CHAPTER 06

1322 Words
Analyn “Sabay-sabay na tayong lumabas,” saad pa ni Ate Cora sa akin hindi pa ako tuluyang nakakalayo sa kanila nahabol pala ako. "S-sige mga Ate," sagot ko pa na hindi sa kanila nagpapahalatang may iniiwasan akong tao. May bumaba galing sa 4th floor. Kaibigan yata ni Ate Cora. Tinawag kasi siya. Kaya inantay nila ni Ate Jo. Si Sandee kasi nakikipag usap pa hanggang ngayon sa kakilala na humarang din kanina pa. Tumingin nga rin sa akin si Sandee. Sumenyas na antayin ko raw siya. Ngunit gumanti lang din ako, sumenyas din sa kaniya. Na ako'y mauuna na at hindi ko na siyang inantay kong anong isasagot sa akin tuloy-tuloy akong naglakad upang makalabas na sa MS Manpower Solution Agency building. Mga ka close nila kasi kung magtawanan parang ang saya nila. Napalunok ako kasi nakatingin pa rin si Teng sa akin ngunit hindi ko lang pinapansin. Nagpasya akong lumabas na. “Wait!” narinig ko pang habol ni Sandee sa akin, ngunit ni lingon ay hindi ko ginawa nagkunwari akong hindi iyon narinig at sa halip mabilis ang aking paghakbang palabas ng MS Manpower Solution Agency building. Nginitian pa ako ni Kuya Doming at sa kagandahang asal ngumiti ako pabalik sa kaniya mabuti na lang hindi nito nahalata nagmamadali ako. Takot akong lumingon kila Ate Jo, baka nasa likuran ko sila kunwari na lang nagmamadali ako patungo sa sakayan ng jeep. Tagaktak na pala ang pawis ko sa aking noo ko kaya hinaluhog ko na muna ang aking laging dalang panyo sa loob ng bag ko. Sa terminal ako ng biyaheng Tanay. Kahit nagbabayad ako ng forty-five ok lang kasi pauwi naman na. Dito kasi ako sumasakay dahil sakto sa babaan ko hindi na ako naglalakad. Unlike kapag sa biyaheng Pasig. Naglalakad pa ako ng malayo bago sa terminal ng tricycle patungo sa townhouse na tirahn namin. Sa kasamaang palad ang naabutan kong jeep ay puno na kaya nag-antay pa ako ng bigla akong magulat sa nag busina sa tabi ng kalsada. Nagsilingon ang mga naroon na mga tao dahil nakakuha ng atensyon ang busina ng kotse. Nagulat ako ng buksan ang bintana sa tabi ni Sandee. Nakangiti itong sumilip sa akin. Oh my God! Talagang sinundan nila ako rito pisti! “Analyn! Tara, sakay na ihahatid ka namin,” aniya nakakahawa ang ngiti nito. Napalunok ako ng napunta ang tingin ko kay Teng. Walang reaksyong makikita sa mata nito hindi ko mabasa. Kalmado at pinilit kong kumilos ng kaswal at nilapitan ang kotse ni Teng, dahil nag-cause na ng traffic. Para itong hari sa kalsada, hindi lang natinag sa mga busina sa likuran niya. Ang angas talaga. Kay lakas ng loob dinadala pa ang ugali niya noong nasa. Barrio Santiago pa kami na squatter sisiga siga tss. “Ihahatid ka na namin. Ikaw naman tinatawag kita kanina, hindi mo ako pinansin. Pasensya ka na ha? Baka na-offend ka kasi naharang ako sa lobby, tapos natagalan akong kinausap, ang dami kasing kwento sa akin hindi ko matakasan. Secretary ni attorney, gano'n sila kapag magkasabay saabay kaming bumaba. Kasi nag pasalamat sila nang pinadalhan ko rin ng pagkain.” Oo nga pala notary office pala sa 4th floor. “Hindi kami nagmamadali umuwi ni Noah kaya ok lang idadaan ka namin sa pupuntahan mo,” “Hi, h-hindi na mapapalayo kayo,” wika ko pa naiilang kasi nakatingin si Teng sa akin nakataas kilay at naka ismid ang nguso. Pisti siya kinukotya niya ba ako kaya nakaismid. Gago siya hambalusin ko pa siya ng doll shoes ko inaangasan ako ng gurang na 'to. May nagbusina sunod-sunod may sumigaw pa. May sapi ba itong si Teng hindi naririnig mga reklamo ng motorista. Edi siya na ang may-ari ng Edsa kay yabang. Grabe dito pa talaga sila pumarada para lang isabay ako. Naku naman paano kaya kung malaman ni Sandee ang nakaraan namin ni Teng ano kaya ang gagawin niya. Ganito pa kaya ito kabait sa akin kung mabisto niyang ex-boyfriend ko ang fiance niyang si Noah. Pero at least wala na siya sa MS Manpower Solution Agency. Kahit malaman niya hindi na niya ako aawayin kung sakali. “Sumabay ka na. Sinabi ko na kay, Noah. Dali na girl, nagagalit na ang mga nasa likurang motorista,” “Ayaw naman nga sumabay bakit ba natin pipilitin?” napipika ang hitsura ni Noah. Uminit ang pisngi ko. Wala rin naman akong sinasabi na dumaan sila rito ano't nagagalit ang gurang na ito. “Please, papayag iyan, babe," malambing na pakiusap ni Sandee, kay Teng. Tumingin din sa akin. Lihim akong napangiwi. Shitty ang lupit naman talaga ng tadhana sa akin mapanakit, ‘babe’ raw. Nakita ko pa kumunot ang noo ni Teng. Hindi lang ngumiti. Ganito ba ito hindi palangiti. Ang lambing kaya ni Sandee, nagpi-feeling ang kumag akala mo naman hindi siya noon palautot noong nasa late twenties lang siya. Putrages! Nag-iwas pa ako ng tingin ng pisilin ni Sandee ang ilong ni Teng. Pisti gusto yata ng pinipisil letse. Sakit sa eyes kung hind lang mabait itong si Sandee. Lalayasan ko na sila naha-hurt na ako sa true lang. “Sakay na Analyn. Last day ko na hindi mo pa ba ako mapagbibigyan?” aniya pagkatapos niyang gawin pagpisil sa ilong ni Teng. Napunta tuloy ang tingin ko kay Teng. Salubong ang kilay nito ewan anong iniisip kasi diretso lang naman sa kalsada ang mga mata nito. Shitty Isang malaking pagkakamali na nasabi ko kay Sandee itong sakayan ng jeep. One time kasi, kasabay ko sila nila Ate Jo at Ate Cora. Pumunta kami ng Megamall bago umuwi. Naitanong ni Ate Jo, kung gusto kong sumabay sa taxi nila baka malapit lang daw ako. Ayun sinabi ko sa terminal ako ng biyaheng Crossing-Tanay, dito sa Parklea. Hindi ako masyado pagod sa pag-upo. Kapag kasi sa dumadaan na Jeep na galing na rito. Kawawa ako kasi sa center seat ako makakaupo. Itinuro ng Nanay Hiyas, dito raw ako sumakay upang may upuan hindi naman malaki ang idagdag ng ibabayad ko sa mga karate jeep. “Babe, sige na please…” aniya ni Sandee. Nanlaki ang mata ko, nang bumaba si Teng at akala ko kung anong gagawin umikot dito sa kinatatayuan ko, para pa nga sinadya masagi nito ang braso ko napatda ako tapos pinagbuksan pa ako ng pinto sa driver seat. “Sakay,” walang buhay n'yang sabi. Dahil nga hindi pa rin ako nakaka move-on sa biglaan nitong pagikot nakatulala ako kung hindi pa siya tumikhim hindi pa ako napakurap. “Kung saan-saan naglalakbay ang isip mo Ms. Analyn,” aniyang galit. “S-sorry po, S-sir Noah,” nautal kong sagot sa kaniya na agad nagsalubong ang kilay ng damuho. “Ano pa ang inaantay mo? Nakita mo ba na kanina pa maingay 'yang mga sasakyan hindi ka pa kumikilos,” irritable niyang sabi. Sinamaan ko siya ng tingin. Gago siya sinabi ko ba na daanan nila ako? Mapilit lang si Sandee, wala naman akong utos na dumaan sila rito ano't nagagalit siya sa akin. Dahil nakita nitong sinamaan ko siya ng tingin mabilis na nag-iwas ng mata. Akala mo uurungan kitang gurang ka huh! Sa isip-isip ko. Lihim pa akong napasinghap ng nasa pinto pa rin ito nakahawak pa rin at nang sasakay na ako. Kumunot pa ang noo ko ng ilagay sa ulo ko ang palad nito para bang ayaw akong mauntog. “H'wag kang assuming, Ms. Analyn. Baka kasi tulala ka pa kaya nagkusa akong gawin iyon kasalanan ko pa kung mabagok ang ulo mo. Matigas pa naman iyan hindi nakikinig sa pakiusap.” Napamulagat ako bubugahan ko na sana ng salita, ngunit narinig ko na ang tinig ni Sandee. “Analyn, ok kana?” aniya. Kaya napapikit ako inis sa gurang na si Teng. Napapitlag pa ako ng pabalibag na sinarado ni Teng, ang pinto. Pinigilan kong mainis kasi nakalingon na si Sandee sa akin at abot sa tainga nito ang ngiti sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD