CHAPTER 16

1973 Words
Flashback... Analyn "Analyn! Bilisan mong bumaba r’yan. May pag-uusapan pa tayo. Aba'y tanghali na kilos-kilos naman!” malakas na sigaw ng Nanay ko, kahit nasa baba na siya aabot pa yata hanggang sa kanto ang boses nito. Seryoso ba ang Nanay ko? Papasok pa ako ngayon at kung mag-uusap pa kami, panigurado late akong makakarating sa University of Rizal, kung saan ako nag-aaral ng kolehiyo at graduating na rin ngayon taon. Ilang buwan na lang graduate na ako sa kursong BSEd. Gusto ko talagang maging isang titser bata pa ako iyan na ang pangarap ko. Balak kong agad mag-take ng board exam dahil gusto kong makapagturo agad. May naipon na akong pambayad sa review center upang masiguro papasa ako sa unang take ng exam. “Ano ba, Analyn!? Anong ginawa mo kagabi? Bakit puyat kang bata ka, ha?! Naku ‘wag ko lang malalaman nakikipagkita ka pa r’yan sa dati mong kasintahan si Teng! Lagot ka sa akin babae ka!” “Sinabi ko na sa ‘yo tapatin mo na at ikakasal ka na sa katapusan ng buwan. Hindi tayo pwede umurong malaki na ang utang ko roon,” dada pa nito masakit sa tainga. “Sandali nga! Na-text mo na ba ang anak-anakan ni Arnel, ha, Analyn?” tanong pa nito hinayaan ko lang ratratin ako ng bunganga niya. Kung alam lang nito nakipagkita na ako upang makipag hiwalay baka masabunutan ako ni Nanay. Gusto kasi ng Nanay sa phone ko na raw tawagan or text. Ako naman kaya gusto kong personal upang makita ko pa siya sa huling sandali kahit katumbas noon ang pagkadurog ng damdamin ko kay Teng. Utang…Dahil sa utang kaya ang lalaking pinakamamahal ko pilit kong iniwan. Si Kuya kasi napa trouble sa trabaho nito sa palengke. Sa tindahan ng karne namamasukan si Kuya. Ayaw paareglo ng nasaksak nito kahit dinala na sa ospital. Pinakulong si Kuya. Kapag hindi raw magbabayad ng eighty thousand at sagot pa ang hospital bill ng nakaaway nito. Hindi raw iuurong ang damanda sa Kuya ko. Tuliro sila Nanay at Tatay kung saan kukuha noon ganoon pera kasi sa katulad naming isang kahig at isang tuka. Mahirap nga naman iyon kitain. Hindi rin basta-basta sila makauutang kung wala naman collateral. Bagamat may sari-sari store si Nanay hindi naman din sasapat ang kita. Doon naman lahat kinukuha ang gastos sa bahay maging tubig at kuryente. Isa pa hindi naman din iyon kalakihan. Hindi ko alam paano ni Nanay nakilala ang taong inutangan niya ng pera. Ngunit nagulat ako na gusto raw akong pakasalan. Tumutol pa nga ako noong una. Gusto ko noon kausapin si Teng at sa kaniya uutang. Matagal naman nawala si Teng isang Linggo hindi ko makontak. Nang makausap ko naman sabi may inayos na problema. Huli narin naman kasi hindi ko matiis ang Kuya ko, madalas bugbog sarado sa kulungan kaya pumayag ako sa kondisyon ng inutangan ni Nanay. Kondisyon na kasal. Ayaw ko naman lukuhin si Teng, nakipaghiwalay ako sa kaniya. Sabi ko ikakasal na ako at hindi na kami pwede. Bumuntonghininga ako napahawak sa aking buhok. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng higaan kong katre nakatulala. Wala sa isip nasambit ko na sana kung p'wede lang pumili ng magulang gusto kong pumili ng hindi ganito. Oo, tanggap ko na mahirap ako wala akong reklamo roon. Kaya lang ang hirap. Ganito na nga ang buhay namin palagi pang nag-aaway si Tatay at Nanay. Naiinggit ako minsan sa mga kababata ko na kapitbahay namin. Mahirap man sila ngunit masaya naman ang pamilya nila. Kahit iyon lang sapat na sana sa akin. Hindi na ako naghahangad ng material na bagay. “Mabuti umuwi ka na Fernando. Hanapin mo ang anak mong lalaki baka mamaya niyan malalaman na lang natin napa trouble ulit,” utos ni Nanay sa Tatay. Bigla akong sinalakay ng kaba. Paano nga kung mayroon ulit trouble na kinasasangkutan si Kuya. Pero ‘wag naman sana dahil nangako siya na magbabago na lalo sa akin. “Bakit kasi hindi mo bantayan iyang mga anak mo. Madalas ka pa magsugal kaysa alamin kung anong nangyayari sa mga anak mo," sa halip sagot ni Tatay sa Nanay ko. “Nagsalita ang matino. Inuumaga ka nga sa inuman at sugal nagreklamo ba ako? H'wag mo akong susumbatan dahil pareho lang tayo,” sigaw rin ni Nanay sa Tatay ko. “Ikaw ang may bahay dapat ikaw ang nag-asikaso sa mga anak mo!” bulyaw ni Tatay sa kaniya. Naalala ko ang sabi ni Kuya sa akin noong huli kaming magkita. “Bunso patawarin mo ang Kuya, ha? Pangako magbabago na ako. Makakabawi ang Kuya sa ‘yo balang araw,” “Ay si Kuya oks lang po iyon. Basta mag-promise ka lang iwasan mo ang trouble. Tingnan mo nga daming bangas ng mukha mo sayang ka pogian natin aba,” sabi ko pa pinilit pasayahin ang tinig ko. Kasama kasi ako ng mag piyansa para sa kaniya sa kulungan. Mabait si Kuya ngunit takaw sa gulo. Hindi rin kasi ito umuurong sa laban kapag kinanti. Ganito yata kapag lumaki na laging away ng Nanay at Tatay ang aming kinagisnan. “Tingnan mo iyan anak mong babae. Kanina ko pa tinatawag ang kupad kumilos akala mo walang pasok sa eskwela,” sabi ni Nanay hindi ko narinig noong una na sumagot si Tatay sa kaniya. Si Nanay talaga kay ingay-ingay. Bubulong-bulong ko habang nagsusuot ng aking black school shoes. Kung alam lang ni Nanay, lampas isang buwan na akong lutang dahil sa paghihiwalay namin ni Teng. Isang buwan na akong walang buhay, nakangiti ngunit sa loob ko naroon ang pighati at pangungulila para sa mahal kong kasintahan. Malapit na akong ikasal sa gustong lalaki ni Nanay para sa akin. Narinig kong nagkasagutan sila ni Tatay at Nanay sa baba dahil walang tigil ang bibig ni Nanay sa kadadaldal. “Ang aga talaga ingay ng bunganga mo. Hindi ba iyan titigil ha? Mameng?!” “Nagsalita ang hindi kararating lang. Saan ka inabot ng umaga ha? Pati anak mong lalaki wala pa hanggang ngayon!” wika pa ni Nanay sa Tatay. Si Kuya? Kumunot ang noo ko. Oo nga two days ko na hindi nakikita si Kuya at ngayon ko lang din napansin sa sobrang kalutangan ko. “Ikaw ang Ina hindi mo alamin saan nagtutungo ang anak mo,” pilosopo pa sagot ni rito ni Tatay. Malalim akong napabuntonghininga. Ganito sila araw-araw walang oras na Hindi sila maingay basta narito si Tatay. “Analyn, ano na bumaba ka na,” sabi ni Nanay. Tinanghali kasi ako ng gising dahil mailap ulit ang antok para sa akin. Iniyakan ko parin ulit ang pagka miss kay Teng Mapait akong napangiti at hiniling na sana maging maayos ito at makalimutan niya ako. Sa Nanay ko lang talaga ang problema. Si Tatay ay wala akong naririnig na pagtutol galing dito. Kahit kailan hindi magustuhan ni Nanay ang kasintahan kong si Teng. "Analyn!" malakas ulit na sigaw ni Nanay. Nagtataka rin ako kung bakit tamad na tamad akong kumilos ngayon. Dati naman hindi ganito. Parang pakiramdam ko laging mabigat ang katawan ko. Mabuti na lang palaging wala si Nanay kapag naghahanap ako ng banyo para lang magsuka. Napapansin nga ng ilang mga classmate ko kung diet daw ba ako kasi nga bakit daw nahuhulog ang aking katawan. Tapos nahuli pa nila ako nagduduwal sa CR. Sabi ko nahihirapan maging working student kasi totoo naman ang dami naming ginagawa sa school kasi nga graduating na kami. "Pupuntahan kita r'yan na bata ka kung hindi ka pa bumangon," sabi pa ni Nanay ngunit nasa ibaba na ako nakatalikod kasi ito sa akin kaya hindi niya napansin nakababa na ako. “Nay aalis na po ako,” paalam ko sa kaniya. Sinilip ko pa si Nanay nasa sa kusina nagyoyosi. Kumunot ang aking noo Kailan pa natuto magyosi si Nanay. Si Tatay wala na baka lumabas. “Umuwi ka ng maaga mamaya kasi dadalaw ng maaga ang mapapangasawa mo,” Mariin akong napapikit ngunit tumango ako at hindi ko na inantay ang iba pang sasabihin ni Nanay. Para akong nakalutang naglalakad patungo sa sakayan ng jeep papasok sa eskwela. Hanggang tanghali masama ang pakiramdam ko. Pinagpapawisan ako ng malamig hanggang sa hindi ko na rin namalayan nawalan ako ng malay at dinala ako sa clinic. Nang bumalik ang malay ko maraming tinanong ang school nurse sa akin. Nang sa huli niyang tanong ay hindi ko napaghandaan. "May boyfriend ka ba?" “B-bakit po?” mahina kong bulong. “Ms. Joring, sabi mo ilang araw mo na nararamdaman nahihilo ka. Sabi mo rin nagduduwal ka at tamad ka ngayon kumilos ngunit wala kang sipon at ubo. Sabi rin nga ng tatlong classmate mo na nagdala sa 'yo rito sa clinic, ilang araw ka na raw nagsusuka at nahihilo plus hulog din ang timbang mo," Shocked ako. Namula ang mata ko at inisip kung buntis nga ako. Nagsilaglagan ang luha sa aking mata. Hindi ipagkakaila na buntis nga ako dahil ilang araw na akong nahihilo at nagsusuka. Binabalewala ko lang kasi madalas din akong puyat dahil hindi makatulog at pagod sa trabaho. “Mabuti pa maaga ka umuwi. Bumili ka ng Pregnancy test kit para sigurado ka,” ani pa ng school nurse. Marami pa siyang sinabi ngunit hindi ko na maunawaan dahil nilukuban ako ng takot. Umiyak pa ako sinabihan lang ako ng nurse na iwasan ang stress kasi kung totoo nga akong buntis makasasama iyon sa baby ko kapag palagi akong umiiyak. Sinunod ko ang payo ng school nurse. Timing din walang tao sa bahay pag-uwi ko, kaya malaya kong naisagawa ang procedure sa binili kong pregnancy test kit. Nanginig pa nga ang aking kamay habang nilalagyan ko iyon ng aking urine. Pagkatapos kong maisagawa ang test humaguhol ako ng makita kong positive. Buntis ako. Sari-sari ang aking nararamdaman sa mga sandaling iyon pero iisa lang sigurado ako. Mahal na mahal ko ang baby ko kahit hindi ko pa siya nararamdaman sa sinapupunan ko. Nang ako'y kumalma. Inayos ako ang aking sarili at nagbihis. Pupuntahan ko si Teng baka nasa bahay pa nila hindi lang lumabas. Tama kailangan niyang malaman magkakaanak kami. Magiging Tatay na siya. Handa akong sumama sa kaniya kahit saan kami dalhin ng aming mga paa. “Tao po! Tao po!” naka walong katok na ako walang sumasagot sa loob. May lumabas na kapitbahay nagulat pa ng makita niya ako. Alanganin akong ngumiti. Kilala niya ako minsan kasi sumasama ako kay Teng patungo rito kapag nakiusap ‘to na pasyal kami sa bahay nila. “Sila Mang Arnel ba ang sadya mo Analyn?” tanong niya pinasadahan pa ako ng tingin. Marahil nagtataka sa hitsura ko. Hindi ko na rin na check sa salamin basta sinuklay ko lang ang buhok ko, pero alam ko namamaga ang aking mata dahil sa school pa lang iyak na ako ng iyak. “Tatlong araw na sila wala r’yan. Kinuha ni Teng. Balita ko binilhan ng bahay,” sabi nito. Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi na binilhan ng bahay. Nasa isip ko wala na si Teng hindi ko na siya ulit makikita. “Tulala akong bumalik sa bahay at buong magdamag akong umiiyak dahil tuluyan kang nagpakalayolayo, Teng. Takot at pag-aalala dito sa dibdib ko para sa baby ko. Takot ako, Teng! Sobrang takot ko baka kung anong gawin ni Nanay kapag nalaman niyang buntis ako...Ngayon mo ako sumbatan Teng! Ngayon mo sabihin sa akin na hindi ko sinabi sa ‘yo na buntis ako. Kay dali mo akong iwan ng ganoon-ganoon lang," mariin ang sabi ko ngunit pumiyok na ako dahil napahikbi ako. Mabilis akong tumalikod sa kaniya, ngunit isang hakbang pa ako napako na ako sa kinatatayuan ko, nang yakapin ako ni Teng sa likuran ko. Mahigpit niya akong niyakap para bang ayaw niya akong bitiwan at hindi na maaring lumayo sa kaniya. “I'm sorry…sorry…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD