Analyn
Naiwan ako sa pinto ng pumasok ang tatlong tauhan ni Teng, na kung umasta para bang kasosyo sila ni Nanay Hiyas sa bahay. Feel at home agad hindi pa man sila ipinakilala kila Nanay Hiyas at Mutya.
Sa dining area agad nagtungo at narinig ko pa binibiro nila si Nanay Hiyas.
“Mukhang namamanhikan ang bossing namin, pinayagan n'yo po, Nanay?” tanong noong si Kuya tumulong sa akin sa holdaper.
“Baka nga hijo, aba'y para bang fiesta ang dami n'yo dalang pagkain,” wika rito ni Nanay Hiyas.
“Ganiyan po si boss ka galante. Hindi po kayo magsisisi nagustuhan n'yo para sa anak n'yo,” sabi pa ni Kuya.
“Ano nga pala ang pangalan mo hijo?” tanong dito ni Nanay Hiyas. Nanood lang ako sa ginagawa nila.
“Ako po si Banoy, Nanay Hiyas. Ito naman dalawa kong kasama si Malakas at Makisig. Kaso pangalan lang po nila ang malakas dahil lampa iyan at ito naman si Makisig, pangalan lang din po kasi mas pogi pa ako sa kaniya.”
Bungisngis si Nanay Hiyas, sa biro na iyon ni Kuya Banoy. Mabuti at alam ko na ang mga pangalan dahil ang katabi kong amo nila hindi sila ipinakilala sa akin.
Pagdating din sa table. Tinulungan nila si Nanay Hiyas, mag-ayos sa lamesa. Si Mutya kasi nagsasarado pa ng kanyang tindahan. Nasa labas.
Inaantay ko ang kaibigan ko hindi muna ako lumapit sa lamesa at parang sumikip ang bahay ni Nanay Hiyas nang dumating sila Teng.
Malaking mga tao kasi itong mga panauhin namin. Maliit lang din naman kung tutuusin ang buong living room kasi nga sa tindahan ni Mutya.
“Kumusta?” nagsalita si Teng sa tabi ko.
Nakayuko na pala siya sa akin at pinagmamasdan ako.
“M-mabuti lang. Seryoso ka iyan ang tinatanong mo?”
“Ibig kong sabihin paano kayo naka survive na mag-ina? Saan kayo kumukuha ng panggastos ni Alex? Kasi ngayon ka lang naman may trabaho?”
“Sila Nanay Hiyas ang tumutulong sa akin. Simula ng pinagbubuntis ko pa si Alex at thankful ako dahil hanggang sa manganak ako naka support sila sa akin,”
Tumango-tanong ito.
“Paano ka nga pala napunta rito? Ang totoo mong pamilya nasaan?”
Tumikhim ako upang ipakita na hindi ako interesado sa tanong niya. Ayaw ko na balikan ang nakaraan dahil puro lang pasakit at pighati ang dulot noon sa akin.
“Sumama na kayo ni Alex—”
“Uulitin mo na naman Teng! Dito lang kami ayaw kong sumama sa iyo. Maayos naman kami ni Alex dito at kagaya ng sabi ko sa 'yo kanina. Kahit ano oras mong gustuhin dumalaw kay Alex.
“Doon malaki ang bahay. May Lolo at Lola rin siya.”
“Kahit maliit ang bahay ni Nanay Hiyas, masaya kami rito. Maayos na ang ating usapan Teng. Mananatili kami dito ni Alex,”
Maayos naman kasi ang benta ni Mutya. Marunong kasi talaga mag-manage ang kaibigan ko sa tindahan niya. Isa pa padagdag nang padagdag si Mutya ng mga items sa tindahan.
Mayroon na rin siyang school supplies kasi madalas may naghahanap ng intermediate pad. Lapis at ballpen. Ngunit hindi lang iyan ang tinda ni Mutya. Mayroon din siyang crayons, manila paper, bond paper. Basta lahat ng gamit sa eskwela may tinda si Mutya.
Hindi ako magugulat kapag naging mini grocery ang tindahan niya lalo pa matao sa aming lugar hindi impossible mangyari.
Mabuti nga hindi naman kinakapos sa budget sila Nanay Hiyas. Kasi hindi na sila nagtitinda ng barbecue simula ng matanggap ako sa trabaho. Si Nanay Hiyas kasi ang nag-alaga sa anak ko. Sabado at Linggo na lang sila nagtitinda kasi alaga nito si Alex.
Nahihiya nga ako kasi nawalan pa tuloy ng pagkakakitaan sila dahil priority ni Nanay Hiyas, na bantayan si Alex. H'wag ko raw isipin kasi desisyon nila iyon at hindi ko rin sila inutusan.
Dapat ang gagawin ko kukuha ako ng bantay sa araw lang. Marami naman akong kakilala na mabait na kapitbahay. Wala akong pangambang pababayaan nila si Alex, kasi narito rin sila Nanay Hiyas, kung sakali katuwang sa pagtingin-tingin sa anak ko.
“Analyn, kain na tayo,” tinawag ako ni Nanay Hiyas.
“Sige po ‘nay,” sagot ko at lumakad ako. Tumikhim si Teng kaya nilingon ko.
“Really Analyn, iiwan mo kami ni Alex dito sa pinto?”
“Bakit anong masama roon? Tingnan mo nga ang mga tauhan mo nandoon na. Eh, kung sinundan mo agad wala ka naman na siguro inaantay rito sa pinto,”
“Inaantay kita,” sabi nito kinaangat ko ng tingin sa kaniya.
"May paa ka naman. Tsaka mag-isa ka pumunta rito sa pinto. Edi dapat marunong kang bumalik doon ng hindi ako kasama.”
“Gusto ko nga kasama kita pumunta roon,” sagot nito na parang paslit sa sobrang kulit.
“Hanep sa ligaw-ligaw bossing,” kantiyaw ng tatlong tauhan nito.
“Anong ligaw ang pinagsasabi niyang tauhan mo? Manang-mana sa'yo iyang mga ugag mong bodyguard kakapal ng mukha,”
“Talaga? Naalala mo pa ang mga nakaraan natin?” sagot ni Teng nakataas kilay at napansin ko ang pilyo niyang ngisi.
“Pinagsasabi mo Teng? Alin doon? Iyon bang palautot ka kapag kumain ka ng ginataang bilo-bilo ni Aling Matilda. O, iyong favorite mong brief na butas…” sabay namula ang mukha ko dahil lahat sila nakatingin na sa akin at maging si Mutya na tapos ng mag sarado ng tindahan niya, napaawang ang labi dahil nasa pinto na pala.
Walanghiya baka kung anong maisip nila sa akin. Naku naman bakit iyon pa ang aking nasabi. Dating pang-asar ko lang talaga iyon kay Teng, noong mag-boyfriend pa kami. Walang katotohanan ang aking sinasabi. Pero totoo na favorite niya ang brief ngunit ang butas na aking binanggit ay may kwento roon.
Inirapan ko si Mutya dahil sa kahihiyan. Pisti talaga biglang bumunghalit ng tawa si Mutya, sobrang init tuloy ng pisngi ko dahil walang tigil na pang-aasar ng kaibigan ko.
“Kaya siguro mabilis nabuo si Alex dahil butas ang brief nitong Tatay ni Alex ng ginawa niyo ang baby Alex natin? Doon ba sa ano ang butas niya, ha, Analyn?” sabi nito kandaiiyak sa labis na tawa.
Napamulagat ako ng makuha ang ibig niyang sabihin. “Grabe naman iyon kung doon sa hotdog ni Teng ang butas,” bungisngis ko na rin ngunit malakas na halakhak ang narinig ko kaya nagtakip ako ng mukha hiyang-hiya ako sa kanila.
Pati si Nanay Hiyas tawang-tawa. Maging ang tatlong bodyguard ni Teng napapa hampas pa sa lamesa sa labis na tuwa. Mabuti si Alex, wala siyang pakialam daldal nang daldal lang talaga ang anak ko na para bang nakikisali sa usapan ng matatanda.
“Eh, Ma'am Analyn, saan ba talaga ang butas ng brief ni bossing kung hindi sa putotoy niya?” tanong pa ni Kuya Banoy, nakipag apir pa sa dalawang kasama.
Napakamot ako sa buhok ko sa tanong nito. Si Teng naman sinamaan ng tingin si Kuya Banoy kaya napa peace sign silang lahat.
“Kayo ang dumi ng isip n'yo. Pang-aasar ko lang iyan sa amo n'yo. Ang totoo hindi niya sinasadya na sumabit sa pako ang nakasampay niyang favorite na brief. Palagi niya kasi iyon sinusuot kaya madalas labhan dahil gift ko iyon sa kaniya. Timing sa magkabila pisngi ng puwetan ang nabutas.”
“Gano'n pala iyon akala pa naman namin totoo na—’
“Ang saya n'yo anong nakakatawa roon? Mabuti pa uwi na kayo ang ingay n'yong tatlo,”
“Dito na sila kakain pauwiin mo pa oras na rin ng hapunan. Sabay-sabay na kayo umuwi,” sinagot ko si Teng.
“Hay salamat may tagapagtanggol na kami simula sa araw na ito, joke lang boss ito na tatahimik na,” sabay-sabay na sabi ng tatlo dahil binigyan ni Teng ng may babalang titig.
“Tara na ano pa inaantay n'yo ha, Analyn gabi na,” yaya sa akin ni Mutya.
“Ako na kay Alex,” wika ko kay Teng, bago ko ipasya lumapit sa lamesa.
Kakain na kasi. Sanay akong hawak ang anak ko kapag kakain kami. Para maayos din siyang makakain.
“Alex,” kausap ko pa sa anak ko pumapalakpak.
“Lakad na ako na ang bahala,” saad ni Teng.
“Mahihirapan ka—”
“Tigas ng ulo. Ako na nga, para makakain ka ng maayos,” laban ni Teng, hinawakan pa ang kamay ko at hinila na ako patungo sa lamesa.
Pinauna ako ng upo ni Teng pagkatapos tumabi sa akin. Karga niya si Alex. Pinaupo sa hita niya.
“Kung mamaya na ako kumain ako muna ang bantay kay Alex,” nakangiti na sabi ni Nanay Hiyas.
“Hindi na po Nanay Hiyas, ok lang po sabay-sabay na tayo,” sagot dito ni Teng.
Tumikhim ako ng una ako lagyan ni Teng ng kanin sa pinggan ko. Ganito talaga siya kahit noon pa. Pagkatapos sinunod ang ulam.
“Madami na iyan Teng!” suway ko ng mapansin ko balak niyang punuin ang plato ko.
“Akalain mo iyon may nakatagong ka sweetan pala si boss Teng,” biglang sabi ni Kuya Banoy.
Natigilan ako at tumitig sa kanilang tatlo. Anong sinasabi nitong madaldal na bodyguard ni Teng. Nakita ko kung gaano ka sweet ni Teng kay Sandee. Baliktad naman ito.
“Hey, ayaw mo pa kumain?” sulubong ang kilay ni Teng tinitigan ako.
“Ito na kakain na,” sagot ko na lang sa kaniya.
Kumasya kami sa table kahit medyo masikip. Maingay sila Mutya at ang tatlong gurang na bodyguard ni Teng hanggang sa matapos kaming kumain.
“Umuwi na kayo matutulog na kami ni Alex,” taboy ko kay Teng ng ayaw pa umalis.
Nasa taas na sila Nanay Hiyas at Mutya. Ang tatlong bodyguard ni Teng. Nasa labas na rin kaming dalawa ang naiwan sa baba kaya sobra tahimik. Mabuti na lang kasi maingay si Alex. Kahit paano hindi ako gaanong naiilang sa presensya ni Teng. Kasi malapit na mag-alas-diyes.
“Dito na lang ako matulog—”
“Umuwi ka, Teng!”
“Ok fine! Bakit kasi ayaw n'yo sumama sa bahay—”
“Ang kulit mo. Para kang bata paulit-ulit. Umalis ka na nga bago pa ako ma buset sa ‘yo!"
Naningkit ang kaniyang mata mukhang aangal pa ngunit kailangan kong ipakita sa kaniya na hindi maari ang kanyang gusto.
Dahil wala siyang nabanggit na mahal pa niya ako.
“Aalis na ako,” maya-maya napilitan nitong sabi.
“Ok, labas na kasi i-lock pa ang pinto,”
Bumuntonghininga ito parang may gustong sabihin ngunit mamaya lang tuluyan naman lumabas ng pinto.
Hindi ko pinanood si Teng sa labas mabilis kong ni lock ang pinto at umakyat na kami ni Alex sa itaas.