Chapter 4

2555 Words
Malamig ang pangmadaling araw na hangin, pero hindi iyon pinansin ni Lemon kahit sumasakit ang kanyang katawan, partikular ang gitnang bahagi ng kanyang hita. Pumara siya ng taxi, para makauwi sa bahay ni Aster. Mabuti na lang at may naipit siyang pera, sa maliit na bulsa ng kanyang damit. Hindi talaga alam ni Lemon kung ano na ang nangyari sa kanya, para manganap ang bagay na iyon. Gusto na lang niyang maiyak sa kanyang sitwasyon ngayon. "Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay Aster?" Tanong ni Lemon sa sarili ng ngayon ay nasa tapat na siya ng bahay ni Aster. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Nararamdaman niyang walang tao doon. Katulad pa rin ang bahay, ng presensya ng umalis sila. Ng masigurado niyang wala doon si Aster ay mabilis niyang hinayon ang kanyang kwarto, para maligo. Gusto niyang maalis ang presensya ng lalaking nakaniig. Habang tumutulo ang malamig na tubig sa kanyang katawan. Doon lang bumalik sa alaala niya ang amoy ng lalaking nakasama niya sa mainit na sandaling iyon. Pamilyar sa kanya. Pero hindi niya maalala kung saan niya naamoy ang nakakahalina nitong bango. Na kumapit pa sa buong katawan niya. Hanggang sa pagtaas niya ng isa niyang kamay, doon napansin ni Lemon, na nawawala ang bracelet na binigay ng estrangherong, siyang bumili ng relo, na ibinigay niya kay Aster. Napabuntong hininga na lang siya sa panghihinayang na naiwala niya iyon. "Hindi ko alam kung saan kita naiwala. Gusto man kitang hanapin. Pero napakaimposible na. Maaaring sa club iyon. At siguradong may nakapulot na noon." Malungkot na wika ni Lemon, bago muling nagpatuloy sa pagligo. Matapos makapaligo ay pinilit ni Lemon ang makatulog, gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat. Gusto niyang ilihim kay Aster ang mga nangyari ngayong kaarawan pa nito. Nahihiya siya, natatakot, higit sa lahat baka hindi siya matanggap ni Aster. Sa lalim ng kanyang takot at lungkot, hindi na namalayan ni Lemon na nilamon na rin siya ng antok. Samantala, sa apartment kung saan, dinala ni Gale ang nakatulog na si Aster ay nagaganap ang isang mainit na tagpo. Si Aster habang patuloy na umuulos sa ibabaw ng babaeng kaniig. Maririnig ang mga ungol na wari mo ay nagbibigay kasiyahan at sarap sa isa't isa. "What have you done to me Gale?" Mariing tanong ni Aster habang patuloy pa rin sa pag-ulos sa ibabaw ng kaibigan. "I've done nothing Aster. You kiss me and I gave you what you want. Don't asking me a question. We like what we doing. Ooh! Aster! Fvck me hard!" Sigaw ni Gale habang mas lalo pang ginanahan si Aster sinabi ni Gale. "What about my girlfriend?" Hindi pa rin naman maiwasan ni Aster na magtanong. Hindi sa nag-aalala siya. Pero may matindi talaga siyang dahilan. "Don't worry about her. She's okay. Nasa bahay mo na iyon for sure. Hindi na daw kasi siya sasama sa atin eh. Gusto na daw niyang matulog. Kaya isinakay na lang namin ni Maya sa taxi. Faster! Aster! I'm near!" Wika pa ni Gale, habang palakas ng palakas ang nasasarapan niyang ungol sa kwartong iyon. "Okay. I trust what you've say. Fvck Gale! You're so hot! I'm near too. Wait! Are you in pills?" Tanong ni Aster. Kahit naman papaano ay nag-iingat siya. "Yeah. Hindi ako papayag na mabubuntis na lang ng basta, tapos hindi mo ako pananagutan. Ooh! Aster! C*m with me!" Hinihingal pang wika ni Gale, ng sabay nilang marating ang kasukdulan. "It's mind blowing. Best birthday gift as ever." Wika pa ni Aster, habang inaalis ang sarili kay Gale. "Anytime you want I'm in. We're friends with benefits back then. Nagbago ka lang noong makilala mo iyong girlfriend mo. Balik na tayo sa dati. Hmmm." Malambing na wika ni Gale ng magsimula na namang mag-init si Aster sa mga haplos ng katabi. Muli na namang kinubabawan ni Aster si Gale at muling hinalikan. "Friends with benefits then!" Wika ni Aster sabay ngisi. Hanggang sa muli na namang masindihan ang apoy ng pagnanasa sa kanilang dalawa. Tanghali na ng makauwi ng bahay si Aster. Naabutan niya si Lemon na nagluluto. Nilapitan naman ito ni Aster at hinalikan sa noo. Bigla namang natigilan si Lemon, hindi niya kasi naramdaman ang paglapit ni Aster sa kanya. Kung hindi pa nito hinawakan ang pisngi niya para halikan sa noo. "Bakit hindi ka sumama kina Gale? Actually wala akong maalala, nagising na lang ako nasa apartment na ako ni Gale. Sabi niya sinasama ka nila patungong bar. Kaso mas gusto mo na daw magpahinga. Tama ba?" Mahinahong tanong ni Aster kaya naman napatango na lang si Lemon. "O-oo, medyo napagod din ako. Kaya naman hindi na ako sumama. Nagtaxi na naman ako. Kaya umuwi na ako dito." Wika ni Lemon na hindi makuhang tumingin sa mga mata ni Aster. Nandoon pa rin kasi ang guilt sa nangyari sa kanya sa nagdaang gabi. "Okay. Ano ba yang niluluto mo hon. Parang nagugutom ako eh. Hindi man lang ako pinakain ni Gale. Pinalayas pa ako at wala daw siyang pagkain. Kaya umuwi na ako ngayong nagising ako. Napadami yata ako ng inom kagabi eh. Kaya sa totoo, kagigising ko lang." Paliwanag pa ni Aster. "Sige maligo ka na muna, amoy ka ngang alak. Nagluto lang ako ng adobo. Para sa umagahan. Ipagtimpla na rin kita ng kape." Malambing na wika ni Lemon. Isang halik pa sa noo bago siya iniwan ni Aster para makaligo. Isang buwan ang lumipas, buhat ng mangyari ang hindi inaasahang pangyayaring iyon sa buhay ni Lemon. Naging normal na ulit naman ang buhay niya. Pumapasok siya sa trabaho, umuuwi at naglilinis ng bahay. Ipinaglalaba at nagluluto siya ng pagkain nila ni Aster. Pero sa hindi inaasahang pangyayari. Nakaramdam na lang si Lemon ng kakaiba sa katawan niya. Noong una ay hindi niya iyon pinansin at baka dala na lang din ng pagod sa maghapon sa grocery. Palagi pa namang wala si Aster at may inaasikaso daw itong iba. Halos umuuwi lang si Aster para maligo at magpalit ng damit, minsan kumakain lang at aalis na ulit. Kaya naman naisip niyang gawa lang ng pagod ang hilo na nararamdaman niya. Pero isang umaga, nagising na lang si Lemon na halos, bumaliktad ang sikmura niya. Mabilis niyang hinayon ang banyo, para doon sumuka ng sumuka. "Anong nangyayari sa akin?" Tanong pa ni Lemon sa sarili habang naghihilamos. Napatingin siya sa kanyang mukha, wala namang nagbabago sa kanya. Maliban sa mukha talaga siyang may sakit. Kahit masama ang pakiramdam ay nagawa naman ni Lemon na pumasok sa trabaho. Pagdating naman ng tanghali ay umaayos na rin ang pakiramdam niya. Sabi nga, para lang nagdadahilan si Lemon sa sama ng pakiramdam na naranasan niya. Habang pauwi ng bahay, ay may nakita pa si Lemon na nagtitinda ng mangga. Gabi na noon pero may naglalako pa. Doon niya pinakiramdaman ang sarili. Nagke-crave talaga siya, kaya nilapitan niya ang magtitinda. "Manong magkano po ang isa?" Tanong niya dito. "Naku ineng mahal ngayon eh. Hindi kasi pick season ng mangga. Pero masasabi ko sa iyong masarap. Itong talop na ay bente pesos. Kung baga ay one fourth iyan ng isang buong mangga. Itong buo naman ay otsenta." Sagot ni manong sa kanya. "Ganoon po ba? Manong pabili po ng isang buo at ito pong balat na." Masayang wika ni Lemon sabay abot ng one hundred. "Naku salamat ineng. Pero pauwi na ako. Sayo na rin itong isang wala ng balat. Masasayang lang pag nasira." "Hala manong malulugi ka, ito pa po ang bayad." Pilit pa ni Lemon. "Napakabuti mong bata. Sa lahat ng paghihirap na dumating sayo. Alam kong sisilay din ang masaya at maginhawang mundo para sayo. Palagi ka lang manalig sa nasa Itaas. Pagpalain ka ineng ng Poong Maykapal." Nakangiting wika ng matanda bago ito nagpaalam sa kanya. "Salamat po manong. Kayo din po. God Bless you po!" Sigaw pa ni Lemon, at kumaway pa sa kanya ang matandang papalayo na sa kanya. Pagkarating ni Lemon ng bahay, ay wala pa ring Aster siyang nadatnan. Sa halip na magluto at kumain. Iyong biniling mangga na lang niya ang kanyang nilantakan. Paggising kinaumagahan ay nandoon na naman ang matinding kirot sa kanyang ulo. Paulit-ulit lang hanggang sa maramdaman na naman niya ang pagbaliktad ng kanyang sikmura. Matapos sumuka ay kukuha sana siya ng damit niya para maligo, ng mapansin niyang wala pangbawas ang sanitary napkin niya na dapat ay nagamit na niya noong nakaraang buwan. Nanginginig man ang buong kalamnan sa posibilidad na kanyang naiisip pero nandoon pa rin ang paniniwala niyang nagkakamali lang siya. Mabilis siyang naligo at nagtungo ng botika. Bumili siya ng tatlong brand ng pregnancy test. Pagbalik niya ng bahay, mabilis siyang nagtungo sa banyo, para subukan iyon. Nandoon ang takot, pero pilit niyang nilalabanan. Matapos sundin ang instructions ng bawat pakete ay hinintay muna niya ang magiging resulta. Pikit mata niyang tiningnan ang tatlong pregnancy test na iisa ang resulta. Mayroon itong dalawang linya. Halos mapaupo si Lemon sa sahig sa kanyang natuklasan ang takot sa pwedeng mangyari sa kanya, sa kanila ni Aster. Ang takot na iwan siya ng lalaking pinakamamahal. Hindi na nagawang pumasok ni Lemon sa trabaho. Hinintay na lang niya ang pag-uwi ni Aster. Kung ano man ang magiging kalabasa. Kung hihiwalayan siya ni Aster, masakit man, pero kanya iyong tatanggapin. Kung iyon ang kabayaran sa pagiging pabaya niya. Gabi ng magising si Lemon. Nakatulog kasi siya sa labis na pag-iyak. Hindi na niya nagawang itago ang pregnancy test na nagamit niya kaya nilagay na lang niya iyon sa bulsa ng kanyang damit. Narinig kasi niya ang pagdating ng sasakyan ni Aster. Kahit hirap ay pinilit ni Lemon na pasiglahin ang sarili. Paglabas niya ng kwarto ay nagulat pa siya, na napakadaming tao ang nandoon. Mayroong nasa limang lalaki na puro nakaitim at isang lalaking halos napapalibutan ng ginto ang katawan na sa tingin niya ay nasa kwarentang mahigit na. "Hindi talaga ako nagkamali ng pinili. Napakaganda niya, para maging asawa ko." Manghang wika ng matandang lalaki, na siyang ikinagulat ni Lemon. "Anong ibig sabihin nito Aster?" Gulat na tanong naman ni Lemon, na siyang nagpangisi kay Aster. "Hindi mo man lang ba naiisip kung bakit nagtitiyaga lang ako na halikan ka lang sa noo, ay girlfriend naman kita? Siguro ay hindi. Sa totoo lang, nandito na rin naman tayo. Nandoon ako sa club kung saan ka nagtatrabaho, kasi naghahanap ako ng prospect para sa mapapangasawa ni Mr. Sadji Munojer. Hanggang sa nakita kita. At ng makita niya ang larawan mo, hindi siya nag-atubiling mangako ng isang planta na matagal ko na ngang pangarap. Ngayon, sumama ka na kay Mr. Munojer, para makuha ko na ang reward ko." Nakangising wika ni Aster, habang nandoon naman ang pagpupuyos ng damdamin ni Lemon sa sobrang galit. "Hayop ka Aster! Niloko mo lang ako! Bakit mo pinaglaruan ang damdamin ko! Umasa akong mahal mo ako! Pero bakit mo pa ako pinakitahan ng maganda mong ugali kung isa ka pa lang hayop! Demonyo ka Aster! Ang sama-sama mo." Umiiyak ng sambit ni Lemon habang patuloy na sinusuntok ang dibdib ni Aster. Hinagip naman agad ni Aster ang mga braso ni Lemon ng masaktan na siya. "Hawakan na ninyo ang babaeng ito, iuwi n'yo na!" Inis na wika ni Aster. Hahawakan sana ng mga lalaking nakaitim si Lemon ng bigla na lang siyang magpipiglas. Doon sa hindi inaasahang pangyayari. Nalaglag ang pregnancy test na nasa bulsa lang kanina ni Lemon. "What's the meaning of this Aster!? I thought she's a virgin. No one, took her. No one, touch her. Pero ano ito? Pregnancy test! And saying she's pregnant!" Galit na bulyaw ni Mr. Sadji habang matalim ang tingin kay Aster. "No. Sir. Hindi ko s'ya hinawakan. Hindi ko s'ya kinuha, kahit kating-kati na akong tikman siya!" Pasigaw na ring sagot ni Aster sa kausap. "Anong ibig sabihin nito Lemon!" Galit na baling sa kanya ni Aster. "Yes! I'm pregnant. Nabuntis ako ng lalaking naka one night stand ko doon sa club kung saan naganap ang birthday mo! Wala akong kasalanan, basta na lang ako nahilo, ng mga oras na iyon. Masama mang mangbintang kasi medyo malabo sa paningin ko kung sino ang babaeng iyon. Pero alam kung kilala ka niya. Kasi nabanggit niya ang pangalan mo! At ang babaeng iyon ang dahilan kaya nangyari ang lahat ng ito sa akin." Sigaw ni Lemon sa mukha ni Aster. "Mr. Sadji!" Tawag ni Aster sa lalaki. "Mapapag-usapan naman natin ito di ba?" Pakiusap ni Aster sa lalaking matalim pa rin ang titig sa kanya. "No! Aster! I'm very disappointed. Nagtiwala ako sayo. Akala ko inalagaan mo siyang mabuti. Madami pa akong mahahanap na prospect. Pero hindi ko matatanggap ang napagsawaan na ng iba. Tapos ngayon ay buntis pa." Mahinahong wika ni Mr. Sadji. "Pero paano iyong pangako mo! Malaki ang pagkakautang ko. Iyong pangako mo lang ang inaasahan ko." Halos may pagmamakaawa pa sa boses ni Aster. "Ikaw ang unang sumira sa usapan natin Aster. Nagtiwala ako sayo. Wala kang maaasahan sa akin sa pagkakataong ito." Wika ni Mr. Sadji, na pabagsak na mapaluhod si Aster. "Mr. Sadji!" Mariing tawag pa ni Aster bago siya tuluyang talikuran ng kaharap. "Tara na." Baling pa ni Mr. Sadji sa mga tauhan, at mabilis namang tumalima ang mga ito at sumunod sa kanya. Pagkalabas ng matanda ay nagulat na lang si Lemon ng pagbuhatan siyang bigla ni Aster ng kamay. Bagay na hindi niya inaasahang gagawin nito sa kanya. "A-Aster." Nauutal pang wika ni Lemon, habang hawak-hawak ang nasaktang pisngi. "Peste kang babae ka! Akala ko, ikaw na ang mag-aahon sa akin sa pesteng buhay na ito! Pero dahil sayo! Nalubog na naman ako!" Galit na sigaw ni Aster ng hinila nitong bigla si Lemon, papasok ng kwarto nito. Nakikita ni Lemon ang galit sa mga mata ni Aster, ng bigla na lang nitong sirain ang damit niya. Bigla na lang siyang sinunggaban nito ng halik. Umiiwas si Lemon, pero masyadong malakas, at galit si Aster. "Aster wag. Tama na. Huminahon ka." Pagmamakaawa ni Lemon pero bingi si Aster sa mga sinasabi niya. "Ito ang gusto mo di ba? Ang pagsawaan! Pwes ipaparanas ko sayo!" May diing wika ni Aster, habang walang pag-iingat na inaangkin si Lemon. "Aster! Ano ba? Tama na. Pakiusap. Buntis ako Aster!" Pagmamakaawa pa ni Lemon. "Wala akong pakialam!" Galit nitong sambit. Habang patuloy sa ginawa at tuluyan na nitong inangkin si Lemon ng walang pag-iingat. Patuloy lang si Aster sa ginagawa. Wala siyang pakialam sa mga masasakit na daing at iyak ni Lemon. Ang mahalaga kay Aster ay magawa ang lahat ng gusto niya at mailabas ang galit na nararamdaman niya ngayon. Matapos ang walang ingat na pag-angkin niya kay Lemon, ay iniwan niya itong parang basahan. Nandoon lang si Lemon sa isang sulok, habang hindi mapatid ang mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata. Nagbabayad siya sa kasalanang wala siyang alam kahit kinalaman man lang. Umiiyak at humihiling kung paano matatakasan ang sitwasyong kinasasadlakan. Narinig na lang ni Lemon ang paglock ng pintuan. Kinuha niya ang kumot at ibinalot sa hubad niyang katawan at tinungo ang pintuan. Pagpihit niya ng siladura, doon niya napagtantong nakalock ito sa labas. Kahit anong pilit niya para mabuksan iyon ay hindi man lang ito gumalaw. Umiiyak na napaupo na lang si Lemon sa likod ng pintuan. Paano pa siya makakaalis sa poder ni Aster. Kung ngayon pa lang, ikinulong na siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD