Chapter 2

2427 Words
Isang linggo na ring nagtatrabaho si Lemon sa grocery na pagmamay-ari ni Aster. Maayos naman ang pagtanggap sa kanya ng ibang kasahaman. Mayroon lang talaga na ilan na hindi. Napapansin niya ang ilang matatalim na titig ng mga kasamahan na cashier. Nararamdaman naman niya ang inis at inggit ng mga ito. Ikaw pa naman ang girlfriend ng boss. Gwapo si Aster na siyang maiipagmalaki niya. Bukod sa masikap ito sa buhay. Pagkalabas niya ng trabaho, siya na ang nagsara ng grocery. Hindi na siya nasundo ni Aster gawa ng biglaang pagbisita daw ng mga kaibigan nito sa bahay. Mula ng umalis siya ng bar. Pinalipat na siya ni Aster sa bahay nito. Kahit naman papano ay natuwa na rin siya. Bukod sa boyfriend niya si Aster. Nakakatipid na rin siya. Wala na siyang bayad sa bahay, bukod sa maglilinis lang siya ng bahay. Kung tutuusin para na silang mag-asawa ni Aster maliban lang sa magkahiwalay sila ng kwarto at wala pang nangyayari sa kanila. Pagdating niya ng bahay ay bumungad sa kanya ang magulong sala. Doon niya naabutan ang mga barkada ni Aster na umiinom. Tatlong lalaki, kasama si Aster at dalawang babae. "M-magandang gabi." Bati niya sa mga ito, kaya naman naagaw niya ang pansin ng mga ito. "Hon halika ka. Sorry hindi na ako nakapagpaalam sayo kaagad na nandito sa bahay ang mga kaibigan ko. Kaya hindi na kita nasundo sa grocery. Biglaan eh." Tawag sa kanya ni Aster kaya naman lumapit siya dito. "Okay lang naman. Wala iyon sa akin. Enjoy kayo." Nakangiti pang wika ni Lemon. "Tanong lang bro. Seryosohan na bang talaga yan?" Tanong ni Mike na hindi makapaniwala na kasama na ni Aster si Lemon sa bahay. "Malamang binabahay na eh." Sagot naman ni Tommy, kaya naman naging maigay lalo ang sala. "So cheap!" Puna naman ni Gale, na lumapit kay Aster. "Mas papasa pa iyang katulong mo eh. Kay sa maging girlfriend mo." Maarteng wika ni Gale, at pinaikot pa ang itim ng mata. "Shut up Gale! Alalahanin mong nasa pamamahay kita, at girlfriend ko ang binabastos mo!" Singhal ni Aster kaya naman natahimik ang lahat. "Pagpasensyahan mo na si Gale, bagong break yan sa boyfriend niyan kaya bitter." Natatawang wika ni Maya, kaya naman nawala ang tensyon sa kanilang lahat. "Okay lang naman. Magpapahinga na muna ako, medyo napagod din ako sa grocery." Wika ni Lemon. Tumayo naman si Aster at hinalikan ang kasintahan sa noo. "Rest ka muna ipaghahayin kita pag nagutom ka na. May order naman kaming pagkain. Kaya hindi mo na kailangang magluto. Hmmm." Malambing na wika ni Aster kaya naman napasipol si Tommy at Mike. Natawa naman si Lemon, ng makatanggap ng pambabato ng tansan ng beer ang dalawa. "Thank you, lalabas din ako mamaya." Paalam na niya kay Aster, at tuluyan na niyang hinayon ang kwarto. Sa kabilang banda, masama naman ang tinging ibinibigay ni Gale kay Lemon. Matagal na itong may gusto kay Aster. Kaya naman hindi siya makakapayag na sa isang mababang uri lang ng babae mapupunta si Aster. Gagawa at gagawa siya ng paraan, para masira si Lemon dito. Bagay na pagpaplanuhan niya ng mabuti. Nasa trabaho si Lemon, ng dumating ang hindi niya inaasahang bisita. Si Maya at Gale. Mabilis naman niyang tinapos ang pagpapunch ng pinamili ng isang customer, bago pinalipat sa ibang cashier ang mga kasunod nito. "May kailangan ba kayo sa akin?" Mahinahong tanong ni Lemon na siyang pagsilay ng ngisi ni Gale at Maya. Napatingin naman bigla si Lemon kay Maya. Akala niya ay mabait ito. Mabait lang siguro ito kasi kaharap ang boyfriend niya. Pero itong si Gale, alam niyang nagpipigil ng pagkainis sa kanya. Pero lantaran ang pagkaayaw sa kanya. "Anong gayuma ang pinainom mo kay Aster at nakuha mo ang atensyon niya!?" May galit sa boses ni Gale sa tanong nito sa kanya. "Wait lang, wala akong alam sa sinasabi ninyo. Mabait lang talaga si Aster kaya ko siya nagustuhan." Paliwanag niya. "Malandi ka! Sure na nilandi mo si Aster kaya naman sinasabi mong girlfriend ka niya. Siguradong laspag na iyang katawan mo ano? Kilala ko si Aster. Halimaw iyon sa kama." Nakangisi pang wika ni Gale kaya naman nainis na si Lemon. "Hindi ganoong tao si Aster. Mabait si Aster at may respeto sa akin. Kaya wag ninyo akong pagsalitaan ng ganyan!" Naiinis niyang wika, ng bigla siyang itulak ni Maya. "Anong karapatan mong sigawan kami!?" Inis na sighal ni Maya ng mapalingon sila sa taong nasa may likuran nila ng magsalita ito. "Anong gulo yan ha!? Gale? Maya?" Inis na sigaw ni Aster habang papalapit sa kanilang tatlo. Kasama nito si Tommy at Mike. "Wait, nagkakamali ka ng iniisip mo Aster." Malambing at mahinahong wika ni Gale. Bigla namang tumalima si Maya, para tulungan makatayo si Lemon. "Ang clumsy mo Lemon. Bakit ka kasi natumba. Para ipis lang iyong dumapo sa balikat mo. Natumba ka na kaagad, ay naalis ko na naman nga iyon." Natatawang wika pa ni Maya, habang nakaalalay pa rin kay Lemon. "Ganoon nga ba ang nangyari hon?" Nag-aalalang tanong ni Aster pero ramdam niya ang paninitig sa kanya ni Gale at Maya. Sa halip na sabihin ang totoo ay sumang-ayon na lang si Lemon sa sinabi ng dalawang babae. "O-oo hon. Nagulat ako doon sa ipis. Buti na lang nakita ni Maya. Baka mamaya magtitili na ako sa takot." Sagot ni Lemon, kahit sa loob-loob niya ay sobra na siyang naiirita. Siya na lumaki sa lansangan. Tumira sa ilalim ng tulay. Tapos ipis lang matatakot na siya. Hindi nga siya natatakot sa mga halang ang kaluluwa. Sa ipis pa. "Ganoon ba. Mabuti kung ganoon. Pero ano namang ginagawa ninyong dalawa dito?" Tanong ni Aster kina Gale at Maya. "Ah iyon ba? Baka kasi may plano na kayo ni Lemon sa birthday mo. Total naman first birthday mo ito na may masasabi ka naman talagang girlfriend. As in tunay na girlfriend at hindi fling. Kaya naman plano ko sana na lumabas tayo. Club tayo." Pag-aaya ni Gale habang sa dalawang lalaki pang kasama nila nagpapaawa. "Ano bro? Sa tingin mo. Wala namang masama. Like old times sa bar. Pero hindi na katulad ng dati. Mukhang matino ka na eh." Natatawang biro pa ni Mike. "Payag ka na Aster, minsan mo na lang kaming ilibre eh. Ayaw mo nun magkakabonding pa tayo. Mas makikilala ng dalawang girls ang girlfriend mo." Pangungulit pa ni Tommy. "Papayag na iyan. Papayag na rin naman si Lemon eh." Wika naman ni Maya, at nag-abresyete pa sa braso ni Lemon. Naramdaman na lang ni Lemon ang pagdiin ng kuko ni maya sa braso niya, kaya naman napatingin siya kay Aster. "O-oo naman hon. P-pumapayag ako. Minsan lang naman iyon, kaya naman ayos lang sa akin. Total naman kasama mo ako." Pinasigla pa ni Lemon ang boses niya habang sinasabi iyon. Naramdaman naman niya ang pagluwag ng pagdikit ng kuko ni Maya sa braso niya. Kaya naman nakahinga siya ng maluwag. "Iyon naman pala eh. Payag na si girlfriend. Paano ba yan lover boy. Payag ka na?" Pangungulit pa ni Gale. Kaya naman wala na ring nagawa si Aster kundi pumayag sa nais ng mga ito. "Sige na nga. Sa bar tayo sa birthday ko, okay na? Happy?" Natatawang sagot ni Aster kaya naman natuwa ang barkada nito, lalong-lalo na si Gale. "Si Lemon lang pala makakapagpapayag sayo. Thank you Lemon." May pagka sarkastikong wika pa ni Gale. Tango lang naman ang naisagot ni Lemon at hindi na nagsalita pa. Mabilis na lumipas ang mga araw. Malapit na ang kaarawan ni Aster. Naging busy naman si Lemon sa trabaho sa grocery. Palagi kasi niyang pinagbubutihan ang trabaho. Kahit pa sabihing boyfriend niya ang may-ari noon. Nandoon pa rin ang kahalagahan ng maayos na trabaho. Ilang beses na rin siyang hindi nagpapasundo kay Aster pagkakatapos ng trabaho. Dumaraan kasi siya ng mall. Para maghanap ng pwedeng iregalo kay Aster na pasok pa rin sa budget niya. Relo ang na nakita niya. Hindi man iyon kasing mahal ng mga gamit nito. Pero masasabi naman niyang maganda din iyon. At iyon ang kanyang pinag-iipunan. Kilala na nga siya ng sales lady kasi halos araw-araw na niyang binibisita ang relo na iyon. Pero hindi naman siya, sinusuway. Natutuwa din naman sa kanya ang sales lady at palagi nitong sinasabi na malapit ng magsale ang relos na iyon, at mabibili na daw niya sa mas mababang halaga. Hiling lang niya na sana umabot sa birthday ni Aster para sumakto sa budget niya. "Bibilhin mo na?" Masayang bati sa kanya ng sales lady. Pero iling lang ang kanyang naging sagot. "Ganoon ba? Last piece na kasi iyan. Ibang model na lang ang pwede mong mabili pag nabili iyan." Wika ng sales lady kaya naman biglang nalungkot si Lemon. "Sayang naman." Malungkot na saad ni Lemon. "Mabenta kasi ito. Lalo na at may free siyang bracelet. Imagine mo. Sa ten thousand mo. Maganda na iyong relo na pambigay mo sa boyfriend mo. Original naman kasi. May freebies ka pang couple bracelet. Kaya talagang mabenta yan. Sana mabili mo. Naaawa naman ako sayo eh. One week mo na kasing binabalikan yan." May pagtapik pa ito sa balikat ni Lemon. Muli namang tiningnan ni Lemon ang dala niyang pitaka. Nasa limang libo pa lang kasi ang naiipon niya. Sa susunod pang linggo ang sahod niya. Pero hindi naman niya pwedeng ubusin lahat iyon. Nakikitira na nga siya kay Aster, pati ba naman personal niyang gamit ay iaasa niya dito. Kaya naman sa ganoong bagay. Siya na ang gumagastos para sa kanyang sarili. Ilang sandali pa habang kakwentuhan ni Lemon ang sales lady, ay may lumapit na isang customer. Naagaw naman ang pansin ni Lemon ng humalimuyak ang napakabango nitong amoy. Sabi nga lalaking-lalaki. Hindi siya maharot, pero parang nahuhumaling siya sa amoy nito, na napakabango. Napansin niyang nagtitingin ito ng relo. Madaming iniaalok ang sales lady dito, pero sa relong nais niyang bilhin sana ito nakatingin. "Ms. Magkano ito?" Turo ng lalaki sa relong isang linggo na niyang binabalikan. Napatingin naman sa kanya ang lalaki, naka shades ito kahit gabi na. Pero mahahalata mong napakagwapo nito. Kaya naman nag-iwas siya kaagad ng tingin. "Ahm sir. Ano po kasi." Hindi maipaliwanag ng sales lady kung ano ang dapat sabihin. Alam kasi nito kung gaano niya kagusto ang relo na iyon. "Okay lang. Pipili na lang ako mamaya ng iba." Nakangiting wika ni Lemon. Bago siya naupo sa upuang nandoon. Nanlalambot kasi siya, dala ng kawalang pag-asa sa relo na pambigay dapat niya kay Aster. Matapos sabihin ng sales lady ang presyo, ay nakipagdeal kaagad ang gwapong customer. Nakita pa ni Lemon ang pagngiti ng lalaki tungkol sa couple bracelet na freebies ng relo. Pwede kasi itong palagyan ng pangalan. Mula four to eight letters. Matapos maiayos ang relo at mailagay ito sa box, ay ang couple bracelet naman ang ipinakita ng sales lady dito. "Sir ito po iyong couple bracelet. Made of stainless po yan and scratch free na po. Ano pong ilalagay nating name?" Mabining tanong ng sales lady. "One more question. Siya ba ang dapat bibili ng relo na ito?" Turo ng lalaki kay Lemon na ngayon ay sa labas na nakatingin. Kung saan makikita sa wall glass ang mga taong salimbayam sa paglalakad. "Yes sir. Ireregalo po sana niya sa boyfriend daw niya. Halos one week na rin siyang nagpapabalik-balik dito. Kaso kulang pa daw ang pera niya." Nakangiting sagot naman ng sales lady. "What at lucky bastard?" Bulong pa ng lalaki kaya naman napatawa na rin ang sales lady. "Miss what's the initials of your name?" Tanong ng lalaking customer kay Lemon. Nagpalinga-linga pa si Lemon kasi baka naman iba ang sinasabihan nito. "Ako?" Sabay turo sa sarili. "Yes! Tayo lang naman ang magkakaharap dito. Hindi naman siguro ako tatawag kung si Ms. Sales lady ang kinakausap ko di ba?" Wika ng lalaki na kahit medyo naiinis si Lemon sa pagsasalita nito ay sumagot na lang siya. Total initials lang naman at hindi buong pangalan. "LK." Tipid niyang sagot. "Alright!" Rinig ni Lemon na wika ng lalaki bago nagsulat sa papel. Nakangiti naman ang sales lady na dinampot ang papel na sinulatan nito. Matapos lamang ang limang minuto, ay nailagay na ang mga initials sa bracelet. "Thank you miss." Wika naman ng lalaki, habang hawak-hawak ang box ng bracelet at ang paper bag ng relo na binili nito. "Ito pa pala miss. Magkano ito at pakibalot na rin." Sabay turo sa isa pang relo. "Here's my card." Inabot naman iyon ng sales lady. Lumapit naman ang lalaki kay Lemon. Nakakatunaw ang ngiti nito, kahit hindi niya nakikita ang mga mata nito, na natatabunan ng malaking itim na salamin. "Miss pwede bang isukat ko sayo itong bracelet?" Tanong ng lalaki sa kanya. "Yes naman po." "Thank you!" Sabay hawak nito sa kamay ni Lemon. Nagulat na lang si Lemon sa animo ay kuryente dumaloy sa kanyang kamay kaya naman napakislot siyang bigla. "Why?" Nagtatakang tanong nito sa kanya. "Wala naman." Sagot niya at hindi na lang pinansin ang naramdaman niya, kani-kanina lang. "It suits you." Puri nito sa kanya. "Pakisuot naman." Parang batang nag-uutos ang lalaki, sa kanya kaya naman kinuha niya ang bracelet para dito at sinuot dito. Ng makabalik ang sales lady ay napuna nito ang bracelet na suot na ng customer. "Sir bagay po sa inyo." Puri pa nito sa suot na bracelet ng lalaki. "Here's your card na sir. And ito na po iyong isang relo pa." Sabay abot ng sales lady. "Thank you." Malambing na wika ng lalaki, kaya naman kitang-kita ni Lemon ang kilig ng sales lady. "By the way miss." Baling na naman ng lalaki kay Lemon. "Regalo ko sayo. Nakita ko ang lungkot sa mukha mo ng mabili ko ang relo na iyan. So ayan. Regalo ko na sayo. Ang magiging bayad mo na lang is, maging masaya ka. At huwag mong aalisin ang bracelet na suot mo. Bagay naman sayo. Thank you sa pagsusuot nito sa akin." Wika ng lalaki sabay turo sa bracelet na nasa kamay nito. Bago tuluyang umalis bitbit ang isa pang relo na binili nito. Impit na tili naman ang pinakawalan ng sales lady. Lumapit pa ito sa kanya at inalog ang balikat niya. "Bakit kinilig ako sa gestures ni sir sayo. Grabe ang gwapo nun." Papuri pa ng sales lady sa lalaking iyon. Hindi man lang nakapagpasalamat si Lemon, sa lalaki. Pero naging malawak ang kanyang ngiti ng makita ang bracelet na suot niya. Lalo na ng makita ang initias na nakasulat doon. "KILK." Basa na lang ni Lemon at hindi na maalis ang ngiti sa kanyang labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD