CHAPTER 18

1621 Words
Analyn Napabuga ako ng hangin sa aking bibig ng tuluyan akong makasampa sa itaas ng hagdan. Umupo muna ako malakas na bumuntonghininga. Nanatili pa muna ako sa pagkakaupo ko roon at nakikiramdam baka sinundan ako ni Teng. Pakiramdam ko lumiit ang bahay ni Nanay Hiyas dahil sa presensya ni Teng. Ang laking tao kasi nito at matangkad pa na parang isang basketball player. Humugot ako ng hangin. Hindi mawala-wala sa isip ko si Sandee. kumusta kaya ang dalaga? Ano kaya ang naging reaksyon nito sa pag-urong ni Teng sa kasal nila. I'm just worried about what if it finds out it's me, na kami ni Alex, ang dahilan ng pagbawi ni Teng sa kasal nila. Sa isipin na iyon dali-dali kong hinalukay ang shoulder bag ko upang ilabas ang aking phone. Kung i-text ko kaya kumustahin ang lagay nito. No! Mali ang hakbang ko wala pa naman ito binalita sa akin na walang magaganap na kasal. If Sandee finds out that Teng and I used to be boyfriend and girlfriend before, did she hate me? Naiisip ko pa lang iyon ngayon labis na akong nag-aalala. Dalawa lang talaga ang sagot. P'wedeng oo at p'wedeng hindi. But one thing is certain, a lot will change Napasinghap ako. Mahirap para sa akin ito. Mahal ko si Teng. Naawa naman ako kay Sandee. Ayos lang naman na sana sa akin na dalawin niya si Alex, pero bakit binawi pa ang kasal nila ni Sandee. Ako ngayon ang problemado. Ayaw na ayaw ko naman na magalit si Sandee sa akin. Hinihiling ko na lamang ngayon maunawaan ako ni Sandee. Kasi wala naman akong hiniling kay Teng, na hiwalayan siya wala akong alam. Ngunit ako na rin ang sumagot sa sariling katanungan. Oo, may possible na maaaring ituturing na nito akong kaaway, ngunit umaasa pa rin ako, when I get to explain my side mauunawaan ako ni Sandee. Kasi tingin ko naman sa dalaga mabait talaga. Ayaw kong mayroon akong kagalit na tao. Gusto ko lang ng tahimik na buhay kasama ng anak ko. Pero ngayon, pakiramdam ko gugulo ang buhay namin ni Alex sa pagdating ng Tatay niya. Naalala ko ang hawak na phone. Nagpasya akong silipin kung may mga natanggap akong messages. Si Ate Cora at Ate Jo may text. Paktay ano kaya ang chismis. Wala silang kaalam-alam na may anak na ako. Isang araw i-ku-kwento ko sa kanila. Si Sir Manuel, alam niyang single Mom ako kasi sa resume ko, mayroon akong inilagay na mayroon na akong anak ngunit single ako. Ang tungkol lang sa amin ni Teng ang walang idea ang boss ko. Patawarin sana nawa ako ni Ate Jo kung nagsinungaling ako na sira ang phone ko. Naka silent mode kasi ito kaninina habang nasa biyahe ako, kaya hindi ko alam na marami akong text messages. Ate Jo: Do you know the news, Analyn? Ate Jo: Analyn, umuwi pala si Sandee sa province nila, dahil iniurong ni Sir Noah ang kasal nila. Ate Jo: Masakit iyon ha? Kasi ikakasal na dapat sila bukas tapos biglang cancelled. I gulped. Kung alam lang nila kung kaano-ano ko si Sir Noah. Baka kutyain nila ako. Awayin or patalsikin ni Sir Manuel sa trabaho. Nahilot ka ang sentido ko. Binigyan pa ako ng sakit sa ulo ni Teng. Pisti paano kaya naman ‘to. Pinasadahan ko rin ng basa ang text ni Ate Cora. Ate Cora: Analyn, hindi pala na tuloy ang kasal ni Sandee. Ate Cora: Binalita sa akin ni Sandee. Hindi raw tuloy ang kasal nila ng Sir Noah. Pagdating ko sa bahay iyan ang bumungad na balita sa akin. Bigla akong pinagpawisan. Mariin kong ipinikit ang aking mata para bang sa pagpikit ko ayos na ang aking problema. Ngunit pagdilat ko, same pa rin naman hindi nagbago ang laman ng text nila sa akin. Nagtipa ako. My hand trembled as I replied to Ate Jo. Mas malapit kasi ako rito kaysa kay Ate Cora. Mabait din naman si Ate Cora, pero si Ate Jo kasi ang madalas kong nakakausap at nakakasama. Ako: Ate Jo, ngayon lang na buhay ang cellphone ko. Ano kumusta po si Sandee? Nag-antay ako ng reply ngunit natagalan nainip ako. Ibinalik ko na lamang ang phone ko ulit sa bag ko. Sakto rin bumukas ang pinto sa kuwarto ni Nanay Hiyas, kaya nagkunwari akong hinihingal. Tinawanan pa ako nito. Mabuti lang isinalba ako ng hagdan ayaw ko kasi mag-usisa si Nanay Hiyas sa akin. Pero kung tutuusin mababa lang din naman ito second floor ng bahay ni Nanay Hiyas. Si Teng nga, nakayuko kanina napansin ko iyon hindi ko na lang din pinagkakaabalahan tanungin si Teng, kung hindi siya nahihirapan dahil nga busy ako makipagusap sa kaniya. “Alex,” tinawag ko ang anak ko. Pareho pa kami ni Nanay Hiyas na bumungisngis kasi ang anak ko todo sagot din sa akin. Tumili si Alex nag-iingay para bang nagtatanong din kung anong ginagawa ko sa itaas ng hagdan nakalupagi nakaupo roon. “Napagod ako umakyat ‘nay. Nagpahinga muna ako,” palusot ko pa rito. “Oo nga galing ka rin kasi sa biyahe kaya rin ganoon. Mamaya mo kunin si Alex, magbihis ka na muna,” wika ni Nanay Hiyas. “Sige Nanay. Magbibihis lang po ako wait lang po at ‘wag muna kayo bumaba.” Natawa pa kami pareho dahil si Alex ang sumagot. Uh-huh daw. Dahil nag-alala ako hindi pa talaga umuuwi si Teng. I'm sure nasa baba pa iyon at parang temang nag-aantay sa baba. Wala bang ginagawa ang ama ni Alex? Akala ko may trabaho na ito pero curious ako kung anong trabaho nito. Sa gara ng kotse. May bodyguard. Edi may business na ang gurang na iyon. Minsan nga pasimple ko itatanong sa Ate Jo kung anong business ni Teng. Ay, mali ako. H’wag na pala baka mahalata ako interesado sa Sir Noah. Magkaroon pa ako ng dagdag problema. “Sandali, Analyn. Nariyan pa ba ang Tatay ni Alex?” tanong ni Nanay Hiyas, narinig ko sa labas. “Opo ‘nay,” nilakasan ko para marinig niya. “Sumunod ka na lang ako'y bababa na malapit na rin tayo kumain ng hapunan. Dito mo pakainin ang Tatay ni Alex,” aniya. “Baka po pauwi na iyon Nanay. Aantayin lang makababa ako,” “Sabi ba?” “Ah….O-opo ‘nay,” sagot ko mabuti hindi ako nito kita kun'di halatang gusto ko ng palayasin si Teng. Hindi nga ako inantay ni Nanay Hiyas. Bumaba na kasi narinig ko ang kaniyang yabag. Nagpasya akong magtukong. Pinili ko ang tukong ko na malambot ang tela at bulaklakin ang design. Maluwag na t-shirt ang suot ko pantaas. Malambot ang tela ng tukong kaya maalwan pa rin akong makakilos. Kapag kami lang short lang talaga suot ko. Kaso may bisita kami ayaw kong humarap kay Teng nakalabas ang legs ko. Itinali ko rin ang mahaba kong buhok isahan sa likuran ng ulo ko. Dahil hindi pa ako naghilamos. Kumuha ako ng baby wipes ni Alex, iyon ang pinunas sa aking pisngi. Naglagay din ako ng baby powder ng matuyo. Hiyang ako rito sa baby powder ni Alex Hindi ako tinitigyawat. Wala akong body mirror kaya phone ko ang ginawa kong salamin upang i-check kung ayos na ang aking hitsura. Ano raw? Mukha yatang nagpapaganda pa ako sa lagay na ito. Bigla akong nahiya sa aking sarili. Kaya naman mabilis kong nilapag sa ibabaw ng durbox namin ni Alex. Ang aking phone at dali-dali akong lumabas ng pinto. Pagdating ko sa huling baitang boses at tawa ni Alex, ang naririnig ko. Nakangiti na pala ako hanggang sa makababa at napunta ang atensyon ko kay Alex. Karga pala siya ng Tatay niya at kinakausap ni Teng, tapos kunwari bubulaga kaya tuwang-tuwa naman ang anak niya. Nakangiti pa rin ako sakto lumingon si Teng huli ako ngumisi ito. Nag-iwas ako ng tingin. Narinig kong bumungisngis si Mutya. "Huli si Nanay mo, baby Alex, buti na lang hindi pulis si Tatay mo, kun'di kulong si Nanay Analyn sa bisig ni Tatay Teng." Pati si Nanay Hiyas tumawa. Inirapan ko si Mutya. Bully na naman ako nito naku naman. May kumatok sa pinto nila Mutya kaya ako na ang pumunta kasi may bumibili. Si Nanay Hiyas, nasa lababo at ewan kung anong niluto nito hindi ko pa naitatanong. “I-ikaw Kuya?” gulat kong tanong kahit nabanggit na kanina ni Teng na bodyguard niya nga raw ito. Si Kuya tumulong sa akin doon sa Crossing sa muntik na nangholdap sa akin. May dalawa pang dumating. Napaawang ang labi ko dahil may dalang mga pagkain. Lumingon ako kay Teng ngunit nakatayo na ito naglakad karga pa rin si Alex, na salubong ang kilay niya. “Sinong kausap mo r’yan?” tanong nito parang galit. “Bakit kung makatanong ka para may kaaway. Ito po Sir Noah. Mga alipores mo parang naliligaw may mga dalang pagkain. Saan ang picnic n'yo?” Natawa iyong bodyguard ni Teng na tumulong sa akin doon sa Crossing. Nang tuluyang makarating si Teng sa tabi ko nanahimik ito kakamot sa buhok. Inirapan ko silang mag-amo. Umangat ako ng tingin ng dumaldal si Alex. Ang tangkad ng Tatay niya kaya hinawakan ko na lang sa kamay niya si Alex. “Ayos bossing. Bagay po sa inyo maging Tatay,” wika pa noong bodyguard nito. “Of course anak ko kaya bagay talaga sa akin,” laban pa ni Teng sa kaniya. “Totoo boss? Weh, anak mo talaga?” aniya pa. “Tarantado ka hindi ako nakikipag lokohan sa iyo—” “Highblood ka naman agad boss, joke lang. Ipasok na namin itong pinabili mo mga pagkain,” sabi pa nito. Dito pala nila dadalhin para naman may handaan na magaganap sa dami nilang dala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD