Chapter 1

2122 Words
Nasa ilang taon din mula ng magtrabaho si Lemon sa bar na iyon ang KIEBar. Naging maayos ang pagtanggap sa kanya ng manager doon na si Ms. Eliza. Ganoon din ang ilang kasamahan. Menor pa lang noon si Lemon, pero kakikitaan na ng magandang hubog ng katawan. Kaya kahit katorse pa lang, mapapagkamalan mong dise otso na. Lihim ang pagkakapasok ni Lemon sa bar na iyon. Naawa lang talaga si Ms. Eliza, ng sabihin niyang wala talaga siyang mapupuntahan kung hindi pa siya magkakatrabaho. Nalaman din ng manager kung saan natutulog at tumitira si Lemon kaya naman naawa talaga ito sa dalaga. Lahat na lang kasi ng pasukan ni Lemon, ay naghahanapan siya ng diploma, kahit dalawang taon. Anong maiipakita niya? Naka graduate siya ng elementarya. Pero hindi naman iyon sapat para makahanap ng trabaho na kahit papaano malaki ang sweldo, para mabuhay niya ang sarili. Doon nagsimula na tanggapin siya ni Ms. Eliza. Pero tuwing nandoon ang big boss. Na siyang may-ari ng bar ay tinatago siya nito. Kahit ang mga kasamahan niya ay alerto pagnagtutungo doon ang boss nila. Magaling kumilatis ang may-ari ng bar. Kaya sa unang tingin, mahahalata talaga nitong menor pa lang si Lemon noon. Twenty two years old, pa lang noon ang pinaka boss nila ng maitayo ang bar na iyon. Bagong graduate lang ito ng college noong panahon na iyon. Kaya naman kung tutuusin nakakahanga ito. Sa ganoong edad, may sarili ng negosyo. Hanggang sa dumaan ang maraming araw at maraming taon. Ngayon ay tunay na dise otso na si Lemon. Hindi na niya kailangang magtago kung dumating man ang pinaka may-ari ng bar. Pero sa tagal niya doon hindi niya nakilala ang may-ari ng bar. Ang kwento ni Ms. Eliza, palagi itong nasa ibang bansa, may binabantayang babae. Pero hindi naman nila malaman kung ano ang kaugnayan ng boss nila sa babaeng binabantayan nito. Pero ayon din sa sabi-sabi, kaibigan lang talaga ng boss nila ang babaeng iyon. Mas nahasa pa ang bilis ni Lemon sa pagtatrabaho. Sa tagal niya sa bar. Iyon nga lamang, hindi pa rin siya gaanong nakikipag-usap sa mga customer, lalo na kung ibang lahi. Nakakaintindi naman siya ng Ingles. Pero nahihirapan siyang makipag-usap. Higit sa lahat. Lalo na kung ibang lenguwahe pa ang ginamit. Isang beses siyang napagalitan ng isang babaeng espanyol. Alam niyang nagalit ito, pero hindi naman niya malaman ang mga sinasabi nito. Mabuti na lang dumating si Ms. Eliza at ipinagtanggol siya. May naencounter pa siyang lalaking namanbastos sa kanya. Doon naman siya ipinagtanggol ng isa nilang customer. Gwapo ito at talagang sabi nga mapapalingon ka paglumampas sa harapan mo. Hanggang sa palagi na itong nandoon sa bar. Bilang isang customer at bilang isang manliligaw niya. Hanggang dumating sa pagkakataong nanawa na rin siya sa panliligaw nito, at dahil may nararamdaman niya para sa lalaki. Kaya naman hindi nagtagal, sinagot na niya ito. Naging boyfriend na niya si Aster, at hindi iyon lihim sa kanyang mga katrabaho lalo na kay Ms. Eliza. Nasa loob ng bar si Lemon kasama ang katrabaho niyang si Mara. Sila na lang ang nandoon dahil pa-out na rin sila. Matatapos ang shift nila dahil mag-uuwian na. Kaya naman naglilinis na lang sila ngayon. Mga kalat na naiwan ng mga customer sa nagdaang gabi. "Lemon sigurado ka bang aalis ka na dito sa bar?" Tanong ni Mara, habang patuloy sa ginagawang paglilinis ng mga table. Wala na kasing mga customer ng mga oras na iyon lalo na at mag-uumaga na. "Ayaw ko sana. Pero kinukulit ako ni Aster. Sayang din iyong pagkakataon na magkakasama kami, habang nagtatrabaho." Sagot na lang ni Lemon habang inaayos naman ang pwesto ng mga table at upuan. "Mahal na mahal mo talaga ang boyfriend mo noh? Sabagay, kung makakatagpo din naman ako ng lalaking may pagsisikap sa buhay. May sariling negosyo. Oo nga at maliit. Pero mahalaga meron. Tapos gwapo. Aba'y syempre hindi ko na pakakawalan. Babakuran ko talaga ng tuluyan ng hindi na makawala." Saad pa ni Mara kaya naman natawa siya. "Sabagay, gwapo si Aster, hindi ko yan maiitanggi. Pero isa lang naman talaga ang nagustuhan ko sa kanya. Mabait siya, at may respeto sa akin. Kahit minsan nararamdaman kong ayaw ng circle of friends niya sa akin. Alam ko naman kung bakit. Pero hindi magbabago ang pagmamahal ko sa kanya. Ayaw man sa akin ng kaibigan niya. Pero pakikisamahan, at pakikisamahan ko pa rin sila. Dahil mahal ko si Aster." Malungkot niyang tugon kaya naman nilapitan siya ni Mara. "Kitang-kita sa inyong dalawa na mahal na mahal ninyo ang isa't isa. Pero bakit nga ba ayaw sayo ng mga kaibigan ni Aster? Maganda ka. Mas maganda ka pa nga sa mga babaeng barkada ni Aster sa tunay lang. Ilang beses na silang nagtungo dito eh." Usisa pa ng huli. "Alam mo namang lahat kasi sila mga professional. Mga nakatapos ng kolehiyo. May magagandang trabaho. Kumpara sa akin na, ano lang natapos ko. Mabuti na nga lang tinanggap ako ni Ms. Eliza dito, kahit napakabata ko pa noon. Pero kung hindi. Hindi ko na alam kung nasaan na ako ngayon." Paliwanag pa niya. "Para yon lang. Hindi naman kailangan ng dimploma para mahalin ka ng isang tao. Ang kailangan mo ay kung pareho kayo ng nararamdaman sa isa't isa. Hayaan mo na nga iyong mga kaibigan ng boyfriend mo. Hindi naman sila ang makakasama mo sa buhay. Basta masaya ako sa love life mo. Sana all na lang si Mara. Si Mara na walang love life." Pagbibiro pa ni Mara pero kitang-kita niya na kinikilig ito. Napailing na lang siya sa inasal ng kaibigan. "Nga pala. Nakita mo na ba ang may-ari nitong bar? Matagal ka na dito di ba? Mas nauna ka pa ng dalawang taon, pero ni anino ni sir hindi ko pa nakikita. Sa totoo lang, sabi ni Ms. Eliza nandito palagi si sir. Kaya lang hindi ko naman malaman kung sino. Alam mo na, pa mysterious yang si sir. Malimit ko lang noong makita ay iyong lalaking, inukupa na ng ilang taon iyong VIP room. Halos doon na tumira. Friend daw iyon ng may-ari ng bar." Dagdag pa ni Mara kaya naman napaisip siya. Mula ng dumating siya sa bar na iyon. Nandoon na ang lalaking iyon. Ilang beses na siyang nakapagdala ng order ng lalaking nandoon sa VIP room. Pinalagyan na nga iyon ng maliit na closet. Lalo na at parang ginawa ng bahay ng customer na iyon ang kwartong iyon. Minsan lang lumabas iyon, pero kung tutuusin ay doon na talaga ito tumitira. Palagi iyong umiinom at umiiyak. Masasabi niyang gwapo iyong lalaki. Pero talagang naaawa siya pag nakikita niyang natutulog na ang lalaki pag naglilinis siya sa kwartong iyon. "Ano ngang tanong mo?" Ulit niya sa tanong ni Mara. Medyo napalalim ang pag-iisip niya sa lalaki sa VIP room. "Ah. Kung nakita mo na si sir?" "Hindi pa. Siguro? Madami naman tayong gwapong nakakasalamuha. Sabi ni Ms. Eliza. Gwapo daw boss natin pero hindi ko pa nakikilala. Lalo na at noong mga unang taon na nadito ako. Menor pa ako noon. Kaya naman talagang wala akong ibang nakakasalamuha." Paliwanag niya dito, na ikinatango na lang ni Mara. Hindi na muli sila nag-usap ni Mara at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. Hanggang sa makatapos sila at mag-uwian na. Pabagsak na nahiga si Lemon sa maliit niyang kama, gawa ng magdamag na puyat at pagod. Kinuha niya ang cellphone niya, para magpadala ng mensahe kay Aster. Ako: Kauuwi ko lang ng bahay. Medyo pagod pero kaya pa naman. Kumain ka na ha. Matutulog na lang muna ako. I love you. Matapos niyang maisend ang mensahe sa kasintahan ay hinubad lang niya ang suot na sapatos at binuhay ang maliit na electric fan sa loob ng kanyang kwarto, at hinila na siya ng antok. Parang nasa tatlumpong minuto pa lang ang naiitulog niya ng makarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok. Ayaw naman sana niyang bumangon pero ayaw namang tumigil sa pagkatok ang nasa likod ng pintuan niya. Nais yatang sirain sa pamamagitan ng pagkatok. Kaya naman kahit sobrang bigat ng pakiramdam niya at napilitan na siyang bumangon. Pagbukas niya ng pintuan ay nakahanda na siyang singhalan, kung sino man anf walang pakundangang kumakatok sa kanyang pintuan, ng mabitin sa ere ang sasabihin niya. Bumungad kasi sa kanya ang mukha ni Aster na nakangiti sa kanya. Habang nakataas ang kanang kamay na may hawak na supot ng pagkain. "Good morning hon. Natulog ka na naman ng hindi pa kumakain? Puyat ka na nga. Pagod ka pa. Tapos magpapalipas ka ng gutom? Kumain ka na lang muna. Lugaw lang ito at itlog. Magkalaman man lang ang sikmura mo. Kaya sa susunod talaga. Dapat makapagresign ka na sa bar na iyon." Sermon sa kanya ni Aster, habang patungo ito ng kusina at kumukuha ng mangkok. "Opo, nakapagpaalam na ako kay Ms. Eliza. Pumayag na rin sa wakas. Pero sabi niya if need ko pa rin ng trabaho. Pwede pa rin akong magsabi ulit sa kanya. Salamat talaga hon. Pero syempre kung hindi dahil sa tulong mo, hindi ako papayagan ni Ms. Eliza. Ang sweet mo talaga." Wika ni Lemon kaya naman natawa si Aster sa sinabi ng kasintahan. Pagkalapag ng mangkok ay inililipat naman ni Aster lugaw na dala nito, pagkatapos ay binalatan ang nilabong itlog. Nakatingin lang siya kay Aster habang inihahanda ang pagkaing dala nito para sa kanya. Hindi niya alam kung anong kabutihan ang nagawa niya, para bigyan siya ng maunawain, mapag-alaga, mabait, at mapagmahal na boyfriend. "Titig na titig ka na naman? Sobrang inlove na inlove ka na sa akin noh?" Pabirong wika ni Aster na siya namang pagtango niya ng sunod-sunod. "Sabi ko na nga ba eh. Mahal na mahal mo ako. Kaya naman mahal na mahal din kita. Okay na ito kumain ka na. Tapos mamaya matulog ka na ulit. Aalis na rin ako pagnakatulog ka. Alam ko namang need ko pang bumalik sa grocery." Paliwanag ni Aster at naiintindihan naman iyon ni Lemon. Matapos kumain ay nagpababa na muna ng kinain niya si Lemon. Antok na antok na rin siya ng mga oras na iyon. Kaya naman nahiga na rin talaga siya sa kama niya. Naramdaman na lang niya ang paghalik ni Aster sa kanyang noo. Kaya naman napangiti siya. Pero hindi na niya nagawa pang magsalita. Narinig pa niya ang sinabi nito. 'I love you honey. Sweet dreams. I-lock ko na lang ang pintuan. Tulog ka na.' Bago siya tuluyang hinila ng antok. Bago lumabas si Aster ng apartment ni Lemon ay sinigurado naman niyang nakalock ng maayos ang pintuan nito. Muli niyang binalingan ang pintuan at doon lumabas ang ngising kanina pa niya pinipigilan. Ilang sandali pa ay naglakad na rin siya patungo sa kanyang sasakyan ng makatanggap siya ng tawag. Tinitigan pa niya ng matagal ang cellphone niya, bago niya iyon sinagot. "Hello!" Bati niya sa kung sino man ang nasa kabilang linya. "Siguro naman, ay binabantayan mo siyang mabuti? Alam mo namang maselan ako." Wika ng tumawag na siyang nagbigay ng malaking ngisi kay Aster. "Syempre naman. Hindi ko nga alam kung ano ang nakita mo sa babaeng sa litrato mo lang nakita. Pero wag kang mag-alala. Binabantayan ko siyang mabuti. Dahil isang malaking pagawaan kapalit ng pagbi-baby sitting ko ay hindi na masama." Natatawang sagot pa ni Aster sa kausap na maririnig naman ang malakas na halakhak ng lalaki sa kabilang linya. "Basta ipangako mong, walang ibang dadapong kamay sa regalo mo. Naiintindihan ko ang palabas mo. Pero hanggang doon lang sana iyon." Saad pa ng kausap nito kaya naman napatawa si Aster. "Mayroon akong isang salita. Hindi ko iyon hahayaan. Kahit sabihin nating nakakaakit at nakakahalina naman siyang talaga. Mas mahalaga pa rin sa akin ang pera para sa plano ko, para sa negosyo ko. Kaya nga ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Kaya magtiwala ka lang. Buong-buo mo siyang makukuha. Walang labis, walang kulang." Kompyansang wika ni Aster sa kausap. "May tiwala ako sayo. Kaya masasabi kong hindi ako nagkamali ng nilapitan, para ihanap ako ng makakasama, mapapangasawa, pag-uwi ko dyan." Wika pa ng lalaki sa kabilang linya. Bago ito tuluyang magpaalam. Narinig pa niya na may tumawag dito, kaya naman napilitan na ring ibaba ang tawag. Matapos ang tawag ay hinayon na ni Aster ang kanyang sasakyan. Nang mabuhay na niya ang kotse niya ay mabilis na niyang pinaadar iyon. Nagtungo siya sa grocery store na pinamamahalaan niya. Maliit lang iyon pero madaming namimili. Kaya naman kahit papaano ay maayos ang kita. Doon niya ipapasok si Lemon, pagnatapos ang request ng Manager nitong si Ms. Eliza na palipasin muna ang isang linggo, matapos magpaalam na aalis na ito sa trabaho. Bago tuluyang makalipat sa grocery bilang cashier, tagapamahala at kung ano pa ang pwedeng gawin ni Lemon doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD