Analyn
“Teng?” napamulagat ako. Bakit feeling ko sa akin siya nakatingin. Ngunit baka ako lang ang napaparanoid sa kakaisip. Binibigyan ko lang ng alalahanin ang isip ko samantala si Teng, kung pagbabasehan ko iyong kanina sa kotse niya patungo namin dito. Parang balewala lang dito nagkita ulit kami.
Sa sobra kong takot baka ako ang pinuntahan ni Teng. Lumapit ako sa taxing nasa likuran ng kotse niya at agad-agad kong binuksan ang pinto ng taxi para lang madismaya dahil sa taxing nakuha ko. Naku po may sakay na sa loob paano ako makalalayo agad dito.
Pisti kapag minamalas ka nga naman Oo. Mukhang ako ngayon ang paborito ng kamalasan. Kanina ito ha? Sa MS Manpower Solution pa lang, nandoon na ang signal number 3 na bagyong, Teng.
“Analyn!”
Napako ako sa aking paghakbang dahil hahanap pa dapat ako ng taxi. Nakalabas na pala ang damuho patay paano ba naman ‘to.
Hindi ako nakinig diretso ako.
“Analyn!” muli niyang sabi.
Mabilis akong naglakad parang lakad takbo pa nga ang ginawa ko upang makalayo lang sa kaniya ngunit naabutan pa rin ako para lang mabuweset sa galit n'yang boses.
“Tinatawag kita bingi ka ba?!” nayayamot ang boses hinawakan niya sa aking braso upang pigilan na lumakad.
“Bitiwan mo nga ako!” walang kasing lamig ang boses ko sabay pumuksi pa.
“Edi, bitiwan! So okay na? Ayan na hindi na kita hinawakan katulad sa hiling mo. Baka tumakbo ka pa niyan, baka akala mo binalikan kita. Gusto ko lang ipaalam sa ‘yo, hindi kita hahabulin kung hindi lang inutos ng fiancee ko na balikan kita,”
Ano raw?
So utang na loob ko pa pala ang pagbalik niya kuno. Ang kapal huh! Walang kasing kapal.
Tang-na niya. Umakyat lahat ang dugo ko sa ulo, dahil sa narinig galing sa bibig nito.
“Gago!” tinulak ko siya sa dibdib niya.
“Isa kang malaking tanga. Umalis ka na hindi ako sasama sa ‘yo. P'wede bang tigilan mo na ako—”
Tumawa ito. Tang-na pinagtatawanan pa ako, siraulo niya sarap bayagan.
“Sa tingin mo ginusto ko na balikan ka? Mangarap ka. Kasasabi ko lang na inutos ng fiancee ko, na sunduin ka at ihatid sa inyo baka marami ka raw bibilhin kaya bumalik ako—”
“Isa ka pala puppet. HAHAHA…. bistado ka na nga palusot ka pa…” natigilan ako dahil napansin ko ang pagdilim ng mukha ni Teng.
Napikon siguro ng tinawag kong puppet. Eh, sa totoo naman na utusan lang siya tagasunod ni Sandee. Bakit niya ako susunduin? Wala naman CCTV na hawak si Sandee, kung sakaling alamin nito kung sinundo niya ang ipinautos nito.
Ang bait naman pala isag utos lang nakumahog bumalik dito tapos iinsultuhin lang ako, huh, ang swerte naman niya.
“Nakalimutan ko nga pala na mataas ang pangarap mo noon. Sa nakikita ko hanggang ngayon dala-dala mo pa rin ang talas ng iyong dila—”
“Tss wala naman akong pakialam sa mga sasabihin mo. P'wede ba, umalis ka r’yan may taxi na sa tabi, sasakay ako,”
“Sabi ko ihahatid kita,” maawtoridad na sabi ni Teng pinagmamasdan ako.
Hindi ako natakot sa kaniya at sa halip kinawayan ko ang taxi, tumigil sa tabi at mabilis kong tinakbo ang pinto at dali-dali niyon binuksan habang ang tahip ng aking dibdib sobrang lakas.
“Kuya, sa Rosario po tayo. Rosario Pasig,” sabi ko agad sa taxi driver.
Lumingon ako. Wala na si Teng. Ikinurap kurap ko pa ang aking mata dahil wala na ito kung saan ko siya nilagyan.
Kay bilis naman noon maglaho ano iyon may superpower si Teng? Kahit sa kotse ni Teng sinilip ko wala na roon. Shitty, nasaan na iyon nakababahala kung saan ito nagpunta.
Baka mamaya mabubulaga na lang ako na kasunod na pala sa akin si Teng. Pero mas gustuhin ko pang tuluyan na lang siyang maglaho, kaysa nagpapakita siya binigyan niya lang ako ng sakit sa dibdib dahil nanunumbalik muli ang pagmamahal ko sa kaniya.
Relax lang self ‘wag maging paranoid ini-stress mo lang ang sarili mo para kay Teng. Ipakita mong hindi ka apektado sa pagkikita n'yo. H'wag mo siyang bigyan ng chance na saktan ka katulad sa ginawa mo noon sa kaniya.
Ngunit paano ko naman iyon gagawin? Kung si Teng na mismo ang sumunod sunod sa akin.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng wala na talaga kotse nakasunod. Mabuti na rin ang ganito na hindi niya pa alam kung may anak kami ayaw ko pagagawan namin si Alex. Lalo na ngayon alam ko ng mayaman n siya. Anong laban ko kung gamitin niya iyon upang makuha ang anak ko sa akin. Hindi ko iyon kakayanin kapag nawala sa akin si Alex.
Napakurap ako ng nag-vibrate ang phone ko. Mabilis ko iyon binuksan. Naka silent mood pala hind ko napansin sa sobrang lutang.
Mutya? Biglang binundol ng kaba ang aking dibdib.
“Hello Muty? Bakit ka napatawag? Si Alex anong nangyari kaya, Alex?”
Nanginig ang aking boses. Kapag talaga tungkol sa anak ko. Naawawala ako sa focus. Nagiging mahina ako kapag si Alex na ang pinag-uusapan.
“Analyn, check lang daw kita sabi ni Nanay, kung naan ka na raw banda?” ani nito sa kabilang linya kaya kumunot ang aking noo.
Bakit atat magtanong ang Nanay Hiyas. Samantalang kanina noong tumawag si Mutya, ‘wag daw akong kabahan. Bakit ngayon kakaiba ang boses ni Mutya.
“Mutya, si Alex? On the way pa lang ako bakit nga pala?” mahina kong sabi. Nakakawala naman sa katinuan ang tinig ni Mutya, ako ang kinabahan sa boses nito eh. Parang may sakit pa si Alex.
Ganito kasi sila kapag natataranta. Tandang tanda ko kasi noong ako'y nagsilang kay Alex, ganito sila ni Nanay Hiyas hindi makali.
“Bakit gan'yan ang boses mo?” tanong ko ulit. “Naku naman Mutya, ako'y kabado sa ginagawa mo,”
“Pasensya na, Analyn, ha?” nag-alala lang kami ni Nanay, kasi mataas ulit ang lagnat ni Alex. Tapos ngayon nag poop siya. Simula ng tumawag ako kanina. Naka tatlo na siyang poop. Malapit ka na ba? Na nerbyos na si Nanay,”
“Medyo malayo pa ako Mutya. Pakisabi na lang kaya sa, Nanay Hiyas, d-dalhin na lang sa ospital. Susunod ako,” mahina kong sabi.
“Sige ayos lang si Nanay Hiyas, kasi hindi lang siya makali, tanong nang tanong kung nasaan ka na at nag-aalala raw siya kay Alex. Irritable kasi tapos iyak pa ng iyak,” sabi pa ni Mutya.
Nakagat ko ang aking labi. Kawawa naman ang anak ko. Hindi kaya dahil sa gatas? Pero bakit ngayon lang naging ganito ang anak ko. Isang Linggo na ang gatas niya bakit ngayon lang ito nangyari.
“Umm, Kuya. Maaari po ba bilisan natin? May emergency po kasi sa bahay eh,” sabi nakikiusap sa kaniya.
“P'wede naman sana, Ma'am. Kaso lang sobrang traffic,” sagot nito sa akin.
Napansin ko naman ‘yon baka sakali lang pu-pwede kasi hindi ako mapapanatag hangga't wala sa bahay.
“Oo nga po eh. May emergency lang po kasi sa bahay,” sabi ko na lang no choice kun'di mag-antay hanggang makarating ng bahay.
Pagdating namin ng Rosario Pasig. Doon lang ako nabunutan ng tinik dahil makikita ko na ang anak ko.
Kahit pagbaba nagmamadali ako. Wala akong lingon-lingon ng binabagtas ko ang sakayan ng tricycle na maghahatid sa aking sa bahay.
“Kuya, kahit bayaran ko na lang po ang ang kulang na pasahero kailangan ko lang po makarating agad sa bahay.”
“Sige po,” sabi pa nito pinatakbo na ang tricycle.
Labis pa ang aking tuwa ng pumarada na ang tricycle sa harapan ng bahay ni Nanay Hiyas. Hindi ko na, kinuha ang sukli sa one hundred na binigay ko sa kuya driver.
Nakangiti pa ako pagbaba sa tricycle ng bigla rin 'yon malusaw sa labi ko.
Paano nangyari nasundan pa niya ako.
“Tatakas pa huh,” nakaismid na sabi ni Teng.