Analyn
“Saan ka ihahatid?” malamig na boses ni Teng, nang magtanong sa akin. Hindi ako nakasagot kasi nauna ng sumagot sa kaniya si Sandee, kaya naman hinayaan ko na lamang sila ang mag-usap. Nakikinig lang ako kinuha ko ang phone ko kunwari in-open ko ang messenger ko ngunit wala naman akong ka chat.
Wala rin akong balak na i-open ang messenger ni Mutya, baka makita pa ni Teng mahirap ng makampate. Maigi nang nagi-ingat hindi na ako solo ngayon may anak akong pinoprotektahan kasi mag-aasawa na siya.
“Sa Rosario Pasig?” sagot ni Sandee sa kaniya at nakangiti pa ang dalaga.
"Ah, ok sa Pasig, pala?" wika ni Teng.
“Yup, sa Pasig siya nakatira, babe. Rosario Pasig,” saad pa ni Sandee, na kina kunot lalo ng noo ni Teng, sabay tumingin sa rare view mirror para bang ako ang sinilip niya.
Oo nga naman baka nagtataka si Teng, kung bakit sa Pasig ako ngayon nakatira. Ang layo nga naman sa dati naming bahay sa Barrio Santiago. Kung saan doon din siya noong nakatira ng kami'y magkasintahan pa.
“Saan? Sa Rosario?” maya-maya sabi ni Teng, ngunit hindi naman sa ‘kin nakatingin sa reaksyon lang ni Sandee ako nag base kasi lumingon ang dalaga sa akin tinanong ako.
“Analyn, saan daw sa, Pasig Rosario?” wika nito Sandee.
“Wala na kami sa Rosario. Ahm…sa cainta na kami ngayon nakatira. Bago lang din noong Sabado lang din. Kasi nagtaas ng renta sa dati naming inuupahan, kaya lumipat kami. Sakto lang din naman kasi iyong pinsan ko may bakante sa inuupahan nila. So kinuha na namin,”
Tumango-tanong si Sandee. Sana lang nakumbinsi ko ito. Sa tingin ko naman Oo, napaniwala ko. Kasi wala naman akong nakikita na kakaiba reaksyon sa kanyang mata.
“May pinsan kayo ro’n?” naulinigan ko na tanong ni Teng ngunit hindi ko pinansin.
Mabuti hindi na ulit nagtanong at si Sandee na ang kumausap sa akin.
“Edi roon ka ba namin ihahatid?” tanong pa ni Sandee.
Napamulagat ako. Mabuti nakatitig ako sa screen ng phone ko kaya hindi niya nakita ang nanlaki kong mata.
Dahil nag-aala akong malaman nito ang bago kong tirahan. Mahirap na malaman ni Teng, ang aking lihim sa kaniya na may anak na kami.
“Dadaan pa ako sa SM Pasig bago umuwi. Diba sabi ko magro-grocery ako,”
Kahit na hindi na niya ako mahal at may bago na siyang girlfriend. Hindi ko pa rin ilalagay sa risky ang tahimik naming buhay ni Alex.
Hindi niya ito maaaring malaman. Dahil malapit na silang ikasal ni Sandee. Ito ang tama kaya mananatili na lang lihim sa kaniya ang lahat.
Kung dumating man ang araw na hahanapin ni Alex ang Tatay niya. Tsaka lang akong magdesisyon na ipakilala si Teng. Ngunit hanggang doon na lang iyon. Ipakilala ko siya sa ama niya.
Isa pa hindi na rin naman na kami magkikita kita dahil last na naming pagkikita ni Sandee. Mabuti na rin at kampante na akong hindi na muling makadaupang palad si Teng.
Assuming na kung assuming ngunit nagi-ingat lang ako para sa amin ng anak ko. Ayaw ko ng magulong buhay.
“Kung hindi lang meron importante pinabibili si Nanay. Gusto ko magpahatid sa inyo, mahirap din sumakay,” sinamahan ko pa ng maiksi tawa bahala na mag mukhang timang. At least mapapaniwala ko si Sandee. Kahit siya na lang hindi na ang finance niya na pinaglihi sa sama ng loob sobrang seryoso.
“Oo nga eh, sige kung ‘yan ang gusto mo,” sabi pa ni Sandee sa akin.
“Pasensya na Sandee, ha? Kung ngayon ko lang sa'yo na-kwento na lumipat na kami,” wika ko na hindi nagpahalata kinabahan sa pagsisinungaling ko.
“Kung sinabi mo naghahanap kayo ng rent-han pwede kayo sa condo unit ko. Diba kayo lang naman ng Nanay mo?”
“Ahehe, ayos lang. Ikaw naman sobra kung magtiwala sa akin. Bago pa tayo magkakilala abuso na iyon. Pero salamat sa alok mo, Sandee, ha? Na appreciate ko iyon,” nakangiti ko pang sagot sa kaniya ngunit sinira lang ni Teng, dahil sa parinig nito sa akin.
“Totoo iyan. Kahit na matagal mo na kasama ang isang tao ‘wag ka dapat basta magtitiwala. Iyong kakilala nga ng kaibigan ko. Matagal na niyang kilala, bata pa kilala na niya ‘yong babae. Pero niloko pa rin siya. Mali lang ng kaibigan ko ay mabilis siyang nagtiwala roon sa babae. Iyon pala hindi dapat. Kaya hangga't maaari ay mapagmatyag ka, babe, kasi marami riyan sa tabi-tabi,” mahabang litanya ni Teng na kinapika ko.
“Kawawa naman pala iyong kaibigan mo, babe. Pero iba naman si Analyn. Mabait siya at tingin ko nga kalaunan. Magiging magkaibigan pa kami,” wika pa ni Sandee nginitian ako.
Tumikhim si Teng.
“Iyan ang mahirap sa atin kapag nagpadala sa kabaitang pinakikita sa paligid natin,” wika ulit ni Teng na mabilis kong sinamaan ng tingin.
Gusto ko na sana sagutin ngunit tumingin pa talaga sa unahan nakataas kilay.
Pinilit kong kumalma kahit gusto ko ng sagutin ng pabalang. Kung alam lang niya ang aking pinagdaanan noong umalis siya sa lugar namin. Baka pagsisihan niya ang sinabi niya ngayon.
Ngunit nakaraan na iyon ayaw ko na iyon balikan dahil hanggang ngayon kapag naalala ko labis akong nasasaktan.
Masaya kong nginitian si Sandee.
“Oo nga naman. Tama si Sir Noah. Pinagdiinan ko pa ang sambit ng ‘Sir Noah’ ‘wag ka basta-basta magtitiwala ngayon maraming mapagbalat kayo. Minsan akala natin walang nakatagong lihim. ‘yon pala magugulat ka na lang may lihim na sasambulat sa iyo. Tsaka habang hindi pa kayo kasal alamin mo muna ang katauhan ng fiance mo. Malay mo may nakatagong lihim pala, tsaka mo pagsisihan kapag huli mo na nalaman,”
Napansin kong dumilim ang mukha ni Teng. Sabay umigting pa ang panga. Mabuti si Sandee ay tumawa lang at pabirong pinalo sa balikat si Teng, kaya nag-iwas ako ng tingin ng dumantay sa balat ni Teng ang palad ni Sandee.
“Nagbibiro lang si Analyn, pikon ka naman babe. Sinasagot lang niya ang kanina mo sinabi unless may tinatago ka talagang lihim sa akin?”
Lihim akong tumawa dahil gumalaw ang panga ni Teng. Ano ka ngayon edi tameme ka. Sabi ko pa sa isip ko.
“Baka naman Sandee, may lahing aswang iyan si Sir Noah. Tingnan mo parang lalabas na ang pangil niya sa dilim ng kaniya mukha. Tsk, tsk, delikado iyan, Sandee, magugulat ka na lang kagatin ka ni Sir Noah—”
“Yeah, nangangagat talaga ako kapag madaldal at walang tigil ang bunganga sa ingay. Pero pasalamat ako rito sa fiancee ko, dahil mabait at hindi pa marunong magtago ng sekreto,” sagot ni Teng na kinainit ng anit ako.
Aray ko po. Siraulo nga talaga ang gurang na ito. Kapal ng mukha. Ayaw ko na makipag parinigan dito baka ako pa ang talo sa huli. Kaya nilibang ko na lamang ang aking mata sa labas ang tingin ko.
Mabuti rin tumigil na magsalita pero paminsan-minsan si Sandee, tinanong ako kung ok lang sa likuran dahil traffic daw.
“Dito na lang ako Sandee, salamat sa libre sakay,” sabi ko sa kaniya imbis kay Teng ko iyon sabihin.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako nahirapan buksan ang gilid ko.
“Ingat,” saad pa ni Sandee, tumango ako. Baka kung ano pa ang sabihin sinarado ko na ang pinto ng kotse ni Teng.
Mabilis ang aking paghakbang patungo sa entrance ng mall ng hindi ako lumingon sa kanila. Tuloy-tuloy akong nagtungo sa hypermarket tulad ng aking sinabi na grocery ang aking sadya.
May gatas pa si Alex. Ngunit pwede ko na bilhan ngayon, tingin ko kasi hanggang dalawang araw na rin mauubos na. Bagamat may grocery store naman malapit sa bahay namin. Nandito na rin ako bibili na lang ako.
Nagikot ikot na muna ako kung ano-ano lang tinitingnan ko. Pero ang totoo gusto ko lang magtagal sa grocery store. Nasa isip ko baka nasa labas pa sila Sandee.
Diba ganun ako, malakas loob na isipin pag-aksayan nila ako ng oras.
Nagsawa rin naman ako sa babies section ako nagtungo. Ewan ko ba simula ng maging isa akong Ina. Kapag pupunta ako ng Mall or kahit sa grocery store. Si Alex agad ang naiisip ko. Ganito pala talaga kapag naging Nanay na. Hindi na iniisip ang sarili, para sa anak na lang, lalo na ako na tipid palagi dahil hindi ako noon makapag trabaho.
Sabi ko babawi naman ako kapag nakaipon treat ko ang aking sarili. S'yempre limit lang.
Nang magsawa ako sa kaiikot. Sa milk section na ako nagtungo at kumuha ng isang lata ng gatas ni Alex. Mahaba ang pila ngunit kere lang naman. Maaga pa rin.
Inabot ‘ata ako ng fifteen minutes sa pila bago nakapagbayad. Naisip ko dumaan muna gumala kahit window shopping lang. Narito na rin ako tsaka hindi pa naman gabi kaya nasunod ang balak ko.
Subalit hindi pa ako umabot ng twenty minutes na lumabas galing ng grocery store. May tumatawag sa cellphone ko.
Hindi pwedeng hindi ko sagutin baka si Mutya ang tumatawag. Kaya sinagot ko at pag-open ko pa lang, sunod-sunod na dakdak ni Mutya sa kabilang linya na kinanginig ng aking labi.
“Hello, Analyn. Nilalagnat si Alex, nasaan ka na?” wika ni Mutya kinataranta ko.
“P-pauwi na w-wait lang,” nag-aalala ako’t naiiyak na ako.
“Pinainom na ni Nanay ng Paracetamol. Basta uwi ka na ha? Pinatawag lang ako ni Nanay baka kasi raw nag-overtime ka. Tsaka ‘wag ka raw mataranta baka naman mapaano ka niyan,”
“Maaga lang ako, Oo pauwi na,” singhot ko pa. Pero ang totoo naawa ako sa anak ko kanina lang kasama ko ang Tatay niyang siraulo. Naiiyak ako kasi dapat karamay ko siya sa ganitong sitwasyon…bakit ba kami pinagtagpo pa kung masasaktan lang ako.
Hindi ko napansin humihikbi na pala ako, kaya si Mutya akala dahil sa labis na pag-aalala kay Alex.
“Woi sabi ko ‘wag masyado mataranta. Sige na ingat ka sa biyahe,” bilin pa ni Mutya, tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita.
Naglalakad na ako patungo sa daanan ng mga taxi sa kalsada ng meron tumigil na sasakyan sa tabi ko.
“Teng?”
Kotse niya ito. Kasama ba niya ulit si Sandee.