ng asawa. "Salamat baby. I love you." Tugon naman ni Matthew. "Kain ka na rin lemonada. Ang sweet nila. Dapat tayo ding dalawa." Wika ni Knight ng isubo ni Lemon dito ang malaking hiwa ng camote que. Halos mabulunan naman si Knight sa ginawa ni Lemon. "Grabe ka sa akin lemonada ka. Naku ka. Humanda ka sa akin mamaya." Nakangising wika ni Knight ng kurutin ni Lemon ang tagiliran ni Knight. "Aray!" Sigaw nito habang nagsusumbong kay Thalia na kinurot siya ni Lemon. Naging masaya ang kwentuhan nila, ng mga oras na iyon. Higit sa lahat ninanamnam ni Lemon ang bawat masasayang oras na kasama si Knight at ang pamilya nito. Wala siyang magandang alaala noong bata pa siya. Kaya ngayon, lahat ng magaganda at masasayang alaala ay talagang pinapahalagaan niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD