Analyn
“T-Teng a-ano a-ang ginagawa mo rito?” natataranta ako bakit nasundan ako nito. Ano siya lumipad? Halos magkasunod lang din kami dumating at nauna pa siya huh?
Ano naman ang salitang matatanggap ko rito? Hindi pa ba siya sawa sa mga parungit n'yang insulto kanina habang kasama ko si Sandee.
Shitty naalala ko si Alex, kaya hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy na iniwan si Teng. Subalit nag-iba na ang ugali nito para yatang naging siraulo ‘to, kasi tinawag pa ako na ikinainis ko ng sobra sa salitang natanggap ko galing sa kaniya.
Baliw na siguro may jowa na siya susunod-sunod pa rin dito. Gusto ba niyang pag-awayin kami ni Sandee? Animal siya, ang sarap nitong kutungan sa totoo lang.
“Sandali mag-usap muna tayo,” sabi pa nito’t seryoso.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ok lang ba talaga ‘to. Anong usap ang pinagsasabi niya eh, matagal na kaming tapos.
“Please, tsaka na lang Teng. May mahalagang bagay pa akong kailangan ayusin. Isa pa matagal na tayong tapos bakit ka pa sumunod dito. Kung gusto mo lang akong insultuhin. Hindi na iyan tatalab sa akin kaya kung ako sa'yo umalis ka na,”
“Yeah, always wala naman bago sa 'yo, ano pa nga ba ang inaasahan ko galing sa iyo?” tugon nito binigyan pa ako ng nang-uuyam na ngisi.
Mariin kong ipinikit ang aking mata. Sabihin na niya na ang gusto niyang sabihin. Wala akong pakialam doon. Hindi na ako masasaktan sa mga matalas niyang salita. Dati na akong sanay. Manhid na ako. Sa Nanay ko pa lang noon, bugbog na ako ng mga masasakit na salita kaya hindi na bago kung galing din kay Teng.
“Look? Bakit pa tayo kailangan mag-usap? Matagal na tayong ‘tapos,’ Sir Noah!” pinagdiinan ko ang salitang ‘Sir Noah' sa kaniya at salitang ‘tapos’.
Kung ano man ang sadya niya sa akin sana hindi iyon sasaktan niya ako. Dahil hindi ako basta tatahimik na lang.
“Kakausapin kita ngunit sa susunod na Teng. Gusto ko rin makipag usap sa ’yo ngunit hindi ngayon.”
“Anong pagkakaiba sa ngayon at sa susunod huh, Analyn? Paligoy-ligoy ka pa? Bakit hindi mo na lang sabihan, takot ka lang makipag usap sa akin dahil sa ginawa mong kasalanan noon sa akin,”
“Ayan ka naman Sir Noah! Paulit-ulit ka. Hello, Sir? Nakaraan na iyon gusto mo pa i-rewind? Pati ba tayo gusto mong may rewind? Ano gusto mong magbalikan tayo?” tanong ko sa kaniya dahil sa inis ko na sinundan pa ako rito ngunit daig pa ang babaeng may regla, dahil ang sungit dinadamay ako.
Aba anong nakakatawa sa aking sinabi? Malakas akong pinagtatawanan. Animal siya, eh, totoo naman ang aking sinasabi. Dahil wala akong nakikitang isang matinding dahilan kung bakit niya gustong makipagusap pa sa akin.
“Nangangarap ka yata, Analyn,” ani niya na hanggang ngayon ay umaalog ang balikat sa labis na tuwa.
Humalukipkip ako nagsalubong ang aking kilay. Mamaya lang umismid ako.
“Alam mo Sir Noah? Bistado na nga kita ngunit pilit ka pa ring nagkakaila. Bumungisngis ako kahit hindi ako sure kung maayos ko iyon nagawa. “Gusto mo lang malaman kung nasaan ang bahay ko dahil stalker kita tss, gurang na nga in denial pa,” parinig ko sa kaniya kinadilim ng mukha nito.
Napalunok ako kasi humakbang palapit sa akin slight nabahala ako baka yakapin at halikan ako. Oo assuming ako. Bakit ba? Eh, dati naman ay mahal ako ni Teng, ngunit dati kasi iyon at alam ko naman na may Sandee na siya kaya hindi na ngayon.
Calling…
Hindi natuloy ang paglapit ni Teng sa akin dahil dali-dali sinagot ang phone sa bulsa ng pants niya.
Ewan ko ba kung bakit gusto kong pakinggan kung sino ang tumatawag sa kaniya. Naging interesado ako kahit wala naman sana akong pakialam na sa kaniya.
“Yes babe,”
Nag-iwas ako ng tingin ng marinig ko ang malambing na boses ni Teng. Wala naman siyang ibang tinatawag na ‘babe' kung hindi lang si Sandee.
Ewan ko ba bakit uminit ang aking mata pinigilan ko lang mapunta sa iyak. Kaya iniwasan ko mapatingin kay Teng.
“Yeah, nakauwi siya ng maayos. Yes, babe. Nasa bahay na si Analyn. Pupunta ako r’yan?” tanong pa mahinang tumawa.
“Sure papunta na ako. Ok, okay, magi-ingat po,” pagkalambing-lambing na sabi ni Teng at mabilis na umatars patungo sa kotse. Ni goodbye nito ay wala akong narinig.
Pinaloob ko ang aking labi sa aking bibig dahil nanginig iyon. Pisti oi! Si Teng lang iyan Analyn ‘wag mong iyakan.
Sinabi ko lang iyon sa aking sarili ngunit nasasaktan ako sa loob ko. Kay swerte ni Sandee, isang tawag lang nito kay Teng nagkukumahog na ang ex-boyfriend ko iwanan ako. Eh, dati naman ganoon din siya sa akin. Mas malambing pa nga ngunit dati pa iyon hindi na ulit mangyayari.
Napayuko ako. Kay lambing kay Sandee, ngunit sa akin matalas ang dila niya.
Napakurap ako nang maalala ko si Alex. Hindi ko na dapat pinapansin si Teng. Tama umpisa ngayon hindi ko na siya kilala. Si Alex lang ang mahalaga sa akin wala ng iba.
Sa susunod pagtataguan ko na talaga ‘to ayaw kong paulit ulit na masaktan dahil lang sa pang-iiwan ko sa kaniya.
Kung mahal niya ako nauunawaan niya ang desisyon ko noon. Kung totoo niya akong minahal, sana hindi siya sumuko ng ganun-ganun lang. Kay bilis niyang umalis noon sa aming lugar. Kay dali niya akong makalimutan.
Kung alam mo lang ang nangyari noon, Teng. Maiintindihan mo ako. Ngunit hindi na kita mahagilap Teng, simula ng kausapin kita tungkol sa pakikipaghiwalay ko.
Aba sarado ang tindahan ni Mutya maging ang pinto ay saradong-sarado. Tulog na kaya sila? Bulong ko pa.
“Mutya!” kumatok ako sa pinto.
Siniguro kong maayos ang aking itsura habang inaantay na buksan ni Mutya ang pinto, baka mapansin nito na umiyak ako. Tiyak magu- usisa ang kaibigan ko, kung para saan ang iniiyakan ko. Magagalit tiyak sa akin at ayaw kong mangyari iyon.
“Analayn,” may tumawag sa akin. Si Mutya hindi ako maaaring magkamali.
Kaya ba walang sumasagot kasi walang tao?
Dammit! Dinala ba nila si Alex sa ospital.
“Sila Alex at Nanay Hiyas?”
“Nasa hospital sila Nanay. Kasi natakot na kami kaya nagpasyahan namin ni Nanay na isugod na sa ospital kasi panay-panay na ang poops ni Alex. Natatakot si Nanay baka madehydrate raw si baby Alex.”
“Sa-saan Mutya….Tara na puntahan na natin.”
“Dinala namin sa General Hospital,”
“Tayo na kung gano'n,” sabi ko pa hinila na si Mutya.
“Pinabalik ako ni Nanay kukuha ng gamit ni Alex. Sakto nandito ka na. Ngayon gabi lang pinag-stay ng Doktor para sa observation. Hindi rin ako magtatagal.”
“Sandali lang ako tumawag ka na agad ng taxi. Mabilis lang ako,” sabi ko pa kay Mutya iniwan agad.
Nanginig pa ang palad ko habang inihahanda ang ilan na gamit ni Alex. Maging ang foam na higaan niya dinala ko na rin.
“Mutya anong sabi ng Doktor bakit raw nilagnat at nagtatae si Alex?” tanong ko sa kaniya nang patungo na kami sa General Hospital.
“Mamaya pa malalaman ang laboratory. Mabuti nga umabot kami sa clinic hour ng laboratory sa hospital. Kung naantala pa ang aming punta. Bukas pa dapat ang laboratory test. Mabuti nakaabot kami. Mamaya raw darating si Doktora mga alas-nueve ng gabi."
Pagdating namin ng ospital naawa ako sa anak ko paiyak iyak habang sumasayaw si Nanay Mutya. Hindi pa ako nakikita ni Alex. Namumula ang ilong maging ang mata ay namamaga na dahil siguro paiyak iyak ang anak ko.
Kung pwede lang ilipat sa akin ang sakit nito gagawin ko dahil naawa ako sa anak ko.
“Nay!” tinatawag ko para naman nabusisan ako ni Alex, luminga linga sa paligid animo hinahanap ako.
Nang makita ako agad inilahad ang dalawa nitong kamay sa akin pumalahaw ng iyak.
“M-m-ma…ma,” sabi pa nito. Napangiti ako kasi nakakabigkas na si Alex ng Mama at Papa kahit pautal-utal pa.
“Anak,” nag-stammer ang boses ko at halos inisa hakbang ko lang ang kinatatayuan ni Nanay Hiyas.
Agad lumipat si Alex sa akin sumubsob sa leeg ko at nakayakap din ang dalawang kamay.
“Saan ang masakit ng baby, ni Nanay? Anong masakit, mmm?” wika ko hinalikan sa gilid ng ulo.
Sinasanay ko na Nanay para iyon ang itawag ni Alex sa akin at Lola sa Nanay Hiyas. Kaso lang napapansin ko one week na siyang panay bigkas ng ma-ma-ma.
Minsan naman ay pa-pa-pa. Sabi ko nga ‘nanay’ bungisngis lang ang isinasagot nito