Analyn
“Nanay Hiyas, papasok na po ako,” sigaw ko sa baba ng hagdan nang matapos akong kumain.
Nasa taas pa kasi sila ni Alex. Kanina sinilip ko si Alex, bago ako kumain, tulog pa ang anak ko.
“Sige kami'y baba na ni Alex, antay lang sandali, hija,” tugon nito kinangiti ko. Gising na pala ang anak ko tamang-tama. Makarga ko pa bago ako umalis.
“Sige po Nanay, kay Mutya, po muna ako,” sagot ko sa kanya.
“Mutya! Kapag napadalaw rito si Aki, mamaya. Favor naman, girl. Patanong naman kung bakante siya sa sunod na Linggo,”
“Bakit? Anong mayroon sa araw na iyon? Nanlaki ang kaniyang mata. Waah…. Analyn…’wag mong sabihin na ikakasal na kayo ng Daddy ni Alex. Wait lang bakit ang bilis mo naman isinuko ang bandera ni Nanay Analyn, ni Alex. Dapat pahirapan mo ng slight,”
“Ang dami mong sinabi,” sabi ko sa kaniya sinamahan ko pa pinaningkitan ko ng mata.
“Bakit ano pala?”
“Excited ka kasi e, hindi pa naman ako tapos magsalita, ang dami mo ng haka-hakang naisip ‘no?”
“Pero hindi pa talaga kayo sasama ni, baby Alex, sa Daddy, niya?”
Pinalungkot ko ang mukha ko.
“OA ka! Hindi ko kayo pinaaalis ni, Alex, ‘wag kang maarte. Gusto ko nga rito na kayo tumira. Kaya lang alam ko kalaunan ay sasama kayong mag-ina kay, Teng,”
“Wala pa sa isip ko, Mutya. Kapag naiisip ko kasi na sasama kami ni, Alex, sa Tatay niya. Ngayon pa lang malungkot na ako. Dapat kasama rin kayo ni, Nanay Hiyas. Ayaw kong iwanan kayo rito,”
“Paano naman ang bahay na ito ni, Nanay? Maghahalo ang balat sa tinalupan, Analyn, kapag nakumbinsi mo si Nanay. Hindi iyan aalis dito, kasi ito lang ang alaalang naiwan ni, Tatay.
“Iyan din nga ang naisip ko, girl. Ito talaga ang pakay ko sa ‘yo. Ibibilin ko lang si, Aki, na kapag naligaw rito. Sabihin mo Ninong siya ni Alex. Baka kasi matimingan may lakad si Kap, kung sakali. Makapag laanan niya ng oras. Pabibinyagan ko na si Alex, sa sunod na Linggo. Sweldo ko na kasi bukas. Kahit hindi gaanong magarbo. Dito na lang din sa bahay ang handaan. Sa tingin mo, Mutya, maganda ba ang naisip ko?”
“Oo, ayos nga rito, dahil makadadalo pa ang mga kapitbahay. Kaysa sa restaurant ka. Kung sino lang ang Ninong at Ninang iyon lang makakakain.”
“Basta pasabi kay, Aki, ha?”
“Yes, Ma'am,” aniya tumingin sa likuran ko kaya ginaya ko. Nakababa na pala sila Alex at Nanay Hiyas.
Kinuha ko muna kay Nanay at pinatatawa ko pa si Alex. Lumakad na rin ako patungo sa pinto.
“Narinig ko, hija, pabibinyagan na si, Alex?”
“Opo ‘nay. Maganda po ba ang naisip ko na rito na maghanda sa bahay?”
“Oo, mainam ang iyong naisip, Analyn. Sige ako na sagot sa one hundred pieces na barbeque.”
“Wow! Salamat po, Nanay Hiyas,” namamangha kong sabi.
“Sagot ko na ang cake ni, baby Alex,” sabi rin ni, Mutya.
“Salamat, Mutya, dahil d'yan wish ko magka boyfriend ka na,” biro ko lang naman pero umasim agad ang mukha nito.
“Sige dahil d'yan sa wish mo. Binabawi ko na—”
“Woi! Joke lang, mabilis talaga magtampo,”
“Bye, baby Alex, papasok na si Nanay,”
Inihatid nila ako ni Nanay Hiyas sa pinto. Masaya akong ngumiti kasi nang halikan ko sa pisngi nilawayan ang pisngi ko at may kasama pang sabunot.
“Naku naman apo. Parang bruha na ang Nanay mo, sinabunutan mo pa papasok iyan sa work niya,” anang bungisngis ni Nanay Hiyas.
Para naman chismoso ng anak ko sinagot si Nanay Hiyas, kaya nag-uusap na silang dalawa ni Alex.
Muli kinuha ni Nanay Hiyas si Alex sa akin. Nakaharap na ako sa kanila nakalabas na rin ako ng pinto.
Nang ako naman ang kumausap kay Alex. May narinig akong pumarada na sasakyan sa tapat ng bahay ni Nanay Hiyas, ngunit hindi ko lang iyon pinansin dahil na kay Alex pa rin ang atensyon ko.
“Pa-pa-pa,” sabi nito natawa si Nanay Hiyas.
“Alam na alam talaga niya dumating ang Papa niya,” sabi ni Nanay Hiyas sa likuran ko nakatingin.
Nagitla ako at tumingin sa kaniya. Inginuso sa likuran ko dahan-dahan akong lumingon.
Seryosong Teng ang papalit. Lihim akong napanguso ng pasadahan ko ng tingin ang suot nito.
Naka puti polo si Teng na mayroon kurbata sa leeg. Nakarolyo ang manggas hanggang siko. Ngayon ko lang ito nakita ganito naka pormal na get up. Naka gel din ang buhok. Ang fresh bagong paligo ang Tatay ni Alex.
Tumikhim ako ng marinig ko ang pagngisi nito kaya napakurap ako dahil nakatulala pa pala ako sa kanya. Ewan kung kanino siya nakatingin. Sa anak niya or sa akin.
“Naks, may sundo ang Nanay mo, Alex,” parinig ni Mutya.
“Anong sundo. Parang dinalaw lang ang anak niya,”
“Kunwari lang iyan na anak ang pinuntahan. Kasama na ang Nanay ni Alex. Alangan anak lang ang dadalawin. Tingin ko dinadaan sa anak, pero ang totoong sadya ay Nanay ni, Baby Alex.”
Umiling ako ngunit si Mutya ay hindi talaga ako nito tinigilan.
“Diba, baby Alex. Nanay mo, ang sadya ni Tatay?”
Tumili ang anak ko parang sangayon siya sa tanong ni Mutya.
Hindi na ako nakipagtalo kay Mutya kasi nasa tabi na namin si Teng.
Kinarga na muna nito si Alex, sinaway ko baka magusot ang damit nitong polo.
“Tara na idadaan kita sa office mo,” bulong ni Teng, nasa likuran ko na pala para bang sinadya nito dumikit sa akin.
“H-hindi na, Teng, mapapalayo ka,”
“Ok lang kahit late na akong pumasok walang magagalit sa akin,”
"Alex, tara na sa Lola, papasok pa sa work si Nanay at Tatay mo, para may pambili ng gatas mo," anang nito at kinuha na niya si Alex, kay Teng.
Hinalikan pa muna ni Teng, si Alex, na akala mo nakakaintindi na ang anak ko. Dahil masaya ang bata batuta habang hinahalikan ni Teng, sa leeg nito kaya ang lakas ng halakhak ng aking anak.
“Babalik si Papa, mamaya pagkatapos magtrabaho,” paalam nito kay Alex.
“Lakad na kayo, Analyn, habang maaga pa,”
“Nay,” hindi ko nadugtungan ang gusto kong sabihin dahil nauna ng lumakad si Teng, at sinabihan pa ako bago tuluyang makalayo.
“Aantayin kita sa sasakyan.”
Igigiit ko sana magko-commute na lang ako. Paano ko ba gagawin kung seryoso akong inaantay ng Tatay ni Alex.