CHAPTER 11

1535 Words
Analyn “Pa-pa-pa,” patuloy na sambit ng anak ko mabuti hindi na nakaharap sa amin ni Nanay Hiyas. Nasamid pa si Nanay Hiyas, kasi paulit-ulit niyon sinasabi ni Alex. Si Teng nakatingin kay Alex, kahit na likuran na lamang ng anak ko ang nakikita niya. Pero si Mutya, humahagikhik lang. Parang hindi lang nakikitaan ng pagkabahala ang kaibigan kong si Mutya, sa biglang pagsulpot dito ni Teng. Sana nga hindi naghinala si Teng na anak naming dalawa si Alex. Kahit impossible ang aking hiling dahil magkamukha naman ang mag-ama. Kampante lang ako dahil wala naman siyang mga picture noong baby pa siya kaya wala siyang pagbabasehan. Nag-iiba naman ang hitsura ng bata habang lumalaki. H'wag lang sila pagtatabihing mag-ama dahil makikita nga na magkamukha sila ni Alex. “Naku naman anak ko, bakit ka naghahanap ng Papa. Nasa ibang planeta ang Papa mo kaya ‘wag na natin hanapin,” kausap pa niya kay Alex na tumili ang baby ko. “Bye, Tita, Analyn. Naku naman talaga ang anak ko sobrang masaya sa pagdalaw ng Ninang Analyn niya. Miss mo na ang pagdalaw ng Tita Analyn, ha baby Alex?” sabi ni Mutya todo ngiti sa anak ko sumasagot din sa kalokohan ni Mutya. Muntik pa lumaki ang aking mata kung hindi ko iyon maagap napigilan. Si Nanay Hiyas nga, nakangiti na lang ngunit hindi nakatingin kay Teng na kumunot na ngayon ang noo. “Mutya, akala ko papasok na kayo?” paalis na rin ako sabi ko. “Ay oo nga. Wait text ko lang si Aki. Sabihin ko pauwi ka na at sunduin na,” Walang hiya napasubo pa ako roon ah. Paano kung maygagawin si Aki, pupunta pa rito maaabala. “Ikaw Sir, aakayat ka ba ng ligaw sa kaibigan ko?” pagkatapos mag text ni Mutya tinanong si Teng. Pasaway na Mutya naging instant Tita pa ako ngayon ng anak ko kawawa naman si baby Alex ko. Subalit lihim akong nagpapasalamat at humingi ng tawad kay Alex Daniel, dahil naging Tita na muna niya ako ngayon. Hindi ko itinama si Mutya sa kasinungalingan nito. Hindi na nakaharap si Alex sa akin. I mean sa amin pala ni Teng. Sakto may bumibili sa tindahan umalis si Mutya, pumasok sa loob, nang karga pa ang walang muwang na anak ko. Lihim akong napalunok ng matiim akong tinitigan ni Teng, ang ginawa ko ay Inirapan ko ang binata upang maalis ang malakas na tahip ng dibdib ko sa labis na kaba. Sa totoo lang kabado ako sa walang tigil niyang pagtitig sa akin. Isa ko lamang pagkakamali bistado agad ako dahil tila ba pinag-aaralan niya ang bawat kilos ko. “Ano naman ang kasalanan ko sa ‘yo kung titigan mo ako daig mo pa ang imbestigador? Unless may gusto ka pa sa akin kaya ganiyan ka kung makatitig.” “Sabi mo?” “Oo sabi ko?” sinamaan ko siya ng tingin. Problema nito seryoso. “Guni-guni mo lang iyon na may gusto pa ako sa ‘yo,” Pisti! Nakakarami na ‘to ng insulto sa akin wawalisin ko na ang gurang na ‘to pa Ilog Pasig. Yawa siya, akala mo naman hindi ko dati alam na mayroon siyang tatlong butas na brief sa kabilang pisngi ng puwetan niya nasilip ko iyon. Niyayabangana niya ako ngayon porke siya na si Noah? Marami na siyang pera. “Ehem, best friend...baka lang gusto n'yo na tapusin ang titigan ni Mr. Pogi, mamaya lang marami ng bata diyan maglalaro,” saad ni Mutya kaya napakurap ako. “Paalis ka na ba ha? Analyn? Naku sabi ni Aki, parating na siya,” sabi ni Mutya, nakatingin sa phone niya at ewan lang kung totoo ba ang pinagsasabi nito O, gusto lang iparinig kay Teng. Ano bang ginawa nitong kaibigan ko. Napatingin ako kay Teng madilim ang mukha. “Paano mo sila naging kaibigan at sino si Aki?” tanong ni Teng, lumingon ulit kay Alex, tumitig pa sa anak ko salubong ang kilay. Putrages talaga ang kaibigan kong ito anong ginagawa nito mapapahamak pa yata ako ng wala sa oras. Napatingin ako kay Teng Pina seryoso ko ang aking mukha. “Bakit ka bumalik?” malamig ang boses ko kaya napatitig siya sa akin. “Ikaw bakit dito ka na nakatira?” balik na tanong ni Teng sa akin. “Narinig mo naman diba na bumisita lang ako? Ibig sabihin na hindi ako rito nakatira—” “Hindi ka rito nakatira ngunit malapit lang dito. H'wag mo nga bilugin ang ulo ko, katulad dati na kaya mo akong paikutin sa iyong mga palad. Isang tanong pa, Analyn. Hindi ka ba talaga rito nakatira?” itinuro ang bahay nila Nanay Hiyas. “Alam mo ikaw may sira sa ulo. Paniwalaan mo kung anong gusto mong paniwalaan, dahil wala akong pakialam sa opinyon mo. Kung ako sa ‘yo. Lumayas ka na lang dahil wala akong panahon makipagusap sa kagaya mong hambog,” “Kanino anak iyong, baby?” tanong ni Teng medyo kinabahan ako ngunit hindi ako nag pahalata. Naumpisahan na ni Mutya panindigan ko na lang. Mas mahihirapan ako kapag alam nito na anak namin si Alex. “Bakit mo ba itinatanong? Narinig mo anak naman diba? Anak ng kaibigan ko.” Ngumisi ako ng may kasama pag-ismid. “Don't tell me aakuin mo? O, baka naman dati pa mayroon kang itinatago sa akin tapos may iba ka palang nobya noong tayo pa at ang masaklap kaibigan ko pa," “Dammit!” asar talo ito. “H'wag kang magmura dahil maayos akong nakikipagusap sa ‘yo. Nagtatanong ka diba? Sinagot kita ng maayos.” Nagtagis ang bagang ni Teng pagkatapos napasinghap. “Analyn, pakilala mo naman siya," ani ni Mutya. Mabuti kinuha na ni Nanay Hiyas si Alex nasa loob na ng bahay. Kaya ko ng makipag sagutan kay Teng. “Ipakilala mo naman,” sabi pa ulit ni Mutya, umupo na sa tindahan sa amin nakatingin. Mamaya lang ‘to makurot ko ang tinggil nito inilalagay ako sa alanganin. Aba akala naman hindi niya kilala si Teng kung makapag-react. Nakita ko may ka text na sa phone niya. Mabuti na rin kung si Akhiko ang pumunta, pero sana patawarin ako nito dahil gagamitin ko na muna rito sa ama ni Alex, upang mabigyan ng leksyon ang kaangasan nito. “Sino nga siya, Analyn. Ayaw mo ba ipakilala sa akin ang manliligaw mo ha, BFF?” saad pa ng makulit na si Mutya. “Anong manliligaw? Dati ko lang ‘to kakilala sa dati kong lugar. Baka naligaw lang dito. Dati kasi niyang trabaho bumibili ng mga sirang alahas. Baka meron ka r’yan, Mutya lahat ng sira binibili niya. Pero s'yempre hindi kasali ang sira ang ulo.” Malakas na humalakhak si Mutya. Umigting ang panga ni Teng at kung nakadudurog lang ang masama niyang titig sa akin marahil wasak na ang katawang lupa ko. Galit na galit ang mata wala as if may karapatan siya gawin sa akin ang ganito n'yang pakikitungo. “Diba, Mutya, may naputol kang silver na necklace? Benta mo na rito sa kaniya Mutya, sayang din hindi naman din na, pakikinabangan,” dugtong ko pa, si Mutya namumula na ang mukha sa katatawa. “Dating kakilala, huh?” parinig ni Teng hindi ko lang iyon pinansin. “Ah, kakilala mo pala. Anong pangalan niya pakilala mo naman sa ‘kin,” tila sinakyan ni Mutya ang kalokohan ko. Mangiyak ngiyak na sa katatawa. “Ikakasal na siya, ‘wag mo ng subukan masisira lang ang buhay mo,” maagap kong sagot kay Mutya na kinaawang ng labi niya. “Ano nga pala ang pangalan nitong dati mong kakilala, Analyn?" ayaw tumigil na kauurirat ni Mutya sa 'kin. "Pero may hitsura siya, ang pogi girl," wika pa ni Mutya. Sinamaan ko ng tingin si Mutya. Nanlaki ang mata sabay tumili ang babahita. “Kap. Aki, naku narito na pala Analyn ang sundo mo,” Gusto kong kastigohin ang madaldal na kaibigan ngunit narito na rin si Aki. Bibigyan ko lang ng kunting palabas ang hambog na si Teng, tingnan ko lang kung maisipan pang bumalik dito. “Aki,” pinalambing ko ang aking boses at hindi ko na inantay makarating si Aki, sa kinatatayuan ko sinalubong ko na.” “Mutya, salamat ha? Gora na kami girl,” wika ko kumaway pa ako sa kaibigan ko. Hindi pa ako nakuntento. Yumakap ako sa braso ni Akhiko sabay hinila ko na siya paalis sa harapan ng bahay nila Nanay Hiyas, hindi ko na naisip lingunin si Teng kaya hindi ko nakita ang nagbabaga nitong mata nakatingin sa likuran namin ni Aki. Dahil nag-aala ako makahalata si Teng na palabas lang ang lahat hindi ako bumitiw kay Aki, naglakad kami game rin ito makipagusap sa akin. Baka nautusan na ni Mutya ngunit mamaya na ako hihingi ng sorry kay Aki. Mabuti na lang malayo-layo ang bahay nila sa amin ngunit nilakad lang namin patungo roon. Nang mayroon kaming madaanan nagtitinda ng icecrumble. Tumigil kami upang bumili. Nakatayo kami sa gilid ng kalsada ng mayroon dumaan na kotse, grabe mag busina parang galit na galit sa manibela. Sinundan namin ni Akhiko ng tingin na mayroong katanungan sa isip kung sino iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD