Chapter 3

2431 Words
Nasa bahay lang si Aster, at hinihintay ang pag-uwi ni Lemon. Hindi niya alam ang agenda nito, kung bakit nasa isang linggo na mula ng umuwi ito ng gabi na. Wala naman siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kanya ay ang makauwi ito. Nakahiga siya sa sofa ng biglang tumunog ang cellphone niya. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago niya sinagot ang tawag. "Yes boss! Napatawag ka." Wika ni Aster sa tumawag. "Kumusta na siya?" Wika ng lalaki sa kabilang linya. "Pure, sexy and pretty as always." Walang buhay na sagot ni Aster. "Good. Malapit na akong umuwi, siguro after six months or less. Pwedeng baka sa mga susunod na buwan. Makauwi na ako. Hanggat napapanatili mo ang kainosentehan niya, mabuti akong kausap. Lahat ng hilingin mo. Ibibigay ko sayo." Sagot ng nasa kabilang linya. "Syempre naman boss. Kahit naman kilala mo ako. Mas mahalaga sa akin ang pera, pera at pera. Lalo na kung sa mga bisyo ko. Kaya ngayon pa lang magpapasalamat na ako sayo." Wika ni Aster. Rinig na rinig niya ang pagtawa ng lalaki sa kabilang linya. Hindi talaga niya alam kung ano ang kinahumalingan ng lalaking kausap sa babaeng iyon. Pero sabagay. Wala siyang tulak kabigin sa ganda ng babaeng binabantayan niya. Maliban na lang na lumaki itong mag-isa at sanay sa hirap. Nagpaalam na rin ang lalaki matapos mangumusta. Pagkababa ng tawag ay siya namang pagpasok ni Lemon sa bahay. "Aster." Masayang bati ni Lemon sa kanya, natawa naman si Aster kasi parang napakasya ni Lemon. "Anong meron hon? Parang napakasaya mo ngayon?" Tanong ni Aster na sunod-sunod ang pagtango ni Lemon. "Hon, di ba? Next week birthday mo na?" Tanong ni Lemon, kaya naman napatango na lang si Aster. "Oo mahal. Bakit nakalimutan mo ba?" Tanong din ni Aster sabay iling ni Lemon. "Hon, para sayo. Sana magustuhan mo." Sabay abot ng maliit na paper bag, na naglalaman ng relo. Alam naman ni Lemon na hindi nga galing sa kanya ang ipinambili noon at galing iyon sa lalaking estranghero sa kanya. Pero alam naman niyang kaya ibinigay sa kanya ng lalaki iyon, kasi panregalo naman niya talaga iyon di ba? "Ang mahal nito hon. Bakit nag-abala ka pa?" Wika ni Aster sa kanya. "Para sayo mahal. Advance birthday gift ko na iyan sayo. Di ba, nakasahod na naman ako. Iniipon ko iyon, lalo na at ikaw naman ang gumagastos sa lahat ng gastusin dito sa bahay. Sana magustuhan mo." Nakangiting wika pa ni Lemon, hanggang sa yakapin siya ni Aster. "Syempre naman mahal magugustuhan ko ito. Lahat ng galing sayo. Mahal man iyan o mura. Basta galing sayo, magugustuhan ko." Nakangiting wika pa ni Aster habang isinusuot ang bagong relo na bigay ni Lemon. "Ngayon alam ko na kung bakit ka palaging ginagabi. Ikaw talaga. May pa wag mo na akong sunduin hon. Iyon pala may paganito ka." Wika ni Aster kaya naman napahagikhik si Lemon. "Mahal na mahal kita Aster. Kaya naman kahit sa simpleng bagay, maparamdam ko sayo na mahal kita." Malambing na wika ni Lemon ng makatanggap siya ng isang masuyong halik sa noo. "Mahal din kita. Kaya naman ngayon, ako na maghahayin. Nakapagpadeliver na kasi ako ang pagkain ang tagal mong umuwi eh. Makabawi man lang sa pag-iipon mo, para lang mabigyan ako ng regalo. Higit sa lahat advance pa. Ang ganda nito." Nakangiting wika pa ni Aster, bago tuluyang tumayo. "Dyan ka lang muna. Just sit back and relax. Tatawagin na lang kita pag ready na ang pagkain. Hmmm." Malambing pang saad ni Aster bago tuluyang tumuloy sa kusina. Napangiti na lang si Lemon. Totoo namang pinag-ipunan niya ang dapat ipambibili niya ng relo, kaso hindi naman niya expected na may isang lalaking darating kanina, para bilhin iyon at ibigay lamang sa kanya, dahil nalulungkot siya. Hindi naman siguro masama ang kanyang ginawa, na ibigay iyon kay Aster. Total naman para kay Aster naman talaga iyon kung siya man ang nagbayad. Napatingin na lang si Lemon sa bracelet na suot niya. Napailing na lang siya ng maalalang sinabi ng lalaki na wag daw niyang aalisin ang bracelet na iyon, kasi bagay naman sa kanya. Ilang sandali pa at tinawag na rin siya ni Aster. Masaya silang kumain at nagkwentuhan. Nakikita niya ang saya sa mukha ni Aster. Kaya tama lang talaga na iyon ang naisip niyang advance na regalo dito, kahit ibang lalaki ang nagbayad noon. Lumipas ang mga araw at excited na si Lemon para sa birthday ni Aster. Oo nagtatrabaho siya sa bar noon pero waitress lang siya. Ngayon lang siya makakapasok ng isang club, tapos customer pa siya. "Excited?" Tanong ni Aster sa kanya habang nag-aayos siya ng buhok. Pareho na kasi silang bihis. Nag-aayos lang siya para naman presentable siya para kay Aster at sa harap ng mga kaibigan nito. "Uhmm. Yes. Sa totoo first time ko itong makakapunta sa isang club, tapos kasama pa kita." Nahihiyang wika pa ni Lemon kaya naman natawa pa si Aster. "Hindi naman naiiba ang bar kung saan ka nagtatrabaho dati, at sa club na pupuntahan natin ngayon. Kaya naman, paano mo nasabing first time." "Kasi doon waitress ako. First time kong maging customer. Kaya excited ako." Nakangiting ani Lemon, na lalong nagpatawa kay Aster. "Ikaw talaga. Dalaga ka na. Pero parang bata ka pa ring umasta." Dagdag pa nito. "Dalaga na naman talaga ako. Boyfriend kaya kita." Malambing pang wika ni Lemon, at hinalikan naman siya ni Aster sa noo. "I love you hon. Happy birthday." Ani Lemon. "Thank you hon. I love you too." Sagot naman ni Aster. "Tara na, baka nandoon na sa club iyong apat." Pag-aaya sa kanya ni Aster at humawak pa siya sa kamay nito para maalalayan siya. Pagdating nila ng club ay sumalubong sa kanila ang maingay at mausok na paligid. Kita ang ganda ng club na iyon, pero nandoon ang iba't ibang galaw ng mga tao. May naghahalikan, may mga lalaking kung saan-saang parte ng katawan ng babae humahawak. May nakita pa si Lemon na gumagawa na ng milagro. Pero mukhang sanay na ang mga taong nandoon, kasi wala naman silang pakialam sa nakikita ng mga ito. Na ginagawa ng iba. Pagdating nila sa loob, doon niya nakita ang mga kaibigan ni Aster, nakaupo sa isang pa L na couch. Kinawayan naman sila nito. Kahit sa tingin niya ay para lang kay Aster ang kaway na iyon. Naupo sila sa dulo, pero katabi ni Aster si Gale sa kanang bahagi nito, habang siya sa kaliwa. "Happy birthday Ast/ Happy birthday bro." Sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ni Aster dito. "Thank you. Nag-order na ba kayo?" Tanong ni Aster. "Yeah." Ani Tommy. "Oh! Ayan na pala eh." Wika naman ni Mike, ng ilapag ng waiter ang isang bote ng Mojito at Vodka. Kasama ang mga pulutang order nila, at mga baso. "Lemon iinom ka ha, bawal ang killjoy dito." Ani Gale. "Hindi ako umiinom eh." Tanggi ni Lemon. "Minsan lang naman ito Lemon. Birthday pa ng boyfriend mo. Inom ka na." Pamimilit pa ni Maya. "Pero." "Wag n'yo nalang kasing pilitin si Lemon. It's okay honey. Gusto mo bang iced tea? Iyon na kang ang inumin mo. Iced tea lang naman hindi ka malalasing. Hmm." Malambing na wika ni Aster sa kanya. Tinawag namang muli ni Aster ang waiter at nagpa-order ng iced tea. Madami namang pulutan na pick-a, pick-a kaya naman hindi na nagpadagdag si Lemon. Habang nag-inuman ay nagpaalam si Gale, magbabanyo lang daw ito. Nagkakasiyahan ang lahat, nagtungo naman ng dance floor sina maya at ang dalawang lalaki. Naiwan lang na nagkukwentuhan si Lemon at Aster. Pagbalik ni Gale, ay nabangga nito ang iced tea ni Lemon. "Sorry Lemon, hindi ko napansin." Hinging paumanhin ni Gale, sa kanya. "Okay lang yan. Hilo ka na yata eh." Biro pa ni Aster at muling nag-order ng iced tea para kay Lemon. Bago ilapag ang iced tea, ay isang makahulugang tingin ang binigay ni Gale sa waiter, at tumango naman ito bilang sagot. Pagkaalis ng waiter ay bumalik na naman ang tatlong sumasayaw kanina lang. Habang lumalalim ang gabi, ay nag-iiba ang pakiramdam ni Lemon, pakiramdam niya ay para siyang kinukulong sa isang lugar na sobrang init. Nahihirapan mang huminga ay nagawa niyang magpaalam kay Aster, para pumuntang banyo. Hinayaan naman siya ng kasintahan. Pero bago pa makarating ng banyo si Lemon, doon na niya naramdaman ang sobrang init. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala. Hindi niya malaman, kung paano aalisin ang init ng katawan na nararamdaman niya. Hanggang sa may lumapit na babae sa kanya. Alam niyang babae iyon pero hindi niya malaman kung sino. Magulo sa pandinig niya ang boses nito. Hindi naman niya makita dahil sa panlalabo ng kanyang paningin. Kaya hindi niya ito makilala. Sa ilang palitan ng usapan ng lalaki at babae. Hindi niya alam kung saan siya dadalahin ng lalaking bumuhat sa kanya. Naramdaman na lang ni Lemon, ang paglapat ng kanyang likod sa malambot na kama. Init na init na ang pakiramdam niya. Nais na rin niyang alisin talaga ang mga damit niya, kung wala lang sana siyang kasama ng mga oras na iyon. "Aster." Mahina niyang bulong habang umiiyak, dahil sa init at sakit na kanyang nararamdaman. Hanggang sa mapatingin siya sa may pintuan at may lalaking, ipinasok doon sa kwarto. Malabo ang tingin niya, pero makikita niya ang headset na suot nito. Nakapiring din ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang kasalanan niya sa mga taong nakapaligid sa kanya ngayon, at sa lalaking nagwawala. Pero nandoon ang awa niya para sa kalagayan nila ng lalaki. Ilang sandali pa ay iniwan na sila ng babae at ng mga kasama nito. Narinig pa ni Lemon ang pagclick ng lock at paglapat ng pintuan. Gusto niyang makita ang mukha ng lalaking kasama niya ngayon pero nanlalabo talaga ang kanyang paningin. "Miss." Mahinang usal ng lalaking kasama niya ngayon. "I don't know what happened to me. But your smell, give a burning fire to my body." Malambing na wika ng lalaki, at agad siyang sinungaban ng halik. Mapaghanap at napakasarap ng halik na iyon. Ramdam na ramdam ni Lemon, ang pagdaloy ng kuryente sa kanyang katawan na nagmumula sa halik ng lalaking hindi niya kilala. Unti-unting bumababa ang mga halik nito sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Noon lang napagtanto ni Lemon na wala na siyang saplot. Katulad din ng lalaking, nagpaparamdam ng kakaibang sarap sa kanya. Sinakop ng mainit nitong labi ang kanyang dibdib at sinimulang paglaruan ang kanyang dunggot. Halos mapaliyad naman si Lemon sa sarap na kanyang nadarama. Ang isang palad nito ang humahaplos sa isa, habang busy ang labi nito sa isa. Ilang sandali pa at nararamdaman niya ang pamamasa ng kanyang gitna. Nakakalunod ang bawat haplos at halik ng lalaking kasiping niya ngayon. Hindi niya alam na mayroon pa lang ganoong pakiramdam. "Aaahhh." Daing ni Lemon. Hindi niya malaman kung dahil ba sa sakit gawa ng init ng katawan, o dahil sa sarap na kanyang nararamdaman. Ilang beses niyang minura ang sarili sa kanyang isipan, dahil napakatraydor ng kanyang katawan. Hindi nga niya maibigay kay Aster ang sarili niya. Pero heto siya, nagpapakalunod sa piling ng iba. Unti-unting nararamdaman ni Lemon panunudyo ng p*********i nito sa bukana niya. Hanggang sa hindi na niya kinaya ang sakit. "Aahhhh." Napasigaw na lang si Lemon sa sobrang sakit ng pagkasira ng hymen niya. Naiyak na lang siya, kasi wala ng talaga. Ang bagay na maiipagmalaki niya sana kanyang mapapangasawa. Ang bagay na maiipagmamalaki sana niya kay Aster sa kasal nila ay wala na. Nakuha na ng estrangherong lalaki na sa hinagap ay hindi niya akalaing maiibigay niya. "I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit na sambit ng lalaking nasa ibabaw niya. Kahit humihingi ito ng tawad, ay nararamdaman pa rin naman ang pagnanasa nitong marating ang dapat marating. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang may kung anong pakiramdam ang namumuo sa kanyan puson. Naramdaman din niya, na bumibilis ang pag-ulos ng lalaking nasa ibabaw niya. Hindi na rin niya mapigil ang sarap ng sensasyong kanyang nararamdaman. Hanggang sa marating niya ang nais niyang marating. Naramdaman na lang din niya ang pagbuhos ng kung anong likido sa loob ng kanyang p********e. Hanggang sa habol hininga itong huminto sa pag-ulos. Tulad niya ay nararamdaman din niyang nawala ang init ng pagnanasa sa katawan ng lalaki. "I'm sorry miss. Hindi ko sinasadyang gawin sayo ang bagay na ito, ng labag sayo. Kahit ako ay naguguluhan kung ano ang nangyari sa akin. Dahil iced tea lang ang ininom ko. Pero kakaibang init ang naramdaman ng katawan ko. Hanggang sa may nagpiring at makarating ako dito. Pero hindi ko pinagsisisihan ang araw na ito. Ang makasama ka." Mahinang bulong sa kanya ng lalaki. Tapos ay binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi. Bago nito ibinagsak ang katawan sa kanyang tabi at tuluyan ng nakatulog. Napangiti na lang si Lemon kahit masakit sa kanya ang nangyari. Kahit papaano mabuting tao ang napagbigyan niya ng sarili. Mali man, pero ano pang magagawa niya. Nangyari na ang hindi dapat mangyari. Napatingin na lang si Lemon sa kisame. Napapaisip siya kung ano ba ang dapat at tama niyang gawin. Pakiramdam niya ay isa siyang basura, dahil sa pagbibigay ng sarili sa lalaking hindi niya kilala. Pero nandoon ang pagtataka na wala siyang makapang pagsisisi sa puso niya. Hanggang sa ang malalim niyang pag-iisip, sa lalim ng gabi at ang pagod niyang katawan ay iginupo na rin ng antok. Sa himbing ng kanyang tulog ay bigla na lang siyang naalimpungatan gawa ng naramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa kama. Doon niya naalala ang nangyari sa nagdaang gabi. Napatingin na lang si Lemon sa lalaking ngayon ay natutulog pa rin sa kanyang tabihan. Nakatakip sa mukha nito ang unan na dapat ay hinihigaan nito. Alam niyang pareho silang walang saplot ng estranghero. Nais man niyang makita ang mukha nito. Pero natatakot siyang alisin ang unan na nakatabon sa mukha nito. Dahil baka bigla na lang itong magising. "Alam kong mali, pero sana hindi mo maisip na masama akong babae. Alam mo iyon sa sarili mo. Alam kong naramdaman mo iyon. Sana hindi na tayo magkita. Kung iisipin mong nahihiya ako. Sobra-sobra. Hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin paglabas ko ng kwartong ito. Pero nararamdaman kong, hindi iyon maganda." Wika ni Lemon sa lalaking hindi niya nakikita ang mukha. Ngayon ay naririnig pa niya ang paghilik nito. Indikasyon na tulog na tulog pa rin itong talaga. Matapos makapagbihis ay isang sulyap pa ang ginawa ni Lemon sa lalaki. Bago niya mabilis na nilisan ang lugar na iyon. Habang hindi napapansin ang pagkaiwan niya sa isang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD