Analyn
“Aww…sarap naman ng ngiti ng baby Alex, namin,” wika ko ng biruin ko ang anak ko na kilitiin sa kilikili niya at gigil na hinalikan kaya lalong lumakas ang tawa.
Humagikhik ito ng sobra kaya kami ni Nanay Hiyas, napa bungisngis na lamang. Kahit din ang mga katabi namin sa ward. Nakangiting pinagtinginan kami.
Sabi pa, ang 'guwapo' raw ng anak ko. Of course, guwapo rin naman ang Tatay ni Alex. Hindi lang talaga maputi si Teng ngunit hindi rin naman maitim.
Umuwi na si Mutya. Kasama ko si Nanay Hiyas, pareho na kaming pinatatawa si Alex habang kalong ko ang anak ko sa aking hita.
Parang wala ng sakit ang anak ko kaysa kanina ng naabutan ko na sinasayaw-sayaw siya ni Nanay Hiyas dahil sa paghikbi-hikbi.
“Wow wala na yata sakit ang apo ah,” sabi pa ni Nanay Hiyas na kina hagikgik ulit ni Alex. Akala ay binubulaga siya ni Nanay Hiyas. Nagkukuyakoy pa ang magkabilang paa sabay hahagikhik.
Parang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Inaantay lang din namin na dumating si Doktora. Mamaya kasi ang iskedyul na iikot ito sa mga pasyenteng naka confine sa ward. Kanina kinausap ni Mutya, ang mga duty nurse bago umuwi ang kaibigan ko
Ang sabi nga nine thirty raw iikot sa ward tama lang malapit na rin kasi hawak na namin ang result ni Alex.
Hindi man ako Doctor ngunit nakita ko sa result ng laboratory ni Alex. Okay naman ang poops niya. Aantayin lang din namin si Doktora na dumating dahil siya ang higit nakakaalam sa result upang basahin.
“Nay, matulog ka po muna ako na ang bahala kay Alex. Hindi naman na siya irritable. Mukhang gusto lang yata ng anak ko na umuwi ako,” biro ko pa nakatingin kay Alex aba sumagot kaya natawa ako.
Para nga naman nagkakaintindihan kami sinagot ako ng sinagot kahit hindi ko maintindihan ang baby talk ni Alex, labis akong natutuwa.
“Sige na ‘nay, ako na ang bahala sa gwapong ‘to,” sabi ko pa kay Alex aba tuwang-tuwa ang bata sinagot ako.
“Hindi pa naman ako inaantok. Sige lang, Analyn. Mamaya na baka pauwin din naman tayo ngayon sa bahay. Doon na ako matutulog. Pakiwari ko kasi pauwiin din tayo ngayon. Diba baby Alex, kasi magaling na ang apo ko,” wika pa ni Nanay na kinatili ni Alex at kinausap din si Nanay Hiyas.
Bumungisngis ako kasi todo kwentuhan sila ni Alex. May pag-angat pa ng paa ang anak ko. Maingay lang sila ni Nanay Hiyas. Hinayaan ko lang at paminsan-minsan naman ako ang kinakausap ni Alex.
Ang baby pa tsismoso na. Mana sa Tatay niya. May pagka tsismoso rin yan si Teng. Naalala ko mayroon iyon kaibigan, madalas may pinag-uusapan kung hindi ako nagkakamali ‘Ding’ ang pangalan noon. Kapag tatanungin ko kung anong pinag-uusapan. Wala raw, sila lang talaga ang nagkakaintindihan noon mukhang tanders din iyon katulad ni Teng.
Dumating si Doktora. Iyon nga kaya naman pala si Alex, nagtatae at nilagnat dahil nagngingipin na ang anak ko. Wala naman din sipon at ubo na possible na dahilan sa lagnat.
Nag-ask kung start na ba or na notice na namin nagngingipin na ang anak ko. Sabi ko hindi ko pa napansin. Ayun nga tingnan ni Dotora kaya pala dahil nga sa ngipin.
Na check kasi ang gums ni Alex. May tumutubong ngipin. Hindi kasi namin in-expect kasi six months old pa lang kasi ang anak ko.
Sabi ni Doktora ay pwede na raw mag ngipin ang six months old. Normal lang daw nilalagnat basta alalay lang sa paracetamol. Sa pag poops lang ang mahirap kasi nga pwede ma-dehydrate si Alex. Ngunit ngayon na observe ko wala pa naman laman diaper nito.
Nakauwi kami kinabukasan na rin, dahil wala rin office sa discharge para makalabas kami. Ngunit alas-otso naman ng umaga nakalabas na kami ng hospital.
“Woah…ang galing naman ng anak ko may ngipin na,” natutuwa ko pang sabi sa kaniya naglulundag ito sa hita ko nakatayo.
“Pa-pa-pa,” sabi nito. Nagkatinginan kami ni Nanay Hiyas.
Napalunok ako. Bakit naman naalala pa tawagin ang Tatay n'yang masungit. Talaga naman anak ko Oo. Ako ang kaharap niya, ngunit si Teng ang hinanap. Anak ng ‘Teteng talaga oo’ narinig ko ang bungisngis ni Nanay Hiyas, mukhang naririnig ang aking sentiment.
“Hija, paktay ka r’yan sa baby Alex natin. Mukhang naghahanap na ng Papa. Kung tanggapin mo kaya ang panliligaw ni Captain Akhiko. Aba hindi ka naman lugi sa binata. Guwapo, may kabuhayan din naman kahit hindi mayaman ngunit may munting business. Hindi rin mahirap. Ang maganda roon ay mabait si Kap. Aki. Kung kabataan ko pa magiging crush ko iyan si Kap. Aki,” tudyo ni Nanay Hiyas sa akin.
Ang tinutukoy ni Nanay Hiyas na si Akhiko ay Barangay Captain namin, dito sa aming lugar. Bata nga kung tutuusin ngunit mas matanda pa rin si Kap. Aki, sa akin. Twenty nine na kasi ang binata guwapo rin kaso lang hanggang kaibigan lang talaga ang binigay kong sagot sa binata.
Kung natuturuan lang ang puso kung sinong gugustuhin. Bakit hindi. Kasi kahit noong buntis pa ako. Manliligaw ko na iyan si Kap. Aki. Kaso lang tingin kaibigan lang talaga at alam din nito na focus ako kay Alex. Isa pa tanggap ni Kap. Aki, na single mom ako. Mabait din ang mga magulang nito wala nga sanang problema. Hindi ko lang talaga ugali ang magpaasa ng tao. Ayaw ko kasi manligaw ‘to sa akin ng matagal, pagkatapos sa huli ay basted din, maigi nang maaga tinapat ko siyang hanggang tropa lang talaga kami.
“Siya pa rin ba?” anang ni Nanay Hiyas.
Tipid akong ngumiti. Umiling ako bahala na kung hindi maniwala si Nanay Hiyas.
“Ang Nanay Hiyas bakit naman napunta sa ama ni Alex ang usapan,” kandatulis ang nguso na sabi ko.
Tumawa si Nanay Hiyas. “Kahit tumanggi ka nakikita naman sa iyong mga mata. Siya nandiyan na bahay natin,” sabi nito kaya napalingon din ako. Oo nga napahaba ang aking pag-iisip buti si Alex, nasa mood lang palinga linga sa paligid.
Sinalubong kami ni Mutya kinuha ang aking dinala kagabi na gamit.
“Wow…magaling na ang aming baby Alex. Halika sa Ninang ganda bilis,” sabi pa ni Mutya.
Sumagot si Alex nagtawanan kami dahil kasama inangat ang kamay.
“Ang bright jud kaayo ng inaanak ko,” biro ni Mutya mag Bisaya pa.
Nakakatuwa ang bilis nga ng panahon. Baka hindi ko lang mamalayan isang taon na ang anak ko.
“Ma-ma, ma,” sabu nito kinangiti ko ng todo. Gustong-gusto ko kapag naririnig kong tinatawag niya akong Mama, kahit ilang ulit ko sabihin na ‘Nanay’.
Siguro para sa kaniya ay mas mabilis niya iyon mabigkas kaya iyan ang laging tinatawag sa akin.
Kahit ano naman ang itawag niya sa akin mahal na mahal ko siya hindi ako papayag kung sakaling malaman ni Teng, na nagkaanak kami at kukunin niya ang anak ko dahil bubuo na siya ng sarili niyang pamilya.
“Mabuti talaga matapang ang apo ko. Naku iiyak lang pero malakas,” sabi pa ni Nanay Hiyas. Nakasunod kami sa likuran ni Alex at Mutya ngunit nakaharap naman ang anak ko sa amin kinakausap ko rin.
“Mana po ako sa inyo Lola Hiyas, matapang kahit na single ay pinalaki po ang Tita Mutya ko,” sagot ko sa kaniya saktong lumingon si Alex sa likuran namin tumili parang sumasagot.
Kumislap ang mata ni Nanay Hiyas dahil sa aking sinabi.
“Salamat Analyn, dahil hindi mo kami itinuring na iba,”
“Ako nga po ang dapat na magpasalamat. Kung hindi dahil sa inyo, baka po wala akong maayos na silungan ngayon. Isa po kayo sa itinuturing kong blessing dahil noong mga panahon na walang-wala ako, kayo ni Mutya ang kumupkop sa akin kahit hindi n'yo ako kilala wala akong narinig na masamang salita galing sa inyong dalawa."
Hindi nakasagot si Nanay Hiyas, dahil tumili si Alex, kaya nagtatawanan kaming lahat.
“Ang bibo sumagot ni baby Alex,” sabi pa ni Mutya hinalikan sa buhok ang anak ko.
Sasagot na dapat ako ng mayroon tumikhim sa aming likuran at tinawag ako ng walang kasing lamig ang boses niya.
“Analyn,”
"T-Teng...." natigilan ako.
Madilim ang mukha at umiigting ang panga ng bagong dating na si Teng. Napasinghap ito at napatingala ngunit sasandali lang din tila ba nagpakalma lang si Teng. Dahil pagkatapos galit ulit ang mata titigan ako.
Marahas akong napalunok nang makita ko ang galit sa mga mata ni Teng at palitan kami tinitingnan ni Alex. Mali, sa akin lang pala siya galit kapag titingin. Dahil kapag napupunta kay Alex ang kaniyang mata. Nagkaroon ng ulap. Lumalambot ang bukas ng mukha ni Teng.