Analyn
Natigilan ako ng sumayad ang labi ni Teng sa aking buhok at sa sobrang diin. Ramdam ko iyon hanggang sa aking batok. Dinig ko rin ang mabigat niyang paghinga habang nakagapos ako sa bisig niya at ako naman ay nakadikit sa dibdib niya.
Nang tumama ang mainit niyang hininga sa aking balat ng siya’y sumubsob sa pagitan ng aking balikat at leeg—para akong nakuryente, that's why the feathers on my cheeks down to my neck nagsitayuan.
“T-Teng…a-anong g-ginagawa mo?” nataranta ako ng dumiin ang palad niya sa baba ng aking boobs.
Pisti oi! Doon pa talaga siya humawak sa ilalim ng boobs ko. Letse na gurang ‘to, nahahalata ko na tsansing na ang kilos niya. Napalunok ako dahil konting kilos ko lang masasagi na nito ang mayaman kong boobs.
Nang ilang sandali pa dumausdos ang kaniyang palad sa aking tiyan. Para akong ipinako sa aking kinatatayuan ng taas baba ang paghawak niya roon. Hindi pa natatapos ang pag-aakit ni Teng, kung matatawag nga itong pag-aakit, dahil lumipat ang kanyang palad sa magkabila kong bewang kaya uminit ang pisngi ko. Halos naghahabol din ako ng aking hininga ng paminsan-minsan ay pinipisil niya ang bewang ko.
“Teng!” suway ko sa kaniya.
“Bakit ano ba ang ginagawa ko?” tugon nito na animo wala siyang muwang sa ginagawa ngayon.
“Isa!” pagbabanta ko.
“Wala pa naman akong ginagawa… ouch…” aniya kasi siniko ko upang tigilan ako. Ngunit hindi nga lang natinag dahil hanggang ngayon ay ganado pa rin ito nakayakap pa rin sa akin.
Aba't feeling nitong gurang na ito ay bati na kami? Ano ba ang inaakala niya, ayos na agad kami? Dahil kinausap ko na siya. Dammit may Sandee pa siya kailangan niya na muna iyon ayusin gago siya.
Nang maalala ko si Sandee. Nalungkot ako. Masama ang mainggit ngunit iyon ngayon ang nararamdaman ko. Kay saya lang magiging kaniya na si Teng, na dati ako iyon eh.
Dadalhin nito ang apelyido ng dati kong boyfriend na ako dati ang gustong pag-alayan noon. Nang maalala ko iyon sumikip bigla ang aking paghinga at ewan kong anong katangian mayroon ang Tatay ni Alex. Bakit naramdaman nito ang bigla kong pagkalungkot.
“Hey, are you ok?” tanong nito na para bang hindi niya alam na siya ang dahilan bakit ako nagkakaganito.
“Nanghingi na ako ng sorry—”
“Oo naman ayos lang ako. Hindi lang ako makahinga grabe ka kasi mangkayakap,” halos bulong ko na lang sa kaniya.
Wala itong imik ngunit narinig ko ang kaniyang paghugot ng hangin sa dibdib.
“Baka gusto mo na akong bitiwan,” saad ko at pinaseryoso ko pa ang tinig ko at nag-antay na tuluyan niya akong pakawalan.
Instead of responding, I heard him inhale deeply. Pagkatapos ay para lang tuod nanatiling nakadikit lang siya sa akin.
Ano ba talaga ang gusto nito? Si Alex lang ang sadya niya ngunit kung makayapos parang pag-aari niya rin ako.
Ngayon nilagyan ko na ng inis ang boses ko upang umalis na ito sa pagyakap. Nakadadami na ng tsansing tama na.
“Teng! Alam mo ba ang ginagawa mo ha? Tapos na akong magpaliwanag sa ‘yo. Narinig mo naman diba na umpisa pa lang wala talaga akong balak na itago sa ‘yo na may anak tayo. Sadyang hindi lang pumabor ang tadhana noon sa atin!” buset kong saad sa kaniya.
“I'm sorry,” tangi nitong sagot pero sa side ko, nakakapikon sa totoo lang. Hindi ko mabasa ang nasa isip nito't tila yata sinapian ng toyo kung anong naiisip na gawin.
“Narinig ko na Teng, kaya pwede mo na ba akong bitiwan?” anang ko dahil nagka buhol-buhol na ang aking paghinga sa kanyang ginagawa.
“Patawarin mo ako dahil wala ako sa tabi mo noong panahon dinadala mo si Alex. Patawad dahil mabilis akong lumayo, please, mag-umpisa tayong muli," wika pa nito puno niyon ng pagsuyo.
Kay sarap sanang pakinggan ngunit hindi ko nakakalimutan na hindi na siya malaya simula bukas. Gusto ko sanang lumukso sa sobrang tuwa ngunit hindi maari. Isa pa.... hindi na yata ako mahal ni Teng.
Analyn na lang ang tawag nito sa akin. nakaka miss din pala marinig ang salitang 'mahal' kahit maraming tao hindi ito nahihiya tawagin ako ng gano'n.
Eh, ano pa ba ang aasahan ko, mayroon na siyang Sandee. Pero itong ginagawa niya nakakainit ng ulo.
“Hindi ako nagtanim ng galit sa ‘yo, Teng, kaya alisin mo na sa isip iyan kasi nakaraan na iyon kahit anong gawin natin,”
“Hindi mo naman ako pagbabawalan diba kung sakaling igiit ko ang pagiging ama ni Alex? Bibigyan mo naman ako ng karapatan maging ama ng anak natin diba? Please ‘wag mong ilayo ang anak natin sa akin,”
Kumunot ang aking noo. Anong pinagsasabi nito ilalayo ko si Alex, sa kaniya? Saan naman ako pupunta kung sakali talagang naman ang gurang na ito masyadong OA.
“Bakit hindi ka makasagot, huh? Bakit mahirap kang sumagot—”
“Alm mo Ikaw overacting! Naisip mo pa iyan na ilalayo ko sa iyo si Alex, gayun alam mo na rin naman na mayroon tayong anak. Sige, pagbibigyan kita na makita si Alex. Malaya kang madalaw rito ang anak ko hangga't gusto mo. Malaya ka rin pumunta rito—”
“Anak natin baka nakakalimutan mo,”
“Edi anak natin. Sige malaya kang pumunta rito kahit pa minu-minuto kung iyang ang gusto mo—”
“What the heck, Analyn!” may diin ang boses na sabi niya sa akin kaya napikon ako.
“Sampalin ko iyang bunganga mo anong nirereklamo mo ha, Sir Noah. Makapag mura ka letche ka,” nayayamot kong singhal sa kaniya.
Bahagya itong tumawa na kinalito ng isip ko. Kagaling naman nito mag-change ng mood. From serious to humorous moods. Ang cute ha? Nice talaga ang Tatay ng anak ko.
“Parang temang lang,” parinig ko ngunit wala akong makuha sagot mukha kasi hindi pa siya naka recover sa pagiging masaya.
“Ayaw mo bang sumama sa akin? Hindi kayo sasama ni Alex!?” tanong nito na para bang nagulat pa siya binigay kong kondisyon sa kaniya.
Kumalas na rin si Teng, sa pagkakayakap sa akin. Kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na lumakad palayo sa kaniya. Ngunit...animal! Nasundan agad ako ng hindi pa ako nakararating sa hagdan at nahuli na nito ang aking braso. Kaya magkaharap na kami ngayon.
Binigyan ko siya ng may babalang tingin kaya binitiwan niya ako. Bumuntonghininga ito at pagkatapos salubong ang kilay tinitigan niya ako.
“Aalis ka na ng hindi pa tayo tapos mag-usap?” nasa boses na irritable.
Hindi rin maipinta ang mukha ni Teng pinasadahan ako ng tingin. Inirapan ko kasi nagtagal sa mukha ko.
Humalukipkip ako nilabanan ko ng matiim niyang titig sa akin, ngunit ako ang unang nag bawi nang maisip ko na hindi ito matatapos kung makikipag tagisan lang ako sa kaniya.
“Bakit gusto mong sumama kami ni Alex sa 'yo?”
Napawaang ang labi niya para bang kinagulat nito ang tanong ko na ganoon sa kaniya.
“P'wede ba?” tugon nito na kinalaglag ng aking panga. Na back to you agad ako yawa na.
“Magbibihis lang ako nakita mo naman diba, kararating ko lang? Hindi ko pa na kakarga si Alex. Kung ayaw mong lumayas bahala ka rito sa baba aakyat muna ako,”
“What? Hindi talaga kayo sasama ni Alex, sa akin?” kumunot ang kaniyang noo para bang na stress na siya ngayon.
Natigilan ako sa tanong ni Teng. Fvcking s**t! Talagan bang itatanong niya ang ganoon kung alam kong bukas ay ikakasal na siya.
Hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo para pumayag na sumama sa kaniya kung alam kong mag-aasawa na siya. Dammit sarap nitong bayagan parang sinapian ng kung anong maligno kaya kung anong pinagsasabi.
Malinaw ang pagkakasabi ko sa kaniya bakit hindi niya maintindihan. Matalino siya bakit hindi niya iyong nakuha. Baka gusto pa nito ng isa pang paliwanag pagbibigyan ko at ng malinaw para sa aming dalawa.
“Gusto ko kayo kunin ni Alex—”
“Alam mo ba kung anong sinasabi mo?”
“Yeah,” kaswal niya lang na sagot na kahit na daanan pa siya ng malakas na hangin hindi siya patitinag.
“Hindi kami sasama. Malinaw naman ang binigay kong kondisyon saiyo, kung malabo pa sabihin mo lang, dahil nakahanda akong ipaunawa iyon sa ‘yo,”
Nag-iwas ako ng tingin dahil napahilamos si Teng para bang nauubusan siya ng pasensya sa akin.
“Bakit ba ayaw mong sumama? May anak tayo—”
“Ikakasal ka na…” anang ko mabilis siyang tinalikuran. Hindi ko kaya kung ano ang sasambulat na isasagot ni Teng sa akin.
“Iyon lang ba ang problema mo? Sa tingin mo gago ako para pumunta rito ng ikakasal na ako?”
“What do you mean,” napatda ako. Nanatili akong nakatalikod kay Teng. Bigla akong kinabahan para kay Sandee.
Kahit paano naging mabuti ang dalaga sa akin. I can't bear to see Sandee crying just because Teng called off the wedding because of Alex and me.
Oo nga aaminin ko gustong-gusto ko pa si Teng. Wala naman nagbago mula noon hanggang ngayon, ngunit hindi naman dumating sa point na gusto kong saktan si Sandee.
“Paano si Sandee?” tanong ko at humarap na rin sa kaniya.
“Anong paano si Sandee? Pamilya natin ang pinag-uusapan bakit siya kasali?”
“Paano niya natanggap na hindi natuloy ang kasal n'yo,”
Parang hindi nito maintindihan dahil kumunot pa ang noo ni Teng. Mamaya nagkamot ito sa kilay niya.
“Labas ka sa paghihiwalay namin ni Sandee. Maayos kaming nag-usap. Sige na magbihis ka na mamaya pa ako uuwi.”
Matagal akong hindi nakakilos. Nasa isip ko talaga si Sandee, kung anong nararamdaman nito ngayon. Kung hindi pa tumikhim si Teng, hindi ako kikilos.
“Aakyat muna ako,” itinuro ko sa itaas ngunit hindi talaga mawala sa isip ko si Sandee.